webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
40 Chs

Chapter 2.10

Sa isang malawak ngunit madilim na lugar ay makikita ang isang malaking water pool. Kitang-kita ang isang itim na bagay na nakalutang sa ere.

Bigla na lamang nagliwanag ang nasabing bagay na ito sa hindi malamang dahilan. Tila nagkaroon pa ng energy fluctuations sa lugar na ito mula sa nasabing bagay na lumulutang.

Maya-maya lamang ay may lumutaw na isang nilalang mula sa kadiliman, nakakubli ang mukha nito sa suot nitong cloak.

Kung titingnang maigi ang pigura ay masasabing isa itong babae habang nakalugay ang mahabang buhok nito.

Maya-maya pa ay lumitaw ang isang pigura, pigurang kulay itim ito habang makikitang hindi maganda ang timpla ng mukha nito.

"May nakapasok sa loob ng Mint City at isa iyong binata. Hindi ko alam na mayroon itong kakayahang balewalain ang enerhiyang hinalo ko sa labas ng mismong siyudad na iyon ng aking kakambal!" Malakas na saad ng isang pigurang itim habang makikitang may galit sa tono ng pananalita nito.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing may kinatatakutan ka rin pala Heneral. Kahit na isa ka na lamang hamak na itim na anino ay nagawa mo pa ring makagamit ng kapangyarihan mula sa pinagmulan mong siyudad hehehe!" Mapanuksong sambit ng naka-cloak na babae habang malademonyo itong tumawa sa huli.

BANG!

Malakas na sumabog ang isang ginintuang paso sa likod lamang ng misteryosong babae habang kitang-kita ang pag-atras nito dahil parang bigla itong natakot.

"Ganyan nga, matakot ka sa maaari kong gawin sa'yo kapag umasal ka pa ng ganyan sa harap ko. Isa man akong anino sa kasalukuyan ngunit maaari kong kitlan ang sarili mong buhay!" Seryosong turan ng Heneral habang kitang-kita sa tono ng pananalita nito na hindi ito natutuwa sa inaasal ng misteryosong babaeng nakaitim na cloak.

"Pa-patawad Heneral, hindi na mauulit ang inasal ko. Masyado lamang akong natuwa lalo pa't mayroong sumubok sa lakas niyo sa kasalukuyan." Magalang na wika ng misteryosong babae habang kitang-kita ang labis na paghingi ng tawad sa inasal niya.

"Hindi ko aakalaing nakaligtas rin ang aking kakambal mula sa delubyong hatid ko sa Mint City. Hindi ko hahayaang masira ang mga plano ko dahil sa kaniya!" Angil ng Heneral habang kitang-kita sa mga salitang binitawan nito na sagad sa buto ang galit niya sa tinutukoy nitong kakambal niya.

"Bakit hindi mo ko ipinadala noon sa Mint City at kunin ang bagay na pinakainiingat-ingatan ng kakambal mo Heneral? Sigurado akong sa lakas kong taglay ay madali lamang iyon para sa akin!" Masayang suhestiyon ng babaeng nakaitim na cloak habang natutuwa pa ito.

BANG!

Mabilis na sumabog ang tubig sa loob ng pool habang makikitang napaatras muli ang misteryosong babaeng kumakausap sa nasabing itim na anino ng Heneral.

"Isa kang tanga alam mo ba iyon?! Binigyan kita ng malakas na kapangyarihan ngunit hindi ka makakapasok sa loob ng Mint City dahil sa inilagay na pambihirang pananggalang ng pesteng kakambal ko!" Paanas na sambit ng itim na anino habang kitang-kita na nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.

"Kung gayon ay wala pala akong magagawa para galugarin ang sariling lugar niyo heneral. Masyadong sakim pala ang kapatid niyo at nagawa kayong patalsikin sa lugar na iyon." Tanging naging nasabi ng misteryosong babae bilang reaksyon sa nangyari sa kanilang Heneral.

"Iyon ay dahil magkaiba kami ng prinsipyo at hangarin. Masyado siyang mahina upang maging isang pinuno ng Mint City at ako lamang ang karapat-dapat na mamuno!"  Seryosong turan naman ng itim na anino habang may pait sa tono ng pananalita nito.

