webnovel

4

Bago pa man tuluyang malaglag si Rod ay mabilis na nahablot ng babae ang isa niyang kamay. Subalit dahil may kabigatan siya sa tangkad na anim na pulgada ay halos mahila na din niya ang babae mula sa pagkakahawak sa bisagra.

"Huwag kang bibitiw," sabi ng babae habang pilit na hinihila si Rod paakyat gamit ang isang kamay

Napatingin ang lalake sa kanyang mukha patungo sa kanyang kamay na nakahawak sa bisagra. Tingin niya ay para bang matatanggal ang braso nito mula sa katawan nito. Muli niyang inilipat ang tingin sa magkahugpong nilang mga kamay, matapos ay bumuntong hininga siya.

Gamit ang kabila niyang kamay, inabot niya ang bisagra ng pintuan at pilit na iniangat ang sarili. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nakaakyat sa nasabing bahay.

"Thanks."

Hindi na sumagot ang babae sa halip ay tinitigan niya lang si Rod ng mariin.

"Hanggang kailan mo ako planong daganan?" tanong nito na agad niyang ikinabalikwas. Halata sa mukha niya ang gulat at pagkapahiya. Hindi na siya hinintay pa na magsalita nito na mabilis na bumangon saka ipinagpatuloy ang aking pagkain na parang walang nangyari.

Ilang minuto lang din ay naramdaman na nito ang presensya niya sa kinauupuan niya kanina.

"Tungkol doon sa sinabi mo."

"I'm serious about that," she said after swallowing her food. "You're good looking, you are fit to father a child."

Tinignan niya ang babae matapos iyong sabihin. Kulang na lang malaglag na ang kanyang mga mata habang ang kanyang labi ay halos sumayad na sa sahig. Hindi na napigilan ng babae ang matawa dahil sa itsura niya.

Rod was shocked because of what she said but he's flabbergasted when she burst out laughing. This is the first time he saw her eyes filled with such emotions and it really awed him.

"Look, I'm not asking you to impregnate me or something. And having a child this early is really not my option," she said defensively. "I'm just stating what's obvious so you don't need to be very cautious about your sanctity," she added.

Para bang nabunutan ng tinik si Rod matapos marinig ang sinabi ng dalaga, hindi dahil nakaligtas siya sa kung anumang masamang plano nito kundi para sa dalaga.

"Sorry for being very straightforward," she said before continuing to eat.

"Siya nga pala, ano ang pangalan mo?" tanong niya habang patuloy sa pagnguya

Napangiwi muna si Rod sa ginawa nito. Para kay Rod, hindi magandang ugali ang pagsasalita habang may laman ang bibig. Hindi niya maatim na matalsikan siya ng kung anong bagay mula sa bibig nito.

"Rod," maikli niyang tugon. Hindi na niya pinansin ang klase ng pagtitig nito sa kanya na halatang hinihintay ang kanyang apelyido.

"Ako nga pala si Kurohana."

"Black Flower," wala sa sariling sabi ni Rod na ikinagulat ng dalaga. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang mukha nito na may bakas ng pagtatanong kung paano niya nalaman ang ibig sabihin nito.

Matapos kumain ay naghanda na sila para sa pag-alis.

Paglabas ng bahay ay saka lamang napag-alaman ni Rod na kasalukuyan silang nasa Urbs Montis na kilala rin bilang Mountain Village.

"Where will you go?" she asked.

"I think I should return to Praea Clara." Rod shrugged nonchalantly. "I have to file about~" he didn't continue what he was about to say but the lady just nodded in understanding.

The two agreed to travel back to PraeaClara.

Sakay ng karwahe ay tinahak nila ang daan pahilaga. Kahit pa nasa lambak sila ay may mangilan-ngilan pa din silang nadadaanan na mga puno na may bunga. Hindi rin maiwasang isipin ni Rod kung ano ba talaga ang nangyari noon sa mga bandido na nakasalubong niya sa gubat.

"Rod!"

Nagulat pa siya ng pitikin ni Kurohana ang kanyang noo na mabilis niyang sinapo dahil sa sakit. Nakasimangot siyang bumaling dito saka nagreklamo, "bakit ka namimitik?"

"Ang layo na ng narating mo." Hindi pa naintindihan ni Rod ang ibig sabihin ng dalaga na napatitig lang dito. "Ang ibig kong sabihin, masyadong malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?"

Hindi sumagot si Rod, saka bumuntung-hininga.

"Malapit ng mag-gabi. Masyadong delikado kung ipagpapatuloy natin ang paglalakbay dito, maraming mababangis na hayop at mga tulisan."

Wala sa sariling napatingin si Rod sa ahawak na orasan. Mag aalas-singko na ng hapon at ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw. Pero nagtaka siya sa sinabi nito.

"Bakit pala aabutin tayo dito ng gabi?" maang niyang tanong. Ang pagkakatanda ni Rod ay malapit lang Urbs Montis sa PraeaClara.

"It will take half a day to travel between the two towns," she answered as if saying 'didn't you know that?'

"Magsisiga na lang muna ako," mabilis niyang paalam bago umalis para manguha ng mga tuyong kahoy subalit hindi pa man siya nakakalayo ay pinigilan na siya nito sa paglakad.

"No need. I still have some spare woods in the wagon. We can use it instead." Pagkasabi niyon ay mabilis siya nitong hinatak pabalik. Ilang minuto lang din ang lumipas ay nakagawa na sila ng apoy.

"Here, try this," she said as she handed him some grilled mushrooms. "Don't worry it's on me."

"Thanks."

