webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
94 Chs

Chapter 92

Sssshhhh! Sssshhh! Ssssshhhh!

Li Xiaolong began to sense a immense energy in this place. Nakita niya nga kung paanong tumunog ang Three Stripe Blood Snake at ang iba pang mga nilalang sa lugar na ito.

Agad namang ikinubli ng batang si Li Xiaolong ang sariling enerhiya niya. Alam niyang mapapahamak siya sa oras na gumawa siya ng ingay o konting pagkakamali sa lugar na ito dahil di lang siya ang mapapahamak kundi magign ang soul contracted beast niya.

Mabilis ngunit maingat na gumalaw ang Three Stripe Blood Snake. Mukhang alam na ng batang si Li Xiaolong na hindi dito sa lugar na ito nakatira ang Dambuhalang halimaw na ito kundi sa direksyong tinatahak nito.

Ilang oras pa ang nakalilipas ay nakita na ng batang si Li Xiaolong ang mataas at napakalaking rock formations. Nakita niya ang siwang sa may dulong bahagi ng nasabing malaking batuhan. Nangangahulugan lamang ito na mayroong liwanag na nagmumula roon. Kumpara sa lugar na kinaroroonan niya ngayon ay iba pa rin ang lugar kung saan mayroong lumalabas na sinag ng araw.

Sa lugar na walang liwanag ay naniniwala siyang lugar lamang ito ng mga nilalang na nag-uundergo sa hybernation. Hindi ito lugar para sa nilalang na nagcucultivate mapahalimaw man o martial artists.

Ang enerhiyang umaalpas sa lugar na dinaraanan nila kanina ay sigurado siyang hindi iyon nagmumula sa iisang nilalang lamang kundi marami. Three Stripe Blood Snake eyes is not that good right now lalo na at bata pa ang nilalang na ito at di pa nade-develop ang mga senses nito. Di rin ito nakakakita sa dilim but it has a natural instincts lalo na sa panganib na nararamdaman nito.

Maya-maya lamang ay narating na ng Three Stripe Blood Snake ang dulong bahagi na natanaw mismo ng batang si Li Xiaolong. Dito ay bumungad kay Li Xiaolong ang tila puro batoluhan at nagniningas na init.

Kung hindi nagkakamali ang batang si Li Xiaolong ay ito ang lugar kung saan naninirahan ang Three Stripe Blood Snake. Mainit man ang lugar na ito kumpara sa ordinaryong init mula sa labas ng kagubatang ito kung saan siya naninirahan at naglalakbay ay masasabi niya pa ring okay na ito kumpara sa dinaanan nila.

Marami siyang natutunan sa mga ginawa at nagawa niya. It is really not a good thing to be in this kind of situation. Ang mga pagkakamali niya ay nagresulta pa ng mas malaking suliranin para sa kaniya.

Naisip niyang mali ang naging pamamaraan niya. He must learn to control himself at mas lalong maging maingat sa hinaharap. Talagang hindi niya aakalaing pagkatapos ng mga nangyari ay ipapatugis siya sa maraming mga martial artists. He don't know if some of them are much stronger than him. Isa pa ay isa rin itong bitag upang mahuli siya. Alam niyang mula sa oras na ito ay talagang matunog ang pagkakakilalnlan niya at ang misteryosong pigura niya.

Li Xiaolong began to think of a way to escaped this kind of problem. Probably, wanted na siya sa Chengdu Village dahil sa pinanggagawa niya. He must find the culprit behind this dilemma.

Nakita niyang pumasok sila sa isang hindi kalakihan na batuhang nagmistulang kweba. Ngunit nagulat siya nang nakita niyang medyo may kalawakan pala ang lugar na siyang tirahan ng Three Stripe Blood Snake. Napansin niyang mabilis na pumulupot ang Three Stripe Blood Snake upang matulog. Siguro ay napagod din ito sa malayong paglalakbay nito pabalik sa lungga nito.                   

