CHAPTER 45
--SHANE:
"So... all these time niloloko niyo lang pala ako." Nagulat na lang kami ni kuya Beans nang sabihin iyon ni ate Mau. This time, hindi cold ang nakikita ko sa mga mata niya kundi sakit at pagkadismaya.
"Ate Mau that's not what I mean--"
"This is not what you mean? Eh ano 'yon? Please lang, gusto kong sabihin niyo na lahat sa akin ngayon ang mga hindi ko pa alam. Para naman minsanan na lang 'yung sakit na mararamdaman ko." Pilit niyang pinipigilan ang mga luha niya na bumagsak.
"Ikaw Vince Jacob? Paanong naging ikaw si Beans? Ha?! Totoo ba 'yon?" Mahinahong tanong ni ate Mau kay kuya Beans pero bakas ang sakit sa mga mata niya.
"Let me explain Alexa." Nagmamakaawang sabi ni kuya Beans.
"Ofcourse, I do really need your explanation."
"Sa totoo lang, 'di ko din inaasahan na ako pala si Beans. Nagkaroon ako ng amnesia dulot ng accident a few years ago. Nung time na wala akong maalala sinabi ko sa parents ko na mas gusto kong maalala in a natural way ang mga ala-ala ko. Pero nabigo akong maalala, so I decided na umuwi dito sa Pinas. Then nitong mga nakaraang araw ko lang naalala ang lahat, matapos mong umalis sa Pangasinan. Pati si Anthony hindi ko maalala. All these time, hindi niya sinabi sa akin na matagal ko na siyang kilala. Naging best friend ko si Anthony sa U.S without knowing the truth. Lahat ng nangyari magmula noong accident ay nakalimutan ko. Nang makaalala ako, balak ko na sanang sabihin sa'yo kaya umuwi agad ako ng Manila but this happened and the rest was history. So I'm really sorry. I hope you can forgive me." Sabi ni kuya Beans. Kahit ako, hindi ko alam na nagka-amnesia siya kasi magmula 'nong lumipad ako para magpagaling, nawalan na ako ng balita tungkol sa kaniya.
"Apology accepted." Pati ako nagulat nang sabihin iyon ni ate Mau. I didn't expect na ganoon lang niya kadaling papatawarin si kuya Bins. Eh ano ba naman ang aasahan ko kay ate Mau? Ate Mau will always be ate Mau. Mabait talaga siyang tunay. I hate myself for hating her way back then.
"At ikaw? Anong kaechosan itong ginawa mo?" Mataray na sabi ni ate Mau. So nagtataray nagtataray na pala siya ngayon haha.
So I explained lahat ng balak ko mula umpisa. na wala talaga akong balak na saktan sila kasi gusto ko lang makapag-sorry sa lahat ng ginawa ko. Kahit leader na ako ng Summoners which is the strongest gang sa mundo, 'di ko sila sasaktan. At sempre, 'yung pagsabunot ko sa kaniya at pagpapadala ng sulat, its just part of the show. Kasi kapag sa normal na paraan ko ginawa ang plano kong paghingi ng tawad baka hindi nila ako kausapin.
"Kay ate Mau, sorry na please." Nakapout na sabi ko. Pero deep inside, nagangatog ang tuhod ko sa magiging reaksyon niya.
Laking gulat ko na lang nang palapit na siya ng palapit sa akin. Hinahanda ko na ang mukha ko para sa dadapong palad niya at ipinikit ko na rin ang mga mata ko para sa sampal niya.
But it turns out na hindi sampal ang dumapo sa akin, kundi isang yakap.
Sa hindi ko malamang kadahilanan, bigla na lang akong napaiyak sa balikat ni ate Mau habang yakap-yakap niya ako. Para akong isang batang paslit na nahanap ng kaniyang nanay.
"Huwag ka na ngang umiyak diyan Shane, ang drama mo talaga kahit kailan. Alam mo, hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad na kita. Labs na labs ka ni ate Mau. Hindi ko talaga ineexpect na hihingi ka ng tawad. Sinisisi ko nga ang sarili ko kung bakit nangyari sayo 'yon. So I'm just so happy na nangyari to kahit na kinabahan ako ng bongga dahil sa pakulo mo haha." Natatawang sabi ni ate Mau while caressing my back.
"Thanks ate Mau." Saka ko siya niyakap ng mahigpit.
CLAP... CLAP... CLAP...CLAP
Nagulat na lang kami nang may marinig kaming palakpak na nanggagaling sa pintuan.
"Kuya Anthony?" Naguguluhang sabi ko.
"Hey bro! buti na lang nakaabot ka. Pero sorry ka na lang kasi okay na kami nila Alexa at Shane. Makukumpleto na ulit tayo." Masayang sabi ni kuya Beans habang papalapit kay kuya Anthony.
Pero laking gulat ko nang bigla na lang tinutukan ni kuya Anthony ng baril si kuya Bins.
"Woyy bro! Masama ang ganiyang biro. 'Wag mo nga akong ginugood-time haha!" Natatawang sabi ni kua Beans habang papaatras at nakataas ang dalawang kamay.
"Paano kung sabihin kong hindi ako nagbibiro?" Nakangising utas ni kuya Anthony.
"Hoy kuya Anthony 'wag ka ngang paepal! Ako ang kontrabida dito hoy! 'Wag mo namang agawin ang role ko. Nakakaloka ka naman kuya eh. Ibaba mo na nga 'yang baril mong fake hahah!" Pagbibiro ko habang hawak ng mahigpit ang kamay ni ate Mau.
"Tumahimik ka!" Sigaw ni kuya Anthony sa akin kaya napakurap ako bigla at biglang napatumba nang patamaan niya ako ng baril sa binti. Agad din naman akong dinaluhan ni kuya Beans habang si ate Mau, nakatitig lang kay kuya Anthony.
"Sht! Anthony ano ba'ng problema mo ha?!" Galit na sigaw sa kaniya ni kuya Beans.
"Ikaw ang problema ko! Lahat na lang inaagaw mo sa akin!" Sagot naman ni kuya Anthony atsaka pinaputukan din si kuya Beans sa balikat. Mayghad! I didn't expect na mangyayari 'to.
Gustuhin ko mang lumaban, hindi ko kaya kasi si kuya Anthony iyon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya nagkaka-ganiyan. Gustuhin ko mang humingi ng tulong, nakita kong walang malay ang dalawang nagbabantay na gang mates ko sa pintuan. Hindi rin ako makakahingi ng tulong sa iba ko pang mates kasi masyado pa akong shock sa mga nangyayari.
"What do you mean?" Naguguluhang sabi ni kuya Bins.
"Lahat ng atensyon nasa iyo na! Pati ba naman atensyon ni Mau ha?!" Galit na sabi ni kuya Anthony kaya napatingin ako kay kuya Beans at ganoon na rin kay ate Mau na nagulat rin sa sinabi ni kuya Anthony.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.