Pagkakuha nito ay agad iyong sinubo ni Rod pero masyado iyong mainit. Mabilis siyang inabutan ng tubig.

"Careful, it just got grilled." Napabuntong hininga siya. "Ngayon na lang ako nagkaroon ng kasamang maglakbay."

Agad na napatingin si Rod kaniya. "What do you mean?"

She just sighed and smiled bitterly. This is the second time she let loose of her emotions. "Don't mind me, just eat."

Matapos kumain ay mabilis na nakatulog si Kurohana sa tabi ni Rod. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip sa sinabi nito kanina habang hinihimas ang ulo nitong nakasandig sa kanya.

Rod thought that he really had to remember everything.

Kinaumagahan ay nagising siya sa mabining pagtapik sa kanyang pisngi. Agad na bumungad sa kanya ang maamong mukha ng babae na salat sa emosyon.

"Come on, we need to move," she said before hopping on her wagon. She even looked at him when he did not move. Sinundan na lang siya ni Rod pasakay saka nagsimulang maglakbay.

"Were already near PraeaClara. Ready your pass."

"Anong pass?"

Napakunot siya ng noo sa tanong ni Rod.

"Anong 'anong pass?'" Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Wala kang pasaporte? Paano ka nakapasok sa Magni Regno kung wala ka niyon?"

Napakamot ng batok si Rod sa tanong nito saka ngumiwi. "H-hindi ko alam?" alanganing sagot ni Rod.

Napabuntung-hininga ito. Halatang may iniisip ito pero hindi ito nag-abalang ipakita sa kanya.

"Sige na. Ako na ang bahala. Magtago ka na lang diyan," mariing sabit nito habang patuloy sa pag-papaandar ng kartilya.

Ilang minuto lang ay natanaw na nila ang syudad. Hindi pa man sila nakakalapit ay mabilis na silang hinarangan ng mga nagbabantay sa tarangkahan.

"Ilabas ninyo ang pasaporte ninyo," mariing utos nito saka itinutok ang hawak na espada na pinangharang sa kanila. "Hindi kayo pwedeng pumasok kung wala kayo niyon."

Agad na ipinakita ni Kurohana ang isang gintong kard na ikinalaki ng mga mata ng nagbabantay.

"Kayo po pala," sabi nito bago lumingon sa mga kasama. Halata ang biglang pagbabago at paggalang sa boses nito matapos makita ang card. "Buksan ang tarangkahan! Daraan ang isang maharlika!"

Napakunot ang noo ni Rod sa nangyari na humarap kay Kurohana. "Anong ibig nilang sabihin?" Hindi ito sumagot sna pinagpatuloy ang pagpapatakbo sa sinasakyan. "Ano nga?" pangungulit pa ni Rod pagkalagpas sa gate.

Sinamaan lang siya nito ng tingin na agad nagpatahimik sa lalaki.

"Pupunta tayo ngayon sa Guild. Ipaparehistro kita," sabi nito na parang isa lang alagang hayop si Rod. "Doon din tayo makakakuha ng pasaporte mo."

Habang papunta sa Guild ay pinagmasdan ng lalaki ang bawat nadaraanan nila. Ngayon niya lang napansin na sadyang napakalaki ng syudad. Subalit hindi katulad ng mga naunang araw mula nang magising siya, merong mga tagong parte na tinitirhan ng mga kapos-palad.

Biglang huminto ang kanilang sinasakyan senyales na nakarating na sila. Paglabas ni Rod ng sasakyan ay napansin niya ang napakalaking karatula na nakasabit sa malaking gusaling hinintuan nila.

Kurokami

"Let's go."

Hindi pa man nakakasagot si Rod ay hinatak na siya ni Kurohana papasok ng gusali.

Muling sinalubong si Rod ng mga nag-iinumang mga tao. Sa kabilang dako ng silid ay nag-uumpukan ang mga nagkakagulong mga adventurers sa harap ng mission board.

"Hey! Come here."

Napalingon si Rod sa biglang pagtawag ni Kurohana. Nakatayo na ito sa harap ng information desk habang kinakausap ang babae doon.

"Shirley, this is the guy I'm talking about," she said to the girl in front of her. Rod realized that she is also the girl he talked with regarding the previous mission he took.

"Guild ma~" hindi itinuloy ng tinawag na Shirley ang sasabihin kasabay ng pagtikhim. "Hi Rod," she greeted him politely. "You didn't mention last time that you're still not yet part of any guild."

Napangiwi na lang si Rod sa pasimpleng pagsita nito sa kanya.

"But don't worry," bigla nitong kabig. "Since you were referred by Ms. Kurohana, I'll help you with your registration."

Shirley handed him a paper and instructed him to fill it out. Rod was taken aback since it's also asking for his family name but since he couldn't remember it, he just left it out before returning the information slip to her.

"Come here, place your hand in this crystal."

Shirley guided him where to place his hand but he's still wary thus he glanced first at Kurohana. And since the lady just nodded, he immediately complied.

The crystal shined, a very bright red light but then immediately turned into black.

Biglang natahimik ang lahat. Even Shirley was shocked by what happened then she looked at Kurohana who was now walking towards them.

"What's that?" kinakabahang tanong ni Rod nang biglang tumahimik ang paligid..

Kurohana didn't answer instead, she just instructed him to wait for them.

Kurohana hurried back to her office with Shirley. The latter is really uneasy about what she saw as she inquired what was happening.

Kurohana still kept her silent as she pulled out a book.

World and Magic

The title says. She went through the pages to make sure that what she remembered is correct and when she finally confirmed it, she unconsciously dropped the book.