Ignis Connor Alexandre Aeternam
Hindi mapakali ang lahat nang makita nila si Ignis at ang buhat nito— si Alois. Ang iba sa mga tagapagsilbi ay pinuntahan ang hari.
Nagmamadaling isinugod ni Ignis si Alois sa klinika ng palasyo. Dali-dali niya itong inilapag sa higaan ngunit ang mga kilos niya ay punong-puno ng pag-iingat. Namutla siya nang makita ang ilang patak ng dugo sa suot na dress ni Alois. Dinugo ito.
Nanginginig ang mga kamay niya. Binundol siya ng takot...takot na mawala ang bata na nasa sinapupunan nito. Bumaba ang tingin niya sa suot niya, nababahiran ito ng dugo.
Galit si Ignis. Did she tried to kill their unborn child?
"I won't forgive you Alois. Magdasal ka na sana walang mangyaring masama sa anak natin."
He watched the doctor Lily treat his concubine. Galit na galit siya ngunit ang galit na nararamdaman niya ay biglang napalitan ng galit para sa sarili niya nang marinig ang sinabi ng doktor.
"The baby's safe, pero maselan ang pagbubuntis ng prinsesa. Stress ang dahilan kung bakit siya dinugo, sinabi rin sa akin ng tauhan mong si Lithana na kanina pa masama ang pakiramdam ng prinsesa but you still forced her na pumunta sa salu-salo."
Naiyukom niya ang kamay. Kasalanan niya pala kung bakit dinugo si Alois. Ang akala niya binalak nitong patayin ang bata. Lithana told him na masama ang pakiramdam nito but he still insist and forced Alois na pumunta sa salu-salo. Worst, he insulted her na isa sa dahilan kung bakit napahamak ang anak niya.
"Ignis, alam kong wala akong karapatan na sabihin 'to sa'yo. But you almost killed both of them for the second time. Hindi ko inaakala na ang dating batang ubod ng bait na palaging nakadikit sa akin ay magagawa ang bagay na 'to. Where's the old Ignis I've met?" The doctor said.
"Lily, the old Ignis' gone. Alois killed him."
Bumuntong hininga ito. "Alagaan mo ang mag-ina mo, lalo na si Alois. Alagaan mo siya katulad ng pag-aalala mo sa kanya dati."
Umigting ang panga ni Ignis. Alagaan ang taong sumira sa kanya?
"I'll try."
Bumagsak ang balikat ng doktor. "Galit ka pa rin ba sa kanya? Hindi mo ba siya mapapatawad?"
"It's none of your business, Lily." Humigpit ang pagkakayukom ng kamay niya.
That same day, pinatawag ulit siya ng Hari pero sa oras na 'to hindi siya nito pinapunta sa throne room, kundi sa basement.
He remained cold and silent. Walang makikitaang emosyon sa kanyang mukha. He saw his father, standing while looking at him.
Hinubad ni Ignis ang suot na pang-itaas bago lumapit sa tauhan ng kanyang ama—ng hari. He faced the wall near him.
"I told you Ignis...don't hurt my daugh— don't hurt her."
Pagkatapos magsalita ng hari ay ang siyang pagyama ng latigo sa kanyang likuran. Tahimik niyang ininda ang sakit.
"I'm sorry father, please forgive me." He said bago ulit tumama ang latigo sa likod niya.
"She's your concubine but you cannot hurt her. Alagaan mo sila, lalo na ang anak mo na nasa sinapupunan niya."
Naiyukom niya lalo ang kamay niya. Patuloy ang paglalatigo sa kanya. It hurts pero tila ba nasanay na siya dahil hindi lang ito ang unang beses na nilatigo siya. This is how his father discipline him.
"I w-will."
Narinig niya ang paglayo nito pati na ang pag-akyat nito sa hagdan. Nanatili siyang nakatayo.
Hindi siya magiging hari hangga't wala siyang anak kay Alois.
Nagulat ang ibang tauhan ng hari nang suntukin niya ang pader. He wants to hurt Alois, gusto niyang maghiganti ngunit hindi na niya ito magagawa dahil maski siya ay nasasaktan sa tuwing nakikitang nahihirapan ang babaeng minahal niya.
"Your majesty! Are you okay? Lithana, tawagin mo ang manggagamot!"
Mairy Alois Hernandez
"Ignis! Let's sleep together! My nana said na may nakita ka raw monster sa ilalim ng bed mo kaya let's sleep together. Ipagtatanggol kita sa mga monster."
Kuminang ang mga mata ng batang Ignis sa sinabi niya.
"P-pero—"
"No buts! Now let's go to your room, I'm going to beat those monsters!" She said bago hatakin si Ignis.
Lahat ng tagapagsilbi na nakakasalubong nila ay nakatingin lamang sa kanila. May mga ngiti sa mga labi nito.
"Good night everyone! Wish me luck for beating those monsters okay?" Aniya ni Alois sa mga tauhan ng palasyo bago isarado ang pinto.
Nameywang siya at tiningnan ang ilalim ng higaan ni Ignis. Si ignis naman ay nanginginig sa takot.
"Huwag kang matakot Ignis, they will not hurt you as long as i'm here, got it?"
Naluluhang tumango si Ignis. He's really scared, duwag siya.
Humiga na sila sa malambot at malaking higaan. Kinumutan niya si Ignis bago ito yakapin.
"I-i-im scared...baka makita ko ulit 'yong m-monster."
She patted his head. "Subukan lang magpakita ng monster na 'yan. I'll beat their ass talaga."
Mas lalong sumiksik sa kanya si Ignis na siyang ikinahagikhik niya.
"You're a boy, Ignis. Di ba sabi ni daddy ang mga boys dapat matapang."
"B-but i'm really scared."
