webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 21: Meant to Happen

Benedict's POV

Kawawa naman pala tong tropa ko.  Nakwento niya na kase sa akin yung mga nangyari. Hindi ko rin naman magawang masisi si Justin sa nangyari kay Paul. Justin is innocent when it comes to love. Gaya ng sabi niya dati sa amin, never pa siyang nagkakaboyfriend so everything about it is new to him.

"Okay lang yan pre. Wala namang may gusto sa nangyari. Mag move on ka nalang siguro. Maging masaya nalang tayo para kay Justin."

"Yeah. I guess so. Baka ganun lang talaga. I just didn't imagine love could be this hurtful. Iba pala talaga pag naranasan mo na."

"Oh wag ka ng magdrama pre. Move on na nga tayo di ba?" 

"Haha oo nga sinasabi ko lang. Kaya ikaw gawin mo lahat para mas tumagal pa kayo ni Bry. Make everyday worth it. Understanding one another is really important."

"Ewan ko sayo na broken ka lang naging makata ka na. Basta madami pa dyan okay?"

"I don't know. Hindi ko alam kung may papalit pa sa kanya. Justin is one of a kind. Kaya nga nahulog ako dun. Ginayuma ata ako."

""HAHAHAHA ang kapal naman daw ng mukha mo pre. Grabe." natawa nalang din ako sa sinabi ni Ben.

"Cheers to my broken heart!"

"Cheers!" saka naman pinagtoast yung iniinom naming softdrinks.

"Alam mo pre samahan nalang kita maghanap ng bago." 

"Ikaw talaga. May syota ka na babaero ka pa din." sagot niya.

"Sira! Ikaw lang naman ihahanap ko eh."

"I can't replace Justin like that so easily. It takes time. Inom nalang tayo."

"May next class pa tayo sira ulo ka talaga."

"Malamang after nun. Hay nako Benedicto." napakamot nalang din ako sa ulo sa sinabi niya. Oo nga pala.

---

"Pre CR lang ako ha. Kita nalang tayo sa gate okay?" Paalam ni Paul sa akin ng matapos ang klase namin. Tinanguhan ko nalang siya bilang sagot.

Habang nag aayos ako ng bag ay tinawag ako ni Bry.

"Oh baby bakit? Miss mo na ako agad?" Binatukan naman niya ako sa sinabi ko.

"Sira ulo ka talaga. Magkasama tayo tapos miss kita agad? Kahit nga 1 week tayo di magkita okay lang eh." Pang aasar niya.

"Ang sama ng ugali mo ha. Pag tinotoo ko yan kala mo talaga." Inis kong sagot na ikinatawa niya.

"De, serious na."

"Oh ano ba yon?" 

"Justin needs our help." Agad ko naman nilingon ang kinauupuan ni Justin at binigyan naman niya ako ng pilit na ngiti.

"Sure. Tungkol daw ba saan?" 

"Syempre dun sa kaibigan mong bughaw yung buhok."

Okay. Parang alam ko na kung saan papunta to.

"Sige. Game ako dyan."

Dinetalye naman sa akin ni Bry yung pakiusap ni Justin. Sekreto lang daw muna to at baka pumalpak pa. Binigyan ko naman ng thumbs up si Justin.

Hope this works.

Dylan Rafael's POV

"Pwede ka bang makausap?"

Bungad ko kay Paul ng makalabas siya ng restroom. Namataan ko kase siyang pumasok dito kanina pagkagaling ko sa cafeteria. Guess it's the perfect time to talk to him since bibihirang magkrus ang landas namin.

Bahagya naman siyang nagulat ng makita ako but he managed to be calm and wear a poker face.

"About what?" Tanong niya habang nagpupunas ng kamay.

"Tungkol kay Justin." napangisi naman siya sa sinabi ko.

"What for? I'm done with him. He's all yours."

"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Ngayon pa na alam kong hindi na ako ang laman ng puso niya." Bigla naman siyang napalingon sa akin na may halong pagtataka.

"Ang bilis palang makahanap ni Justin ng ipapalit sayo. Good for him. At least hindi niya na pinagsisiksikan sarili niya sa katulad mo. Maybe he realized how worthless you are."

 Kung di lang ako nagkaatraso sa bwisit na to kanina pa  lumanding kamao ko sa mukha niya.

