webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
39 Chs

24 Buntis

Papunta si Antonia sa kusina nang dumating naman sina Salvador,Enzo at Adlaw. Maaga silang umalis at iniwan ang bahay pagamutan sa mga itinalaga nilang aliping bantay.

"Magandang gabi,Pinuno." Bati ng tatlo kay Ramses.

"Tumuloy kayo." pag anyaya niya sa kanila na tumuloy at maupo kasama nila sa sala.

Naupo si Enzo at Salvador habang nakatayo naman si Adlaw na pinagmamasdan ang mga dayuhan.

"Mga ginoo, ipinakikilala ko sa inyo ang aking mga tapat na alagad, sila ay sa mga mahaharlikang pamilya na sumumpang maglilingkod sa aming bayan." pagpapakilala ni Ramses.

"Senyores, me gustaria que conocieran a mis leales soldados." sabi ng translator na hinati ang diskripsyon at hindi na binanggit na sila ay sa mga mahaharlikang pamilya.

"Si Salvador at Lorenzo. Sila ang makakasama ninyo sa maikling pagtuloy ninyo sa aming baryo." dagdag ni Lorenzo.

"El es Salvador y Lorenzo. Te guiaran en tu corta estadia." sabi ng translator.

Bahagyang nabigla ang mga dayuhan sa nasabing 'maikling pagtuloy' ng mga ito. Ang balak nila ay sakupin ang nakatagong baryong ito upang sumailalim sakanila at sila ang magiging bagong pinuno ng baryo.

Naging magkaibigan ang nakatataas sa kanila sa isang Datu kaya't naging mapayapa parin ang lugar na pinagdaungan nila na hindi kalayuan sa baryong kinalulugaran nila ngayon habang ang ibang mga kasamahang dayuhan ay kasalukuyang nanakop na sa ibang mga lugar.

Nagkasundo ang isang Datu at isang Espanyol na Eksplorer na maging magkaibigan. Kaya't ang mga kasama nitong dayuhan ay pinatuloy sa lugar ng may mainit na pagtanggap. Ngunit sa kabila ng mabuting pagsasama ng Datu at Eksplorer may mga kasamahan parin itong nagbabalak at nagkakaninteres sa mga lupa dahil sa mga yamang kalikasan nito. At kaisa sa mga ito ang tatlong bisitang dayuhan nila ngayon.

"Muchas Gracias." pagpapasalamat ng isa sa kanila na mukhang lider ng tatlo ang dayuhang laging naka akbay sa Ama ni Lorenzo. Ginagaya nito ang pagiging palakaibigan ng kanilang pinuno ngunit may iba itong intensyon.

"Maraming Salamat." sabi ng translator kay Ramses.

"Haha!" inakbayan din ng Ama ni Ramses ang dayuhan at nakipagtawanan dito.

"Relajarse,Podemos planear esto mas adelante." sabi ng dayuhang lider sa dayuhang mainitin ang ulo na humalik sa kamay ni Kimmy kanina. 'relax,magplaplano tayo mamaya' sabi niya sa kanya.

"Ellos veran." sagot ng mainiting dayuhan na bahagyang nagkalma. 'makikita nila' sabi niya.Tinignan niya ng masam ang translator para ibahin ang sabihin nito sa kanila.

"Nagugutom na raw po sila." sagot ng translator na kasinungalingan.

"Donde nos quedaremos?" tanong ng isa pa kung saan daw sila mag iistay niyan.

"Puedes vivir conmigo." sabat ni Enzo sakanila. Sinabi niya napwede silang mag stay muna sa kanila.

Nagulat ang tatlo sa sagot ni Enzo. Hindi nila inakalaing may nakakaintindi pala ng mga salita nila. At siguradong alam nito ang tunay na pag uusal nila.

Matagal na pinag aralan ni Enzo ang mga salitang Espanyol dahil ang history ang pinaka paborito nitong subject noong nag aaral pa sila sa modernong panahon.

Batid ni Ramses ang layunin ng tatlo kahit pa sabihing hindi nito naiintindihan ang mga pag uusap nila ay kaya niyang bumasa ng mga galaw at ekspresyon ng mga tao. Alam niyang nagulat ang mga ito dahil kay Enzo at ito talaga ang plano nila dahil sa paunang balitang ipinahatid ng kanyang Ama. Bakit may mga dayuhang hihiwalay ng eksplorasasyon sa mga kasama nila? Simple. Kung hindi sila espiya, Sila ay traydor sa kanila. Nakita ni Ramses ang pagka ganid sa kanilang mga mata ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ng marahas na hakbang.

"Maupo muna kayo't kumain." anyaya ni Ramses sa kanila na umupo na sa hapag kainan. "Alipin. Ang binibini." utos nito sa isang alipin na ipahain na ang mga niluto ng binibini dahil kahit hindi siya sabihan na luto na ang mga niluto nito ay matalas naman ang kanyang pang amoy at alam niyang tapos na ito.

"Opo Panginoon." pagsunod ng alipin nito.

"Vamos a sentarnos y comer." sabi ng translator sa mga dayuhan, ang pag anyaya ng pinuno sa kanila na kumain.

"Vamos a sentarnos y comer." anyaya ulit ni Enzo na may pag ngiti sa mukha. Hindi nila mawari kung ano ang plano o pakay ni Enzo sa kanila.

