webnovel

In Case You Forget Me

Paano kung makalimutan ka ng taong pinakamamahal mo? Yung taong pinakaimportante sa'yo? Paano mo ipapaalala sa kanya kung sino ka? Paano mo ipapaalala yung pagmamahal niyo sa isa't isa kung kahit siya, nakalimutan nang minahal ka? Paano mo ipaglalaban yung pagmamahalang ikaw nalang ang nakakaalala? A story about Amnesia. A battle between the heart and the mind. "Can your heart really remember the love that your mind forgotten?" *** TAGLISH (Tagalog-English) love story Hi Readers, I hope you enjoy reading my first ever full novel! Thank you for your support! -Jaks

Dmissusj · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
80 Chs

Mcdonald's

*Charm's POV*

"Bessy, wala naman sigurong iba diba?"

"Anong iba?"

We only have a week left. The Ball will happen two weeks from now and a week after is Graduation.

Dumaan lang kami saglit sa school because Erica divided the things that needed to be done for the ball. After dismissal, Theia and I decided na pumunta sa mall para maghanap ng gown na susuotin namin.

We didn't find anything that will suit the event kaya pumunta nalang kami sa boutique na pinupuntahan ni Mama to have it custom made. After doing the measurements, we felt hungry and agreed to eat at Mcdonald's.

I haven't touched my food yet. Hinalo ko lang ng hinalo yung sundae na unti unti nang natutunaw sa ginagawa ko.

"Uy, Charmaine."

Napatingin ako sa kanya.

"Anong iba? What do you mean?"

"Wala naman.." I continued playing with my sundae.

She stopped eating and removed the sundae in front of me.

"What happened?" Tanong niya. "May problema ba?"

Should I tell her?

Kaya lang baka mag-away kasi sila.

"Charm."

Ugh. Sige na nga.

Kasalanan naman ni Gab e.

"Si Gab kasi.."

"Bakit? Hindi parin ba kayo nagkikita?"

"Hindi pa."

It's been 2 days since he arrived at hanggang ngayon, hindi pa siya nagpapakita ulit sa'kin.

"What? Seryoso ba?"

I nodded.

"I even went to the office kanina para itanong kung dumaan ba siya ng school." I said. "Hindi pa daw."

"Nasaan naman kaya yung lalaking yun." Theia immediately took out her phone.

Bago niya pa ma-dial yung number ni Gab, I stopped her.

"Wag na."

"Bessy naman."

"Baka busy lang siya." Sabi ko. "Hayaan mo na muna."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ulit ako.

I was not used to texting Gab before kasi palagi ko naman siya kasama. I don't even check on him that much. Pero bago siya umalis, we promised that we will always message and call each other. Madalas nga na siya yung may text kaysa sa'kin.

Simula nung dumating siya, bawas na lahat ng yun. Akala ko makakasama ko na siya ulit. Hindi pa pala.

"Bessy, I sent him a message." She said. "Sabihan mo ko agad kapag hindi siya tumawag ok?"

"Thank you."

"Why didn't you tell me last night? Edi sana natawagan natin siya."

"Nahihiya kasi ako.."

"At talagang sa'kin ka pa nahiya?"

Her question made us both laugh.

"Grabe ka. Kahit makapal tong mukha ko, most of the time mahiyain kaya ako."

"Pero hindi sa'kin."

Ito naman si Theia, nage-emote pa ko kanina, pinapatawa na ko ngayon.

"Don't worry, hindi babaero si Gab." She said. "He's been loyal to you ever since he met you."

It's the truth.

Gab haven't lied nor cheated on me in the entire 3 years we've been together. Not even once. Lahat ng passwords na meron siya, binigay niya sa'kin. Sa phone, sa laptop and even on his social media accounts.

Alam ko lahat pero hindi ako nangingialam. We respect each other's privacy.

He never gave me a reason to get jealous of other girls or even suspect him.

I trusted him for 3 years.

Ngayon pa ba ako magdududa?

"He would never do that, bessy." Ulit niya.

"And if he did?"

I was only joking. Gusto ko lang makita yung reaksyon niya.

"Edi makakakita siya ng kabaong sa kwarto niya."

