webnovel

MOODY

Kinabukasan maagang nagising si Zachary nang sunod-sunod nag-ring ang kaniyang cellphone tiningnan niya ang orasan wala pang seven o'clock ng umaga. Huminga muna siya nang malalim at kinuha ang cellphone na nasa gilid ng kama. Nakita niyang si Mommy Lorraine ang tumatawag kaya sinagot niya agad.

"Hello, Mi,"

"Son, bumangon ka muna nagpahatid ako ng agahan niyo ni Samarra. Sorry at nakalimutan ng kawaksi natin na mag-grocery noong Friday."

"Okay lang, Mi. At kami na ang bahala sa grocery namin."

"Are you sure? Puwede ko naman utusan si Leslie na mag-grocery para sa inyo."

"No, it's okay, Mi. Bonding na rin namin ni Samarra 'yon." Agad na nailayo ni Zachary ang cellphone sa kaniyang tainga nang magtitili na naman ang kaniyang ina sa kabilang linya.

"'Yong baby ko, may baby ng iba," panunudyo ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Son, please. Alagaan mong mabuti si Samarra at 'wag na 'wag mong sasaktan 'yan. Alam kong napilitan ka lang pero ayusin mo pa rin ang pagsasama niyong dalawa." Tumango-tango si Zachary kahit hindi naman siya nakikita ng kaniyang Mommy Lorraine.

"Yes, Mi."

"O, siya, bumaba ka na para makabalik na sina Leslie at Mang Dado rito sa bahay." Agad na nagpaalam si Zachary sa kabilang linya at dahan-dahan na bumangon para hindi magising si Samarra sa tabi niya.

Nang makababa ay dumiretso siya sa gate para kunin ang pagkain na pinadala sa kanila ni Samarra.

"Salamat," aniya at nagpaalam na sa kawaksi para makabalik na agad sa loob at maiayos na niya ang agahan nila ni Samarra.

Pagkabukas pa lang ni Zachary ng pintuan kitang-kita niya si Samarra na tulala ito sa pagkakaupo sa kama. Ipinagpalagay na lang niya na baka kagigising lang nito.

"Hey," untag niya kay Samarra nang makalapit. Napakamot pa si Zachary ng kaniyang ulo nang mapansin niya si Samarra na hindi man lang natinag sa pagtapik niya sa balikat nito.

"Love."

Dahan-dahan ang ginawang paglingon ni Samarra sa kaniya kaya mas lalong kinabahan si Zachary dahil hindi siya sanay na ganoon si Samarra.

"Are you having a bad dream? Hmm, come on, speak up." Umupo siya sa tabi ni Samarra at hinawakan ang baba nito. Mabilis na umiling si Samarra sa kaniya at pagkuwan ay ngumiti.

"Where have you been?"

Hindi kumbinsido si Zachary pero ayaw na lang niya masira ang mood ni Samarra kaya hindi na lang siya nagtanong at ngumiti.

"Bumaba lang ako saglit para kunin ang pagkain na pinadala sa atin ni Mommy. Come on, kumain na tayo at sabay na tayong pumasok." Ini-offer pa ni Zachary ang palad niya kay Samarra para tulungan na tumayo ito.

"Love, wait?" Agad niyang sinalubong ng halik ang pagbaling ng mukha ni Samarra sa kaniya. Kita niya kung papaano ito natigilan sa ginawa niya at kinurot siya sa tagiliran.

"Good morning."

"Tsk. Kakapal ang labi ko dahil sa kakahalik mo."

Natatawang inakbayan ni Zachary si Samarra dahil kita niya sa magandang mukha nito na namumula at mas lalo pa siyang napahalakhak ng pasimple nitong inamoy ang bibig.

"Love, hindi mabaho kaya 'wag kang mag-worries," panunudyo niya na sinamaan lang siya ng tingin ni Samarra.

Nangingiting umiling na lang si Zachary at hindi na niya inasar si Samarra dahil base sa mukha nito baka bigwasan na lang siya.

"Love." Napatigil si Samarra sa akmang pagsubo ng pagkain at tiningnan niya si Zachary na seryosong nakatingin sa kaniya.

"What?"

"Sino maghahatid sa'yo?" Napaisip si Samarra kung sasabihin ba niya o hindi dahil baka umaga pa lang magtalo na sila ni Zachary.

"Si Jameson?" Isang tango lang ang isinagot ni Samarra.

"Sabihin mo sa kaniya, ako na ang maghahatid sa'yo ngayon, same naman ang oras ng pasok natin at magkaklase pa tayo sa first subject." Tumango na lang ulit si Samarra at pinagpatuloy ang pagkain. Ayaw na niyang magsalita ng kahit ano.

Nang matapos silang kumain ay agad na pinauna ni Zachary si Samarra na maligo dahil siya na lang ang magliligpit at maghuhugas ng kanilang pinagkainan. Knowing Samarra masyado itong mabagal kumilos kung ito pa ang maghuhugas at magliligpit baka magbagal-bagalan na naman ito at ma-late pa sila.