Nagtungo naman ang mga dayuhan sa hapag kainan na isinantabi ang lahat muna dahil kahit marunong mag espanyol si Enzo ay wala parin naman silang binanggit sa plano nila. Maaari pa nila itong malusutan. Ngumiti at masayang umupo ang dalawa kasama ang isa pa.

Kanina sa kusina. Habang nag uusap usap ang Pinuno at mga dayuhan...

"Antonia, pakiabot nga ng asin." utos ni Kimmy ng makita niya ang asin na nasa tabi ni Antonia.

"Heto!" Inihagis ni Antonia ang asin na nasa maliit na lagayan. Nashoot ito sa pinapakuluang baka ni Kimmy na para sana sa bulalo. "Ay naku. patawad." biglang pagpapanggap ni Antonia na hindi niya sinasadya.

"Ayos lang." batid ni Kimmy ang pananadya ni Antonia. Buti nalang ay kaunti lang ang asin na nakalagay doon at dinagdagan nalang niya ng tubig pa ang sabaw.

"Paano na iyan Kimmy? Hindi kaya iyan sumobra sa alat?" tanong ni Antonia na nagpapanggap na nag aalala ito. Hindi nito alam na sakto lang ang asin na nailagay dito.

Napatigil ng sandali si Kimmy sa narinig bago magpatuloy sa pagluluto ulit. Hindi ito napansin ni Antonia dahil nag iisip pa ito ng paraan para masabutahe ang pagluluto nito.

Akala ni Kimmy ay naiinis lang si Antonia sa kanya dahil sa balibalitang gusto siyang pakasalan ni Ramses, hindi niya lubos maisip na ang babae ni Ramses ay galing din sa modernong panahon na tumawag din sa kanya sa pangalang Kimmy ibig sabihin ay kilala rin niya ito. Ngunit sino siya. Sino ang babaeng may galit sa kanya. Walang ibang maisip si Kimmy kundi ang bestfriend niyang mang aagaw. Sa pag iisip niyang ito ay tinignan niya ng sandali ang side view ni Antonia habang nanghihiwa ng Sang. "Toni?" bulong niya na may halong pagka gulat.

Pagkatapos ay ngumiti din ito na parang nasiyahan pa sa bagong balitang natanggap niya. So kasama din pala siyang napadpad sa nakaraan.

"Ginang Antonia." biglang tawag ni Kimmy.

"Ay!" Nagulat si Antonia dahil busy itong nanghihiwa ng sang na may siling haba sa loob ng mga ito na kanyang itinatago.

"Gaano na kayo katagal ng Pinuno?" tanong ni Kimmy.

"Mula ng pagkabata ay magkakalaro na kami. Bakit?" tanong ni Antonia na hindi humarap kay Kimmy habang dahan dahang paring inaalis ang mga buto ng siling haba para di masyadong halata.

"Kailan kayo maghihiwalay?" biglang tanong pa ni Kimmy.

Nagulat sa tanong si Antonia kaya't humarap ito sa kanya. "At bakit naman kami maghihiwalay?"

Napansin ni Kimmy ang mga siling haba sa loob ng mga hiniwang dahon ng sang. Nagkunwari itong hindi nya nakita. "Ang ibig ko pong sabihin ginang ay hindi ba minsan ay nakakasawa narin kung lagi kayong nagkikita. Kasi alam mo na. Mula pagkabata hanggang ngayon." sagot ni Kimmy habang nag alis ng tingin kay Antonia at kumuha ng sampung buo ng bawang at sampung buong luya.

"Hindi kami maghihiwalay hanggang sa gawin niya akong Unang asawa." sagot ni Antonia at bumalik sa dating pwesto at dating gawain.

"Nagmamahalan kami ng Pinuno at... at.. at buntis ako." pagsisinungaling ni Antonia para mabakuran niya si Ramses kay Kimmy. Alam niyang ayaw nito sa mga lalaking may anak na lalo na kung hindi ito paninindiganan. Ayaw nitong maging kahati sa atensyon ng magiging asawa niya.

Bahagyang nalungkot si Kimmy. 'Hmp. Edi kayo na! Kayo na wagas na nagmamahalang dalawa mga walang hiya kayo. Magsama kayo mga haliparot.' panggagalaiti nito sa loob ng puso niya. Aba teka. Bakit siya nagagalit? nagseselos ba siya?

"Tulungan mo po akong manghiwa at magbalat ng mga ito ginang." Binigay niya kay Antonia ang mga bawang at luya.

"Lahat ito?" natuwa naman si Antonia dahil mas siguradong masasabotahe niya ang mga lulutuin nito dahil dadagdagan niya ang mga ito ng sili pang haba.

"Opo ginang. Pakidurugan po ninyo ng pino." sagot ni Kimmy. 'Huwag mo akong sisisihin, ginusto mo yan. Magdusa ka.' sabi ng puso ni Kimmy habang siya naman ay naglagay ng mga buong paminta sa bulalo. Hindi naman niya ito gagawin kung hindi siya nito inunahan.

Hindi pa alam ni Antonia ang maaring mangyari sa mga kamay niya pagkatapos na balatan at paghiwahiwain ang mga bawang at luya idagdag pa ang sili na gusto niyang ipansabotahe kaya't masaya itong nanghiwa.