Tumalon na lamang ang batang si Li Xiaolong upang suriin ang lugar na ito na siyang magiging pansamantala niyang tirahan. He really think this is the best option lalo na at kailangan niyang magpalamig muna.

Wala siyang inaksayang oras at mabilis na nakita niya ang sarili niyang nagcu-cultivate. Nakaupo ito na parang naka-lotus position at naka-concentrate ng maigi. Parang wala itong pakialam sa reyalidad ang batang si Li Xiaolong at nakatuon lamang ang atensyon nito sa pagpapataas ng lebel ng cultivation nito dahil ito lamang ang paraan niya upang tulungan ang sariling lumakas pa ng tuluyan para sa hinaharap.

...

Ilang araw ang nakakalipas at balik sa normal ang lahat lalo na sa Chengdu Village.ang mga nangyari sa nakaraang mga araw ay tila nabaon na sa limot sa mga saksi sa kaganapan lalo na ang pagkasawi o pagbagsak ng mga tinaguriang mga kilala o tanyag  na mga gang na walang iba kundi ang White Falcon Gang at Scarface Gang.

Makikita ang labis na pagbabago sa Chengdu Village at meron na namang pumalit na mga bagong gang sa lugar na ito. Ito ang reyalidad sa mundong ito, ganito naman kasi talaga ang karaniwang nangyayari lalo na at ang Chengdu Village ay walang batas at walang namamahala sa lugar na ito. Lahat ng kaguluhan at mga karahasan ay nag-eexist sa mga lugar na isang open place para sa lahat.

Sa isang may kalakihang silid, mayroog dalawang nilalang na nakaharap sa isa't-isa. Ang isa ay nakaupo sa isang malaking silya habang ang isa nama'y nakatndig ito ng matikas habang seryoso itong nakatingin sa isa't-isa.

"Isa kang inutil! Ang simple-simple lamang ng pinapagawa ko sa'yo ngunit di mo man lang nagawa ng maayos?!" Sambit ng isang boses na umalingawngaw sa buong silid. Bakas sa boses nito ang pagiging superior at mababakas din sa tono ng pananalita nito ang disappointment.

"Pasensya na boss ngunit di ko mahanap ang pesteng nilalang na iyon. Ginalugad na namin ang buong kagubatan ngunit di pa rin namin ito mahanap." Puno ng kaseryosohang sambit ng isang nilalang na walang iba kundi ang mismong lider ng White Falcon Gang.

"So, kasalanan ko pa kung hindi niyo mahanap ang pinapahanap ko? Malaki ang pabor na ginawa ko sa inyo ngunit wala kayong ginawang tama kahit na ang simple ng pinapagawa ko sa inyo!" Sambit ng boses na animo'y galit na talaga. It's voice sounds like he didn't accept this kind of bad news.

"Pasensya na boss, ngunit kailangan ko pang gumawa ng hakbang upang suyurin ang kagubatang pinagtataguan ng nilalang na iyon. Kung pumasok ito sa pinakapusod ng kagubatan ay malamang sa malamang ay mamamatay ito doon hahaha!" Puno ng  kagalakang sambit ng lider ng White Falcon Gang. He really don't care what happen to his runaway opponent but he want it to die.

"Hindi maaari, kaya ko nga pinapahanap ko soya sa'yo dahil gusto kong buhay mo itong maihaharap sa akin. Dahil kung hindi ay ikaw ang malilintikan sa akin!" Puno ng pagbabantang sambit ng nakaupong nilalang. This time mabilis na nakitang biglang nag-crack ang sementadong lupang pinagkakaupuan nito.

Mistula namang nabura ang ngiti sa labi ng lider ng White Falcon Gang. He clearly knows na hindi ito ang inaasahang sagot ng tinaguriang boss niya. He didn't expect it to be like this. He clearly knows that this is not what they are talking about.