"Siguro nga. Baka nga ganun nga ang dahilan ni Justin. Maybe he chose that someone who will really appreciate every bit of him. Baka mas pinipili niya yung taong inaasahan niyang hindi siya susukuan. Yung alam niyang mahihirapan yung taong yun pero lalaban pa din." 

Tahimik lang siyang nakikinig sa sinabi ko. Siguro naman alam niya na siya ang tinutukoy ko.

"Alam kong malaki ang pagkakamali at pagkukulang ko sa kanya bilang kaibigan niya. Hindi naman ako perpektong tao para makita ang mga gusto niyang ipahiwatig sa akin noon." Pagpapatuloy ko.

"Hindi mahirap mahalin si Justin. Any person that he will meet will surely love him. His traits, his flaws and every part that makes him special. Justin would do anything for someone that he treasures a lot. But I failed to see that side of him. Tama ka nga siguro, I'm a jerk. Naging makasarili ako to the point na nababalewala ko na siya. Kung di pa siya nagsabi ng nararamdaman niya hindi ko pa malalaman."

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng to sa akin ngayon?" tanong niya.

"That you shouldn't give up  on him."

"I don't want to bet on something unsure dude. So save your words, I don't need them." saka siya nagsimulang maglakad palayo.

"Look pare, I'm really sorry. Kung ano man ang nakita mo nung gabing yun kasalanan ko. Hindi ginusto ni Justin yung nangyari that time. I was the one who kissed him. Lasing ako, akala ko si Mira ang nakita ko. Kaya sana wag mong isiping niloko at pinaasa ka lang ni Justin."

Huli ko na mapansin ang pagtama ng kamao niya sa akin.

"Well fuck you! Gaano ka kasama para paglaruan yung nararamdan ni Justin?! Alam mo kahit lasing ka alam mo yung ginagawa mo! Triple yung sakit na binigay mo sa kanya nung ginawa mo yun!" tahimik lang akong tumayo mula sa pagkakabagsak ko kanina.

"Bestfriend pala ha? Tss. You're just the worst friend that I have known. Buti napagtyagaan ka pa niya."

"You can say that. Pero paninindigan ko pa rin ang pagiging bestfriend ko sa kanya. Kaya andito ako para klaruhin lahat sayo.I already did what I must do. Justin deserves to be happy, and I know it's you who will make this possible." saka ko siya iniwan.

Agad ko namang tinungo ang kinaroroonan ngayon ni Justin.

"Oh kamusta? Oh teka anong nangyare dyan?"

"Ayun, nasapak. Nakakailan na sa akin yang manliligaw mo ha?"

"Ayus lang yan. So ano nasabi mo?"

"Wow Justin, ramdam ko yung simpatya mo sa nangyari sa akin." bahagya naman siyang natawa. "Nasabi ko pero parang nagdadalawang isip pa eh. Nasaktan talaga siya."

"Ganun ba?" saka siya napayuko. "Huwag nalang kaya nating ipilit Dylan?"

"Ano ka ba? Pati ba naman ikaw susuko na din?"

"Eh ano pa bang dahilan para ipagpatuloy kung ayaw na niya? Di ba?"

"Hindi ba't mas nakakapangsisi kung wala kang gagawin, di ba? Mabuti na yung tinry mo at least gumawa ka pa din ng paraan kahit alam mong medyo dehado na."

"Sabagay." 

"Alam kong mahal ka pa rin ni Paul. I can see it in his eyes. Besides, may one chance ka pa. Go for plan B!" binigyan niya naman ako ng pilit na ngiti at tumango.

"Alam mo uwi na lang muna tayo sa inyo nagugutom na ako eh." 

""Tignan mo tong timawang to. Halika na nga!" natawa nalang din ako sa reaksyon niya.

---

"Bes everything is okay na. Nakausap na namin si Paul at napapayag na namin siya. Makikipagkita na daw siya sayo bukas." saad ni Bryan.

"Talaga?!"

"Syempre naman Tin! Saka di ka naman matitiis nung pare kong yun." singit naman nung Benedict sa usapan.

"Ganda mo pa din talaga bespren. Iba ka." pang aasar ko.

"Ewan ko sayo."

"To naman tinry ko din naman na mapaamo yung manliligaw mo." natawa naman siya sa pagdadrama ko.

"Joke lang to naman. Salamat pa din. Alam ko namang ginawa mo ang lahat. Naipaliwanag mo naman sa kanya yung mga nangyare. Sapat na sa akin yun. It's on me now."

