webnovel

Chapter 8: Hide and Seek

Magkakasama na silang apat, sina Edwin, Glen, John, at ako patungong timog silangan, nagsitigil sila sa kakalakad nang may makita silang halimaw na nagpiyestahang kainin ang tatlong lalaki. Kailangang mapatigil ang mga aso sa kakalikot baka biglang tumahol.

Nakita nila kung paano kainin ng buo ang tao at ang iba ay naghati-hati sa kapiraso na lang na katawan.

Si Edwin naman ay hindi maiwasang masuka sa nakita, tinakpan niya ang bibig nito nang makitang nakarinig ang mga halimaw Alam niyang naaamoy sila kaya lumapit ang mga halimaw banda sa kanila.

Naghiwalay silang apat upang di sila makita "Hide and Seek" ang ginawa nila.

Kay Glen ang pinakamalaking halimaw.

Nakita niyang tagak tak ang pawis na tumulo, alam lang niyang kasama din ang mga aso pero nasaway na ito ni Glen upang iwas pahamak.

Kina Edwin at John naman ay bulag pero may matalas na pandinig, at ang sa kaniya naman ay isang halimaw na matalas ang pangamoy kaya kinakabahan na siya na baka kainin ng halimaw.

Nakita niya ang screw driver sa may side niya at ibinato sa malayo, nakahinga naman siya ng maluwag pero isang after shock dahil di talaga lumayo ang halimaw bagkus may angkin talino ito dahil nakita nang lumitaw ang ulo niya.

Patakbo siya papasok ng isang maliit na bahay at dun pumasok habang sumunod ang mga halimaw sa kaniya, sinara niya ang pinto.

Malalakas ang mga halimaw dahil sa kakalampag ng mga ito ay nayupi ang bakal at parang matatangal.

To the rescue sina Edwin, Glen, at John. Inaya nila ang mga halimaw na habulin sila saka sila nagsitakbo.

Namuntik siya, pero nagaalala naman siya sa mga kasama baka makain sila. Binalak niya hanapin ang tatlo, pero si Edwin lang ang nakita niya.

Wala nang takas si Edwin at umiyak dahil pader na lang iyun at nasa harap nito ang halimaw.

Nang akmang kakainin si Edwin ng halimaw nang paputukin niya ng shot gun, nanginig ito sa takot.

"Kailangan na nating mahanap sina John at Glen." sabay tunulungang makabangon.

Hinanap nila sina John at Glen ngunit di nila mahanap at mukha napahiwalay sila sa mga to.

Gabi na nang makahanap sila ng mapagpahingahan, puro iyak at buntong hinga ang rinig nila sa isa't-isa.

"Salamat!"

"Walang anuman."

"Kung di dahil sa'yo ay baka kinain na ako, ayoko pang mamatay katulad ni kuya."

Umiiyak pa rin ito pinapatahan na lang niya "sa ngayon nakaligtas tayo, paano pa kaya sa susunod."