webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
54 Chs

Chapter 4

--ALEX:

Pagdating ko sa tapat ng gate ng bahay ko, nasa Likuran ko pa rin 'yung sasakyan ng unggoy. Akala ko sinunsundan niya ako pero...

WTF?!

Dumiretso ang sasakyan niya sa isang bahay din na hindi kalayuan sa bahay ko. I think mga 15 meters away lang ito.

'Wag naman sanang...

'Wag niyang sabihing diyan siya nakatira?

OMG.....

Pero, paki ko ba kung diyan siya nakatira? =_=

It's none of my business anymore.

Pero 'yong fact na akala kong ako ang sinusundan niya ihhhh, nakakahiya. Baka sabihin niya assumera ako. >_<

Nang makapasok na ako sa gate, nagtaka naman daw ako kasi nakabukas ang pintuan ng bahay ko.

Teka, 'di naman kaya may magnanakaw?

Oh 'di kaya may killer o aswang?

Aissssshhh kaasar kung anu-ano pinag iisip ko.

Grabe lang, kasi 'yong balahibo ko tumataas tapos biglang umihip ang malakas na hangin whieewww.

Tapos 'yung lagaslas ng mga dahon ng mga puno lang ang naririnig ko at chimney sa tapat ng pinto ko anlakas ng sway. Brrrr. Kinikilabutan ako. Mayghad Alex, nappraning ka lang.

Kung anu-ano nanaman naiisip ko, kainis.

Teka, hindi naman 'to horror story huh. Ba't 'yung scene nagmumukhang horror grrrr.

Okay Alex, inhale then exhale.... Ayan na lalapit na ako sa bahay, at dahil ready ako palagi sa buhay, ay may nakatabing baseball bat para pang self-defense kung sakaling may masamang loob na umatake sa'kin hohoho.

Palapit na ako sa pinto grabe, kinakabahan ako

1.....

2......

3.........

HAYAAAAAHHH-----

0.o

0.0

Biglang nanlaki ang mga mata ko at sabay nabitawan ko 'yung bat na hawak ko. Hanggang sa...

"BEEEEEEBBBBBSSSSS I MIIISSSSS YOOOUUU SSSOOO MMMUUCCHHH!!!! Muah muah, chup chup."

Wait, totoo ba to? Hindi ba ako nananaginip?

"Bebs, okay ka lang? Natulala ka nanaman sa kapogian ko, naks halika nga ulit chup chu--"

"Hey, teka nga kanina ka pa nananantsing huh. Pero wait 'di ba talaga ako nananaginip?" Tinulak ko ang mukha ng kaharap kong tao at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Yes bebs andito ka sa earth at hindi ka pa patay. ^__^" So ibig sabhin niyan ay...

"OHMAYGHADDD BEEEBBBSS AY MISS YOU SO MUCH!! Ano'ng ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok? Ba't 'di mo ako sinabihan na pupunta ka dito huh?" Sabi ko sa kanya sabay yugyog sa kanyang magkabilang balikat.

"Okay bebs hinay-hinay lang mahina kalaban, alam kong namiss mo ang kapogian ko kaya chill ka lang at tanggalin mo ang kamay mo sa leeg ko dahil mamamatay na ako grabe. Aaaakkkkk!" Oops, 'di ko namalayan na nalipat na pala 'yung mga kamay ko sa leeg niya. Hehe peace.

We used to call each other "bebs" simply he finds it cute daw kaya pinagbigyan ko nalang siya. Kahit puro kajejehan ang alam niya sa buhay.

Grabe naniniwala na akong 'di talaga ako nananaginip kasi umiral nanaman 'yung kahanginan niya kaya pala mahangin dito sa bahay eh. What a coincidence huehue.