She tried to kept her expression dark pero natawa din kami parehas.

"Thank you, bessy." I smiled.

I was so grateful that I have her.

"You're welcome." She smiled back. "Kain na tayo bago pa matuluyan yung sundae mo."

"Anong bago pa? Tunaw na kaya."

She used my spoon to scoop out the ice cream. Tunaw na lahat.

"Ikaw kasi. Kakalaro mo yan kanina."

I pouted. "Bessy, bili mo ko ulit."

"Ayaw ko nga." Sagot niya. "Bili bili ka tapos paglalaruan mo lang pala."

"Eeehhh.."

"Iuwi mo nalang yan tapos lagay mo sa freezer."

Mautak.

"Gusto ko na kainin ngayon."

Sumimangot ulit ako.

Baka sakaling gumana na.

"Ugh. Fine."

She stood up.

"Bessy, oreo mcflurry na ha?"

"At nag-request pa."

Ehe.

Diba nagwork? Hehe.

***

"How was school?"

When we got home, nakaupo si Kuya sa sala at nagla-laptop.

"Ayos lang." Sagot ni Theia pag-upo namin. "Wala naman masyadong ginawa."

He stared at us. "Saan ba kayo galing at parang pagod na pagod kayo?"

"Sa mall." Sabi ko. "Tumingin kami ng gown para sa ball. Wala kaming nakita kaya nagpatahi nalang kami."

"Kailan daw makukuha?"

"After three to four days."

"It's exhausting." Sabi ni Theia habang nakapikit. "Kaya ayaw kong namimili ng damit."

"Agreed."

"May pagkain sa lamesa if you're hungry." Kuya said while typing. "Para makapagpahinga na kayo."

"Nah. We already ate."

"Sayang. Nagluto pa naman ako ng adobo."

I opened my eyes and hurried to the kitchen.

"Oh akala ko ba kumain na kayo?"

"Ewan ko ba dyan kay Charm hindi nabubusog."

"Che!"

Kumuha ako ng konting kanin, thigh part at konting sauce tsaka bumalik sa tabi ni Theia.

"Parang kanina lang wala kang gana ah." Sabi niya pagkasilip sa kinuha ko.

"Masarap kasi yung adobo ni Kuya."

Yung luto niya kasi ng adobo, pagtapos palambutin, piniprito nya sa sariling mantika ng manok. Kaya medyo crispy tapos sobrang malasa.

"Pahingi nga."

"Ayaw! Kumuha ka ng sa'yo."

"Damot!"

Kuya laughed. "Wag kayo mag away dyan. Madami pa dun."

"Oo nga, bessy. Kuha ka dun."

"I'm tired. Ayaw ko na tumayo." Pumikit nalang siya ulit.

"Kamusta naman kanina?"

"Anong kamusta?"

"Diba hinatid niya kayo. Anong nangyari?"

"Alam mo---"

Napamulat si Theia at tinakpan agad yung bibig ko. Tinignan niya ko ng masama. Pinipigilan ko nalang tumawa.

Napatingin tuloy sa'min si Kuya.

"Why?"

"Wala." She let go of me and stood up.

"Saan ka pupunta?"

"Magbibihis. Pagod ako."

"Magbibihis o tatakas?"

I can't help it. Natawa na ko ng tuluyan.

"Tatakas?"

"Don't listen to Charm. Broken hearted yan kaya ganyan."

"Ay."

Broken hearted pala ako?

Oo nga pala.

"Paano yung kwento mo?"

"Bukas na yun." Sabi niya. "May ginagawa ka pa diba? Work is priority kaya."

"I'm all done." Kuya suddenly closed his laptop.

Napangisi ako.

Wala ka nang takas, bessy.

"May ginawa ba siyang masama?"

"Wala."

"Bakit ayaw mo i-kwento?"

"Because there's nothing to tell."

"Anong wala?"

"Walang nangyari." Ako na yung sumagot.

Ang gulo kasi ng sagot niya. Hindi tuloy maintindihan ni Kuya.

"As in wala?"

I nodded.

"Panong wala?"

Napatingin ako kay Theia.

May balak kaya siyang sabihin?

******