webnovel

Chapter 28

Kinaumagahan ay halos mapatili si Christy nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang manager. Sa sobrang lakas ng kanyang pagkakatili ay nabulabog pati ang kaniyang mga magulang na noo'y natutulog pa.

Humahangos na pumasok ang mga ito sa kwarto niya na noo'y pupungas-pungas pa at kinukusot ang mata.

"Ano ba Christy ang aga-aga eh nagsisisigaw ka diyan. Ano bang problema." Inis na tanong ni Agnes sa anak.

"Ma, nakatanggap ako ng mensahe galing sa manager ko. Ang sabi niya isama ko daw kayo sa party namin mamaya." Hindi makapaniwalang bulalas nito habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe na kanyang natanggap.

"Ano? Sigurado ka ba anak?" Ang inis nito ay biglang napalitan ng ngiti nang marinig ang tinuran ni Christy. Kilala sa buong bansa, maging sa buong mundo ang kompanyang kinabibilangan ngayon ng kanyang anak. Sino ang hindi magugulat.

"Sigurado Ma. Nakalagay dito na maari kong isama ang lahat ng aking kapamilya. Ma, pakiramdam ko may sa akin si Sir Sebastian." Wika ni Christy habang nakatingin sa kanyang ina.

"Paano mo naman nasabi anak?" Twnong ni Agnes at nag-iilusyong ngumiti si Christy.

"Ma, sa lahat ng baguhan sa opisina ako lang ang invited sa party at binigyan pa ako ng damit na susuutin , pagkatapos ito pa. Ma hindi kaya magtatapat na siya sa akin? At kaya niya kayo pinapupunta ay dahil nais na niyang hingin ang kamay ko sa inyo?" Wika ni Christy at lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Agnes.

"Naku Christy napakaswerte mo talaga. Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang mag-aahon sa amin sa kahirapan." Tuwang-tuwang bulalas naman ng ginang habang niyayakap si Christy. Maging ang ama nito ay tuwang tuwa din.

Pagdating ng kapatid nitong lalaki ay agad silang tumungo sa mall para bumili ng kanilang isusuot sa naturang party. Hindi maaring maging simple lang ang kanilang damit dahil hindi din basta-basta ang party na iyon. Walang kaalam-alam ang mga ito sa tunay na rason kung bakit makakadalo ang kanilang buong pamilya.

Samantala, abalang-abala naman si Veronica at Mira sa pamimili ng kanilang isusuot sa gabing iyon. Dahil na din sa kakulitan ng dalaga ay wala nang nagawa si Sebastian kundi ang bigyan din ito ng invitation. Mas magiging pabor din ito sa kanya dahil merong magpapalakas ng loob kay Mira sa naturang party.

"Mira, bagay ba sa akin?" Tanong ni Veronica habang umiikot. Suot-suot nito ang isang itim na halter dress na may nagkikislapang malilit na animo'y mga diamante.

"Maganda siya pero, parang masyadong nakakasilaw. Bakit hindi mo isukat yung una nating nakitang dress. Tingin ko mas bagay sayo iyon." Suhestiyon ni Mira at napatango naman si Veronica. Walang pagdadalawang-isip naman siyang nagpalit at bahagyang ipinusod ang kanyang buhok.

Paglabas niya sa dressing room ay agad na kumislap ang mga mata ni Mira nang makita ang kaibigan. Kulay beige ang dress na iyon at hapit na hapit sa magandang hubog ng katawan ni Veronica. Matangkad si Veronica at bumagay sa kanya ang dress na iyon. Hindi iyon gaanong revealing sa harap subalit ang bandang likuran ay backless na siya namang nakadagdag sa kakaibang alindog ng dalaga. Meron din itong mahabang slit sa gilid na siyang nag-emphasize ng mahaba nitong biyas.

"So what do you think?" Taning ni Veronica habang tinitingnan ang kaniyang sarili sa salamin.

"Perfect. Napakaganda, Veronica." Masayang wika ni Mira at napangisi lang ito.

"Dahil ikaw ang pumili sa dress ko, hayaan mong ako ang pumili ng dress na susuotin mo." Wika ni Veronica at huminto ito sa harap ng isang puting dress. Kumislap ang mga mata ni Veronica dahil may pagkakapareho ito sa kanyang suot.

"Ma'am, gusto niyo po ba ang dress na ito, tulad po ng inyong suot ay nag-iisa lamang ito at iisa lang din po ang gumawa ng dress na ito at nang suot niyo." Paliwanag ng sales lady.

Napangisi naman si Veronica at nilingon si Mira.

"Mira, babagay sayo ito. Please isuot mo." Wika niya na ikinatawa naman ni Mira. Nagpatulong siya sa sales lady na kunin ang dress na iyon at dinala na niya ito sa dressing room.

Bahagya niyang inayos ang kanyang buhok bago ito isuot dahil ayaw niyang masira ito kung saka-sakaling hindi babagay sa kaniya. Ngunit sa paglapat ng tela sa kanyang balat ay napagtanto niyang sumakto lang iyon sa kanyang sukat. Tila ba ang damit na iyon ay sinadyang ipinagawa para lang sa kanya.

Paglabas niya sa dressing room ay agad siyang lumapit sa salamin. Hindi na niya napansin ang kakaibang reaksyon ng mga taong naroroon dahil nakatuon ang pansin niya sa kaniyang repleksyon.

