webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 30

Nanatili ang tingin ni Ignis kay Alois na nakatingin lamang sa labas ng bintana. Napansin din niya ang biglaang pananahimik nito. Ignis saw a mixed emotion in Alois' eyes. Hindi niya maiwasang hindi tanungin ang sarili kung bakit biglang nawala ang saya sa mga mata nito.

Naputol ang katahimikang bumabalot sa pagitan nilang dalawa nang magsalita si Alois. Bahagya itong tumingala para tingnan si Ignis. Their eyes met and Ignis confirmed that Alois is no longer happy, na tila ba may bumabagabag dito.

"B-bumalik na lang tayo." Aniya na siyang naging dahilan para magulat at magtaka si Ignis.

"Are you okay?" Nag-aalala namang tanong ni Ignis.

She smiled at Ignis as an answer. She really do wants to roam around the lively city, but, she's scared and she hates to admit it but their past still haunts her, nasasaktan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang nakaraan nila ni Ignis.

Nasasaktan siya sa tuwing naaalala kung gaano sila kasaya ni Ignis noon.

"I'm okay, h-hindi lang ako handa." She explained before she lowered her head.

Naging malamlam ang tingin ni Ignis. So, she's not yet ready to go back to the city where they shared their happy moments.

"N-natatakot din ako. Paano kung makilala nila ako? They will mock me, Ignis. They'll look down on me like I'm a kind of a parasite."

Ignis raised his hand. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Alois atsaka ito marahang pinihit paharap sa kanya. He squished Alois' cheeks and before he smiled. Nagulat naman si Alois sa ginawa ni Ignis pero hindi rin niya napigilan na mapangiti.

"There's no reason to be scared, Alois, because I'll protect you. I'll be your shield."

"You don't understand, Ignis. Sigurado ako na alam na ng lahat na isa lang ako sa mga babae mo. I'm just your concubine and the mother of your unborn child."

Umigting ang panga ni Ignis sa narinig ngunit kaagad din itong naglaho nang makita ang takot at kabaa mukha ni Alois.

Alam ni Alois na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya, that's why she felt nervous when she saw how Ignis' face turned emotionless.

"You're not my concubine..."

Kumunot ang noo ni Alois.

"Ignis, I was born to become your concubine, to carry your child."

"How many times do I have to tell you that I did such thing because i'm desperate to have you back." He paused. Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Alois hanggang sa magdikit ang kanilang noo. Ignis closed his eyes, habang si Alois ay nanatiling nakadilat.

"You're my Queen, Alois. The mother of my child and the woman whom I'll love for the rest of my life." He added.

Alois can't help but to feel emotional. Laking gulat ni Ignis nang bigla siyang yakapin ni Alois. She burried her head at Ignis' shoulder and cried. Mahigpit ang pagkakayakap ni Alois sa lalaki. Of course, Ignis wasn't able to recover from the shock, it took almost a minute before he realized what just happened.

"How can you say such thing, Ignis? Despite the fact that I've hurted you back then. I ruined your heart! How can you manage to love me eventhough I became a monster who shattered your heart into pieces? Bakit nagawa mo pa rin akong mahalin?" She said between her sobs.

Napangiti si Ignis. "Because I love you, Alois. It's also my fault why you did such thing. Kahit ilang beses mo akong saktan at pahirapan, I'll stay, I'll still love you."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Alois sa narinig. She can't prevent the tears in her eyes. Hindi na niya kinaya ang sakit, idagdag pa ang pagiging emosyonal niya dahil sa kaniyang pagbubuntis. Nanatili siyang nakayakap kay Ignis, ganoon din ang lalaki sa kanya.

Bahagyang inilayo ni Alois ang mukha atsaka tiningala si Ignis, ngunit nanatili pa rin itong nakayakap. Ignis smirked when he saw how cute Alois is. Mugto ang kulay berde nitong mata, medyo magulo na rin ang kulay pilak nitong buhok, natanggal na sa pagkakataklob ang hood ng suot nitong cape, at nakanguso ito.

"It's your fault! Ang panget ko na." Nagmamaktol na ani Alois.

Saglit na natigilan si Ignis. He saw the old Alois, the playful and happy Alois he met back then.

Dinala ni Ignis ang kamay sa magkabilang pisngi ni Alois atsaka pinunasan ang mga luha na umagos sa pisngi nito gamit ang hinlalaki niya. After that, he pinched Alois' cheek before he kissed the tip of her nose.

"I'll still love you even though you became the most hideous woman in the world. I'll love you forever, Alois." He said.

"Let's go, my Queen. Let's roam around the empire where we'll raise our child." Dagdag niya. Nginitian niya si Alois atsaka inilahad ang kamay sa harap nito.

That moment, Alois felt nothing but happiness and excitement. Nawala ng parang bula ang takot at kaba sa puso niya. Even the pain she felt a while ago disappeared in an instant.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Alois sa kamay ni Ignis na nakalahad sa harap niya at sa mukha nitong nababahiran ng saya. It's time to fix their broken hearts and forget their bitter past.

Nakangiting inangat ni Alois ang kamay. The moment she accepted Ignis' hand is the time she felt and realize that she still love Ignis.

