webnovel

Chapter: 54

Sa mansion ng mga del Castillo.

" david nasaan ang kuya mo? Bakit yata ilang araw ko na siyang hindi nakaka-usap?" tanong ni don Ramon sa anak niyang si david habang kumakain sila ng agahan.

Kasalo nila sa pagkain si donya Vicky, ngunit tahimik lang itong kumakain na waring nakikinig lang sa pinag-uusapan ng mag ama.

" ay si kuya dad.. Talagang hindi niyo po yun makakausap dito.. Dahil hindi naman po siya umuuwi.. Ang alam ko po kasi nung isang araw pa siyang umalis. Kwento sakin ng driver niyang si mang Arthur. Nagpahatid lang daw si kuya sa kanya sa Quezon.." tugon ni david habang kumukuha ito ng ulam sa plato.

" Quezon? Anong ginagawa nun sa Quezon?.. " Tanong muli ni don Ramon kay david na ng mga sandaling iyon ay kasalukuyan itong sumusubo ng pagkain sa bibig.

Hindi muna sumagot si david. Nang makakalahati niya na ang laman ng kanyang bibig ay tsaka lang ito nag salita.

" yun ang hindi ko alam dad eh.. Pero ang alam ko po eh taga doon si eloisa ang magaling nating manager dad.." tugon ulit ni david sa kanyang ama.

Narinig ni don ramon na bahagyang umubo si donya Vicky lumingon siya sandali sa gawi nito at nakayuko itong kumukuha ng mauulam sa malaking plato. Hindi ito pinansin ni don ramon iiling-iling siyang muling ibinalik kay david ang kanyang paningin.

" tawagan mo nga ang kuya mo David.. Sabihin mo pagka balik niya dumiretso siya sa akin.. Gusto ko siyang maka-usap ng personal.." utos ng don sa anak niyang si david.

" sige ho dad.. Mamaya ho ay tatawagan ko kaagad si kuya.." tugon ni david kay don ramon.

Si don ramon naman ay tinapos na ang kanyang pagkain at tumayo na ito matapos na kumain.

" mauuna na ako sa inyo.. May pupuntahan pa ako.."

Paalam nito sa dalawang mag-ina na kasalo niya sa pagkain.

Dumiretso kaagad ang don sa kanyang kuwarto at naligo. Pagkatapos nitong maligo ay mabilis itong nag bihis.

Nang matapos siyang mag bihis ay dumating si donya Vicky at naglakad ito palapit sa gawi ni don Ramon.

" ramon.. Saan ka pupunta?" agad na tanong ni donya Vicky dito.

" sa mall" tugon naman ng don dito.

" anong gagawin mo sa mall? Pwede ba akong sumama..?" muling tanong ni donya Vicky na nakatayo parin sa gilid ni don Ramon.

Si don ramon naman ay kasalukuyan namang nakaharap sa salamin at nag susuklay ito ng kanyang buhok.

" wala ka nang pakialam dun Vicky. Bakit ikaw ba kapag umaalis papuntang mall ay tinatanong ko ba kung anong gagawin mo dun? Diba hindi?! Ni hindi ka nga nagpapaalam madalas. At isinasama mo ba ako sa mall kapag pupunta ka?! Diba hindi rin?! Hindi kita pina-pakialaman vicky. Kaya huwag mo rin akong pakialaman. Gaya ng sinabi ko kahapon sayo ay hindi ka pwedeng lumabas ng bahay.. Sumunod ka sakin kung ayaw mong mas lalo tayong magka gulo." mahabang litanya ni don ramon kay donya vicky.

Hindi na muling nag salita pa ang donya. Bagkus ay umupo ito sa kama nilang mag asawa at humiga. Nang matapos naman ang don sa pagsusuklay ng buhok nito ay nag spray ito ng pabango at agad na ring naglakad palabas ng kuwarto.

Habang si donya Vicky naman ay unti-unti nang tumutulo ang luha nito sa kanyang mga mata. Masama nitong tinapunan ng tingin si don ramon ng dumaan ito sa harapan niya.

" hayop ka ramon! Si-siguraduhin kong hindi kayo magiging masaya!.." pasigaw na salita ni donya vicky ng tuluyan ng maisara ni don Ramon ang pintuan ng kanilang kwarto.

Habang naglalakad naman si don ramon palabas ng kanilang sala ay naka salubong niya si david na naglalakad din papasok. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Nang makalapit na ito sa kanya ay inakbayan niya ito.

" wow dad! Saan ang punta natin ngayon?.. Hindi ba sinabi na sayo ng doktor mo na bawal ka ng mag biyahe biyahe.." kaagad na bungad ni david sa kanyang ama.

Ngumiti ang don dito habang nakaakbay parin sa kanyang anak.

" may importante lang akong pupuntahan anak.. Huwag mo akong alalahanin at okay lang ako.. Dadalhin ko naman lahat ng mga gamot ko.. Tatawag nalang ako sayo kapag may kailangan ako.." tugon ni don ramon kay david na may ngiti parin sa labi.

" bakit hindi niyo nalang isama si mommy dad para may kasama kayo.. " muling saad ni david sa kanyang ama.

Sumabay ng paghakbang si david kay don ramon palabas ng kanilang pintuan. Nang malapit na sila sa parking ay tsaka ito muling nag salita. At huminto ito sa paghakbang. Umikot ito paharap kay david.

" hindi na kailangan pang isama ang mommy mo anak. Pagbalik ko ay may importante tayong pag uusapan kasama ng kuya mo.. Ang gusto kung gawin mo ngayon ay ang bantayan ang mommy mo.. Huwag mo siyang papaalisin ng bahay.."

