webnovel

Chapter: 29

Habang nag-uusap kami ni sir david ay pumasok sa isip ko na itanong na sa mga ito kung kakilala nila si Ramon del Castillo.

Mabuti nalang at naalaala ko tamang tama at kasama niya pa ngayon ang kanyang daddy.

Kung hindi man kilala ni sir david ay maa-aring ang kanyang ama ay kilala ito. Saad ko sa aking isip.

Hinintay kong matapos sa pag-sa salita si sir david. May mga bagay pa kasi itong sinasabi tungkol sa mga investor na dati ng nag back out ngunit ngayon ay muli na namang gustong mag-invest.

Nang matapos itong mag-salita ay ngumiti ako dito at tumikhim.

Ngunit ibubuka ko na sana ang aking bibig upang mag-tanong ng biglang may lumapit na kasambahay at iniabot ang telepono kay sir david.

" excuse me po sir.. May tumawag po at gusto raw po kayo maka-usap.." saad ng kasambahay dito.

" sino ba yan?.. paki-sabi tumawag nalang siya ulit mamaya dahil may kausap pa ako kamo.." tugon nito.

" si sir Jordan po ang nasa telepono sir.. Kanina pa po kasi siya tumatawag naka ilang tawag na nga po siya eh.. At mukhang nagagalit na ho.. " muling saad ng kasambahay dito.

Nag salubong ang dalawang kilay ni david ng marinig niya ang pangalan ng kanyang kuya.

Humugot muna ito ng malalim na hininga at umiling iling pa bago kinuha ang telepono mula sa kamay ng kasambahay.

Mula sa kasambahay ay ibinaling niya ang kanyang paningin sa akin.

"excuse me sasagutin ko lang to.."

Matapos niyang mag-paalam ay tumayo na ito at naglakad palayo.

Nang tumayo si sir david ay narinig kong umubo ng bahagya ang matandang del Castillo at nag-salita ito.

" saglit lang iha ha.. Iinom lang ako ng gamot ko.. Antayin mo nalang si david sandali lang yun.."

" sige po sir.. Dito lang po ako.. Hihintayin ko po si sir david.." tugon ko dito At nginitian ito.

Agad din naman tumayo ang matanda at nakita kung may sumalubong pa dito na isang kasambahay at inaalalayan pa ito sa paglalakad.

Napakamot nalang ako ng ulo ng maiwan akong mag isa sa aking kinauupuan. Kung kailan naman pagkakataon ko na sanang magtanong dahil kaharap ko pa  mismo ang dalawang del Castillo ay tsaka naman may mga istorbo pa.

May kinse minutos pa akong nag-hintay ng makabalik si sir david at mukhang nag mamadali pa ito dahil malalaki ang mga hakbang nito papunta sa gawi ko.

Nang makalapit ito sa akin ay nag buga pa ito ng hangin mula sa bibig at bahagyang ngumiti.

" loisa sorry.. I need to go.. My emergency meeting kami dun sa isa pang branch natin.. Let's talk again in the next few days.."

" okay po sir no problem.." at agad na akong tumayo pagkarinig ko ng mga sinabi niya.

Sinipat ko ang oras sa suot kung brown leather strap na wrist watch at alas dos na pala ng hapon.

Tamang tama at kailangan ko pang bumalik sa office dahil may pending pa akong gawain doon.

Nang naglalakad na ako palabas ng pintuan nila ay nagulat pa ako ng inakbayan ako nito.

" hatid na muna kita sa gate.. Babalik pa kasi ako sa loob upang magpalit ng damit.. " muli pa nitong saad habang nag sasalita ito.

" okay sige po.."

Muli akong nag salita ng makalabas na kami ng pintuan at  bina-baybay na namin ang daan palabas ng gate.

" nasaan nga po pala ang daddy ninyo sir..? Para makapag paalam din po sana ako sa kanya..."

" hindi ko nakita kanina sa loob eh..  Let's find him outside maybe he's just around here.. " Tugon nito.

Luminga linga kami sa paligid at nakita namin ang matandang del Castillo mula sa di kalayuan. May kausap ito sa cellphone.

Iginiya ako ni david palapit dito. Nang medyo malapit na kami dito ay tiyempo na mukhang tapos na din ito sa kausap niya dahil ipinasok na nito sa bulsa ng suot niyang polo ang hawak nitong cellphone.

Tinawag ito ni david at nang marinig niya si david ay agad naman na pinihit nito ang katawan paharap sa gawi namin.

" dad aalis na po si eloisa.. May emergency meeting kasi ako dad at kailangan ko rin umalis.." saad ni david dito.

