webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
41 Chs

Chapter 05

Mairy Alois Hernandez

Naiinip na si Alois sa kakahantay sa kaibigan niya, si Thana. May usapan kasi sila na magkikita sila ngayong araw. Ilang linggo din silang hindi nagkita dahil abala sila sa kani-kanilang trabaho.

"Damn, Asan na ba si Thana?" Inis na sabi ni Alois. Bukod sa naiinip na siya ay naiinitan na din siya. Sanay naman siya sa initan ngunit kakaiba kasi ang init ng panahon, nakakapaso at nakakakirita.

"Melisa." 

Kaagad niyang tiningnan ang may-ari ng boses na 'yon. Si Thana. Napakaganda ng suot nito na mas lalong nagpaganda sa kanya. Nahiya tuloy siya bigla sa suot niya.

"What took you so long? I've been waiting for you for almost one hour."

Nginitian siya ni Thana na siyang ikinagulat niya. Thana never smiled at her. Palagi itong naka poker face. Walang emosyon. Ano kaya ang nakain nito at nginitian siya?

"Sorry, may inutos lang sa akin."

Bumuntong hininga siya "Whatever, you're late kaya dapat lang na ilibre mo ako."

"Sure, your hig—"

Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi ni Thana dahil biglang umingay ang paligid. Isinawalang bahala niya na lamang ito at kaagad na naglakad. Punong-puno ng kasiyahan ang kanilang bayan, malapit na ang pasko kaya't natural lang na masaya ang lahat. Masaya naman si Alois ngunit mas magiging masaya siya kung kasama niya ang kanyang ina, ngunit hindi na 'yon mangyayari dahil wala na ito.

"Order as many as you want." Aniya Thana nang makaupo sa pwesto nila.

Ngumisi si Alois atsaka itinaas ang kamay para tawagin ang waiter ng kainan. She'll make sure na mabubutas ang bulsa ni Thana, pinaghintay siya nito ng matagal kaya natural lang na gutom na siya. Napakadami ng inorder niyang pagkain, mauubos niya lahat ng 'yon, kung hindi ay iuuwi niya na lang para may makain siya sa susunod na mga araw.

"Iyon lang ba?"

Napanganga si Alois sa sinabi ng kaibigan." Duh, ang dami na non."

Psh. Nakalimutan niya. Mayaman pala si Thana at ang pamilya nito kaya imposible na maubos kaagad ang pera nito, tsk.

Nang dumating ang mga pagkain ay kaagad din silang kumain. Panay ang kwento ni Alois pero si Thana ay nananatili lamang na tahimik na nakikinig. Minsan nga naiinis na siya dito dahil kung hindi pa niya sasabihin na magsalita ito ay hindi ito magsasalita. Natapos na silang kumain kaya pinagpatuloy nila ang paglilibot.

"You know what Thana. Minsan iniisip ko na wala kang dila. Napakadalang mong magsalita."

Hindi ito kumibo. Oh 'di ba?

"Psh, kung hindi lang kita kaibig— Ouch!" Daing ni Alois nang may bumunggo sa kanya na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Nanakit ang pang-upo at kamay niya nang maitukod niya ito. Sobrang lakas kasi ng pagkakabunggo at pagkakabagsak niya.

"Bulag ka ba!?" Inangat niya ang tingin niya para tingnan kung sino ang lapastangang bumunggo sa kanya.

Bago pa man niya makita ang taong 'yon ay naharangan na ito ni Thana. Nagulat siya nang may ilabas itong maliit na patalim mula sa kanyang tagiliran at kaagad itong itinutok sa taong bumunggo sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at kaagad na ibinaba ang kamay ng kaibigan.

"Shit! What are you doing?!"

Nanlaki ang mga mata ni Alois nang itago siya ni Thana sa kanyang likuran at muling itinutok ang patalim sa lalaki. Oo, lalaki ang bumunggo sa kanya.

"Thana! Ano bang ginagawa mo?! Nahihibang ka na ba?!" Pinigilan niya si Thana na lumapit sa lalaki.

Baka kung ano ang gawin nito!

"Let go of me. I need to teach him a lesson."

Buong lakas na hinila ni Alois si Thana palayo. Nagtungo sila sa tagong lugar. Ano ba ang iniisip ni Thana at nagawa niya 'yon?

"Thana! Nabunggo niya lang ak—"

"Sinaktan ka niya."

Napasabunot si alois sa sarili. "Kahit na! At bakit may patalim ka?"

Itinago ni thana ang patilim sa kanyang tagiliran. Sa halip na sagutin siya nito ay tinalikuran lamang siya nito. Saktong pagtalikod nito ay ang pag angat ng kaunti ng suot nitong pang itaas. Nakita niya tuloy ang hawakan ng patalim.

Muntik ng magdugtong ang kilay ni Alois nang may mapansin siya doon. Hindi siya namamalikmata, she saw it, with her two eyes. Nakita niya ang simbolo ng emperyo ng kanyang—

"Let's go."

Naibaling niya pabalik ang tingin sa kaibigan.

"Saan?"

"Rilen's place."

