webnovel

CHAPTER 16

Wala ako sa sariling sumakay sa taxi. Ang alam ko lang ngayon ay may masamang kalalagyan ako sa oras na makarating kay Tranz ang nangyari sa araw na ito—ang nangyari na may katabi ako sa kama na ibang lalaki.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang  mangyari ay makauwi ako at maipaliwanag kay Tranz ang lahat. Ang concern ko lang ay kung paano ko ipapaintindi ang lahat sa asawa ko.

"Ma'am saan po kayo?"

Agad akong nagpunas ng luha nang lumingon pa sa gawi ko ang driver.

"Sa S-south Ridge Village po, Manong," sabi ko rito sa kabila ng paghikbi. Laking pasalamat ko dahil hindi na nag-usisa pa ang driver. Ayoko rin kasing magsalita dahil mas tumitindi lang ang pag-iyak ko.

Nang makarating sa gate ng village ay saka ko lang napansin na wala pala sa akin ang cell phone, lalo na ang purse ko kaya wala akong pera para ipambayad sa driver. Kaya ang ginawa ko ay hinubad ko ang bracelet ko at iyon ang inabot sa driver.

"I-iyan lang po ang maibibigay ko, Kuya. Wala akong cash kaya iyan na lang. Maibebenta mo po iyan," natatarantang paliwanag ko rito habang tumitingin sa labas ng bintana.

"Huwag na, Ma'am. Huwag ka na lang nagbayad. Libre na ang sakay para sa iyo."

Hindi ko mababakasan ng kakaiba ang mukha ng driver, bagkus, ang nakikita ko sa mukha niya ay awa at pag-unawa.

"Pero, Kuya, okay lang po," pagpupumilit ko pa at pilit na inaabot sa kaniya ang bracelet ko. "Tanggapin niyo na po para makauwi na ako."

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago niya inabot sa akin ang bracelet. Tumango pa ako rito bago nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Nang makababa naman ay patakbo akong pumunta sa gate. Mabuti at agad akong nakita ng guard kaya pinagbuksan nito kaagad ako.

The guard offers to take me to our house using the golf cart, kaya pumayag na ako.  Pero isang malaking pagkakamali ang ginawa ko dahil mas napadali ang sintensiya ko.

Sa labas ng gate namin ay nandoon si Tranz at naghihintay! His face's still unclear lalo pa at may kalayuan pa ako sa kaniya.

"K-Kuya B-Bert, dito na lang po a-ako." Halos hindi na ako magkandatuto sa pagsasalita dahil sa lumukob na kaba sa akin. Mabuti na lang at nakaintindi ang guard kaya huminto ito kaagad.

"Kung may problema po, Ma'am, sabihan niyo lang po kami. Hindi po sa tinatakot ko ko kayo, kagabi pa kasi galit na galit si Sir at hinahanap kayo. Kaya ho kung kailangan niyo ng tulong ay huwag kayong mahiyang magsabi sa amin."

Tumango na lang ako rito at nagpasalamat bago bumaba. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sa takot para sa asawa ko.

But Tranz makes move. Salubong ang kilay nito habang papalapit sa akin. Ang mga sunod na nangyari ay ang inaasahan ko.

Katulad ng nasa isipan ko na gagawin niya ay isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha ko. When I was about to fell on the ground, marahas niyang hinawakan ang braso ko at itinayo ako.

"I didn't know that I married a slut! Isang pagkakamali ang pinakasalan kita, Mina, dahil hindi ka pala mapapagkatiwalaan!"  sigaw nito kaya napayuko ako.

Napayuko ako sa sakit at sa tindi ng kahihiyan lalo pa at may mga tao sa paligid namin na nagsimulang magbulungan. I didn't know that these mighty people would stop on their everyday routine just to watch a scandalous act.

"P-please, Tranz, h-huwag dito, please. Nakakahiya— Aray!" sigaw ko kasabay ng  paghawak sa buhok kong pasabunot nitong hinila.

