webnovel

Ivana Monte Verde

Hindi ako manhid, sadyang alam kung magtago ng nararamdaman.....

Hindi ko gustong kaawaan ako o maging pabigat sa kahit na kanino. Hangga't kaya ko, hanggang may solusyon, sinasarili ko ang mga Problema. Seeking for help or asking for it is not a cowardice pero this is my own burdens, tulad ko may problema din sila and I don't want them to shoulder my burdens too.

"Ivana, hihingi sana ako ng pabor kung pwede lang. Tumawag kasi si tito sabi sasabay na raw sila mag process ng documents eh ang problema wala sila matutuluyan, pwede ba sila dyan makitira sa bahay mo?" ani Lenette sa telepono

"Opo ate, ilan po ba sila?"

"13 na barako plus ako, bali 14 kami lahat"

"naku madami pala pero kung hindi maarte yung iba kakasya naman"

"naku, walang maarte sa mga yun, mga brosko sanay sa tiis-life"

"sige ho ihahanda ko lang mga kwarto na tutulugan nila. "

"ah sige, sasabihin ko na rin na may matutuluyan na sila"

Naglinis ako ng buong bahay, bumili ako ng apat na fluffy bed mat instead of banig dahil malamig sa floor lalo at tiles.

Tanghali na nung dumating si ate Lenette.

"hi, ang hirap magbyahe, traffic pa sa edsa"

"buti di kayo inabot ng dilim"

"oo nga eh, buti rin di mahirap hanapin tong address mo. "

"tara na ho sa loob"

May dala syang dalawang maleta

"akala ko ho sabay sabay na kayo luluwas"

"bukas pa sila, nauna lang ako"

Tumango lang ito

"nagluto po ako, tara kain na tayo"

"uy, adobong manok! Namiss ko luto mo"

Halatang sabik ito sa mga luto nya. Abot hanggang tenga ang ngiti ng ginang.

"dito ho ako matutulog sa couch"

"ay bakit dyan, sasakit likod mo"

"di po, sofa bed naman sya at tyaka dito talaga ako natutulog. "

"sigurado ka?"

"opo, pili na lang kayo kung saang kwarto matutulog"

"dito na lang sa baba para malapit sa banyo, ihiin ako eh" sabay ngiti

Prangka talaga si ate Lenette. Wala syang kinakahiya

Kinabukasan

Namalengke sila ng mga iluluto para sa mga bisita.

Dahil mga barako bumili na rin sila ng isang sakong bigas.

Busy sila sa paghihiwa ng ingredients ng chopsuoy ng may nag door bell.

Nagpresenta si ate Lenette na sya na magbukas ng gate.

Isinalang na nya ang kawali at isa isa na nyang ginigisa ang mga ingredients.

Medyo maingay sa labas, obviously sila na yun.

"eehhhm ang bango ah nakakagutom!" sabi ni Cholo

"oo nga ang bango!" segunda ni Adrian

Pumasok na sila sa loob.

Si ate Lenette ang umasikaso sa kanila. Lima sa isang kwarto, Sa kabila lima din.

apat sila ni ate Lenette. Mga pinsan ang mga kasama.

Ilang miuto lang tapos na ang kanyang nilutong ulam.

Sumunod ang pretong galong-gong. Gumawa na rin ako ng special sauce.

"Ivana, may tumatawag sa fon mo"

Si ate Lenette na ang nagprepare ng dining.

Pagpasok ko sa living nandun ang iba. Natahimik bigla ng makita ako. Ganun siguro kapag bagong kakilala

Lumapit ako sa couch para kunin yung telepono.

"Hello"

Inilayo niya ng bahagya ang telepono sa ingay ng nasa kabilang linya

"Tapos ka na ata maglakad ng papeles mo, pahiramin mo naman ako kahit ine hundred thousand lang"

"wala ako maipapahiram na ganyan kalaki ate"

"ang sabihin mo ayaw mo, para kay Bianca naman yun, ibibili ko sya ng Iphone11.

"po, eh meron naman mura"

"Hindi pwede, naka Iphone11 na mga kaklase ng mga classmate ng pamangkin mo."