Tumango na lamang siya bilang sagot. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng nakita niya. Ang simbolo. Nagtataka siya at maraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya. Nanatili siyang tahimik habang tinatahak nila ang daan papunta sa lugar kung nasaan si Rilen.

Usok at ingay ang sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa bahay aliwan. Kaagad silang dumiretso sa pinto na nasa dulo. Ni hindi na nga sila nag-abala pa na kumatok.

Hindi na sila nagulat nang makita si Rilen na may kasamang babae at halos kainin ang bibig ng isa't-isa. Nakakandong pa paharap ang dalaga sa kaibigan nila.

"Please, Rilen. Kumain ka ng matinong pagkain hindi yung kakainin niyo ang isa't-isa." Aniya ni Alois sa kaibigan.

Kaagad na humiwalay si Rilen sa babae at sinenyasan ito na umalis. Patakbo itong umalis at iniwan silang tatlo.

"Napadalaw kayo?" Nakangisi nitong sabi.

Umupo si Thana sa single couch, ganun din ang ginawa ni Alois.

"Itong si Thana biglang nag-aya."

Natawa si Rilen. "I miss you Al— Melisa. Buti na lang at nag-aya si Thana. Kung hindi pa pala siya nag-aya na pumunta dito ay hindi kita makikita."

Napairap si Alois sa sinabi ni Rilen. Gusto niyang batukan ang kaibigan. Palagi na lang kasi siyang pinag t-tripan nito. Kung hindi niya lang kaibigan ay sa malamang ay natadyakan na niya ito sa sikmura.

Kilala siya ng lahat bilang Melisa. Nandidiri man siya sa kajologsan ng pangalan kuno niya ay wala naman siyang magagawa, iyon kasi ang unang lumabas sa bibig niya ng tanungin kung sino siya.

"Shut up, Rilen."

Natawa ulit ito. Natutuwa talaga siya kapag niloloko niya si Alois. Naglabas ng inuming alak si Rilen at sinalinan ang mga baso.

"Wanna drink?" Inabot niya kay Alois ang isang baso ng alak.

Umiling si alois bilang sagot. "Nuh, I won't drink tonight. Maaga ang trabaho ko bukas." She said.

Nagkibit balikat na lamang si Rilen at Thana.

...

Lasing na lasing na si Alois. Hindi na nga siya makalakad ng diretso dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at hindi masyadong uminom si Thana. Kasama pa nila si Rilen, ihahatid nila ito pauwi.

"Gushto ko pa umehnom!"

Napailing ang dalawa habang inaalalayan sa paglalakad si Alois. Kaagad na binuksan ni Rilen ang pinto ng bahay ni alois. He has a spare key, palihim siyang nagpagawa. Inilapag kaagad nila si alois sa sofa. Nagtungo si Thana sa kwarto ni Alois para kumuha ng kumot.

"Ang sabi niya hindi siya iinom, pero siya pa ang unang nalasing sa atin." Natatawang sabi ni Rilen.

Kinumutan ni Thana si Alois na ngayon ay humihilik na. "Kahit naman uminom tayo ng marami ay hindi tayo malalasing kaagad. You know her, she has a low alcohol tolerance. One glass of beer will make her drunk."

Natahimik sila saglit. Nakatingin lang sila kay Alois.

"She saw the mark." Basag ni Thana sa katahimikan.

Nanlaki ang mga mata ni Rilen sa narinig. "How did she saw the mark? I told you to use another dagger, Lithana."

"I don't have a choice. Someone bump into her. she was hurt you know."

Bumuntong hininga si Rilen. "Be careful Thana. You need to hide that dagger."

Tumango ito.

"We need to go. Kailangan kong ibalita ang nangyari." Aniya ni Rilen.

Tiningnan niyang muli si Alois bago lumabas ng bahay. Sinigurado nila na nakasarado ng maayos ang pinto ng bahay ni alois. Tiningnan niya ang mga tauhan niya na nagtatago sa dilim at pilihim na binabantayan ang taong kailangan nilang bantayan.

Sa kabilang dako. Tahimik na nagmamatyag ang mga tauhan ng hari sa bahay ni Alois. Nakita ng nga mata nila ang paghatid ng dalawang tao kay Alois at ang paglabas ng mga ito.

Tatakbo na sana palayo ang isa sa kanila para ibalita ang nasaksihan nang may pumigil sa kaniya. Kaagad itong lumuhod para magbigay galang.

"Your Majesty, Ano ho ang ginagawa ninyo dito?"

Sumandal siya sa puno at tiningnan ang bahay na binabantayan ng mga tauhan ng hari.

"Don't tell father about this. I'll take care of everything." He said.

Nag aalinlangang tumango ang lahat. Sinensyasan niya na umalis ang mga ito at sinabi din na huwag ireport sa hari ang mga nasaksihan nila.

Nanatili siyang tahimik. Siya na lamang ang naiwan sa madilim na kagubatan na hindi kalayuan sa tinitirhan ni Alois. Ang mga tauhan niya ay nasa gilid-gilid lang at nagkalat.

"Enjoy your freedom, my concubine." He said before turning his back.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay narinig na niya ang yabag ng mga tauhan niya. Tumigil siya ngunit hindi niya ito hinarap.

"Your Majesty, she saw the Mark."