webnovel

I'm Your Ultimate Hater

Chace_Gonzales · Người nổi tiếng
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

Eyebugs

RUPERT MATTHEW MANALILI POV

"ang ganda talaga ni taeyeon", sabi ko habang nakatingin sa poster ng snsd.

Nababakla na naman ako. XD

"taeyeon!! Taeyeon!!". Ringing tone ng phone ko. Ang wierd no hahahah.

"hello? Nu kailangan mo?", tanong ko sa kabilang linya.

"wala naman may sasabihin lang. Pag patuloy na natin yung practice natin", sabi ni gie.

"sige. Mag hahanda lang ako ng meryenda bago kayo dumating"

Pumunta na ko sa kitchen. Ano kayang gustong kainin ni jason este ng face off xD. Takaw kasi ni jason lol!! Peace!!

hmm.inimini maynimoww???. Tsk. Kahit ano naman siguro ayos na sa kanila lalo na kay jason.

"tapos na kayong mag lambingan?", tanong ni gie na may halong pang aasar yung tono ng pananalita niya. Kasabay nito ang tawanan.

"oo tapos na kaming maglambingan ni taeyeon", sigaw ko sa kanila sabay tawa . Hay, taeyeon. Pakasal na nga tayo. Ayoko ng ganito.

"weh?? Si taeyeon ba talaga?? O yung kapitbahay mo??", sabi naman ni jason.

"akin na nga yan! Bastos mo naman eh hahah! Aasarin ko pa si math", rinig ko ang pag sigaw niya.

"o ito na!!", sabi ni jason.

"hello? Hello? Andyan ka pa matthew?", -gie.

"oo. Kung lolokohin niyo lang ako, bbye na", sabay baba ko ng phone sa kanila.

--

"di kaya magalit yung kapit bahay mo??", tanong ni aelo habang nakatanaw sa bahay ni ms.piggy.

"hayaan mo na yung ms.piggy na yon", sagot ko sa kanya. Tapos ngumiti ng nakakaloko sa kin sina jayson at gie. Samantalang yung dalawa nila micko at aelo, nag tataka. Halata sa tingin nila sino-naman-yon??

"whahaha!! May call sign agad!", sabi ni jayson.

"sino yung ms. Piggy??", tanong ni micko.

"yung soon-to-be-girlfriend ni matt", sagot ni gie sabay kindat sa kin ng nakakapang asar.

"tsk.soon-to-be, soon-to-be pa kayong nalalaman dyan", bulong ko.

"bakit di mo ipapakilala sa min matt?", sabi ni aelo sabay akbay sa kin.

bat ko pa ipapakilala yon?? Wala naman kaming ugnayan sina gie at jason kasi, pinag kaisahan na naman ako .

"ms. Pigeeeee!!!!!" , sigaw ni jason dun kay ms.piggy.

"anong ms. Pige!! Ms.piggy!! Tae mo naman ehh", sabi ni aelo na babatukan na naman si jason.

"o!! O!! Wag mo nga kong batukan!!", at umilag siya.

"rupert, kala ko ba kakalapit lang niyan, bat ang bilis mo yata?", tanong ni micko ng seryoso.

"tss. Wag ka maniwala sa mga yan , di ko magiging syota yung tabang yon! Isa pa di ko siya type", sagot ko sa kanya habang nakalagay yung mga kamay ko sa pockets ko.

"sa una lang yan! Mababakla ka naman don, kagaya yung mga ginagawa mong kabaklaan pag iniisip si taeyeon", singit ni gie.

"wag niyo na kong pag tripan. Kumain na lang kayo"

"maganda yan!! Kakain na lang kami!!", sabi ni jason habang hawak yung tiyan niya. Kahit kailan talaga sa pagkain magaling yan.

--

fast forward.

Buti naman hindi kami sinigawan ni ms.piggy kagabi. Teka, hindi ko pa alam pangalan niya ah?? Itanong ko kaya? Pfft. Wag na lang. Baka mag assume yon na interesado ako sa kanya.

huh?? Bat umagang umaga naka salamin siya?? Mag jjog lang naman. Hay, baka nag papaganda lang.

*bogshhh!!!!!*

"aray!!", sabi niya. Nag kabangga na naman kami. Nahulog yung salamin niya at agad niya naman yun pinulot at sinuot.

"sorry!! Sorry!!", sabi niya sabay bow.

"umagang umaga naka salamin", bulong ko.

"heh!! Walang basagan ng trip kapre!", sabay takbo niya sa kin papalayo.

