webnovel

This I Promise You

Aliyah's Point of View

Hindi ako makapaniwala sa mga isiniwalat ni Onemig sa akin. Ilang sandali akong napatda sa kinatatayuan ko at nakatingin lang sa kanya.Tila hindi pa rin mag-sink in sa akin yung mga sinabi nya kanina tungkol sa kanila ni Greta.

Hindi ko rin alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko sa mga sandaling ito, gusto kong malaman kung ano ang kwento ng nakaraan nila pero tila hindi ko maiwasang hindi masaktan ngayong narinig ko na ang lahat.

Dapat wala na akong pakialam dahil past na yon pero bakit ganon? Parang may invisible na kamay na nilalamutak ang puso ko.

Nasasaktan ako. Masakit pala.

Lumapit sya sa akin at kinulong ako sa mahigpit na yakap.

" Sweetie I'm sorry. Yung madilim na part na yun sa buhay ko ang gusto ko ng kalimutan.Kapag naalala ko yung mga kagaguhang nagawa ko, gusto kong magalit sa sarili ko.Ayoko na sanang balikan pa pero gusto kong maging honest sayo. Ayoko nung mayroon akong itinatago sayo. Ngayong alam mo na,  huhusgahan mo ba ako? Nandidiri ka ba sa akin sa mga nagawa ko? " tila may takot at pangamba sa boses nya habang nagsasalita. Ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa kanya. Nagulat sya  ng pumiglas ako sa pagkakayakap nya at medyo dumistansya ako ng bahagya.  Tiningnan ko sya at nakita ko ang takot sa mga mata nya. Buong pait ko syang tiningnan. Nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya, sa nangyari sa kanya sa nakaraan.

" Sweetie are you ok? " tanong nya na halatang nag-aalala talaga sya.

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumikig sa lalamunan ko.

Bigla nya akong hinila muli at niyakap ng mahigpit.

" No you're not. I'm sorry. " turan nya sabay punas sa luha ko na hindi ko namamalayang tumulo na pala. Shock, umiiyak na pala ako bakit hindi ko alam?

" Beb, a-akala ko w-wala akong pakialam sa past mo, pero m-masakit pala ngayong sinabi mo na ng harapan. " panay pa rin ang hikbi ko.

" I'm sorry. I'm so sorry. Kung pwede ko lang baguhin yung nakaraan,  I wouldn't have done that. Sana hindi ako nagpatangay sa tukso. Nandidiri ako sa sarili ko kapag naalala ko yung mga ginawa ko. I'm so stupid, weak and immoral. Matagal na panahon akong nagalit at nandiri sa sarili ko. It took me years to finally make peace with myself. Of course, with the help of God. Sa Kanya muna ako humingi ng tawad at nakipag-kasundo. Noong maramdaman ko ang kapatawaran Niya, saka ko lang napatawad ang sarili ko. Ngayong nasabi ko na sayo ang lihim ko, galit ka ba sweetie? Nandidiri ka ba sa akin? I think I don't deserve you anymore. " bahagyang yumugyog yung balikat nya. Umiiyak na rin sya.

" No beb, don't say that. Oo nasasaktan ako sa nalaman ko dahil normal lang naman yon bilang girlfriend mo, na hindi ako yung first mo, na may mas nauna ka na pinagbuhusan ng oras at feelings mo. Pero wala na sa akin yon. Mas nasasaktan ako sa nangyari sayo, feeling ko na-violate ka. Hindi importante sa akin kung hindi ka na virgin o may karanasan ka na. You're a guy. Hindi rin kita huhusgahan, gaya nga ng sabi ko, lalake ka kaya natukso kang gawin yun out of curiosity being a man that you are. Ang mahalaga beb nakita mo kaagad yung pagkakamali mo, pinagsisihan mo sa Diyos yung naging kasalanan mo. At lalong hindi ako nandidiri sayo beb, dahil sa mata ng Diyos malinis ka na. Dahil pinagsisihan mo at hiningi ng tawad sa Kanya yung kasalanang nagawa mo. Mas lalo kitang minahal dahil inamin mo sa akin yang pinaka madilim na phase sa buhay mo. I love you Juan Miguel Arceo, at walang pangit na nakaraan ang makakapag-pabago non. "

Mas lalo kaming naging emotional pareho dahil sa mga sinabi ko. But this time ramdam ko yung relief sa part nya. Parang nawala yung takot nya na baka iwan ko sya dahil sa mga nalaman ko. Ramdam ko.

Hinarap ko sya at pinunasan ko yung luhang naglandas sa pisngi nya. Matapos non ay sya naman ang kumilos para punasan ang luha ko na tuloy-tuloy pa rin sa pagbagsak.

" Hush baby please. Ayokong nakikita ka na umiiyak, nasasaktan din ako.Sorry ulit sweetie. Salamat dahil naintindihan mo yung nangyari sa nakaraan ko. Hindi mo ako hinusgahan at hindi ka nandiri sa akin. Hindi man ikaw yung una pero ikaw lang yung talagang minahal ko. Alam mo yan. Ikaw ang first love ko kasi mga bata pa lang tayo minahal na kita. Greta's just a phase. She maybe my first in everything but I didn't love her the way I love you. Mahal kita. Mahal na mahal kita. " turan nya habang pinupunasang muli ang luha ko. Himalang nawala naman yung mabigat na nakadagan sa dibdib ko kanina. Ngumiti ako sa kanya bilang pahiwatig na ayos na kaming dalawa.

Oo, okay na ako, okay na kami dahil siguro natanggap ko kaagad at naintindihan yung nangyari sa kanya. Yun naman ang dapat. Kapag mahal mo ang isang tao, yayakapin mo na rin yung naging pagkakamali nya.