Pagkatapos si Zachary ay agad na siyang umakyat sa itaas para maligo, pagkabukas pa lang niya ng pinto ay napahilamos na lang si Zachary ng mukha dahil mag-a-alas otso na ng umaga. Dali-dali niyang kinuha sa walk-in closet ang uniform at iba pang gagamitin dahil sa guest room siya maliligo. Dahil kung aantayin niyang matapos si Samarra baka late na sila sa unang klase nila. Nang makakuha si Zachary ng mga kakailanganin ay kinuha niya sa taguan ang mga susi ng guest room at lumabas ng kuwarto.

Pagkalabas pa lang ni Samarra sa CR ay agad siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Ngayon ang first day ng regular class talaga nila with complete uniform. Saktong nagsusuot ng medyas si Samarra nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Zachary. Hindi mapigilan ni Samarra na pasadahan ng tingin si Zachary mula sa buhok hanggang sa sapatos na suot ay bumagay nang husto rito.

"Uso ang kumurap, love." Huminga nang malalim si Samarra at kunwa'y bored niyang tiningnan si Zachary.

"Tiningnan ko lang-"

"Shh, no need to explain. Dahil alam ko naman na guwapong-guwapo ka sa'kin."

"Okay."

"Anong, okay?" naguguluhan na tanong ni Zachary.

"Sabi mo guwapo ka. Kaya sabi ko, okay guwapo ka na? Wait? Saan ka naligo?"

"Kung aantayin kitang matapos maligo baka ma-late tayo." Napaismid si Samarra sa sinabi ni Zachary. May gusto ba itong ipahiwatig sa kaniya? Ano ba akala nito mabagal siya? Tsk. Naiiling na sinuklayan ni Samarra ang buhok.

"Love, bakit nakakalat na naman 'yang mga gamit mo sa kama?" Napabaling ng tingin si Samarra sa kama.

"Magpapalit ako ng bag."

"Tsk, sana iniligpit mo muna." Inis na hinablot ni Samarra ang bag na hawak ni Zachary.

"Sino ba kasing may sabi na iligpit mo? Can you see, nag-aayos pa ako 'di ba? Aayusin ko rin 'yan. You know what? I hate your attitude. Maglilinis ka pero andami mong sinasabi." Mabilis na inilagay ni Samarra ang mga gamit sa bag na gagamitin niya. At ang isang bag ay ibinalik niya sa lagayan ng gamit niya. Nang matapos ay walang lingon-likod ang ginawa ni Samarra at lumabas ng kuwarto.

Napamaang na napatingala si Zachary at huminga nang malalim bago pinagpagan ang comforter at inayos. Nang matapos ay agad niyang kinuha ang bag at nagmamadaling bumaba para habulin si Samarra. Simula kahapon paiba-iba na ng ugali si Samarra hindi na niya alam saan siya lulugar.

Hindi kaya narinig niya ang sinabi mo? Apila ng isang bahagi sa isip ni Zachary.

Impossible 'yon dahil pag-akyat niya ay kalalabas lang ni Samarra sa CR, kontra ng isa pang bahagi sa isip niya.

Nakita niya ang bag ni Samarra na nasa living room. Kaya ang kaniyang paa ay may sariling isip agad na pumunta sa study room kung saan madalas maglagi si Samarra.

"Make a way for me, to get there, I don't care. Basta gawan mo ng paraan."

Ang akmang pagpasok ni Zachary ay naudlot ng dahil sa galit na wika ni Samarra habang nakaharap ito sa laptop. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at nagbilang bago kumatok.

"Ara were gonna be late."

Hindi naman nagtagal si Samarra ay lumabas na ito at nilampasan siya. Huminga nang malalim si Zachary at naiiling na sumunod na lang kay Samarra. Lunes na lunes parang kakailanganin na niya ng mahaba-habang pasensiya.

Hanggang sa makasakay sila ni Samarra sa sasakyan ay hindi siya nito tinatapunan man lang ng tingin.

Inilahad ni Zachary ang isang kamay sa harapan ni Samarra kaya napalingon ito sa kaniya. Napangiti na lang siya ng inirapan siya ni Samarra pero tinanggap nito ang kamay niya at ito mismo ang nagsiklop.

"Are you mad?" ani ni Zachary at hinagkan niya ang kamay ni Samarra.

"I'm sorry." Napangiti si Zachary nang mag-sorry sa kaniya si Samarra kaya tumango-tango pa siya at hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

"You're forgiven and pag-out sa parking kita hihintayin mag-gro-grocery pa tayo." Napangiti si Samarra sa kaniya at pinisil ang kamay niya na hawak nito.

"Can you drop me there?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Zachary sa sinabi ni Samarra. Nang ituro nito kung saan ito magpapa-drop. Papasok na ang sasakyan nila sa loob ng University kaya naman ang plano ni Zachary ay idiretso ito sa mismong parking.

"May I know why?"

"Because you said that no one should be aware that we are married here at school."

"So?"

"Basta."

Wala nang nagawa si Zachary ng lumabas na si Samarra sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Ni lingon man lang sa kaniya ay wala.