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita, pakiramdam niya ay naging ibang tao siya dahil sa damit na iyon. Kumpara sa suot ni Veronica at maituturing na simple lamang ang desinyo nito ngunit meron itong ibinibigay na kakaibang pakiramdam sa mga taong nakakakita dito. Pakiramdam na tila ba napakahiwaga ng taong nagsusuot nito. Nang tuluyang naman niyang lingunin si Veronica ay nakita niya itong nakatulala sa kanya. Maging ang tatlong sales lady ay nakatingin sa kaniya na animo'y nakakita ang mga ito ng multo.

"Hindi ba bagay?" Tanong ni Mira, mahahalata sa bosea nito ang pagkadismaya.

"N-no, it's beautiful." Bawing sagot ni Veronica at nilapitan si Mira. Nang magtabi ang dalawa ay nakarinig sila ng pagsinghap sa kanilang paligid.

"My God, those two looks like goddesses." Wika ng isang napadaang customer, at doon ay pinagkaguluhan sila ng mga tao.

"Hindi ko akalain na meron babagay sa mga damit na gawa ni Michael." Wika ng isang babae na bakas sa mukha nito ang paghanga. Nagkatinginan naman si Mira ay Veronica dahil sa pangyayari.

"Ahh, Miss kukunin namin ang damit na ito." Wika ni Veronica at mabilis na hinatak si Mira papalayo sa mga taong yun .

Mabilis na silang nagpalit ng damit at binayaran na iyon sa cashier. Tuwang-tuwa naman ang kahera nang makitang naibenta din nila ang dalawang damit na iyon. Ayon pa sa mga ito, marami na ang nagtangkang bumili doon ngunit hindi nila binibigay ito nang basta-basta. Hanggat wala silang nakikitang babagayan ng damit ay hindi iyon maaring maalis sa kinalalagakan nito. Iyon din kasi ang bilin sa kanila ng kanilang amo dahil ayon ito sa kasunduan nila ng gumawa ng damit.

Matapos bumili ng damit ay nakipagkita na sila kay Sebastian at tumungo na sila sa hotel kung saan gaganapin ang party. Doon ay saglit silang nagpahinga bago sila tuluyang sumabak sa makeover na gagawin sa kanila.

Halos dalawang oras din ang binuno ng dalawang magkaibigan sa kanilang makeover, kasama na doon ang massage at relaxation na ibinigay sa kanila ng mga taong kinuha ni Sebastian.

Matapos silang maayusan ay pareho sioang napatulala sa salamin. Nagkatinginan sila pareho at natawa.

"Look Mira, we look like sisters. Pakiramdam ko talaga magkapatid na tayo. " Masayang wika ni Veronica habang nakatingin sa replesyon nila sa salamin.

"Oo nga, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na inaayusan ka. " Sang-ayon naman ni Mira. Bahagya nitong hinaplos ang suot na damit at ang buhok niyang kinulot pa kanina.

"Are you girls ready?" Tanong ni Sebastian pagpasok nito sa kwarto. Bahagya pa itong napatulala nang makita si Mira sa puting dress nito. The dress looks good on her lithe body, it emphasize her curves and her astonishing beauty. Walang mahanap na kataga si Sebastian para ihambing sa kagandahan ni Mira. She looks different tonight and he loves it.

"You look beautiful, Mira." Sambit lang niya at natawa si Veronica.

"See, I told you. Kahit si Sebastian ay nahumaling sa ganda mo." Tukso ni Veronica at nag-init ang mukha ni Mira.

"Alright, hihintayin na lamang kita sa labas, bibigyan ko muna kayo ng limang minuto para sulitin ang moment na ito. Sebastian, don't ruin her make up okay." Natatawang paalala pa nito at lalong namula si Mira sa panunukso nito.

She was about to say something when Sebastian pull her towards his chest and kissed her full lips. Dahil sa pagkabigla ay muntik ay halos mapasubsob ang katawan niya sa katawan ng binata. Saglit lamang iyon at hindi na pinatagal ni Sebastian ang halik dahil alam niyang kapag tumagal -tagal pa ay hindi na sila makakaattend sa party.

"Are you ready for tonight?" Mahinang tanong ni Sebastian at tumango naman si Mira. "I already invited your family here. Kasama silang aattend ni Christy. Tonight they will regret everything they did to you." Wika ni Sebastian at muling tumango si Mira.

"Okay, ang gabing ito ang magiging simula ng aking pagbabago. Salamat Bastian dahil nariyan ka palagi sa tabi ko. "

"Silly, of course. I am your husband." Wika nito at dinampian siya ng halik sa noo. Paglabas nila ay naabutan nilang nakangisi si Veronica habang naghihintay ito sa labas ng kwarto.

"Good, at hindi nasira ang make up ni Mira. Sebastian. I never know, you are this sweet. "Sambit pa ng dalaga at mabilis na hinatak si Mira palayo rito.

Samantala, paisa-isa nang pumapasok ang mga empleyado at guest sa naturang funtuon hall na kung saan magaganap ang anniversary party ng Saavedra Corp and Valiant Industry. Halos lahat ay nakagayak, nagpatalbugan ang mga ito sa kani-kanilang mga kasuotan . Nang dumating ang pamilya ni Veronica sa lugar ay halos lumuwa ang mga mata nila sa laki at ganda ng buong lugar.