Akma sanang mag sasalita na si david ng muling mag salita ang don.

" Hindi ba't sinabi mo sa akin kahapon na wala ka naman masyadong importanteng gagawin ngayon sa office.. Kaya huwag ka na muna pumasok ngayon anak.. Kailangan ko ng tulong mo ngayon.. "

Nangunot ang noo ni david ng marinig ang sinabi ng kanyang ama. Ngayon lang kasi siya nito sinabihan na bantayan ang kanilang mommy at sinabihan pa siyang huwag pa-aalisin ang donya.

" bakit dad? May– problema ba kay mommy? Nag away nanaman ba kayo— dad?.." tanong ni david sa kanyang ama.

Nagbuntong hininga muna ang don bago muling nag salita.

" tsaka ko nalang ipapaliwanang sa inyo ang lahat anak.. I have to go.. Basta ang bilin ko sayo huwag kang pumayag na umalis ng bahay ang mommy ninyo.. "

Tugon ng don sa kanyang anak na si david. Agad namang tumango dito si david bilang tugon sa sinabi ng kanyang ama. Tinapik ng don si david sa braso nito at Pagkatapos nun ay kaagad na ring sumakay ng sasakyan ang don upang umalis.

Makalipas ang tatlong oras ay narating na ng don ang kanilang bahay bakasyunan na matatagpuan sa probinsiya ng Batangas. Dali dali siyang bumaba ng sasakyan. Sinalubong siya ng kanilang katiwala doon na si mang delfin at ang asawa nitong si Minerva.

" magandang tanghali ho don ramon.. Mabuti naman ho at nakarating na kayo.. Pasok na ho kayo sa loob nakahanda na ho ang inyong makakain.." kaagad na bungad sa don ng kanilang katiwalang si mang delfin.

" kamusta kayo dito delfin at Minerva? Wala ba kayong naging problema dito? " tanong ng don sa kanila habang humahakbang na itong papasok ng bahay.

Ang mag asawang delfin naman at Minerva ay nakasunod lang na naglalakad sa don.

" okay naman ho kami dito don ramon.. Wala naman hong naging problema.. Lahat po ng ipinapagawa ninyo ay nagawa na ho namin.." tugon ni Delfin sa kanyang matandang amo.

Sandaling lumingon ang don sa gawi ng kanilang katiwala at tumango tango lang ito.

" nasaan siya? " muling tanong ng don habang patuloy parin sa pag hakbang. Kaagad din namang sumagot ang katiwalang si Delfin habang ang asawang babae nito ay tahimik lang na naglalakad at nakasunod sa dalawa.

" nasa kuwarto po don ramon.. Gusto niyo po bang tawagin ko siya?" tugon ni mang delfin sa don.

" bakit hindi pa ba siya kumakain?" muling tanong ng don.

" katatapos niya lang po kumain don ramon.. Akala ho kasi namin ay matatagalan kayo ng dating kaya pinauna na ho namin siyang kumain.. " sagot naman ni aling Minerva ang asawa ni mang delfin.

" ah.. Okay.. Huwag niyo na siyang tawagin.. Ako nalang ang pupunta sa kanya mamaya pagkatapos kung kumain.. " kaagad na sagot ng don sa mga ito.

Nang marating na nila ang kusina ay kaagad ng umupo sa harap ng hapagkainan ang don. Nagutom kasi ito sa layo ng ibinayahe niya.

" kayo— kumain na ba kayo? " Tanong ng don sa mag asawang naka sunod parin sa kanya.

" ahmm.. Hindi pa nga ho don ramon.." maagap na sagot ni Mang delfin sa kanilang amo.

" eh ano pang hinihintay ninyo.. Tara na maupo na kayo at saluhan niyo ako sa pagkain.. "

Yaya ng don sa dalawa.

Agad namang tumalima ang dalawa at humila ng kanya kanya nilang mauupuan.

Habang kumakain ay nakikipag kwentohan ang don sa dalawang mag asawa.

" wow.. Hindi ka parin nagbabago Minerva.. Masarap ka parin mag luto.. Kaya tumataba itong si Delfin eh.." papuri ng don sa luto ni minerva.

" ay salamat ho don ramon.. Oho! Matakaw ho yang si delfin kaya tingnan ninyo ang laki-laki ng tiyan.." tugon ni minerva sa amo.

Pagka sabi niyon ay lumingon si minerva sa gawi ng kanyang asawa. Hindi naman umiimik si delfin tahimik lang itong kumakain na sunod-sunod ang subo. Tumawa naman ang don sa sinabi ni minerva.

Nang matapos na silang kumain ay nauna nang tumayo ang don at naglakad patungo sa kuwarto na kinaroroonan ni sonya.

Habang si sonya naman ay tahimik itong nakadungaw sa bintana na akala mo'y nakakakita ito. Marahil ay may natatanaw itong kaunting liwanag na nagmumula sa sikat ng araw na tumatama ng bahagya sa bintana ng kuwartong kinaroroonan niya.

Dahan-dahan itong lumingon ng marinig niyang may nag bukas ng pinto.

" sino yan?.. Minerva ikaw ba yan?.." tanong nito sa taong pumasok mula sa pintuan.

Hindi kaagad umimik ang don kay sonya. Dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan ni sonya. Tahimik nitong tinitigan si sonya na ngayon ay nakaharap na rin sa gawi ng don. Nang hindi parin umiimik ang don ay muling nag salita si sonya.

" Kung hindi ikaw si minerva sino ka? Bakit hindi ka nag sasalita?.."