"Kaya mo yan bes. Nakasuporta kame sayo." bigla namang naiyak tong si bansot.

"Oh teka teka walang iyakan!" ang natatawang sambit ni Benedict.

"Sorry, masaya lang ako kase andyan kayo para sa akin."

"Shhh. ang laki laki mo na iyakin ka pa din" saka ko siya niyakap. "Andito lang kame para sayo. Oh guys! Group hug!" agad namang lumapit yung dalawa.

"Justin, may this be ever in your favor!"

"Ewan ko sayo kakaulit mo ng panunuod ng Hunger Games yan eh!" saka kame nagtawanan lahat.

Paul Adrian's POV

9:47 AM.

Standing in this park. Waiting for that someone. Nag aantay sa taong dahilan kung bakit tila hindi na madalii pang muli para sa akin ang magmahal at magtiwala.

Pero andito ako ngayon. Binibigyan ang sarili ng isa pang pagkakataon sa isang bagay na walang direksyon. Am I being weird? Iba na epekto neto sakin. Could you blame me for loving? Is it wrong to keep hoping?

I just let out a deep sigh at chineck ang orasan.

"Hay nako Justin." It's almost 10AM  pero wala pa din siya sa oras ng napag usapan. 

Few minutes have passed unitl I saw him running towards me. I gave him time to gasp some air until he's finally able to talk.

"Hi. Sorry. Kanina ka pa ba?"

"Nope. I'm just early."

"Ah ganun ba, sorry ang traffic lang talaga kase. Ang layo naman kase netong napiling lugar nila Bry… at … Bene…"

"I guess talagang kasama pala talaga sila dito sa plano mo." nginitian niya lang ako saka tumango.

"Balita ko may gusto ka nga daw palang sabihin. What is that?"

"Ah kase ano…"

"Make it fast. May gagawin pa ako. Kase kung di naman importante yan baka pwedeng sa school nalang pag usapan."

"Wait lang naman Babe! Ano Paul." pinigilan ko namang mapangiti sa sinabi niya. Grabe yung feeling na marinig ang salitang yun sa taong gusto mo. Tang ina Paul umayos ka. Wag kang bibigay agad!

"So ano na? Antagal naman." kunwari nagsusungit ako.

"Eto na nga eh." Then he took a deep breath. "I'm sorry." panimula niya. I sat at the bench beside me and listened to him. This is it. It's all or nothing.

"Sorry for everything. Sorry for being blind. I see all your efforts but I pretended that I didn't. Sorry because I did not open my heart for someone as courageous as you are. Sorry for being stupid. Andyan ka na pero pinili ko pa ding magpakatanga sa iba. Sorry for keeping secrets that might have an impact on you. Sorry for the times I'm with you but my mind is thinking of someone. Sorry kung late ko na narealize yung halaga mo. Sorry for taking you for granted.. and... sorry for all the pain I've caused you. I really am sorry." then his tears began to fall.

"You don't have to be sorry Tin. I already told you that it's not your fault."

"It is. It is Paul. Hindi ka naman lalayo kung wala akong ginawa eh."

"I did that for us to realize that not all we wanted will be granted. Hindi natin hawak ang mga mangyayari. We belong to those people that found someone to love but never ended up having it back. Ginawa ko yun para mabawasan yung sakit na nadudulot natin sa isa't isa. So, please don't blame yourself Tin. Okay?" napatango nalang din siya.

"P-pero pwede pa naman mabago di ba? Can we still give ourselves another chance? Can we make Tin and Paul happy?"

I just stared at him for a moment. How can I be so damn in love with this guy? How can I say no? How can I let this moment to slip? Call me stupid but I just love him so much.

"Are you sure with that Justin?"

"Yes!" saka niya pinunasan ang mga luha niya. "E-eh i-ikaw ba?"

"Hmm... is it okay kung pag isipan ko muna." pang aasar ko. Nakita ko namang bigla siya nalungkot.

"Oo naman. S-sure." Saka siya napayuko.

"Lika nga dito." then I had my arms open. Lumapit naman siya saka ko siya niyakap.

 "Do you really think that I will still think about it? Sobrang mahal kita kaya yung mga ganung tanong hindi na dapat pinag iisipan." naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya.

"Mahal din naman kita." 

"Ano? Pakiulit nga di ko kase narinig."

"Kainis ka.'' Then he buried his face even more to my chest.

"Di ko nga narinig. Ang hina kase ng boses mo pero kapag nang asar ang lakas."