Siya pala si Anthony, kababata ko pero nagmigrate ang family niya sa ibang bansa few years ago kaya nagulat ako kasi andito siya ngayon sa harap ko mismo. Siya ang naging bestfriend ko bago si Aira pero kilala din siya ni Aira. Isa siya sa mga taong nakakapagpa-wala ng cold stare ko syempre kasama na do'n ang parents ko, si kuya, at si Aira. Kaya masaya ako kasi nandito siya. Kung sa ibang tao, natatakot sila sa cold look ko, sila naman, sanay na sanay na sila and sila rin ang madalas na dahilan kaya nagagawa kong ngumiti at tumawa without doubt. Lahat ng gusto kong gawin, nagagawa ko kapag kasama ko sila.

"Ayan ka nanaman, umobra nanaman pagka-mahangin mo. Ay teka nga pala, pa'no ka nakapasok sa bahay ko? 'Wag mong sabihing---" 'He cut me off.

" 'Diba no'ng napagawa mo na tong bahay mo eh pinadala mo sa'kin ang duplicate key ng bahay mo para kapag pumunta ako dito eh may susi ako" Nakangiting sabi niya sa'kin. Ay oo! Tama, nakalimutan ko na pinadala ko sa kanya as thank you gift sa kanya, kasi mahilig siya magdesign ng bahay kaya siya ang nagdesign ng bahay ko, 'diba bongga. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sya nag-architect eh ang galing niya magdisenyo ng bahay, pero kumuha siya ng culinary arts na course.

Sabi niya mahilig siyang magdesign na bahay pero ang pagluluto daw talaga ang passion niya sa buhay.

"Ay sige pasok na tayo ulit sa bahay, sorry ha makalat bahay ko." Sabi ko sa kanya habang papasok kami ng bahay at syempre iniwan ko na 'yung bat sa labas ng bahay.

"Ang ganda talaga ng kinalabasan ng mga designs ko bebs." Pagmamayabang niya habang nakatingin sa kabuuan ng bahay ko. -__-

"Oo na sige na, punta ka na sa kusina at you must cook for me. This day was a tiring day for me and tatawagan ko si Aira para makapunta siya dito." Sabay tulak ko sa kanya papuntang kusina.

"Ako ang bisita dito eh, ba't ako ang magluluto, dapat nga ikaw eh." Reklamo niya.

"Bisita mo 'yang mukha mo tsss. Ano gusto mo, magluluto ka o papakagat kita kay Sky?" Panakot ko sa kanya kasi takot siya kay Sky. Aso ko si Sky pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang lahi niya kasi yung mama nya eh half chihuahua at half azkal tapos yung papa nya half siberian husky at half shi tzu na may halong Labrador, kaya ayan ang kinalabasan, maliit siya na balbon pero nakakatakot talaga siya as in, I don't know if dahil sa lahi niya or sadyang trip niyang manakot ng iba lalo na kapag bago ka lang sa paningin niya. Pero sa'kin ay sweet siya syempre naman mula pagka-puppy niya hanggang ngayong malapit na siyang mag two years of existence sa mundong ibabaw ay ako ang kasama niya.

Hindi ko naman siya laging nakakasama kasi pumapasok ako sa school and lagi akong busy. Kumbaga siya lang lagi ang naiiwan dito sa bahay nang mag-isa and tinuturuan ko naman siya ng good manners at right conduct choss. Pero sa totoo, naglalaan at naglalan ako ng time para sa kanya kahit na lagi akong busy. Sinasama ko siya minsan kapag may pupuntahan ako, except sa school. Tinuturuan ko siya kung saan ang tamang lugar kapag maglalabas siya ng dumi niya at kung saan siya kukuha ng dog food niya, kasi binilhan ko siya ng parang vendo machine na kapag pinindot ay automatic na maglalabas ito ng food.

Minsan nga naiisip ko na mag adopt ng bagong aso na babae para naman hindi siya maboring dito sa bahay at para may makalaro siya habang wala ako.

"Oh eto na nga oh magluluto na at 'diba bati tayo sky? ^_^" Para siyang tanga, kinakausap 'yung aso tapos ngingitian niya ng pilit tsss. 'Di ko tuloy mapigilang ngumiti kasi ang isang lalaking may matipunong pangangatawan na iniiyakan ng mga kababaihan ay takot pala sa isang aso haha.