Ibinaling nito sa akin ang kanyang paningin at ngumiti pa ito bago nag salita.

" aalis ka na iha.. Pabalik pa naman na sana ako doon sa sala upang makipag kwentohan pa sayo..." tugon nito.

" ah.. Yes po Sir.. Babalik pa po kasi ako ng office ngayon.." tugon ko dito at gumanti ng ngiti dito.

" ganun.. Ayaw mo lang yata akong maka kwentohan eh.. " saad nito at tsaka tumawa.

Tumawa na rin ako ng marinig ko ang sinabi nito.

" ay hindi naman po sir.. Kailangan ko rin po kasing bumalik pa ng office dahil may pending pa po akong gawain.." tugon ko dito na natatawa tawa pa.

" kita mo na dad! Ganyan kasipag ang ating si eloisa! Magaling na ay ubod pa ng sipag.. Kaya hindi talaga ako nagka mali dito sa batang ito eh.. " singit ni david at muli pa akong inakbayan nito.

Muli ay Nag tawanan pa kaming tatlo.

Nang biglang may umubo sa likuran namin ni david.

" wow ang saya niyo ah.. Pwede ba akong makisali sa inyo?!.. '"

Saad ng lalakeng may baritonong boses mula sa aming likuran.

Ipinihit namin ang aming katawan upang makita kung sino ang dumating. Si jordan ang dumating at nag sa salita.

Nakasuot pa ito ng pormal na damit habang nakalagay sa magka bilaang bulsa ng kanyang pantalon ang dalawa niyang kamay. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa amin.

" wow ang sweet naman ng kanyang boss sa kanyang manager.." saad muli nito.

Ngayon ko lang napag tanto na naka tingin pala ito sa braso ni sir david na nakapatong parin sa balikat ko.

Pagkasabi niyon ay tumingin siya sa akin at nag tama ang aming paningin.

Nakipag titigan din ako dito. May Ilang segundo kaming nasa ganoong ayos ng mag salita si sir david.

" hey bro, dumating ka na pala.. Akala ko kanina nasa Hong Kong ka pa ng tumawag ka?.."

Ako ang unang nagbawi ng paningin dito. Nang nagbawi ako ng paningin ay saka lang ito tumingin kay sir david.

napansin kong hindi parin inaalis ni sir david ang kanyang braso mula sa aking balikat.

" I was traveling home when I called you.." tugon nito sa seryosong anyo parin.

Bago pa man may magsalita muli sa kanila ay agad ko nang ibinuka ang aking bibig upang magpa alam sa kanila.

" ahmm.. Excuse me po.. Tutuloy na po ako.." at ibinaling ang aking paningin kay Sir david at tumingin din ako sa ama nila na nasa tabi na ni jordan ng mga sandaling iyon.

Napansin kong nasa akin lahat naka tuon ang mga paningin nila.

Nagsalita ako muli.

" sige ho salamat po sa meryenda mga boss.." at nginitian ko ang mga ito bago iniyuko ang ulo.

" okay sige iha salamat sa pagpunta mo dito.. Sana sa susunod maisipan mong magpunta ulit dito.. Nice meeting you iha.."  saad ng kanilang ama.

" nice meeting you din po sir.. " tugon ko at ngumiti dito.

" sige na David ihatid mo na muna si eloisa sa sasakyan niya.."

Muli pang saad ng matandang del Castillo.

" okay! Lets go loisa!.. " at iginiya na ako nito palabas ng kanilang gate.

Nakaka dalawang hakbang pa lang kami ng narinig kong may tumawag na boses babae.

" don ramon! May naghahanap po sa inyo sa phone.. Gusto niya daw po kayo maka-usap.." agad na saad ng babaeng medyo hinihingal pa sa pagmamadali.

" Don Ramon..." ulit ko sa sinabing pangalan ng babae at napahinto ako sa pag hakbang.

Hindi ko namalayan na narinig pala ako ni sir david.

" oh yes ramon. Ramon del Castillo ang pangalan ng Daddy.. Why eloisa hindi mo pa ba alam na yun ang pangalan ng dad?.." Tanong nito sa akin.

Hindi kaagad ako nakapag salita dala ng pagka bigla. Nang makabawi ako ay kaagad kong

Ibinaling ang paningin dito.

" ahmm.. Opo hindi ko po alam sir.. Diba nga po late na akong naka punta nung party dahil may kinausap pa akong investor ng araw na yun..?"

" ay oo nga pala I'm sorry loisa.."

Napahimas ito sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad.

