webnovel

SINGKO †

Pagkatapos kong mapatay ang pumatay sa kapatid ko nakonsesya ako yung para bang sinapian ako kanina?

Nagtatataka talaga ko parang lagi akong sinasapian ng multo?

Hindi kaya three sisters kami?

Tapos namatay rin yung isa naming kapatid?

Ay ewan basta! kahit may sumapi sakin gagawin ko ang lahat para mabigyan hustisya ang sarili ko! at ang kapatid ko!

Tapos pumunta ko sa bahay namin di naman nila ko nakikita tapos narinig ko na three sisters nga kami talaga si Ate Jelai pala Pinaghihiganti nya rin si Jamil?

Ayos lang naman yon ang mahalaga ma ipaghiganti ko ang kapatid ko Pati si ate Jelai!

Na mimiss ko ang mama ko dahil nasa langit na ko si Jamil hindi ko nakikita pero sinubukan ko ulit pumunta sa bahay kung saan namatay si Jamil..

Nakita ko na may pinapatay si Jamil habang iyak ng iyak ng dugo nalulungkot ako para sa kapatid ko alam kong ginagawa nya lang yon para matahimik at mabigyan ng ng hustisya ang sarili nya..

Pero gusto ko rin syang matahimik na Pagod na Pagod na syang maging kaluluwa...

Pero wala naman akong magawa para sa kapatid ko...

Kaya wala kong magawa kung hindi umalis at gumawa ng paraan para mapasaya ko ang kapatid ko kahit papaano..