webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 26

Hindi malaman ni Alois kung ano ba talaga ang dapat niyang paniwalaan. Ignis, loves her; no he still loves her despite everything that she did to him. He wants to believe what he said but there's still a part of her mind that keeps on telling her that what he said was a lie.

But, What Ignis said makes her crazy. Sigurado siya na nakalimutan at naibaon na niya sa limot ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Ignis noon, pero bakit tila kabaliktaran ang naramdaman niya. Bumilis ang tibok ng puso niya katulad ng pagtibok nito noong mahal pa niya si Ignis.

There's no way he'll still love her. Pinahirapan niya ito noon, ilang beses niyang ipinamukha kay Ignis noon at hanggang ngayon kung gaano niya ito kinasusuklaman, pinamukha niya sa lalaki na ito ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya— ang maganda at perpekto nilang pamilya noon. Kaya papaanong mahal pa rin siya nito?

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Pinakatitigan niya si Ignis. Wala kang ibang makikita sa mukha nito kundi ang lungkot, sakit at pagkadesperado. Dapat ba niyang paniwalaan si Ignis?

"You're desperate to have me back? Kaya ba nagawa mo akong babuyin at buntisin? Ganoon ba Ignis?" Hindi na niya napigilan na pumiyok ang boses niya. Nagsimula na rin na mangilid ang luha sa kanyang mga mata.

He wants her back kaya binaboy siya nito. Kaya kinuha nito ang puri na pinakaiingatan niya sa lahat. Hindi makapaniwalang tumawa si Alois.

"You want me back huh, kaya nagawa mo akong lokohin and you took that chance to took advantage on me." She paused. Inalis niya ang oagkakahawak ni Ignis sa palapulsuhan niya. "Hindi pagmamahal ang ginawa mo, Ignis. You want to use me, not to love me nor have me back into your arms. Hindi ganoon ang pagmamahal."

Umigting ang panga ni Ignis sa sinabi niya.

"I just took that chance to make you mine again, Alois."

"Sinira mo ako nang dahil diyan?" Hindi makapaniwala niyang sabi. "Ang hirap mong paniwalaan, Ignis. You told me, you want to destroy my life even more, you want me gone after I gave birth to this child growing inside my womb at gusto mong maghigante tapos ngayon sasabihin mo na mahal mo pa ako at gusto mo akong bumalik sa 'yo?"

Nagulat na lamang si Alois nang hawakan ni Ignis ang kamay niya; sobrang higpit. Nabalot ng pagtataka si Alois nang bigla itong maglakad; kasama siya dahil hawak hawak nito ang kamay niya. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, basta na lang silang lumabas.

"Let go of me!"

Ngunit hindi nakinig si Ignis. Huminto lang sila nang makasalubong sina Rilen at Lithana na nababakasan din ng pagtataka. Yumuko ang mga ito upang magbigay galang.

"We're moving out. Ilipat niyo na doon ang nga gamit namin."

Napanganga siya sa sinabi ni Ignis. Lilipat? Pilit niyang binabawi ang kamay sa lalaki ngunit hindi siya nito hinayaan. Anong pinagsasabi nitong lilipat? At saan sila lilipat?

Hindi na siya nagkaroon ng tyansa nang ipagpatuloy nila ang paglalakad. Masyadong naokupa ng nga tanong ang isip niya kaya hindi na niya nagawang pumalag; isa pa, pagod na siya.

Paulit-ulit niyang tinanong kay Ignis kung saan sila pupunta ngunit ni isang salita sa bibig nito ay walang lumabas. Napayakap siya sa sarili nang makalabas sila sa malaki at malawak na palasyo. Ngayon lang ulit siya nakalabas. Ngayon lang niya ulit nasilayan ang parteng ito ng palasyo. 

Mas lalong humigpit ang pagakayakap niya sa sarili nang umihip ang malakas na hangin. Laking gulat siya ng bitawan ni Ignis ang kamay niya. Bakit tila nalungkot siya sa pagbitaw nito?