"I LOVE YOU PAUL ADRIAN TAN! Okay na? Happy?" sigaw niya na ikinatawa ko. But dude, hearing those words put thousands of butterfly in my stomach. Damn.

 

Kumalas ako sa yakap namin. I held his chin up.

"I love you too Justin Klyde Ocampo. More than everything." ikinangiti naman niya ang mga sinabi ko. I lean closer to him and closed my eyes but only for me to feel his palm over my face.

"Anong ginagawa mo?"

"Kiss you? Ano ba dapat next na gagawin?"

"Wow naman. Saan mo naman nakuha yang idea na yan?"

"Uhm, Netflix?" then I heard him chuckle.

"Netflix pala ha. Para sa magjowa lang yung kiss thingy Babe."

"Oh bakit? Hindi pa ba tayo magboyfriend?"

"Hinde."

"Are you playing games again Justin?" inis kong tanong.

"I'm not. Hindi mo naman ako tinanong eh."

"My goodness! Is that even needed? Babe naman!" reklamo ko saka siya napahalakhak.

"Aba anong tingin mo sa akin easy to get?"

"Oo. Andito ka nga ngayon sa tabi ko." Pang aasar ko.

'Hoy! Wag mo nga binabalik--" 

"Ang daldal mo kasi Babe. Di ko napigilan." saka siya napahawak sa labi niya. 

"So, Justin Klyde Ocampo, Babe? will you be my friend? Will you be with me in all my life adventures? Will you make me the happiest man?...will you be my boyfriend?" 

Napatitig lang siya sa akin.

"Antagal namang sumagot."

"Yes!" Saka siya yumakap ulit sa akin. He even jumped towards me. Talk about tiny people. Joke! Magalit na naman to. "I'll be with you Babe, always."

"Talaga?"

"Yes. Promise"

"Then, will you stay with me in my apartment?" agad naman akong nakatanggap ng batok.

"Medyo OA ka dun. Gusto mong palayasin ako ng nanay ko?" natawa naman ako sa reaction niya. Nakapamewang pa kasi. HAHA.

"I guess you're mine now Babe.."

"Yeah you can say that."

"Wow parang di ka pa sang ayon."

"Wala akong sinabi." saka siya naglakad palabas ng park.

"Ah ganun ha?" saka ko siya hinabol at kiniliti. 

"HAHAHAHAHA tumigil ka nga!"

"Then say you're mine." 

"Hahaha ayaw!"

"Then I won't stop!" saka ko siya kiniliti ulit hanggang sa mapaupo na siya sa damuhan.

"Okay! Okay! HAHAHAHA sasabihin ko na!" I stopped tickling him as we both gasped for air. Tinabihan ko naman siya agad and enclosed him around me.

"I'm waiting Babe." Nginitian naman niya ako bago siya nagsalita.

"I am yours Babe." this time we did not waste any more second as we got closer and cherished another kiss.

Then we heard screams and clappings in the middle of our kiss. Mga panira ng moment. Tsk.

"OMG!!!! Bes mag explain ka nga!"

"Grabe tol hindi ka naman nagsabi na marupok ka din pala!"

"Shut up Ben!" bulyaw ko.

"I guess okay na kayo. May tukaan ng naganap eh." ikinatawa naman namin ni Justin ang sinabi ng bestfriend niya.

"So what's the score bes?"

"Oh babe, answer Bry."

"Excited ka?" Napatawa nalang ako sa pagtataray niya. 

"So ano na nga bes?"

"Isa ka pa bakla ka! Oo kame na." saka siya napayuko sa hiya. Cute. 

"Yes!!!! Congrats sa inyo!!!!" ang di mapigilang tuwa ni Bry. kung ganyan tumili si Babe mabibingi ako.

"Oh Paul saan ka manlilibre?"

"Bakit nung naging kayo ni Bry nanlibre ka ba?" pang aasar ko. "Hahah just kidding. Saan niyo ba gusto?"

"Yaman mo ha?" pang aasar ng bulilit sa tabi ko.

"Mayaman talaga ako. Andito na kase sa tabi ko yung pinakamamahal ko."

"Ewan ko sayo halina nga kayo. Sa jollibee nalang tayo guys." saka siya sumabay palabas sa tropa. Napangiti nalang ako.

I just can't imagine that from all this pain has caused the two of us, there's still a chance for us to be together. Happily. I guess when things seem to get blurry, try to wipe them out with positivity. 😊