"Ngunit hindi niya hinayaang mangyati iyon hindi ba?! Masyado atang sakim ang kakambal mo sa titulong dapat ay nasa iyo nararapat Heneral!" Pagpupumilit rin ng babaeng nakaitim na cloak.

"Tama ka, hindi nararapat sa kakambal ko ang mamuno dahil napakahina niya!"ani ng itim na anino habang kitang-kita ang pangmamaliit sa sariling kakambal nito.

Tama ka diyan Heneral. Ano ba ang dahilan kung bakit nito ginawa ang lahat ng ito at ikaw ang nagdusa Heneral?! Isa siyany walang kwentang kapatid." Ani ng babaeng nakaitim na cloak.

"Kung tutuusin nga ay hindi na dapat nating pag-usapan pa ito. Masyado siyang mahina para mamuno. Hindi gaya kong dumanas ng matinding hirap at sakit para lang maging proud sa aking ang mga magulang namin ngunit sa huli ay ako pa rin any umuwing lampa at tinuring na talunan!" Mapaklang wika naman ng itim na anino.

"Kaya nga Heneral. Dapat mong bawiin ang dapat sa iyo. Sabihin mo lamang Heneral ang dapat kung gawin at gagawin ko ito ng bukal sa aking puso." Sulsol naman ng babaeng nakaitim na cloak.

"Meron akong ipapagawa sa'yo at iyon ay ang tukuyin mo kung saan na ang pambihirang orasan na siyang pagmamay-ari ko noon. Siguraduhin mong maibabalik sa akin iyon lalo pa't nasa pangangalaga iyon ng dalawang anak ng kakambal ko!"  Pag-iiba naman sa usapan ng itim na anino sa ere.

"Ano'ng klaseng orasan ba iyon Heneral? Pambihira? Kung gayon ay malakas iyon tama ba ako?!" Inosenteng wika naman ng nakaitim na cloak na babae.

"At kailan lang ako gumamit ng mahinang sandata huh?! Pag sinabi kong pambihira, ekstraordinaryo ang orasang iyon. Kayang-kaya kong kontrolin ang mga bagay na nais ko lalong-lalo na ang buhay sa mga paligid ko!" Medyo inis na turan ng itim na anino habang kitang-kita na nagpakawala ito ng angil.

"Ano ba ang itsura ng tinutukoy mong pambihirang orasan Heneral? Gaano kalaki at dapat bang buo ibalik?!" Kuryos na wika ng babaeng nakaitim na cloak sa sinabi ng heneral.

"Malamang ay buo. Di ka ba nag-iisip ha?! Ito ang itsura ang nasabing orasan na tinutukoy ko!" Naiinis na saad ng itim na anino.

Sa isang iglap ay may namuong itim na usok at lumitaw ang itsura ng nasabing orasan na tinutukoy ng Heneral.

Isang pahabang orasan na tila parang hour glass ito. Ngunit walang alikabok o buhangin sa loob nito. Itim na itim ang nasabing orasan habang walang kung ano'ng bakas ng kalumaan mula rito.

Tila namangha naman ang nasabing babaeng nakaitim na cloak at nagsalita ito.

"Ano bang klaseng orasan ito Heneral, wala man lang kalaman-laman. Sigurado ka bang malakas ito o naglalaman ng kung ano?!" Hindi pa rin kumbinsidong sambit ng babaeng nakaitim na cloak.

"Ganyan ang itsura ng pambihirang orasan. Wag mong maliitin ang pambihirang anyo ng pambihirang orasan na iyan dahil baka magsisi ka kapag nasaksihan mo ang pambihirang kakayahan nito!" Puno ng pagmamayabang na sagot ng itim na anino sa ere.

"Mukhang dekorasyon lang yan. Tsaka bakit yan pa eh madami yang nabebenta sa pamilihan. Maaari bang gamitin ko yan hehehe?!" Manghang sambit ng nakaitim na cloak na babae habang kitang-kita na tila nagustuhan ang anyo ng orasan.