Magkahawak kamay silang bumaba sa karwahe. Hindi rin mawala ang ngiti sa labi nila. Ilan sa mga mamayan na nasa bayan ay napatingin sa gawi nila, but none of them recognize Ignis and Alois. Because, Ignis never showed his face on the public, only those who works at the kingdom know who he is. Kilala lang si Ignis ng mga mamamayan ng Aeternam sa pangalan niya, hindi sa mukha. Hindi rin kilala ng mga mamamayan si Alois dahil sa ilang taon nitong pagkawala, they'll only know who she is once they saw her silver hair.

Humigitpit ang pagkakahawak ni Alois sa kamay ni Ignis. Kinakabahan siya pero hindi na katulad kanina. Sa katunayan, masaya si Alois dahil sa wakas ay nakita niyang muli ang bayan.

She looked at Ignis.

"Promise me that you'll protect me, Ignis." She said. "Please don't let go of my hand."

Dinala ni Ignis sa kaniyang labi ang likod ng palad ni Alois. He kissed the back of her hand before he held her hand again.

"I'll never let go of your hand, Alois. I promise."

Alois smiled. She can't deny it anymore. She want to be happy again and what makes her happy is none other than the man who's holding her hand. The man she ruined.

Masaya nilang tinahak ang mataong daan papunta sa pinaka sentro ng bayan. It feels nostalgic. Nagbalik na ulit siya sa bayan. Palakas ng palakas ang ingay na inililikha ng fountain na palagi nilang puntahan noon. Hanggang sa tuluyan na nilang narating ang kinaroroonan ng malaking fountain. Tiningala ni Alois ang tuktok nito, kung nasaan ang inihulmang imbolo ng Aeternam. Kasabay ng pagtingala niya ay ang pagtama ng araw sa kaniyang mukha na siyang naging dahilan para mapapikit siya.

Napatulala naman si Ignis kay Alois na kasalukuyang nakapikit. He bit his lower lip and groaned when he felt how painful it is. Hindi siya makapaniwala na totoo ang lahat ng nangyayari ngayon. If this is a dreame, hindi na niya gugustuhin pang magising. He really can't believe that the woman he loves is now standing beside him, holding his hand.

Ibinaling niya ang tingin sa harapan, sa fountain. He remembered their happy past. This fountain witness their love and happiness. Sa ilang taon na pagkawala ni Alois ay walang oras na hindi pumupunta si Ignis sa lugar na 'to. He was hoping back then that this fountain will witness their love for each other… again. Na muli silang tatayo sa harap ng fountain ng may ngiti sa labi. Now, it's happening.

Ignis closed his eyes. He'll forget everything that've happened in tha past and start a new life with Alois. Yes, Alois ruined his life pero ang babaeng sumira sa kanya noon ay ang siya ring bubuo ng nawasak niyang puso.

Hindi namalayan ni Ignis na nakatingin na sa kaniya si Alois, atsaka lamang niya napagtanto nang tingnan niya ulit ito.

"I want to start a new and happy life, Ignis. I want to be whole again. I want my old self. Ang dating Alois na hindi nababalot ng kalungkutan." Saglit na huminto si Alois sa pagsasalita atsaka isinandal ang noo sa matigas na dibdib ni Ignis.

Ignis' heart is beating so fast. Alam niyang nararamdaman nito ang mabilis na pagtibok ng puso niya na tila ba gusto nitong kumawala sa dibdib niya.

"I'll make you happy, Aloi—"

"Let's forget our painful past and let me love you again, Ignis."

Saglit na nabalot ng katahikan ang pagitan nilang dalawa. Wala silang ibang marinig ngayon kundi ang pinaghalong boses ng mga mamamayan, mga pagtama ng suot na sapatos nito, ang masayang musika sa bayan, at ang pag-agos ng tubig sa fountain.

Kinakabahan si Alois sa biglaang pananahimik ni Ignis. Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niya? Is he not happy? Or he doesn't love her anymore? Lakas loob na tiningala ni Alois si Ignis na nakatulala ngayon sa kaniya.

Alois was expecting a frown on Ignis' face. Akala niya galit ito pero nagkakamali siya. Laking gulat niya na lang nang makita itong tulala at lumuluha.

"W-what did you just said?" Nauutal na tanong ni Ignis.

Right at this moment, Alois saw the old Ignis. Ang iyakin na Ignis. She raised her hand and stroke his cheeks. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito.

"Will you allow me to love you…again? Let's start a new life. Me, you.." tinuro niya ang sarili at si Ignis. "… And our unborn child.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Ignis at agad na hinagkan ang labi ni Alois. Sa oras na 'to, magiging masaya na ulit sila. Wala ng galit sa puso at pagkamuhi sa isa't-isa. Magsisimula silang muli ng may ngiti sa labi.

"Let's go, my Queen!" Magiliw na ani Ignis atsaka maingat na inalalayang maglakad si Alois.

Naiiling ngunit nakangiting hinampas ni Alois sa braso si Ignis atsaka ito sinenyasan na huwag hinaan ang boses. Masaya silang naglakad palayo sa fountain at tinahak ang daan para ikutin ang bayan.