webnovel

Ulan

Hapon na ng magising si Max sa malakas na tunog ng ulan. Nakabukas ang bintana kayat ramdam nya ang malamig na simoy ng hangin na humahanpas sa kanyang mukha. Amoy din nya ang singaw ng lupa na magdamag nabilad sa init ng araw. Pinakinggan niya ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa mga bato salabas ng kanyang bintana. Pilit niyang binubuksan ang kanyang mga mata ngunit tilay kinokontra ito ng tunog ng ulan sa labas na tilay pinaparalisa ang kanyang buong katawan sa malamig na kamang kanyang hinihigaan.

Isa sa pinaka gustong pangyayari ni Max ay tuwing umuulan. Tilay pinapawi nito ang kanyang nararamdamang kalungkutan at problema.

"Max, Max..." ang malakas na sigaw na kanyang narinig. Dali daling tumakbo si Max sa pinang gagalingan ng sigaw. Madilim ang kanyang dinaraanan, hindi nya halos makita ang kanyang hinahakbangan. Tila lumalalim at nahihirapan na ang kanyang paghinga, marahil sa kaba at pag mamadali niya.

"Max, anak tulungan mo kami" muli niyang narinig ang mga tinig. Dali dali siyang pumasok sa isang kwarto kung saan nagmumula ang pagsaklolo.

Sa dulo ng kwarto nakita nya ang imahe ng isang babae, naka talikod at naka yuko, naka yakap sa kanya ang tila isang lalaki, at bigla itong tumimgin sakanya. Nagulat sya ng biglang sumigaw ang lalake,

"Wag Max.. maawa ka saamin" sigaw nito.

Bubuksan na sana ni Max ang kanyang bibig upang mag tanong, nang bigla niyang naramdaman na basa ang sahig at unti unti itong tumataas na tila mabilis na pagbaha.

"Anong nangyayari?" sigaw ni Max.

"Wag max, itigil mo yan, maawa ka saamin, anak" muling bigkas ng lalaki at babaeng walang tigil ang pag iyak.

Pilit kinilala ni Max ang dalawang nasa sulok ng kwarto. Ngunit hindi niya ito mamukhaan.

Sa pag kakataong ito ay napansin ni Max na hanggang dibdib na ang taas ng tubig.

Hinanap niya ang lalaki at babae ngunit hind na niya makita ang mga ito.

Lalong dumilim ang paligid at tumaas ang tubig. Pinilit ni Max na lumutang at lumangoy palabas ng kwarto ngunit sarado ang pinto, madilim na din ang paligid kayat wala na syang makita.

Sumigaw si Max ng saklolo ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.

Unti unting tumaas ang tubig hanggat lumubog si Max sa ilalim ng madilim at malamig na kawalan.