"Nahihiya ka?! Nahihiya ka sa mga taong nandito, pero hindi ka nahiya sa sarili mo at gumawa ka pa talaga ng iskandalo na ikasisira ng pangalan ko!" Hinawakan niya ako sa batok at itinayo nang matuwid, pagkatapos ay iniharap niya ako sa mga taong nanonood lang habang sinasaktan ako ng asawa ko. "Look at my wife! Look straight to her! Mula sa pagiging magsasaka at pagiging amoy lupa ay inahon ko siya sa hirap! Pero tingnan niyo naman ang isinukli sa akin ng hampaslupang 'to! Dalawang beses niya akong niloko! Dalawang iba't ibang lalaki na ang nakaniig niya!"

Mas lumakas ang bulungan sa paligid. Imbes na sawayin nila si Tranz dahil sa ginagawa nitong pananakit at pagpapahiya sa akin ay kung ano-ano pa ang sinabi nila sa akin. Mga paratang na wala namang katotohanan. Nililibak nila ako kahit hindi nila ang totoong nangyari sa akin. May kumukuha pa ng videos at pinagtatawanan pa ako.

Pero wala akong magawa. Dahil kahit ang magsalita para sabihin ang totoo ay wala akong lakas. Wala akong lakas para ipaliwanag na wala akong kasalanan at hindi ko ginusto ang nangyari sa akin.

"At alam niyo ba kung saan galing 'tong magaling kong asawa?! Sa lalaki niya lang naman! Natulog siyang katabi ang ibang lalaki!"

Naging matindi ang paghagulhol ko habang umiiyak. "H-hindi totoo iyan, Tranz, k-kahit kailan ay h-hindi kita niloko. M-mahal kita. Mahal na mahal at alam m-mong ikaw lang a-ang lalaki sa buhay ko. M-mahal kita k-kaya kahit kailan ay hindi kita m-magagawang lokohin..."

"Hindi ka lang malandi, Mina, sinungaling ka pa."

Pakiramdam ko ay kumapal ang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal na iginawad niya sa akin. Pasalampak akong napaupo sa sahig at halos mawala ako sa katinuan nang nagsimulang umagos ang dugo mula sa gitna ng hita ko. Nahihintakutan akong humingi ng tulong kay Tranz.

"T-Tranz... H-help me..." pakiusap ko pa rito pero para itong pako na itinulos sa kaniyang kinatatayuan.

Umiiyak na ako habang itinataas ang kamay ko para humingi ng tulong pero walang sino man ang nagtangkang lumapit sa akin para tulungan ako.

"A-ang baby ko. Tulungan niyo ako... Please, save my baby..." Pinilit kong tumayo pero wala na talaga akong lakas.

Nagmamakaawa akong tumingin sa gawi ni Tranz pero nakita ko ang pag-iling niya bago niya ako tinalikuran. "It's better this way, Mina..." saad niya. "Mas mabuting mawala ang batang iyan para sa ikatatahimik nating pareho..."

Nagsimula itong maglakad at hindi man lang ako nito nilingon.

Hindi ito ang Tranz na kilala ko. Hindi ito ang Tranz na nangako sa harap ng altar na mamahalin ako. At higit sa lahat, hindi siya ang Tranz na asawa ko na iiwan ako sa ganitong sitwasyon na para bang hinahayaan niya na akong mamatay.

"T-Tranz, h-huwag mong gawin 'to. Huwag m-mo akong iwan..."

Halos mabaliw na ako dahil sa pagguhit ng sakit sa bandang puson ko. But I have to fight this weakness inside me. Para sa akin, at para sa anak ko.

I tried to get up, pero kahit ang ikilos ang kamay ko ay hindi ko magawa. I was about to give up when the guard rushed towards me. Nakita ko pa si Dra. Capestrana bago ako ginupo ng kadiliman.