" oo sorry.. Ngayon ko lang naalala late ka nga pala dumating nun.. " pagka sabi niyon ay tumawa ito.

Hindi ko na rin napigilang matawa.

Lumingon ako sa likuran upang makita muli ang tinawag na don ramon. Ngunit wala na ito doon.

Marahil ay pumasok na sa loob ng bahay at kinausap ang taong tumatawag sa kanya na sinabi ng kasambahay kanina.

Nabaling ang paningin ko sa isang lalaking naka tayo. Hindi parin pala umaalis si sir jordan. Akala ko ay kanina pa ito umalis.

Naka tingin parin sa gawi namin.

Nag pasya akong Nginitian ito.

Matapos kung ngumiti dito ay gumanti rin ito ng ngiti sa akin.

At naglakad siya papalapit sa gawi ko. Nilingon ko si sir david at nakita kong busy ito sa pag titipa sa kanyang cellphone.

Nang tuloyan ng makalapit sa akin si sir jordan ay kaagad kong naamoy ang panlalaki niyang pabango. Sobrang bango nito na nag-iiwan ng halimuyak kapag dumaan sa pang amoy mo.

Siya ang unang nag salita sa aming dalawa.

" hi loisa.. Kamusta?" saad nito ng ganap na siyang makalapit sa akin.

Hindi kaagad ako makapag salita dahil nakatitig ito sa akin.

" hi sir.." tanging na sabi ko at ngumiti dito.

" ahmm.. Okay naman po ako.. Ah.. Nag punta lang po ako dito para mag hatid ng report kay sir david.." saad kung muli.

At nakita kung nakangiti na ito sa akin. Napag tanto ko na mas lalo pala itong guwapo kapag naka ngiti ito. Kitang kita ang mga ngipin niyang pantay - pantay at mapuputi. Marahil alaga ito sa linis.

At amoy na amoy ko rin ang hininga niyang napaka bango.

Para siyang indorser ng isang sikat na toothpaste Brand sa ganda ng kanyang ngiti.

Narinig kung nag salita si sir david sa aking likuran.

" hey loisa! Let's go na.. Hatid na kita sa sasakyan mo.." saad nito at nakita kong muli itong tumawa at tumingin sa gawi ni sir Jordan.

" ako na ang mag hahatid sa kanya bro.." singit ni sir Jordan at ibinaling kay sir david ang kanyang paningin.

Nararamdaman kong may humawak sa bewang ko. Nang sipatin ko ito ay ang kanang kamay ni sir jordan ang naka hawak dito. Nakaramdam ako ng milyun-milyong bultahe ata ng kuryente sa pagkaka hawak sa bewang ko ni sir Jordan.

Ramdam ko pa ang init ng palad nito kahit na hindi naman lumalapat sa balat ko ang kamay nito.

" okay no problem bro!.." tugon dito ni sir david.

At nakita ko pa itong kumindat kay sir Jordan.

Pakiramdam ko tuloy ay ang init ng buo kung mukha. Palagay ko'y namumula na ang aking mukha. Hindi ko lang alam kung gaano ito kapula.

" sige loisa! Ingat ka.. Tawagan mo nalang ako kapag nakabalik ka na ng office.." muli pang saad ni sir Jordan sa akin.

" sige po sir.."

Tanging nai-sagot ko nalang dito at tumango.

At tuloyan na kaming humakbang ni sir jordan palabas ng gate.

Naramdaman ko namang naka lagay parin sa bewang ko ang kamay nito.

Hindi ako mapakali sa pagkaka hawak ni sir Jordan sa aking bewang.

" ahmm.. Si..-sir.." salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko kasi alam kong paano sasabihin dito.

" yes baby..?" tugon niya sa akin habang nakatingin at ngumiti pa ito.

" ah.. eh... Yung.." at ibinaling ko ang aking paningin sa kamay niyang naka hawak parin sa bewang ko.

Sinundan naman nito kung saan dumapo ang aking paningin.

Bahagya pang kumunot ang noo nito.

" ah.. Yung kamay niyo po kasi sir.. Pwedeng paki alis na po.. Nakikiliti po kasi ako.." tanging na sabi kong dahilan dito.

Hindi ko na kasi matagalan pa ang pagkaka hawak niya sa bewang ko.

Pagka-sabi ko niyon ay mabilis namang inalis nito ang kanyang kamay na naka hawak sa aking bewang.

" sorry po.. hindi po kasi ako sanay na may humahawak sa bewang ko.." muli ko pang saad dito.

" okay.. sorry baby.."

Tanging na sabi nito at tumingin pa ito sa akin habang sinasabi iyon.