webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 22

Mairy Alois Hernandez

Hinayaan niya na lang ang sarili niya na magpahatak kay Ignis. Hindi niya makalimutan ang nakita niya kanina. Ang mga mata ni Ignis na nababahiran ng sakit. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o totoo ang nakita niya. Imposible naman kasi na masaktan si Ignis, walang rason para masaktan ito, galit pwede pa.

Kaagad siya nitong binitawan nang makarating sila sa silid niya. Padabog pa nitong isinara ang pinto bago siya harapin.

"I told you to stay here, but what did you do, huh?! You didn't listen to me! Tapos maaabutan pa kitang nakikipag-usap sa lalaking 'yon!" Galit nitong sabi. He brushed his hair using his fingers.

"Ignis, you're being immature." kalmado niyang sabi.

Pagod na tinitigan ni Alois si Ignis. Hindi niya nagsalita pa, sa halip ay tinalikuran niya ang lalaki. Ayaw niyang makipagbangayan ngayon dahil pagod siya. Mas mabuti ng manahimik na muna siya kaysa sayangin ang katiting na lakas na meron siya ngayon.

"Don't turn your back on me, Alois! I'm fuckin' talking to you!" Marahas siya nitong pinihit paharap sa kanya.

She was shocked. Kaagad niyang hinawakan ang tiyan. The way he did that was too aggressive. Nasaktan siya, mas masakit pa sa sampal na ibinigay nito kanina.

"Ano ba?! Why did you do that! Paano kung mapahamak ang bata ha? Ignis?!"

Nawala ang galit sa mukha ni Ignis.

"You can hurt me pero huwag 'yong pananakit na pati 'yong bata ay madadamay pa. I still want to bear this child nang makalaya na ako sa'yo— sa inyong lahat." Mapait niyang sabi bago alisin ang pagkakahawak ni Ignis sa kanya.

Hinubad niya ang suot na flats bago humiga sa kama. Hinatak niya ang kumot hanggang sa ilalim ng baba niya. Pagod siya at nagugutom pero mukhang hindi na siya makakain ngayon. Palihim niyang hinaplos ang kumakalam na sikmura.

Buntis siya at alam niya na hindi maganda para sa kalusugan nilang dalawa ang magpalipas ng gutom. Kasalanan ni Ignis, kumakain na sana siya ngayon pero eto siya't nakatalukbong ng kumot at pagod na pagod.

Katahimikan ang naghari sa buong silid. Wala kang maririnig na kung ano bukod sa pagtunog ng orasan na nakasabit sa pader. Ngunit ang katahimikan na 'yon ay naputol nang tumunog ng tiyan niya. Saglit siyang natulala. Ang pisngi niya ay unti-unting namula sa hiya. Narinig niya ang pagtawa ng binata pati na ang yabag ng paa nito kaya mas lalo niyang inangat ang pagkakatalukbong ng kumot sa kanya.

"Damn it! Bakit kasi hindi pa siya umalis?! Ay bakit ngayon pa tumunog ang sikmura ko?!" Inis niyang bulong sa sarili.

Naramdaman niya ang pag-upo ni Ignis sa gilid ng kama- sa tabi niya.

"You didn't tell me that you're hungry."

Napairap siya.

"Nakita mo nga ako sa dinning hall hindi ba? Sa malamang gutom ako kaya nga pumunta ako do'n."

Ano bang ginagawa sa dinning hall? Hindi ba't kumakain? Alangan ba namang bilangin ang mga upuan doon.

Naramdaman niya ang pag-alis nito sa tabi niya. Unti-unting inalis ni Alois ang pagkakataklob ng kumot sa kanya para tingnan kung ano ang ginagawa ni Ignis. Binuksan nito ang pinto. Nakita niya itong may kinausap pero Hindi niya naman narinig kung ano ang sinabi nito sa kausap.

Nagpa-panic na ibinalik ni Alois ang pagkakataklob ng kumot nang isarado na ni Ignis ang pinto. Nakagat niya ang ibabang labi ng may humawak sa kumot na nakataklob sa kanya.

"You always do that Alois."

Naiirita siya. "Do what?"

"Ang magtaklob ng kumot kapag nahihiya ka."

Napako si Alois sa narinig. Suddenly, memories flashed into her mind. A memory of her and Ignis.

"Alois? Are you okay?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot. Hindi niya makita ang mukha ni Ignis dahil nakataklob siya ng makapal na kumot. Kinagat ng batang Alois ang ibabang labi.

"A-ayos lang, bakit?" Peke siyang tumawa.

Naalala niya ang nangyari kanina. Ang pagkakadapa niya sa harap ng maraming tao. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay nagtungo siya sa silid niya at nagtalukbong ng kumot para itago ang nararamdaman niya- na nahihiya siya.

"Huwag kang mahiya. Hindi naman kita tatawanan."

"Sinong nagsabi na nahihiya ako, Ignis?"

Narinig niya ang pagtawa nito na naging dahilan para alisin niya ang pagkakataklob ng kumot sa kanya. Doon niya nakita na naka-upo na pala ang batang Ignis sa gilid ng kama.

"You're laughing. Sinungaling ka, Ignis." Nakanguso niyang sabi.

"Tumatawa ako dahil ipinagkaila mo na hindi ka nahihiya. I know you so well, Alois. It's been five years since we met at sabay na tayong lumaki kaya kilalang-kilala na kita. Sa tuwing nahihiya ka ay nagtataklob ka ng kumot."

Napangiti si Alois. "Okay fine! Nahihiya ako! Sinong hindi mahihiya kapag nadapa sa harap ng maraming tao?"

Ginulo ni Ignis ang buhok nito. "Hindi na tayo babalik doon, let's just stay here in your room and play."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Alois sa sinabi ni Ignis.

"I'm in!" She said bago umalis sa higaan.

Napabalik sa sarili si Alois nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Ignis sa pisngi niya kung saan siya nito sinampal.

"Masakit pa ba?"

Hindi siya umimik. Natural masakit. Ang lakas kaya ng pagkakasampal nito.

Patuloy lang si Ignis sa paghaplos sa pisngi niya.

"Masaya ka ba na nasasaktan ako?"

Napako si Ignis sa kinauupuan nito. Ngayon lang din napagtanto ni Alois ang sinabi niya. Hindi makapaniwala siyang natawa.

"Don't even bother answering that stupid question, alam ko na ang sagot mo. Matagal ko ng alam" Inalis ang ang kamay ni Ignis sa pisngi niya.

Dahan-dahan siyang umupo.

"Ipagising mo na lang ako kapag nandiyan na ang pagka-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi nang isandal ni Ignis ang Ulo nito sa likuran niya.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya nga'y lalabas na ito sa dibdib niya sa sobrang bilis at lakas ng tibok.

"A-anong ginagawa mo?"

She felt his hands on her waist.

Sa oras na ito, walang ibang naririnig si Alois kundi ang pagtunog ng orasan at ang pagkabog ng puso niya.

"Lalabas ako kaya bumitaw ka."

Umiling si Ignis. "I'm not happy, Alois."

Natulala siya sa sinabi nito. Hindi masaya?

"Hindi na ako masaya sa ginagawa ko."

Pagkatapos nitong sabihin ang katagang 'yan ay kaagad na nitong inalis ang pagkakayakap sa kanya ngunit nanatiling nakasandal sa likuran niya ang noo nito.

"Ikaw, masaya ka ba na sinasaktan mo ako? Noon hanggang ngayon, are you happy Alois?"