webnovel

Chapter 33

Dahan-dahang binuksan ni Mira ang box at tumambad sa harapan niya ang isang kwentas na may bilog na jade pendant—may butas ito sa gitna at napapalamutian ng gintong dragon at phoenix na animo'y nakayakap sa kabuuan nito.

"That's my greeting gift for you, kapag pormal na kayong ikinasal nitong kapatid ko ay magbibigay ulit ako ng isa pang magandang regalo." Nakangiting wika nito.

"Maraming salamat sa regalo. Napakaganda ng pendant na ito." Wika niya habang tila hindi niya maialis sa pendant ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung dahil napakaganda nito o dahil kakaiba ito sa kanyang paningin.

"I never thought that Sebastian would get married sooner, kaya hindi ko napaghandaan nag regalong iyan, I hope you won't dislike it." Dagdag pa nito na ikinangiti ni Mira. Jacob was a sweet talker to begin with kaya naman ay mabilis itong nakapanatagan ng loob ni Mira.

"Thank you." Wika ni Mira at agad na lumapit kay Sebastian para ipakita dito ang natanggap niyang regalo. Agad naman iyong kinuha ng binata at ipinasuot dito.

"Wow, bagay na bagay sayo Mira." Puna ni Veronica nang makita ang kwentas sa sa leeg ng dalaga. Purong ginto ang pinakakwentas nito habang ang pendant naman nito ay kulay green na lalong tumitingkad dahil sa maputing kutis ni Mira.

Nang magkatinginan naman si Sebastian at Jacob ay agad na nagtanguan ang mga ito bilang pagbati sa isa't-isa.

Matapos nag pagdiriwang ay agad na nakiusap si Liam sa kanila na doon na magpalipas ng gabi. Hindi naman iyon tinutulan ni Sebastian dahil alam niya kung gaano nangungulila si Liam sa anak nito.

"Mira, kamusta ang pag-aaral mo? Hindi ka naman ba binu-bully sa school?" Tanong ni Liam habang nasa sala sila at nagpapahinga.

"Maayos naman po, wala naman gaanong nambubully sa akin doon at mababait din ang mga kaklase ko." Sagot ni Mira.

"That's good." Masayang wika naman ni Liam habang iniaabot kay Mira ang isang box. "That's for you. Mamaya mo na buksan iyan sa kwarto niyo. Sana ay bumisita ka pa rin dito sa bahay kapag may oras ka."

"Opo Uncle Liam, sasabihan ko si Sebastian na dalhin ako dito kaoag weekends na hindi ako busy. Gustong-gusto ko po ang garden niyo." Wika ni Mira at muling nangilid ang luha sa mata ni Liam. Mabilis siyang umiwaa at pasimpleng hinawi ang luha niya bago tumingin sa dalaga.

"My wife also loves the garden. Siya ang nagtanim ng mga rosas sa garden, naghire ako ng hardinero simula nang mamatay siya dahil ayokong mapabayaan ang mga bulaklak na pinaghirapan niyang itanim." Kwento nito at napangiti naman si Mira. Ramdam kasi niya ang pangungulila nito sa kaniyang asawa.

"Siguro po ay mahal na mahal niyo ang asawa niyo? Maganda po ba siya at mabait?"

"Kasing-ganda at kasing bait mo. Tuwing nakikita nga kita ay oara ko na ding nakikita ang anak kong babae. Ayos lang ba sayo na maging anak kita?" Malungkot na wika nito at napakamot naman si Mira. Hindi pa kasi niya nararanasan ang magkaroon ng isang ama simula pa man noon. Wala siyang nakagisnang ama at ang tanging nagtaguyod sa kaniya ay ang kaniyang ina hanggang sa mamatay din ito at natuto siyang mabuhay ng walang inaasahan kundi ang sarili niya lamang.

Bago sa kanya ang lahat ng ito. Ang mga kabutihang ipinapakita sa kaniya ng mga taong inaakala niyang nasa tugatog na ng buhay ay tila ba isang panaginip para sa kaniyang namulay sa isang maralitang pamumuhay. Simula nang makilala niya si Sebastian ay unti-unting nagbago ang kaniyang buhay. Nakapag-aral siya, nakilala niya ang mga bago niyang kaibigan, nakilala niya ang pamilya ni Gunther na walang ibinigay at ipinaramdam sa kaniya kundi ang init ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya.

"Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Bago po ang lahat ng ito sa akin. Wala akong naging Papa, at tanging ang Mama ko lang ang bumuhay sa akin." Wika ni Mira at dahan-dahang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.

Nakaramdam naman ng lungkot at sakit si Lian nang makita ang luha sa mata ng kaniyang anak. Dalawampung-taon ang hinintay niya para makita lang ito. Dalawampung-taon siyang naghirap at nalungkot sa pagkawala nito. Ngunit kaahit sa pagkakataong ito na abot-kamay na niya ang kaniyang prinsesa ay wala pa din siyang magawa kundi ang tikisin ang kaniyang sarili na sabihin dito ang totoo.

