webnovel

Chapter 3

***

She already thirteen years old now maslalong naging matured at naging masmahinhin.

May ilan nga rin na napagkakamalan siyang anak ng isang artista yung iba naman ay anak ng model pag tawa lang ang lagi niyang sinusukli sa iba na lagi siyang na papansin.

Maaga siyang nagising para pumasok. third year high school na rin siya habang ganon rin ang mga kaibigan niyang sina Anna at Vriell.

"Ma! Pasok na po ako! " Paalam niya sa kanyang mama Ema habang nag lilinis ito. Lumingon ito sa kanya habang may pag mamadali sa kilos niya na pag susuot ng sapatos.

"Hindi ka manlang mag-aalmusal? "

"Hindi na po sa school na lang po. " Sabi niya bago siya humalik rito kumuha lang siya ng isang pirasong tinapay at tuluyan ng lumabas.

Nakasalubong niya pa ang kuya Rojun niya, galing ito sa trabaho.

"Hey! Sheen-sheen! "

"Pasok na po ako kuya bye I love you. "

Nagmadali na siyang lumabas ng kanilang bakuran hindi na niya hinintay pa ang kanyang kuya upang siya'y ihatid nito sa School at hindi na pansin ang sasakyang itim nalaging nakamasid sa kanya.

Nang makarating siya sa school, masaya siyang naglakad malawak ang mga ngiti niya ng batiin siya ni mang Bert.

"Kay ganda ng ngiti natin ngayon Sheen ah, " Natawa siya ng bahgya dahil sa sinabi nito.

"Si mang Bert talaga, maganda lang po ang gising ko ngayon araw. "

"Nako, Baka naman---"

"Mang Bert talaga. " Nahihiya niyang sabi na ikina tawa naman din nito.

"Siya sige na ikay pumasok na. " Ngumiti siya rito bago ito tumango.

Pagpasok palang niya ng classroom, sumalubong agad sa kanya ang ingay at mga nag tatawanan na mga kaklase niya. Napa iling na lamang siya bago siya diretsong nag lakad papunta sa dulo pero agad rin siyang hinarang ni Ella.

"Hi.. Sheen. "  Keme lang siyang ngumiti rito ng tipid saka niya rin ito binati.

"Hi.. "  Napa siklot siya ng akbayan siya nito.

"May nagpapaabot nga pala sayo. Ikaw huh.. ang pogi ng mangliligaw mo. "

Saka nito ibinigay ang isang bugkos ng mga bulaklak na may kasama pang sulat. noon lamang niya napansin ang hawak nito' Wala sa loob na tinanggap niya ang binigay nito.

"P-para sa akin? "

"Oo."

Nahihiyaman ay tinanggap pa rin niya. Ang iba naman nilang kaklase ay kinikilig pa.

"P-pero---"

"Nako, tanggapin mo na grabe ka day, ang hot ng mang liligaw mo ah, Inperness. "

Mas lalo siyang nalito dahil sasinabi nito baka nag kamali lang ito ng bigay sa kanya pero. nong mapadako ang tingin niya sa sulat ay naka pangalan  mismo iyon sa kanya.

Lalong wala naman siyang na babalitaan na may mangliligaw  nga siya.

Iling siyang na upo sa upuan bago siya iwan ni Ella at pumunta ito sa upuan nito. Kahit lito parin tinabi niya muna sa gilid ang sulat at ang bulaklak, saka niya na lamang iyon babasahin kapag nakauwi na siya.

Break time nila ng makita niyang papalapit sa gawi niya  si Paul kasama ang mga kaibigan nito saka siya nito inakbayan. Hindi niya ka-close ito lalunat ilang talaga siya sa mga lalaki noon paman.

Ewan niya kung bakit kinukulit at panay ang lapit nito sa kanya kahit umiiwas na siya rito. Isa itong sikat na basketball player sa school nila pinag kakaguluhan ito ng lahat kaya ang iba sa mga babaeng fun na fun nito ay may galit sa kanya. Dahil lagi siyang pinapansin nito.

Pasimple niyang pinalis ang mga kamay nito at bahagyang dumistansya rito lalunat may mga naka tingin na sa kanila.

"Tch. Hanggang ngayon parin Sheen? Iwas na iwas kaparin sakin?" Naka nguso nitong sabi pero alam niyang na inis iit dahil sa ginawa niya.

"Hindi lang ako sanay---"

"C'on matagal na tayong mag kaibigan---"

"Excuse me? Hindi ka niya kaibigan.

Tabi nga! "

Biglang sulpot ni Anna at Vriell bago nito itulak ang binata ng bahagya saka siya ginayak papalayo kay Paul subalit.

"Sheen-sheen! manliligaw ako sayo!

Pwede ba!? "

Agad rin Napahinto silang tatlo dahil sa ginawang pagsigaw nito at rinig na rinig iyon ng lahat ng mga stduyanteng naroon sa loob ng cafeteria.

Shet.

Ramdam niya ang pagiinit ng buong mukha niya, na sa tingin niya kung makita man ng lahat ang itsura niya tiyak na kamatis na iyon, dahil sa labis na hiya. Nag hiyawana naman ang lahat.

Tila hinihintay ng lahat ang kanyang isasasagot. Mali ito lalunat mga bata pa sila, ano naman kaya ang nakain nito at nais siyang ligawan? My god.

"P-pasensya na Paul, pero. masyado pa tayong mga bata para manligaw ka sakin. " Naka yuko niyang sabi napa " Oh.. " nalamang ang lahat subalit umiling lang ito.

Bago lumapit sa kanya , akmang pipigilan pa sana ito ni Anna ng pigilan rin ito ni Vriell.

Tumingin siya ng matiim rito at gayon rin ito napa lunok siya dahil sa uri ng tingin nito sa kanya. Saka ito bahagyang yumuko at may ibinulong sa kanya na mas lalong hindi niya nagustuhan.

"Wala pang kahit na sinong babae ang tumatanggi  sa inaalok ko. Masyado kang pakipot Sheen, soon i will make sure you will be mine. At sa pangatlong pag kakataon titiyakin kung hindi kana tatanggi pa. " 

Mahaba at seryoso nitong sabi bago siya nito kindatan.

Tulala na lamang siya ng tumalikod ito sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi nito sa kanya.

Hindi kaya ito rin ang nag padala sa kanya ng mga bulaklak at ng sulat?

"Ayos ka lang Sheen? nako, wag mo na lang pag papansinin pa yun si Pual may sapak lang yon sa utak. "

"Nako! Sinabi mo pa Ann. Tara na nga masyadong agaw iksena nung tukmol na iyon. Pati pagkain natin na antala pa. "

"Your right let's go Sheen. " Nag patinuod na lamang siya sa dalawa.

Lutang nanaman kasi ang utak niya .

Fuck.

©Rayven_26