webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
133 Chs

Kiss

"Richard! Man! Tagal mo naman kumuha ng tubig!"

Natigil ang pagtititigan naming dalawa dahil sa sumigaw. Mabuti na lang at medyo hindi kami kita mula doon sa table ng mga kaibigan niya.

"Wait up!" aniya nang hindi napuputol ang tingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" sa sobrang kabog ng dibdib ko ay iyon ang nasabi ko kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon.

Tumaas ang kilay niya at marahan pang lumapit sa akin. Naramdaman ko pa ang likod ko sa pader sa sobrang kaba.

"You are hurting me." aniya sabay dampi ng saglit na halik sa labi ko.

"Richard!" narinig kong tawag muli sa kanya mula sa table.

"Shit. Ano bang problema ni Amiel." aniya pagkatapos ay tinignan ulit ako. He didn't say a word, at isang iglap ay nawala na lang siya sa harapan ko ng parang bula.

Nanatili lang na nakaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. It sent shivers all over my spine. Shiz! Parang ilang taon na mula noong naramdaman ko iyon! I touch my lips... then smiled. Para akong baliw, late na kung kiligin.

The fudge! Is it really him?

Dahan-dahan akong naglakad palabas doon sa pwesto na iyon, mabuti at hindi na sa akin natuon ang atensyon noong mga nasa lamesa. Pero pagtingin ko sa kanila ay diretso ang titig sa akin ni Richard, saka niya ako sinenyasan na pumasok na sa loob.

TSS.

Ngiting-ngiti nang pumasok ako sa loob ng kusina. Ni hindi ko napansin na nandoon pala sina besty at Ella.

"Oh, ngiting-ngiti ka besty?" ani ni besty nang may duda sa mukha. Inayos ko ang sarili ko.

"W-wala... May naalala lang." sagot ko.

"Hmmm... Baka naman nakita mo na 'yung pogi sa labas na sinasabi ng mga kasamahan natin?" sabi ni Ella. "Ayra?!!?!?! Papalitan mo na ba si Richard?! Huhuhuhu!"

"Ano ka ba! Ang OA! Ngumiti lang kasi nga may naalala ako habang naglalakad!" sabi ko. Kung alam lang nila na si Richard rin yung nakita ko sa labas. Ayoko na lang sabihin para hindi sila madamay.

Bumalik na lang ako sa pagtatrabaho.

Buong araw ay hindi ako mapakali sa pwesto ko. Parang gusto kong sumilip para makita siya, pero nalungkot ako nang marinig ko na ang tunog ng pintuan, hudyat na nagsialisan na sila.

Kasabay n'on ay ang pagbalik sa kusina nila Ate Anna.

Napatingin kami sa paghubad nila ng uniform. Kinabahan ako dahil sa akin agad napadpad ang tingin niya.

"Hoy ikaw," aniya sa akin. "Sa susunod, kapag nandyan sina Serr, huwag ka nang lumabas para magpapansin ha? Kayo... kayong lahat. Dito lang kayo sa loob! Tss!"

Hindi na lang ako umimik. Sina besty ay handa na sanang manugod kung hindi lang dahil sa pagtataka sa sunod na sinabi ni Ate Anna.

"Akala mo siguro type ka n'on ni Sir Richrad ano? Psh." aniya pa sabay irap at martsa paalis.

Napasapo ako sa noo.

"Richard, besty?" bulong ni Lui. Nakilapit na rin si Ella sa akin.

"Sinong Richard 'yon Ayra?"

"Si... Richard Lee... Hehehe." sagot ko.

"What?! Nandoon siya kanina sa labas????" sabi ni besty.

"Shhh..." napatingin ako sa paligid at mukhang busy naman ang lahat. "Oo. Kaibigan niya 'yong Amiel Rodriguez na may-ari nitong restaurant."

"Ay totoo?!" Ella. "Sabagay, hindi naman inpossible 'yon. Mayaman si Richard Lee e."

"Kaya pala ngiting-ngiti ka kanina?" Ayan na naman si besty na nakataas ang kilay at nakacross-arms. "Hmm.. nagkita ba kayo?"

Namula ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay may bakas pa rin ng halik ni Richard sa labi ko.

"M-M-Medyo..."

"Anong medyo?"

"S-Saglit lang kami nakapagusap e." sabi ko. "S-Sige na. Magtrabaho na tayo, baka pagalitan tayo ni Ate Anna."

May something pa rin sa tingin nila sa akin kahit noong maghiwa-hiwalay kami. Kainis! Ganito ba talaga feeling kapag nakipagkiss ka ng madalian at biglaan? Parang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kaba.