'O Diyos ko, saan ba ako nagkamali. Bakit ganitong pasakit ang ibinibigay niyo sa akin? Kinuha na ninyo ang asawa ko, bakit kahit sa anak ko ay hindi ko pa rin magawa ang aking gusto?' tahimik na himutok ni Liam habang marahang hinahawi ang mga luha sa pisngi ng dalaga. Nang dumampi ang kaniyang daliri sa balat ni Mira ay agad na naramdaman ni Mira ang kakaibang init na hatid ng mga daliring iyon. Punong-puno ito ng pagmamahal at pag-aalala. Napatulala lamang si Mira habang tila nakarating ito sa ibang dimensiyon. Ilang sandali pa ay narinig na lamang niya nang magwika itong ng—

"Pag-isipan mo hija. Si Gunther lamang ang aking anak at wala akong anak na babae. Siguradong matutuwa si Gunther kapag pumayag kang maging kapatid niya. "

Sumikdo naman ang puso niya nang marinig ang alok ni Liam. Tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig. Napakabuti ng Panginoon sa kaniya, hindi man siya naging maswerte sa mga taong kapamilya niya ay naging maswerte naman siya sa mga taong nakikilala niya. Napayakap naman siya dito at bahagyang tumango.

"Pag-iisipan ko po." Sambit naman ni Mira at masayang tumango si Liam.

"O siya, magpahinga ka na, baka hinihintay ka na ni Sebastian." Pagtataboy nito sa dalaga habang natatawa.

"Opo, goodnight Uncle Liam." Wika ni Mira at magalang na nilisan ang sala.

Nang marating niya ang kwarto nila ay agad siyang napaupo sa likod ng pintuan nila. Doon ay biglang bumuhos ang mabigat na emosyong kanina pa niya pinipigilan. Walang patid sa pagtulo ang kaniyang mga luha dahil sa emosyong iyon.

"Mira, what's wrong?" Taning ni Sebastian nang makita niya si Mira na nakasalampak sa sahig at umiiyak. Ito ang unang beses na nakita niya itong umiiyak nang ganoon, tila ba napakasakit nang dinaramdam nito. Agad niyang niyakap si Mira at binuhat ito patungo sa kama.

"Mira what happen, why are you crying like this. Tell me please." Nag-aalalang tanong ni Sebastian ngunit hindi nito magawang magsalita dahil sa tindi ng pag-iyak nito. Animo'y maging ang paghinga ay hindi nito magagawa dahil sa kaniyang pag-iyak. Mahigpit niyang niyakap si Mira at hinaplos ang likod nito na tila ba nagpapatahan ng isang bata.

"It's alright Mira." Bulong ni Sebastian sa dalaga.

"Bastian, Papa ko ba si Uncle Liam? Nakita ko, nag-uusap sila ni Gunther sa alaala niya. Kuya ko ba si Gunther?" Umiiyak na tanong ni Mira at gulat na gulat naman si Sebastian nang marinig ang mga katanungang iyon. Saglit siyang natigilan at napatingin sa dalaga. Walang patid sa pagtulo ang luha nito at halos mamaga na ang mata nito kakaiyak.

"Mira, how did you know?"

"Noong yakapin ko si Uncle, pumasok sa utak ko lahat ng alaala niya. Nakita ko siya at si Gunther na nag-uusap. Bastian, bakit ganun? Sino ba talaga ako? Sino ang mga taong iniiwasan nila? At bakit kailangan akong protektahan?" Naguguluhang tanong ni Mira na halos ikasira ng bait niya. Sa sobrang gulo ng utak niya nang mga oras na iyon ay tila ba hindi na siya makapag-isip ng maayos. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang mga pangitaing iyon na animo'y nanunuya sa kaniya.

"Mira, I don't know the whole story but all I know is that you were the lost daughter of the Von Kreist. Naalala mo ba noong maaksidente si Gunther at niligtas mo siya? That day, he draw some blood from you and run a DNA test."

Napatahimik naman si Mira at agad na napatitig kay Sebastian.

"I'm sorry, hindi ko sinabi sayo ito dahil na din sa kagustuhan naming maprotektahan ka at iyon din ang kahilingan ni Gunther."

"Kaya ba ayaw nila sa akin? Kaya ba kung pagmalupitan nila ako ay ganoon na lamang? Dahil alam nilang hindi ako anak ng Mama ko?" Umiiyak na tanong ni Mira.

"Hindi ko din alam kung paano ka napunta sa kamay ng mga torres, hanggang ngayon ay wala pa din kaming lead kung paano ka nakaligtas sa sindikato." Wika naman ni Sebastian.

"Mira, tanging sina Uncle Liam lang ang nakakaalam ng buong pangyayari sa pagkawala mo at sila lang din ang makakasagot ng mga katanungan mo. Mira, itinago nila ito kahit alam nilang masakit, dahil nag-aalala sila na makakarating ito sa mga taong gustong kumuha sayo." Dagdag pa ng binata at humugot ng malalim na hininga si Mira bago yumakap dito.

"We can talk to them right now. Mira, matagal na panahon ka nilang hinintay. Uncle Lian even wish to have you by his side, pero dahil masyadong complicated ang mga pangyayari ay mas minabuti nilang manahimik. He asked my opinion about having you as his adopted daughter, and I told him it's alright. That way, you can still be his daughter and a Von Kreist without alarming the enemies. "

Tumango lang naman ang dalaga bilang pagsang-ayon sa suhestiyon ng binata. Alam niya ang nararamdamang paghihirap ni Liam dahil ramdam at kitang-kita niya ang mga ito.