Pinanuod niyang hubarin ni Ignis ang coat nito. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang namula ang pisngi niya nang ipatong nito ang coat sa balikat niya bago ulit hawakan ang kamay.

Palihim naman na napapatingin sa kanilang dalawa ang mga taga bantay ng palasyo na nakatayo sa kani-kanilang pwesto at ang iba na napapadaan. Hindi maiwasan ng iba na mapangiti. Sa nakikita nila ay tila ba nagkakasundo na ang dalawa pero ang hindi nila alam ay mas tila lumalabo ang namamagitan sa dalawa.

Walang imik si Alois habang tinatahak nila ang daan papunta sa pupuntahan. Masyadong malawak at malaki ang kaharian ng Aeternam kaya hindi niya alam kung saan ba sila pupunta.

Malalim ang iniisi ni Alois kaya't hindi niya namalayan kung nasaan na ba sila. Nagulat na lang siya nang huminto sila. Mas dumoble pa ang gulat niya nang makita ang dalawang palapag na bahay na nasa harap nila ngayon. Napakaganda ng disenyo nito pati na ang hardin kung saan sila nakatayo ngayon.

Iginala ni Alois ang tingin. Pamilyar sa kanya ang kinatitirikan ng bahay. Paano nagkaroon ng bahay rito? Wala namang ganito dati sa palasyo.

"This is the place where I first said that I love you. The place where we promise that we'll be with each other— forever." Humigpit ang pagkakahawak ni Ignis sa kamay niya.

Napapikit si Alois nang maalala ang lahat ng nangyari sa lugar na ito. Kaya pala parang pamilyar dahil ito ang lugar kung saan nag-umpisa ang lahat. Noong umamin sa kanya si Ignis habang nakasandal silang dalawa sa puno. Noong nagdala't magbibata sila at ipinangako sa isa't-isa na hindi nila iiwan ang isa't-isa. Dito sa lugar na kinatitirikan ng bahay nagsimula ang lahat.

"B-bakit tayo nandito? Baka ma-magalit ang may-ari ng bahay na 'ya—"

"We are the owner of that house, Alois."

Sa oras na ito ay walang ibang nagawa si Alois kundi ang gulat na titigan si Ignis na nakatingin din sa kanya. He's looking at her eyes, tila hinihigop ng tingin na 'yon ang kaluluwa niya. There's something in his eyes, lungkot at— saya.

"I built this house for the both of us." Aniya Ignis bago ibalik ang tingin sa bahay.

Noong wala si Alois ay sinimulan na niyanh ipagawa ang bahay na ito. Umaasa siya na sa oras na bumalik si Alois ay magiging maayos na rin ang lahat sa kanila. Na sa pagbabalik nito ay dito na sila maninirahan sa likurang bagahi na may kalayuan sa kinatitirikan ng palasyo.

Hindi alam ni Alois kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngunit mas nanaig pa rin ang sakit at pagtataka sa kanya.

"Bakit mo ako dinala rito? Gusto mo bang ipamukha sa aki—" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang putulin ito ni Ignis.

"Gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal, na lahat ng sinasabi ko ay totoo." He paused. "I love you, I want you back, I want us back; The old Ignis and Alois."

Mariing kinagat ni Alois ang ibabang labi. Nahihirapan na siya, hirap na hirap.

"We'll start our new life here in this house— sa lugar na ito. Dito ko papatunayan sa 'yo na totoo ang mga sinabi ko; kung gaano kita kamahal."

Gagawin ni Ignis ang lahat para mapatunayan kay Alois na totoo lahat ng sinasabi niya. Masasaksihan ulit ng lugar na ito kung gaano niya kamahal ang babae; katulad ng pagmamahal niya kay Alois noon.

Don't forget to rate the story! It'll help me write an update as soon as I can! enjoy!

imsinaaacreators' thoughts