webnovel

Chapter: 65

KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.

Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.

Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan.

"oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian.

"oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo  mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor.

Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyahan nilang maligo na muna. Nakita kasi nila si baby Lucas na tuwang-tuwa habang nagtatampisaw sa tubigan.

Nagpaalam si eloisa sa mga ito na aakyat lang siya sandali ng kanilang kuwarto upang kunin ang salbabida ni Lucas. Sinabi naman ni adrian na sasamahan siya nitong kumuha kung kaya't naiwan sa dalampasigan si Lucas at ang yaya nitong si rose.

Dali-dali din namang umakyat sina adrian at eloisa papunta ng kuwarto. Dahil doon din naman sa building na iyon ang kuwarto ni adrian ay nagpaalam ang binata kay eloisa na iihi lang ito sandali. Nang makuha ni eloisa ang salbabida ng kanyang anak ay agad siyang lumabas ng kuwarto. Ngunit dalawang minuto na siyang naghihintay sa labas ng kanilang kuwarto ay wala parin si adrian. Hindi naman niya mapuntahan ang binata sa kuwarto nito dahil hindi niya alam kung saan ito naka check in.

Kaya nagpasya nalang si eloisa na mauna na sa dalampasigan. Naisip niya kasi na Kapag nalaman naman ni adrian na umalis na siya ay susunod naman ito doon kung saan nila iniwan sina baby lucas.

Nang makabalik na si eloisa sa dalampasigan ay nakita niyang tumatakbo si rose ang yaya ni Lucas. Umiiyak na ito habang tumatakbo. Kinabahan si eloisa sa nakitang itsura ni yaya rose. Patakbo niyang hinabol ito. Nang maabutan niya ito ay kaagad niya itong tinanong.

"rose! Anong nangyari? Nasaan si Lucas?!"  agad na tanong ni eloisa kay rose.

"ma'am sorry po... Nawawala po si baby Lucas.. Hinubad ko lang po saglit ang tsinelas ko pag tingin ko wala na si Lucas.. Maam sorry po talaga..."

"tara maghiwalay tayo hanapin natin si Lucas!.." utos ni eloisa kay rose.

Magkabilaan silang naghanap ni rose. Pakanan ang gawi ni rose at siya naman ay pa kaliwa. Sinabihan niya na rin ang mga tauhan ng resort na nawawala ang anak niya. Habang nag iikot sa resort ay may narinig siyang tawa ng bata.

Kaagad niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses. May nakita siyang cottage sa tabing dagat. Dali-dali siyang naglakad palapit sa cottage. Paglapit niya palang sa pinto ng cottage ay nakita niya na kaagad si baby Lucas. Tumatalon talon pa ito habang tumatawa.

Paluhod niyang Nilapitan kaagad ang bata at niyakap.

"thanks god! Nandito ka lang pala.. Pinag alala mo si mommy baby..." saad ni eloisa sa Anak habang yakap niya ito.

"kung kani-kanino ka kasi nakikipag landian kaya pati anak mo napapabayaan mo na." narinig niyang saad ng isang lalaki na familiar sa kanya ang boses.

Agad niyang hinanap kung saan ito nagmula. Nang lumingon siya sa kaliwa ay nakita niya si jordan na nakaupo sa gilid ng kama habang nakakandong dito ang babaeng si roxanne. Naka hubad baro ang lalaki tanging short lang na lagpas tuhod ang suot nito at nakapulupot ang braso nito sa bewang ng babae. ang babae namang si roxanne ay naka two piece lang na halos utong nalang nito ang natatakpan habang hinahalik halikan pa nito sa leeg si jordan.

Tumayo si eloisa at binuhat ang bata.

"hindi ako nakikipag landian! Wala kang alam kaya huwag kang mag salita ng ganyan!" saad ni eloisa kay jordan habang naka taas ang isang kilay.

"kung hindi ka sumasama sa ibang lalake eh di sana hindi nawala sa paningin mo ang anak mo." muli pang saad ni jordan kay eloisa.

Nagpantig ang tenga ni eloisa sa sinabi ni jordan.

"sinabing wala kang alam! Itikom mo yang bibig mo!" tugon ni eloisa sa pasigaw na tono.

"hey babe, nandito ka lang pala kanina pa ako naghahanap sa inyo ni baby lucas.."

Narinig niyang may nagsalita sa labas ng pintuan. Nang lingunin niya ay nakita niyang nakatayo si adrian kasama ni rose.

"tingnan mo.. Sinasabi mong wala kang ibang kasama. Hayan, at hinahanap ka na pala ng lovers mo.." singit naman ni jordan.

Muling humarap dito si eloisa at nagsalita.

"oo nga pala, may lovers nga pala ako dito.. Anyway salamat ha sa pag bantay ng anak ko.." matapos sabihin iyon ni eloisa ay Agad siyang lumapit kay adrian at humawak sa braso nito. Kinuha naman ni adrian sa kanya si Lucas at ito ang nagbuhat.