Bumuntong hininga si Alois. "Kakantahan kita para hindi ka na ma-scared."
Napangiti si Ignis sa sinabi niya. He really loves her voice lalo na kapag kumakanta si Alois.
"Thank you for protecting me, Alois."
She smiled.
Alois was his protector but she turned her back and betray Ignis. The one who protect Ignis from monster become a monster itself. His worst nightmare.
...
Puting kisame ang bumungad sa kanya nang idilat niya ang mata. Pamilyar na siya sa silid na kilalagyan niya—sa klinika.
So...she's still alive?
Mapait na ngumiti si Alois. Isa ba siyang pusa? Bakit hindi siya mamatay-matay?
"How are you, Princess?"
She looked at her—at doctor Lily.
"I guess i'm fine." Umupo siya't sumandal sa hearboard ng higaan.
Bigla siyang kinabahan ng maalala ang nangyari hindi sa kanya kundi sa bata na nasa sinapupunan niya. Kaagad niyang hinawakan ang tiyan niya. Okay lang ba ang bata?
"Maayos ang lagay ng bata. Mabuti na lang at naisugod ka kaagad dito."
Nakaramdam siya ng pag-gaan ng loob niya. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Yes, she wished na sana mawala ang bata sa sinapupunan niya but there's still a part of her heart na ayaw niya—na gusto niya itong makasama.
"Will you believe me if I told you that I want to get rid of his child growing inside my womb?" She said.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. She caresed her stomach at ang mga mata niyang nakatuon lamang sa hindi kalayuan.
"Walang kasalanan ang bata, Alois."
Pagak siyang natawa. Alam niya...but she hates Ignis.
"I know kaya salamat. Salamat dahil nandito pa rin siya sa loob ng sinapupunan ko." Binaling niya ang tingin kay Doc Lily.
Bakas ang awa sa mga mata nito. Awang-awa siya sa kalagayan ng tatlo. Ni Alois, Ignis pati na ang bata.
"Stress ang dahilan kung bakit ka dinugo. Mahal na prinsesa alagaan mong mabuti ang sarili mo at ang bata. Maselan ang pagbubuntis mo kaya huwag kang magkikilos masyado. Kumain ka rin ng masusutansyang pagkain. Naibigay ko na sa mga tagaluto ang mga pwede at hindi mo pwedeng kainin at inumin."
Tumango siya bilang sagot. Kaya ba nanakit ang tiyan niya at dinugo siya?
"Maiwan na muna kita, babalik din ako huwag kang mag-alala."
Narinig niya na lang ang pagbukas at ang pagsara ng pinto. Doon bumuhos ang luha sa kanyang mata. Niyakap niya ang tuhod.
Bakit? Bakit hindi niya kayang patayin ang bata na nasa sinapupunan niya? Kahit na anong gawin niya ay alam niyang ayaw niyang mawala ito, na patayin ito.
"I'm sorry, Mom. Please forgive me." Aniya sa pagitan ng pag-iyak.
Siyam na buwan lang ang titiisin niya. She needs to take care of herself and her baby pagkatapos ng siyam na buwan ay makakalaya na siya.
Kaagad na pinunasan ni Alois ang luha sa kanyang mga mata nang bumukas ang pintuan. Palihim na humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot nang makita si Ignis. Nakasunod sa likuran nito sina Rilen at Lithana na may bahid ng pag-aalala sa mga mata.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tiningnan niya ng masama 'yong tatlo.
Nanatiling nakatayo sina Rilen at Lithana habang si Ignis naman ay lumapit sa kanya.
"All you have to do is to take care of our child, Alois. Hindi ba 'yon madali?" Malamig nitong sabi.
Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Alois sa mga oras na ito. Napakakapal talaga ng pagmumukha ng lalaking 'to.
"Kasalanan ko pa? Sa akin mo pa talaga sinisi. It's your fault kung bakit muntik ng mawala ang bata! You caused me too much stress, Ignis. Huwag ako ang sisihin mo, sisihin mo 'yang sarili mo."
Saglit na nagdilim ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niya. Kasalanan ni Ignis.
"Kung nandito ka lang para pagsabihan ako ng hindi maganda, umalis ka na lan— " hindi na niya natuloy ang sinasabi ng bigla itong magsalita.
Hindi niya inaasahan ang sinabi niya.
"Let's not fight anymore, Alois."
Nalaglag ang panga niya.
"I won't seek vengeance anymore for the sake of our child."
Para sa bata...
"Hindi ka na maghihiganti? Ah oo nga pala, hindi ka pa tapos sa pagsira sa akin. Hindi ka pa kontento sa pambababoy na ginawa mo sa akin." Sarkastiko siyang tumawa.
Mariin na ipinikit ni Alois ang mga mata. Hinilot niya ang sentido. She wants to rest, pagod na pagod na siya. Sobrang dami rin kasing nangyari sa araw na 'to.
"Get out. Ayokong makita ka o marinig ang boses m— ano ba?! Are you deaf?! Sinabi ng umalis ka na!" Sigaw niya nang umupo si Ignis sa gilid ng higaan—sa tabi niya.
"We'll take care of our child—"
"Kaya kong alagaan ng mag-isa ang bata. I don't need your help." Putol niya sa sinasabi nito.
Sa katunayan kayang-kaya naman talaga niyang alagaan ang bata. She doesn't need Ignis' help.
"Aalagaan ko kayo whether you like it or not."
Napahilamos sa sarili si Alois.
"Sinabi ng— " hindi na natuloy ni Alois ang sinasabi ng hawakan ni Ignis ang magkabila niyang pisngi.
Napako siya sa kinauupuan ng maramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa noo niya. He kissed her!
"Brace yourself, my Alois. Simula ngayon ay araw-araw mo na akong makikita't makakasama."