webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 25

Mairy Alois Hernandez.

Tumaas ang kilay ni Alois nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Iniluwa nito sina Rilen at Lithana na nakasuot ng unipormeng pang palace knight.

"Anong ginagawa niyo rito?" Patuloy lang si Alois sa pagbabasa.

Nanatiling tahimik ang dalawa.

"Please leave, magpapahinga na ako." Ani bago ilapag sa side table ang libro.

"Inutos sa amin ng hari na sunduin ka at ilipat ang mga gamit mo sa silid ng prinsipe."

Napairap siya. Talagang hindi siya titigilan ng ama. Talagang ipagpupumilitan pa nito na sa iisang silid lang sila matutulog ng Ignis na 'yon.

"Sabihin niyo sa hari niyo na ayoko."

Nananahimik na siya sa silid na 'to, kahit na palagi lang siyang nakakulong. Hindi siya tatabi at hindi sila magsasama ni Ignis sa iisang silid, period!

"Oh ano pang hinihintay niyo? Sabihin niyo na sa hari niyo ang pinapasabi ko." Sinenyasan niya ang dalawa na lumabas pero hindi siya nito sinunod.

Hindi na siya nagtaka nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si...sino pa ba? Edi si Ignis. Umirap nanaman siya sa inis. Why don't they let her sleep in peace? Palagi na lang siyang binubulabog. Hindi ba nila alam na masama sa buntis ang magpuyat? At higit sa lahat, bawal siyang mai-stress.

"Kuhanin niyo na ang mga gamit niya."

Umalis siya sa pagkakahiga. Hindi na inabala pa ni Alois na suotin ang tsinelas na panloob at kaagad na hinarangan ang mga kagamitan niya, lalo na ang gamit ng ina.

"Huwag niyong hahawakan ang gamit ko. Sinasabi ko sa inyo, malilintikan kayo sa akin." Dinuro niya ang tatlo.

Tinakot na niya ang mga ito ngunit hindi sila natinag. Sinenyasan ni Ignis sina Rilen at Lithana na kuhanin ang mga gamit niya. Sinamaan niya ng tingin si Ignis nang hawakan siya nito sa braso para pigilan sa pagsugod sa dalawa.

"Hindi ba't sinabi ko na dito lang ako sa silid na 'to? Bakit ba ang kulit niyo?!"

Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ngunit masyado itong malakas, isa pa, pagod siya at inaantok.

"Bitawan niyo ang mga gamit ko! Dito lang ako!" Galit na sigaw ni Alois. Mas lalong kumulo ang dugo niya nang hawakan ni Rilen ang maliit na kahon kung nasaan ang mga gamit ng kanyang yumaong ina.

"Itapon niyo ang kahon na 'yan. She doesn't need that thing anymore."

Natigilan siya sa sinabi ni Ignis. Hindi makapaniwala niyang binalingan ng tingin si Ignis. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Tila mas lalo siyang nawalan ng lakas nang dalhin iyon ni Rilen at nagtungo sa pinto.

"Huwag..."

Pilit niyang inaabot ang bulto ni Rilen ngunit huli na. Nakalabas na ito. Binalot ng takot ang puso ni Alois. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang gamit ng ina. Ito na lang ang ala-alang naiwan sa kanya.

Nanatiling malamig ang mukha ni Ignis. He's cold, as always.

"P-pabalikin mo si Rilen. H-huwag ang gamit ni m-mom." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ignis.

"Ignis! Huwag ang gamit ni mom! Itapon mo na lahat, huwag lang 'yon! Parang awa mo na. " Pagmamakaawa niya.

Unti-unti siyang napaupo sa sahig. Hindi niya ininda ang kirot na naramdaman sa kanyang sinapupunan, iyak lang siya ng iyak.