Walang lingon likod sina eloisa na naglakad palayo ng cottage.

Salubong ang dalawang kilay ni eloisa nang muli nilang marating ang lugar kung saan nila kanina iniwanan sina rose at baby lucas. Napansin naman ito ni adrian.

"okay ka lang ba loisa? Bakit yata hindi maipinta yang dalawa mong kilay.." Tanong ni adrian kay eloisa habang naka upo sila sa buhanginan kasama nina rose at baby Lucas.

"oo okay lang ako.. Na high blood lang ako kanina.. Pinagbintangan ba naman akong nakikipag landian daw kaya napabayaan ko ang anak ko! Sino ba namang hindi mabu buwiset diba!?" tugon ni eloisa kay adrian.

Umiiling iling nalang ang binatang si adrian.

"hayaan mo na sila baka inis lang yun dahil ako ang kasama mo.. Halika sama nalang kayo sa akin.. May pupuntahan tayong lugar tiyak na mag eenjoy kayo doon.." tugon ni adrian kay eloisa.

Tumango lang si eloisa dito at tinawag si rose at baby Lucas. Muli silang naglakad habang kalong ni adrian si lucas.

Nang marating nila ang sinasabing lugar ni adrian ay tuwang-tuwa sila sa nakita. Mayroong maliit na bukal sa gitna na napapaligiran ng malalaking bato. Hindi kalaliman ang tubig dito ngunit sapat na upang gumaan ang pakiramdam mo kapag lumubog ka dito.

Tanghali na ng napag pasyahan nilang umahon dito. Muling sumabay sa kanila si adrian sa pagkain ng tanghalian at nang matapos na silang kumain muli silang naglakad pabalik ng hotel kung saan sila naka check in.

Sa kanilang paglalakad ay Nasalubong pa nila si jordan at ang babaeng si roxanne na nakapulupot sa braso ni jordan ang dalawang kamay nito na animo'y sinasadyang isubsob ang dib-dib nito sa katawan ni jordan. Aksidente pang nag tama ang paningin nina jordan at eloisa. Si eloisa ang unang nagbawi ng tingin at inirapan niya ang lalake.

Hinatid ni adrian dina eloisa hanggang kuwarto. Tsaka lang umalis ito ng tuluyan na silang makapasok. Pag akyat ni adrian patungo sa kanyang kuwarto ay nagulat siya ng makita niyang nakatayo sa labas ng kanyang kuwarto si Jordan. Nakapamewang pa ito at salubong ang dalawang kilay.

Naka ngiting lumapit dito si adrian.

"diba sabi ko sayo layuan mo si eloisa? Kulang pa ba ang ibinigay ko sayo?!" kaagad na bungad ni jordan sa kanya.

"bakit, ni layuan ko naman si eloisa noon ah! Hindi kasama yung ngayon. Matagal na kayong wala at isa pa may sari-sarili na kayong buhay bro.. May roxanne ka na nga diba.. Ano gusto mo sayo lahat?!" tugon naman ni adrian dito.

Pagkasabi niyon ni adrian ay bigla siyang inundayan ng suntok ni jordan sa panga. Malakas ang ginawang pagsuntok sa kanya ni jordan at naging dahilan ng pag dugo ng kanyang mga ngipin.

Bumawi naman siya ng suntok kay jordan ngunit mas malakas sa kanya ang lalake kaya hindi niya ito masyadong nasaktan. May nakakita sa kanilang mga hotel staff at agad silang inawat ng mga ito.

Pilit na kumakawala si jordan sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaking hotel staff. Nang bitiwan siya ng mga ito ay dali-dali siyang naglakad palayo sa kinaroroonan ni adrian. Salubong ang kanyang kilay habang idina dial niya ang cellphone number ni david.

Agad namang sumagot si david sa kanyang tawag.

"bakit nandito ang lalaking yun?!" kaagad na tanong ni jordan kay david.

"wait bro, sino ba yang tinutukoy mo?" tanong din ni david kay jordan.

"i mean si adrian. Bakit nandito yung hayop na yun?.." muli pang tanong nito kay david.

"ah si adrian.. Malay ko ba kung diyan pala siya nag bakasyon.." sagot naman ni david kay jordan.

"paalisin mo siya dito david!" utos ni jordan sa kausap.

"titingnan ko kung kaya ko siyang pakiusapan na umalis diyan bro.. Pero kapag ayaw niya wala tayong magagawa.. Tiyak na Magagalit si Daddy kapag nag sumbong yan.." tugon naman ni david.

"oh siya sige tatawagan kita ulit kapag nakausap ko na siya.." muli pang saad ni david kay jordan.

Bumuntong hininga si jordan tsaka ibinaba ang linya.

Matapos makausap ni david si jordan ay kaagad niya namang di-nial ang numero ni adrian. Ngunit nakaka tatlong dial na siya ay out of coverage ang linya nito. Iiling iling siyang muling ibinalik sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone.