webnovel

0. Write an essay about your thoughts on your summer vacation.

Gusto ko magkajowa!

Uulitin ko...

GUSTO KO NA MAGKAJOWA!

Matagal ko narin ito pinapangarap. Sino bang ayaw may ka-holding hand sa kalye? Dati akong nasilaw sa kinang at kislap ng romansa na lagi kong napapanood sa TV at sinehan. Simula noong bata pa ako, manghang-mangha ako sa mga loveteam na daig pa ang asukal sa tamis. Minsan pa nga'y pinapanaginip ko na magka-experience din ako ng pag-ibig tulad ng sa kanila.

Iniisip ko na balang araw, makakatagpo din ako ng isang anghel na magpapakulay at magpapakinang sa buhay ko.

Pero, ngayon at third year na ako, kahit budbod man lang ng glitter, wala man lang nagpakinang sa buhay ko. Dinaig pa ng love life ko ang Sahara Desert sa pagkatuyot. Walang hiya talaga!

Tangina ng mga teleserye!

Tangina din ng mga pelikula!

Dapat namulat na ako sa katotohanan kaysa umasa pa na may magkakagusto pa sa akin. Kung natuto na ako sa umpisa pa lang, eh di sana happy-happy lang ako ngayon, wapakels sa mga magsyota sa paligid ko.

Oo nga pala, maghihiwalay din kayo, mga kupal!

Ano pa ba ang gusto nila makita pa sa akin? Matangkad, simple manamit (personal favorite ko yung T-shirt na may bakbak na mukha ng tumakbong mayor sa amin kasi malambot yung tela), napakaresourceful (ginagamit ko ang side A, B, at C ng mga brief ko), madalas maligo, at syempre matalino.

Hindi sa pagmamayabang, pero noong second year, halos nasa line of 9 grade ko sa Math.

...

...

... Sige, alam ko na dahil yun sa isang buong booklet ng raffle ticket na binili ko, pero mahirap parin gawin iyon! Halos limang daan din nagastos ko! Hindi parin gumagaling yung bakat ng belt sa pwet ko nung nalaman ni Ma na kumupit ako sa wallet niya.

Sa ugali naman... no comment pero I know I can be proud of myself. Hindi man ako nasa waiting list ng mga maggiging santo, pero alam ko na walang dungis ang record ko sa barangay at pulis! Minsan lang ako malista sa noisy at lagi akong nagbabayad tuwing hulugan! Ako lang yata laging nagbabayad kasi tuwing time ko na para sumahod, bigla silang nawawala.

MAGBAYAD NAMAN KAYO OY! PINAMBILI NIYO NA NG IPHONE HULOG KO!

Minsan naisip ko rin kung anong masama sa gusto ko. Lahat naman gustong umibig at ibigin, diba? Hindi naman ako masamang tao. Sumusunod ako sa batas, at kahit wala akong SALN, alam nila yaman ko (kasi wala naman talaga akong pera, surprise surprise!) kaya pasado ako sa Ombudsman.

Hindi naman ako masamang tao... Pero... Hanggang ngayon wala parin akong nahahanap na taong magmamahal sa akin.

O Bathala, ano ba ang problema niyo sa akin? Ano ba dapat kong gawin para magka-girlfriend kasi konti na lang at maggiging atheist na ako! Bwisit talaga!

...

...

...

Nakakalungkot naman ito.

Sa loob-looban ko, alam kong hanggang ngayon meron paring kakaunting parte ng puso ko ang umaasang mahahanap ko parin ang taong para sa akin.

Kasi kahit anong inis o galit pa ang isigaw ko sa mundo, tao parin ako. Isa parin akong binatang humahangad din ng pagkakakilanlan at pagmamahal. May kasabihan nga tayo na 'No man is an island', at kahit na kinasusuklam ko ang quote na yan, hindi ko maitatanggi na may katotohanan sa likod ng mga salitang ito.

Siguro nga balang araw makakalimutan ko rin itong sakit. Hindi man ngayon, pero alam ko na malalagpasan ko rin ito. Hindi siya ang unang beses na nag-confess ako, at sigurado akong hindi siya ang maggiging huli.

Balang araw babangon din ako. Hindi naman ako tatawaging JM kung hindi ako ngingiti ulit diba?

...

...

...

LORD, KAHIT ISANG JOWA LANG DIYAN OH! PLEASE NAMAN! PROMISE MAGIGING DEBOTO AKO KAPAG NAGKAROON AKO NG SYOTA.

May dalawang taon pa bago matapos ang high school life ko. Dalawang taon para magkaroon ng nag-aalab na romansa! Ipinapangako ko sa sarili ko na ngayon gagawin ko ang lahat para magkatotoo na ang matagal kong pinapangarap.

MAGKAKAJOWA NA TALAGA AKO!

Pinapangako ko sa sarili ko.