Nababahiran naman ng pag-aalala ang mukha ni Lithana. Alam niya at alam ng prinisipe— ni Ignis na makakasama kay Alois ang ginagawa nito— nila. Ngunit wala naman kasing ibang paraan si Ignis para makumbinsi si Alois na sundin nito ang sinabi ng hari. Wala siyang ibang magagawang paraan kundi ang takutin ito.

Nahagip ng mata ni Alois ang pagyukom ng kamay ni Ignis ngunit isinawalang bahala niya na lang ito. Mas mahalaga sa kanya ang gamit ng ina kaysa kay Ignis.

Hinawakan niya ang tuhod nito bago lumuhod.

"G-gagawin ko ang lahat. Huwag m-mo lang ipatapon ang kahon na 'yon! Gagawin ko l-lahat! parang awa mo na." Hinawakan niya ang laylayan ng coat nito. "K-kung gusto mo a-aalagaan ko ng mas maigi ang b-bata sa sinapupunan ko. Please, huwag ang gamit ni mom." 

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Ramdam na ramdam ni Alois ang lamig ng tingin nito.

"Familiar isn't. Do you remember how I begged on my knees, asking you to stop? Do you remember, Alois?"

She nodded her head as an answer.

"You said you'll do anything right?"

Lumuhod ito para mapantayan siya. Pinunasan ni Ignis ang luha sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito.

"Gagawin ko l-lahat."

Ngumiti si Ignis, ngunit ang ngiti na iyon ay nababahiran ng lungkot.

"I want you go forget anything. Get rid of your anger against me." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Let's go back to the old Ignis and Alois who's happy and in love with each other."

Napanganga siya sa sinabi nito.

"T-that's impossible."

Nagdilim ang mukha ni Ignis sa sinabi niya. He's giving her a glare which makes her shiver in fear. Kakaiba ang tingin nito. Nakakatakot.

"Lithana, sabihin mo kay Rilen na sunugin ang laman ng kahon na 'y— "

"Huwag!" Putol niya sa sinasabi ni Ignis. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang gamit ng ina.

Iyon na lang ang natitira nitong ala-ala sa kanya kaya kahit na labag sa loob niya ay unti-unti siyang tumango.

"G-gagawin ko na ang gusto mo."

Mariin niyang ipinikit ang mata.

"You'll be my Alois, again, right? You'll love me again, like what you've did back then."

Nag-aalangan siyang tumango. She doesn't love him anymore. But her hearts felt weird.

"Answer me."

Napalunok siya. "Y-yes, I'll be your Alois... Again."

Hinaplos nito ang pisngi niya bago ilagay sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok. Binuhat siya ni Ignis kaya napakapit siya sa braso ng binata.

Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Talagang ginamit pa nito ang gamit ng yumao niyang ina para sundin niya lahat ng gusto nito.

Hinaplos ni Alois ang umbok na tiyan.

"Saglit na lang, ilang buwan na lang. Pagsilang ko sa batang ito ay makakalaya na ako, makukuha ko na ang kalayaang gusto ko at maibabalik na sa akin ang gamit ni mom. Kaunting tiis na lang. All I need to do now was to pretend that i'm not mad at him, na ako na ulit ang dating Alois na malapit sa kanya."

...

Ilang araw na ang lumipas at ilang gabi na rin silang natutulog ni Ignis sa iisang kama. Palagi itong nasa tabi niya, naka-alalay at binabantayan siya.

Kasalukuyan silang nasa veranda ng silid. Naka-upo sa malambot na upuan at nakatanaw sa kabuuan ng kaharian. Kitang-kita ni Alois ang mga maliliit na bahay at gusali na nasa labas ng mansyon. 

"Nagugutom ka ba?" Hinaplos ni Ignis ang buhok niya.

Nakaupo ito sa tabi niya. Ang isang kamay nito ay naka-akbay sa kanya. Medyo naiilang siya sa inaakto ni Ignis pero hindi niya pinapahalata ang ilang na nararamdaman niya. Parang wala silang problema, walang alitan at parang wala itong masamang ginawa sa kanya noon.