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Kaya kong ibigay ang ganong uri ng pag-ibig kay Onemig dahil mahal na mahal ko sya.

Niyakap ko sya at isinandig ang ulo ko sa dibdib nya. Naririnig ko ang pintig ng puso nya, na kapareho din ang ritmo sa pintig ng puso ko. Tiningala ko sya at nagkatitigan kami. Nakikita ko pa rin sa mga mata nya yung purong pagmamahal na inuukol nya sa akin.

Marahan nya akong hinila paupo sa kama nya. Kinandong nya ako at niyakap ng mahigpit. Panay ang halik nya sa ulo ko, tila pareho kaming nakaramdam ng relief matapos ng pagtatapat nya. Para kaming galing sa isang pagsubok na napagtagumpayan namin. Habang nakakandong ako sa kanya, nagsimula syang kantahan ako nung team song namin. He really has a good singing voice.

When the visions around you

Bring tears to your eyes

And all that surround you

Are secrets and lies

I'll be your strength

I'll give you hope

Keeping your faith when it's gone

The one you should call

Was standing here all along

And I will take

You in my arms

And hold you right where you belong

Till the day my life is through

This I promise you

This I promise you.

Parang gusto ko uling umiyak dahil dun sa kanta nya. Ramdam ko yung lyrics kasi nung pinili nya yung kantang yun bilang team song namin, yun daw kasi yung eksaktong nararamdaman nya sa akin. Luma na yung song pero maganda naman.

" Baby, wag mong sabihin na iiyak kana naman.  Napangitan ka ba sa boses ko kaya ka naiiyak? Sorry na. "

" No beb. Ang ganda nga ng boses mo.Damang-dama ko lang yung lyrics.Sana lang kahit anong dumating na pagsubok sa relasyon natin, hindi tayo masira dahil dun. "

" Hindi mangyayari yun sweetie, pangako. Kung mangyari man yang kinatatakutan natin, sisiguraduhin kong sa huli tayo pa rin. "

" Pero beb, natatakot din ako sa maaring gawin ni Greta. Look, ang aga nyang pumunta dito para dalhin lang yang gift at sulat. Alam nya kasing uuwi ako. Gumagawa na sya ng move para masira tayong dalawa. At natatakot ako. "

" Huwag kang matakot sweetie. Pangako nandito lang ako. Basta dalawa tayong haharap sa kung ano man ang problemang dumating sa atin, hindi tayo matatalo. Kung ang isa sa atin ay bibitaw, yun ang makakatalo sa atin. Promise me sweetie na hindi ka bibitaw? "

" Yes beb I promise. "

I've loved you forever

In lifetimes before

And I promise you never

Will you hurt anymore

I give you my word

I give you my heart (give you my heart)

This is a battle we've won

And with this vow

Forever has now begun

Just close your eyes (close your eyes)

Each loving day (each loving day)

I know this feeling won't go away (no..)

Till the day my life is through

This I promise you

This I promise you

Over and over I fall (over and over I fall)

When I hear you call

Without you in my life baby

I just wouldn't be living at all

And I will take (I will take you in my arms)

You in my arms

And hold you right where you belong (right where you belong)

Till the day my life is through

This I promise you baby

We just stayed in his room the whole morning, doing nothing. Basta masaya lang kaming nag-uusap ng random things , iniiwasan namin madako yung usapan namin dun sa past. Tapos na yun, closed book na.

Nung malapit na ang lunch, pinagpaalam nya ako kila daddy na magla-lunch kaming dalawa sa isang resto sa may kabayanan. May reservation daw sya dun. Treat nya daw sa akin ngayong birthday nya then sa gabi talaga yung handaan sa kanila para sa mga relatives at friends.

Nung gabi na, nandoon kaming lahat sa kanila. Malaki ang hinandang dinner ni tita Blessie para sa kanya. Dun sa garden nila nilagay yung buffet table na may ibat-ibang putahe. May mga chairs at tables na maayos na naka-arrange sa buong garden nila. Simpleng dinner lang  pero ang mga kabarkada namin ay nag-ayos sa likod bahay nila Onemig para sa isang mini sayawan.

Nagulat nga kami ni Onemig kanina pagkagaling namin sa kabayanan. Maayos na ang likod bahay nila, may mga baloons pa sa paligid at may mga chairs pa na nirentahan sila. Yung sound system ay naroon na rin, dumating bago ang dinner.

Nang matapos ang maliit na salo-salo ay umuwi na ang mga bisita, naiwan kaming mga kabataan para sa mini sayawan.

Magkahawak kamay kami ni Onemig na pumunta sa likod bahay nila. Nagpalakpakan pa ang mga kabarkada namin ng nandoon na kami.

" Wow besh ang sweet nyo tingnan dalawa. Bagay na bagay talaga kayo nyang si Arceo. " masayang turan ni Richelle ng tumabi na kami sa kanila.

" Oo nga, parang Sam Claflin at Lily Collins ang datingan nyo. " segunda naman ni Anne.

" Hay kayo talaga mga besh. Tara, sayaw na nga tayo. Dali. " pagyaya ko sa kanila sabay tayo sa upuan. Sumenyas naman si Onemig na susunod sila sa amin sa dance floor, mag-uusap lang muna sila nina Gilbert.

Nakailang tugtog na ay wala pa ring mga lalaking sumusunod sa amin sa dance floor.

" Besh, kaya naman pala hindi pa sila sumusunod dito eh may dumating palang bisita. Hayun oh! " sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Anne.

Tila nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng mapagsino yung kausap nina Gilbert. Bigla ang pagsikdo ng kaba sa dibdib ko.

Ito na ba ang simula ng gulo sa relasyon namin ni Onemig?

Lord wag naman sana.