"OMG! WHAAT?! ANDIYAN SIYA?" Inilayo ko bigla 'yung phone ko sa tenga kasi pagkasabi ko kay Aira na andito si Anthony eh bigla na lang syang sumigaw. Grabe halos mabasag eardrums ko dun huh.

"Oo andito siya, punta ka dito at wag ka sumigaw 'di ako bingi tss."

"O sige sorry na naman daw agad hehe, sige punta na ako diyan sharp." Sabi niya at binaba ang tawag. Alam ko kahit sa hindi ko siya nakikita ngayon ay malawak ang ngiti niya dahil favorite nya si Anthony kasi magaling magluto kaya palagi siyang busog. Haynaku PG (patay gutom) talaga 'yun. Pa'no ba naman kasi, kapag andito si Anthony, hindi siya nauubusan ng pagkain na gusto niyang ipaluto kay Anthony and hindi naman makatanggi si Anthony kasi gagawin ni Aira na panakot si Sky sa kanya.

"Sino 'yan?" Sabi ko kay Anthony pagkabalik ko sa kusina kasi may kausap siya sa phone niya.

"Ah, by the way, nakalimutan ko sabihin sayo na may kasama pala ako." Sabi niya after ibaba ang phone call.

"Sino 'yan? Sila tito at tita?" Tanong ko

"Bestfriend ko." Sagot niya at pinagpatuloy ang pagluluto.

"PRRRRRFFFTT!" Bigla kong naibuga 'yung iniinom kong tubig letse.

"Oh, okay ka lang bebs?" Tanong niya saken habang hinihimas himas likod ko.

"Akala ko ba ako lang bestfriend mo? +_+" Sabi ko sa kanya at tinignan siya gamit ang cold stare ko pero walang epekto 'yan sa kanya kasi kapag tinignan ko siya ng ganyan ang ibig sabihin ay nagtatampo ako o seryoso ako and as I said earlier, sanay na siya.

"Oo ikaw nga lang ang bestfriend ko."

"Eh ano'ng tawag mo do'n sa sinabi mo kanina na bestfriend mo? "

"Ano ka ba boy bestfriend ko 'yun, 'di ko pa ba nakukwento sa'yo? Tapos ikaw girlfriend ko este girl bestfriend ko."

"Hmft, wala kang sinabi sa'kin, nagsisikreto ka na sa'kin ngayon huh." Ay aba letse, magtatanong ba ako sa kanya kung may nabanggit siya sa'kin?

"Hindi naman sa gan'on bebs, bestfriend ko 'yun no'ng nasa states ako, kaya sorry na please, and akala ko kasi nasabi ko na sayo eh." Sabi niya habang nakapuppy eyes.

"O sige na apology accepted, sige tuloy mo na 'yung niluluto mo kasi andiyan na si Aira tsss. Buksan ko lang 'yung pinto." Sabi ko sa kanya habang papunta sa pinto at tinuloy na niya ang pagluluto.

"Heyyyyyy AAANNNTTSSSS!" Bungad ni Aira pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay, pumunta agad kay anthony tapos ako? Dedma. Kaasar tsk.

"Ano niluluto mo? Pwede patikim? ^_^" Pacute na sabi pa niya kay Anthony.

"Pagkain ang niluluto ko at bawal kang tumikim baka maubos tapos wala nang kakainin 'yung kasama ko"

"Tatlo lang naman tayo ha." Sabi ni Aira kay Anthony sabay turo sa'kin, kay Anthony at sa sarili niya na nagmumukhang binibilang niya kami.

"Apat tayo Aira kasama niya daw yung bestfriend niya na lalaki." Singit ko naman sabay irap.

"Eh ba't 'di mo kasama?" Sabi ulit ni Aira.

"Nagbibihis pa daw kakagaling pa lang niya sa school." Sabi ni Anthony and pinagpatuloy niya ulit ang pagluluto niya

"O sige dapat pogi 'yang boy bestfriend mo ha hihi." Sabi ni Aira habang naghuhugis puso ang mata niya. Tsk.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts