webnovel

High School Zero

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy Pendleton's adventures to become number one! *Written in Filipino/Tagalog language*

AlesanaMarie · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

Chapter Twenty-Seven

"Asar!" galit na sabi ni Cam saka sinipa ang malapit na upuan.

"Oy, kumalma ka nga," pigil ni Tony na may hawak na cue stick. Napansin nitong napatingin sa kanila ang manager ng bilyaran.

"Papaano ako kakalma? Hinahanap na ng Tatay ko yung kotse? Ano'ng sasabihin ko, natalo ko sa sugal?"

"Ano bang excuse mo?"

"Sabi ko pinahiram ko muna."

"Sabihin mo nalang nanakaw," sabi ni Tony.

"Dude, hindi naman siya nag-file ng report kaya mabibisto 'yan kaagad," singit ni Danny habang tumitira sa bilyar.

"F*ck! Akala ko naman makukuha ni King yung mga sasakyan namin. Nagkamali ako. Hindi talaga ako dapat umasa sa isang babae. Dapat si King Nino nalang ang pinilit ko na kumilos. May pag-asa pa siguro," naghihimutok nitong sabi.

"Haah..." buntong hininga ni Tony. Nagpatuloy nalang ito sa paglalaro.

"Nasaan nga pala si Lodi?" tanong ni Danny. "Diba nawalan din siya ng kotse?"

"Alam na sa bahay nila na nawala niya yung kotse niya. Grounded daw muna siya," sagot ni Cam.

"Mabuti grounded lang inabot non," pahayag ni Tonny.

"Mas maluwag sa pera ang magulang ni Lodi. Loaded e," natatawang sabi ni Danny.

Hindi maiwasan na ikumpara ni Cam ang pamilya sa pamilya ni Lodi. Bakit ba napaka-malas niya?

"F*ck talaga! Makapag-yosi nga muna sa labas," sabi ni Cam saka umalis.

"Haah. Malas talaga nila," umiiling na sabi ni Danny.

"Sinabihan ko na sila dati na hwag nang ituloy yung pagpunta roon e. Hindi nagpapigil," paninisi na sabi ni Tony.

"Hindi siguro nila narinig ang mga kwento tungkol sa Blackridge Hill. Pero ang galing ng King natin ah, nanalo siya sa sugal."

Tumawa si Tony. "Sayang, wala ako roon para mapanood ang laban."

"Kung hindi siguro sinabi nina Cam at Lodi na nakuha nila ang natalo nilang pera hindi ako maniniwala na nanalo si King sa sugal. Ang cool ng taong 'yon. Nagmana siguro sa Tatay niya."

Nagpatuloy sa paglalaro ng bilyar sina Danny at Tony. Hindi nila napansin ang dalawang lalaki na nakabantay sa kanila at nakikinig sa kanilang usapan. Nag-tinginan ang dalawa saka lumabas ng bilyaran.

***

Sa Blackridge Hill, simula nang matalo sina Bombi at Duran, naging malaking katatawanan na ang kanilang grupo. Naging sanhi ito upang palaging uminit ng ulo ni Bombi. At madalas din na napapaaway sa ibang grupo ang mga tauhan niya.

Bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang dalawang humahangos na lalaki.

"Boss, may maganda kaming balita sa'yo!"

Tinignan ni Bombi ang mga ito habang naka-upo sa sofa at umiinom ng alak sa na nasa baso. Pabagsak niya itong ibinaba sa lamesa na ikinagulat ng lahat. Napatingin ang mga lalaki sa dalawang bagong dating. Sana ay may silbi ang dalang balita ng mga ito para mabawasan na ang galit ng kanilang Boss.

"Siguraduhin ninyong hindi masasayang ang oras ko sa sasabihin ninyo."

"Hindi, boss!"

"Ano ba iyon? Sabihin nyo na!"

"Boss, nahanap na namin kung sino ang babaeng tumalo sa'yo."

Kaagad na nagdilim ang paningin ni Bombi nang marinig ang mga salitang 'tumalo sa'yo'.

"SINO?!" sigaw niyang tanong.

Biglang natakot ang lalaki. "B-Boss, estudyante siya sa Pendleton High."

"Pendleton High?" ulit ni Duran. Kaya pala marunong ang mga ito na makipag-laban.

"Ayon sa narinig namin ay King daw siya sa school."

"King ng Pendleton High?" ngumiti si Bombi. Kalokohan!

"At Boss may isa lang babaeng King ang school na 'yon."

"Ano'ng pangalan niya?"

"Tammy Pendleton, boss."

"Dalhin ninyo siya sa akin, ngayon din!" malakas na utos ni Bombi.

"P-Pero boss, napapaligiran ng gwardya ang school na 'yon."

"Hintayin ninyo siyang maiwan mag-isa saka ninyo siya kunin," tumingin si Bombi sa kanang kamay na si Duran. "Dalhin mo lahat ng tauhan natin at kunin nyo siya! Hwag mo akong bibiguin!"

"Masusunod boss."

Nag-umpisang maghanda ni Duran at kinausap ang mga taong dadalhin.

"Heh! King ng Pendleton High. Nanghihina na ba sila para matalo ng isang babae?" Naalala ni Bombi na hindi man lang nakipag-laban ang babae noong pumunta ito sa lugar niya. Siguradong mahina ito.

Marahil ay mga mahihina ang loob ng mga tao sa Pendleton High at hindi nagawang pumatol sa hamon ng babae. Paano nila pinabayaan na mag-hari ang isang babae sa kanila? Iisa lang ang lugar na nababagay sa mga babae. Ito ay sa ilalim ng katawan ng mga lalaki sa kama. Para kay Bombi, iyon lang ang silbi nila.

***

"TAMMY!"

Tumingin si Tammy sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Willow na naghihintay sa kanya sa tindahan na nasa tapat ng Pendleton High. Nakataas ang dalawang kamay nito at winawagayway sa kanya.

"Eek! Nandito na naman yung friend ni Tammy," kumento ni Fatima.

Tumawa si Lizel. "Sige, Tammy. Mauna na kami sa iyo. May lakad pa yata kayong dalawa."

"Bye, Tammy! See you tomorrow," paalam ng tatlong babae saka nauna nang naglakad paalis.

Tumawid sa kalsada si Tammy at nilapitan si Willow.

"Pillow, ano'ng ginagawa mo rito?"

Narinig ni Willow ang tawag sa kanya na Pillow ni Tammy pero minabuti nalang na hindi pansinin.

"Wala si Lolo sa bahay kaya pwede ba ako maki-sleep over? Friday naman ngayon, e."

Tumingin si Tammy sa dala ni Willow na malaking back pack. Naka-handa na talaga ito na maki-tuloy sa bahay nila. Mukhang may plano itong tumira sa kanila hanggang linggo.

Tumango siya at ngumiti naman nang malapad ang kaibigan niya. Wala siyang problema sa Mama niya dahil parang parte na ng kanilang pamilya si Willow. Ito lang ang kilala ng Mama niya na kaibigan niya.

Noon, may ilang beses na nagpakilala ng bata sa kanya ang Mama niya pero walang masyadong tumagal. Iba ang gusto niyang gawin sa gustong gawin ng mga ito. Tanging si Willow lang ang nag-tiyaga na bumuntot sa kanya. Hindi rin niya alam kung bakit lalo na at marami naman may gustong kumaibigan dito.

"Hey Tammy, dumaan muna tayo sa shopping district. Gusto kong bumili ng pagkain. May dala akong DVD ng mga movies. Kailangan natin ng snacks. Mag-luto tayo ng popcorn mamaya."

Kumislap ang mga mata ni Tammy. "Sure."

Nag-umpisa na silang mag-lakad. Pumunta sila sa bus stop. Mabilis din silang nakasakay ng bus na magdadala sa kanila sa shopping district.

"Gumawa rin tayo ng fruit shake. Natutunan namin kanina sa school kung paano gumawa. Sa susunod na kitchen class namin, gagawa naman kami ng cup cake. Ginagawa nyo ba 'yon sa school nyo, Tammy?"

"Naiimagine mo ba ang mga kaklase ko na gumawa ng cup cake at fruit shake?" tanong niya. Siguradong sasabog ang kusina nila kung tuturuan silang gumawa ng mga iyon.

"Hehe! Oo nga pala, iba nga pala ang school ninyo, no? Haay. Gusto ko talaga na magkasama tayo sa school. Saan ka magco-college?"

"Hindi ko pa alam."

"Sabihin mo sa akin kaagad para doon din ako papasok!"

Tumango si Tammy. "Hmm."

"Siya nga pala, alam mo ba may plano ang school namin na mag-fieldtrip next month pagkatapos ng exam. Pumipili pa sila ng lugar pero pinag-botohan na namin kanina. Gusto ng iba sa Japan, yung iba naman sa South Korea pero sa France ang gusto ko. Kaso sabi ng teachers dapat daw yung malapit lang sa bansa natin. Haay. Diba may bahay kayo sa France?"

"Hmm."

Kumapit sa braso ni Tammy si Willow. "Gusto kong pumunta sa France kasama kaaaa..."

Huminto ang bus at kaagad silang bumaba. Dahil biyernes ngayon, maraming tao sa paligid nila – mga magka-kaibigan, magka-sintahan, pamilya at ilang solo.

Pumasok sina Tammy at Willow sa tatlong tindahan ng mga pagkain. Umabot ng apat na plastic ng pagkain ang nabili nila. Alas-sais na nang matapos sila sa pamimili.

"Tara na sa inyo~" masayang sabi ni Willow.

Muling tinignan ni Tammy ang mga pagkain na binili nila. Nakalimutan na ba nang tuluyan ni Willow ang diet nito? Pero wala naman siyang reklamo kaya hindi nalang siya nag-salita.

"T-Tammy," sabi ni Willow saka napa-lunok. Tumuro ito sa isang kiosk. "Gusto ko non."

Sinundan ni Tammy ng tingin ang tinuturo ni Willow. Nakita niya ang isang booth na nagtitinda ng siomai at gulaman. May mahabang pila sa harap nito.

"Umupo ka muna, ako na ang bibili," sabi niya kay Willow. Ibinigay niya ang dalang mga plastic dito.

"Yay! Hihintayin kita ron!" turo ni Willow sa bench sa ilalim ng makapal na puno.

Pumila na si Tammy at makalipas ang sampung minuto ay nakuha niya rin ang dalawang orders niya. Pumunta siya sa lugar na pinaghihintayan ni Willow. Pero nang makarating siya roon, wala ito.

"Miss, nakita mo ba yung babae na nakasuot ng uniform at may bangs? Naka-upo siya rito kanina," tanong ni Tammy sa malapit na babae.

Nag-isip ito saglit. "Nakita ko siyang may kasamang batang lalaki kanina. Umiiyak pa nga yung bata, e. Pumunta sila roon," turo ng babae sa isang makipot na daan sa gitna ng dalawang buildings.

"Salamat." Kaagad na pumunta si Tammy sa eskinita. Hindi niya alam pero may masama siyang kutob.

Tumakbo siya papunta sa kabilang dulo ng eskinita pero ni isang bakas ni Willow ay hindi niya nakita. Tumingin siya sa paligid. Tanging mga dumadaan na mga tao lang ang nakita niya.

Nasaan si Willow?

Lumapit siya sa isang phone booth at nag-hulog ng barya. Tinawagan niya ang cellphone ng kaibigan. Patuloy ito sa pag-ring ngunit walang sumasagot. Sa ikatlong tawag niya ay saka lang may sumagot sa kanya.

"Pillow!"

"Hello! Hahaha!"

Natigilan si Tammy sa gulat. Isang lalaki ang sumagot sa tawag niya.

"Sino ka?"

"Hindi na mahalaga kung sino kami. Malalaman mo rin naman iyon mamaya. Ito ay kung matapang ka."

"Pakawalan ninyo si Willow."

"Hahaha! Wala ka sa pwesto para utusan ako, hindi ba? Kung gusto mo talaga siyang makuha pumunta ka sa ibibigay kong address. At oo nga pala, hwag mong subukan na magsumbong sa pulis kung ayaw mong makitang madungisan ang makinis na balat ng kaibigan mo," tumatawang banta ng lalaki.

Nabalot ng lamig ang mga mata at boses ni Tammy. Humigpit ang hawak niya sa telepono. Kapag may nangyaring masama kay Willow, sisiguraduhin niya na hindi na kailanman makaka-bangon pa ang mga nanakit dito.

"Sabihin mo kung saan."

***

"Tammy," tawag ni Nix sa dalaga na nakatayo sa may bus stop.

Mabilis na sumakay si Tammy sa itim na kotse na minamaneho nito. Seryoso ang mukha ng dalaga habang nakatingin sa labas.

Napalunok si Nix. Ilang beses lang niya nakita na ganito ka-seryoso si Tammy. Bigla siyang natakot sa planong gawin nito sa mga kaaway. Pero sino ba ang nag-sabi na dukutin ng mga ito ang kaibigan ng alaga niya? Sawa na siguro silang mabuhay!

"Sigurado ka ba na hindi mo tatawagin ang mga alpha mo?"

"Labas sila rito."

Tumahimik na si Nix at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ilang saglit lang at dumating sila sa isang private bar. Ipinarada niya ang sasakyan. Mabilis na lumabas si Tammy bago pa mapigilan ni Nix.

Hindi niya alam kung ano ba ang plano nitong gawin. Siguradong maraming tauhan sa loob si Bombi pero diretso lang si Tammy na walang kinatatakutan. Si Nix ang nakakaramdam ng kaba para sa alaga niya. Mabuti nalang at sa kanya ito lumapit at nag-sabi ng nangyari.

Nag-aalala rin siya para sa kaibigan ng inaalagaan niya. Kapag may nangyaring masama rito...

Sinundan niya si Tammy at sabay silang pumasok sa bar. Katulad ng inaasahan niya, marami ngang tao sa loob at lahat ay nakatingin sa kanila. Puro mga lalaki at halatang tauhan ni Bombi ang mga ito. Walang ibang customer, mukhang isinara iyon para sa kanila.

"Dumating ka!" bati ni Bombi nang makita silang pumasok. Naka-upo ito sa stool sa harap ng bar counter at naninigarilyo.

"Nasaan si Willow?" malamig na tanong ni Tammy.

Sinipat ng tingin ni Bombi si Tammy. Nagulat ito sa gandang angkin ng babae. Biglang nanuyo ang lalamunan nito at nakaramdam bigla ng pagka-uhaw. Ito rin pala ang babaeng kinaiinisan ni Rinka. Sino ang mag-aakala na ito pala ang mukha na nasa likod ng maskara?

"Duran," tawag ni Bombi sa tauhan.

Sumenyas si Duran sa dalawang lalaki. Umalis ang mga ito at pumasok sa isang pinto ng private room. May binitbit na babae ang mga ito pagkalabas.

"Kyaaah! Bitawan nyo ko! Mga germs kayo! Yuck!" sigaw ni Willow habang hawak ito sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Ini-upo ito sa isang silya malapit kay Bombi. "Waaah! Tammy!"

"Willow, ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalala na tanong ni Tammy. Tinignan niyang mabuti ang kaibigan. Wala naman siyang nakitang sugat. Ngunit naka-tali ang dalawang kamay nito sa likod.

"Waaah! Tammy, kinain nila yung pagkain natin. Huhu! Inubos nila yung binili natin. Waaah! Wala nang natira kahit isaaa!" sumbong ni Willow imbes na alalahanin ang sariling kalagayan. "At hindi nila ako binigyan! Waaah!"

Nasapo ni Nix ang mukha dahil sa narinig. Alam ba ng babaeng ito kung ano ang lagay nila? Masyado na ba itong gutom at hindi alam ang nangyayari? Napatingin siya kay Tammy at nakaramdam ng awa sa alaga niya. Isipin palang niya na ito lang ang kaibigan nito ay sumasakit na ang kanyang dibdib. Siguro oras na para hanapan niya ito ng matinong kaibigan.

Nakahinga nang maluwag si Tammy dahil pagkain lang ang pinag-interesan ng mga lalaking ito. Mabuti nalang.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ni Tammy.

"Gusto ko lang makalaro ka ulit, iyon lang naman. Masyado kasi akong nasiyahan at nabitin sa huli nating laban," nakangiting sabi ni Bombi. "Kapag nanalo ka, maaari kayong lumabas. Pero kung matalo ka..."

Tumingin si Tammy sa paligid. Doble na ang bilang ng mga tauhan na dala nito kumpara sa Blackridge Hill. Sigurado siyang kahit na manalo pa siya ay hindi siya nito palalabasin. Katulad nalang nang nangyari sa Blackridge Hill. Tumalim ang tingin niya kay Bombi, iniisip ba nitong maniniwala siya sa sinabi nito?

Umiling si Tammy. "Gusto ko'ng ibahin ang pusta."

Napuno ng interes ang mga mata ni Bombi. "Oh? Ano'ng gusto mo'ng ipusta? Kotse, bahay, lupa, sabihin mo lang."

Lumamig nang husto ang mga mata ni Tammy. Tumaas ang isang gilid ng labi nito. Nang makita iyon ni Nix, kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang pinag-pawisan. Hindi magandang senyales ito!

"Sa bawat pagka-talo, isang daliri ang puputulin. Payag ka ba?"