Pilit na ngumiti si Alois. "Hindi naman masyado."

Ilang araw na siyang nagpapanggap na hindi na siya galit kay Ignis. Na bumalik na ang dating pagsasama na meron sila. Sa tingin ba nito ganon lang kadaling kalimutan ang lahat?

Mas lalong naging maingat sa kanya si Ignis lalo na't may mga kakaiba siyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw. Napapadalas ang hilo at panlalamig ng katawan niya. Nagiging madalas din ang pagsusuka niya. Nasanay naman siya sa morning sickness pero parang mas tumindi kasi ito.

Nagulat siya nang hawakan ni Ignis ang kamay niya. Mahigpit na tila ba ayaw siyang pakawalan nito.

"We used to hold each others hands." He murmured.

Babawiin niya sana ang kamay nang pigilan siya nito.

"Don't let go of my hand, Alois."

Bumilis lalo ang pagtibok ng puso niya. Nasasaktan siya sa ginagawa nito— sa mga sinasabi ni Ignis.

"You promised me, Alois. Ibabalik natin ang meron tayo noon."

Pinakatitigan siya ni Ignis. Nagtama ang mga mata nila. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Sa lungkot sa mata nito. Kahit naman na malamig at walang emosyon ang mukha nito ay nakikita pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Hindi madaling gawin ang sinasabi mo, Ignis." Aniya bago mag iwas ng tingin. Inalis na niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa kanya, ang pagkaka akbay ng isa nitong kamay sa balikat niya.

Tumayo siya para bumalik sa loon ng silid, but again, Ignis stopped her. Hinawakan nito ang palapulsuhan niya nannaging dahilan para lingunin niya ulit ito.

"We'll make it easy then."

"Bakit ba ang dali mong sabihin ang nga yan? Palibhasa kasi ikaw ang hindi nasakta—"

"Ako ang mas nasaktan, Alois." Tumayo ito. Ngayon siya na ang nakatingala.

"Masakit mawalan ng ina..." Tinuro niya ang dibdib kung nasaan ang puso nito. "pero ako, nawalan ng minamahal. Nawala ka sa akin, Alois."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Alois.

"Para akong pinatay noong tinalikuran mo ako. Nang bumitaw ka sa akin. Parang sinaksak ng mga punyal ang puso ko nang harap-harapan mong sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal."

Nanuyo ang lalamunan ni Alois. Wala siyang masabi. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit. Ang sakit na paulit-ulit niyang nararamdaman sa tuwing na aalala niya ang nakaraan.

"Magpapanggap ako na nakalimutan ko na ang lahat. Iyon lang ang kaya ko, Ignis. Hindi ko kayang ibaon ng tuluyan sa limot ang mga nangyari."

Umigting ang panga nito sa sinabi niya. Alam ni Alois na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya, pero 'yon kasi ang totoo. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya bago ito talikuran.

Inis naman na nakasunod sa kanya si Ignis.

"You don't fuckin' understand me, Alois!"

Hinarap niya ito.

"Ako ang hindi mo maunawaan, Ignis! Bakit ba gustong-gusto mong bumalik tayo sa kung anong meron tayo noon?"

Hindi inaasahan ni Alois ang sumunod nitong sinabi.

"Because I still love you! I want you back!"

Her jaw dropped. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Halos kumawala na sa dibdib niya ang puso na ngayon ay nagwawala na. Hindi dapat ito ang ang maramdaman niya. hindi niya dapat ito maramdaman. Matagal na niyang ibinaon sa limot ang pagmamahal niya kay Ignis. She doesn't love him anymore pero bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman niya?

"You're lying— IGNIS!"

Nanlaki ang mga mata niya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Ibinaon pa nito sa leeg niya ang mukha.

"Sa tingin mo ba gagawin ko ang lahat ng ito kung hindi na kita mahal? I'm fuckin' deperate to have you back. I still hate you... but I fvckin love you, Alois."