Baka may eye bugs siya. Hahaha karma na siguro niya dahil lagi siyang nakasigaw.

CHRISSY CARLEY POV

URGGGH...Papasok tuloy ako ng malaki ang eyebugs. Sht!! Tapos muntikan pang makita ni kapre yung eyebugs ko.

eh, ano bang pakialam ko kung makita niya di ba??

Sino naman kaya yung nag iintay sa bahay ko??, may kotse kasing nakaparada.

Makauwi na nga!! Baka si oppa yun xD para namang malalaman ni oppa yung bahay ko. Saka isa pa taga korea siya.

"uyy!! Chrissy!!", masiglang tawag sa kin ni micko.

"uyy din micko!! Magandang umaga!!", oh di ba!! Basta andyan si micko, nagiging masigla ko. Daig ko pa naka enervon!

"bat ka nakasuot nan?", turo ni micko sa salamin ko.

"ahhh hehe. Sobrang init kasi!!",pag sisinungaling ko.

"di naman gaanong mainit ahh, teka nga", sabi ni micko at tinanggal niya yung salamin ko. Huwwwaaaa!! Kakahiya.

"akin na nga yan micko!", sabay hablot ko ng salamin at sinuot ko ulit.

"bat ka napuyat?", tanong niya habang nakacross arms at nakasandal sa kotse niya. Pahingi ngang camera!! Picturan ko lang ang magandang likha ni Lord sa harapan ko, daig pa model.

"binilang ko kasi yung strands ng hair ko"

Bigla siyang tumawa. Hala parang halimaw!

"hahahah! Yun lang pala!! Maitry nga! Natapos mo ba ang pag bibilang?", tanong niya na halatang pinipigil ang tawa.

"hindi ehh hahaha!! By the way, ano bang sadya mo dito?"

"ito o. Attend ka sa comeback namin", binigay niya yung ticket sa kin.

kumikinang yung ticket o sadyang nag iillusyon lang ang aking magagandang mga mata hahaha.

"comeback??", tanong ko. Kunwari di ko alam whahahaha.

"yes!! Face off ang pangalan ng group namin. Kpop cover group", paliwanag niya.

"aahhh!!! Parang concert niyo ganon ba??", sige!! Kunwari di mo alam chrissy hahah.

"parang ganon pero iba. Aasahan kong aattend ka ha!", sambit niya.

"sige!!"

"sige rin. Ingat ka , pasensya na kasi sandali lang talaga ko may pupuntahan pa kasi ako", paalam niya sabay pasok sa kotse.

Nag wave ako para sabihin na goodbye xD. Bbye micko!! Balik ka ha!! Sa susunod di mo lang ako pupuntahan dahil gusto mo kong umattend sa comeback niyo. Kundi dahil hatid sundo mo na ko kasi ako na yung girlfriend mo!! Waaaa!! Assumera and kalandian mode turn on!! Hahaha xD

---

LALALALA!!

ang saya mag trabaho kahit na pinag bubulungan na ko ng mga katrabaho ko.

"may toyo yata siya"

"oo nga ehh"

"walang basagan ng trip sabi nga nila. Hayaan niyo na lang siya"

xD paano ba naman kahit sa loob ng resto naka salamin pa rin ako kaya kahit mga costumers pinag bubulungan ako.

"alisin mo na kaya yan", sabi ni alondra sa kin. Siya yung iba sa mga co-workers ko dito. Mabait siya unlike nung iba mga chismosang fraglets! Puro keme lang ang alam xD. Nababakla na naman yung language ko haha.

"ayoko. Hayaan mo sila friend"

"ano ba kasing nangyari?"

--

kinuwento ko sa kanya yung nangyari pero di ko sinabi yung name ni ruru.

take note: Si ruru, rupert, matt, at matthew ay iisa xD dami niya lang talagang kaek-ekan na name.

"siguro gwapo yung kapitbahay mo no!", sabay hampas niya sa kin pero mahina lang. Isa pa yan! Malantot din siya ng konti haha.

"di ah!! Super duper pangit niya!! Super laki ng mata, mataba?? Saka maitim", reklamo ko sa kanya.

"ehh?? Bakit ka naman nag kakaganyan sa kanya?? Dahil lang sa tinawag ka niyang ms.piggy at dahil lang sa nangyari kahapon na pumunta siyang lasing sa inyo eh. Nagdulot ng eyebugs" , pagtataka niya sabay pamewang.

"ahh!! Ewan ko! Bumalik na nga tayo sa trabaho natin, baka pagalitan pa tayo"

"mabuti pa nga!!", sang ayon niya.