"ate, ang bata pa ni Bianca at tyaka dap--"

Hindi na sya natuloy sa sasabihin ng magsalita ang kausap sa kabilang linya.

"Huwag mo ako umpisahan. Kung ayaw mo sabihin mo hindi yung pangangaral ka eh panganay ako sayo. Mas alam ko ginagawa ko kaysa sayo! Kung ayaw mo huwag mo, maramot ka. Mayabang pa!"

Binagsakan sya ng telepono

Bumuntong hininga sya at napakamot sa ulo

"kain na" anyaya ni ate Lenette

Hinubad nya ang aptron

"oh, Ivana tara na"

Tumango lang ito

Papunta sila ng dining area

Andun na silang lahat.

Pinakilala muna ni ate Lenette sila isa isa.

Napahinto ako sa Pamilyar na mga mata. Ang mga matang dati ay madalas kung nakikita sa aming video call. Minsan ng nagpasaya sa akin na hindi rin nagtagal. Hindi talaga magiging sayo ang isang bagay kapag hindibpara sayo (hindi ki akalain na isa siya sa mga makikituloy dito)

Palihim itong nag iwas ng tingin. Ganoon din ang lalaki.

A/n: Huwag kang mahuhulog dahil wala namang sasalo, masakit kapag bumagsak ka dahil walang dadamay sayo. 😁

"Si Ivana Monte Verde nagluto nyan" wika ni Lenette

"oa mo te Lenette, full name talaga?" ani Ivana na napailing pa

Nahihiya ako sa ginagawa ni ate Len, hindi ko rin siya pwedeng suwayin baka mas lalo lang siya mag brag.

"eh hayaan mo na." nagkangitian ang dalawa."

Napakamot na lang ako ng ulo sa tinuran ni ate Len.

Sarap na sarap sila sa pagkain.

"Ang sarap ng chopsuy! Pano mo natutunan magluto ng ganito kasarap?" ani Leo ang pinakamatanda sa kanilang lahat

"sa Youtube" simpleng sagot

"ohh,ako nga marami akong napanood na cooking show di ko matansya" ani Rey

"Di ka lang talaga marunong magluto" pambubuka ni Jon

Tumawa sila sa pang aasar ng kasama

"magaling talaga magluto si Ibyang, nung nasa China pa kami. Sya ang taga luto! Pati mga intsik nasarapan sa luto nya. "

Sasagot na sana sya ng tumunog ulit ang telepono

Sinagot nya ito.

"Ibyang?" tanong ni Drew

"oo" Nickname niya ani Lenette

"sabi ni mama may pera ka daw sa bangko mga 600,000 pa daw ata yun. 100,000 lang hinihiram ko ibabalik ko rin."

"ate, magpaparenovate ako ng bahay. Gagastusin ko yun."

"eh aalis ka naman, tyaka na yang bahay mo"

"ate, sisimulan na erenovate ang bahay. Kailangan ko rin ng pera"

"ang sabihin mo ayaw mo lang. Pwede mo namang epostpond yan eh kung gusto mo! Porket pumunta ka lang ng ibang bansa, nagkapera ka lang ka la mo kung sino ka na!"

"ate__" Di pa nya natatapos ang sinasabi ay binabaan na uto ng telepono.

Nagbuntong hinga ito at napahimas sa gilid ng leeg.

Huminga ito ng malalim at muling bumalik sa dining.

"ate mo nanaman, tigil tigilan ka ng ate mo sa pangungulit dahil pinag hirapan mo kitain ang pera mo?" bungad na tanong ni te Lenette.

Tahimik siyang umupo at tinapos ang pagkain

Naikwento ko sa kanya ang istorya ng buhay ko kaya alam nya ang nangyayari. Sa isang taon ko sa China, naging malapit kami ni ate Lenette, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang isang nakakatandang kapatid. Sya ang nag reremind sa'kin ng mga bagay bagay. Nag aadvice, nagpapatawa, kadamay kapag may umaaping chikwa.

Hindi na sya naiiba sa akin. Kung ituring namin ang isa't isa ay parang tunay na magkapatid.