"Hindi ko ine-expect na magkakilala pala kayo, Willow!" bulalas ni Ara.
"Ikaw ha~ Hindi mo shine-share ha~" tukso si Kristin.
"Akala namin wala kang friends!" prangka na sabi ni Lisa.
"Pwede ba kaming magpa-picture kasama ka, Tammy?" tanong ni Lovely.
Humarang si Willow sa harap ni Tammy.
"Stop it! Hwag ninyong tignan si Tammy! Sa'kin lang si Tammy! Hindi rin kayo pwedeng magpa-picture!" inis na sabi ni Willow sa kanyang mga ka-eskwela.
Nagulat ang apat na babae at napatingin kay Willow. Imbes na kaibigan ay para itong isang manager ng artista kung umakto. Bawal magpa-picture, bawal rin lumapit.
Gusto lang ni Willow na mag-enjoy sa event na ito kasama ang kaibigan niya pero hindi niya inaakala na makikita niya ang apat na babae rito. Ang masaklap pa ay mukhang gusto ng mga ito na makipag-close kay Tammy. Hindi niya ito hahayaan na mangyari! Sa kanya lang si Tammy! Ang salitang 'bestfriend' ni Tammy ay exclusive lang para sa kanya!
Na-imagine ni Willow ang mangyayari kapag naging friends ang apat na babae at si Tammy. Darating ang panahon na lalabas ang mga ito kasama si Tammy para manuod ng sine o kumain sa labas o mag-outing. Habang lumalayo ang naiimagine ni Willow mas lalo siyang kinakabahan. Baka dumating ang araw na hindi siya invited sa mga lakad na ito dahil sa extra lessons niya. Lalayo ang loob nila ni Tammy, mapapalitan na ang pwesto niya. Hanggang sa tumagal ang panahon at makalimutan na siya nang husto ni Tammy. At kapag nilapitan niya ito tatanungin siya ng: 'I'm sorry, who are you?'
"Hindi pwede!" sigaw ni Willow. "Hindi ninyo pwedeng lapitan si Tammy!"
Natahimik ang paligid. Ang mga dumaraan na tao ay napatingin kay Willow.
"Eh?" Doon lang napansin ni Willow na wala na pala ang apat na babae sa harap niya. Nakaramdam siya ng tuwa. Nilingon niya sa likod si Tammy at mabilis na nawala ang kanyang ngiti. "N-Nasaan si Tammy?!"
Na-kidnap si Tammy!
***
Ang 'nakidnap' na si Tammy ay nahila na ni Lisa papunta sa isang tahimik na lugar. Sa ilalim ng puno, pumwesto silang lahat para magpa-picture sa isang lalaking dumaraan.
Dahil sa suot ni Tammy na victorian dress at kagandahan na taglay, akala ng ibang tao ay isa itong cosplayer. Dumami ang nagpapa-picture kay Tammy hanggang sa may nabuong isang mahabang pila.
Nagulat man sa nangyayari si Tammy, hindi naman siya maka-hindi sa mga tao. At ang grupo ng apat na babae ang naging taga-ayos ng pila at taga-kuha ng larawan.
"Tammy?!" sigaw ni Willow habang hinahanap ang kaibigan niya. Hindi niya pinansin ang mahabang pila na nadaanan. At dahil nahaharangan si Tammy ng mga tao, hindi ito nakita ni Willow. "Nasaan ka na, Tammy?! AHH!!"
"Uwaaaah! Mama!!!" isang bata ang biglang yumakap sa mga binti ni Willow. "MAMA!!! UWAAAAAHH!!!"
Nanlaki ang mga mata ni Willow habang nakatingin sa batang babae na mukhang nasa apat na taong gulang. Ano'ng Mama?! Kailan siya nanganak?! Sino ang ama nito?! AHH!!!
"B-Bata, hindi ako ang Mama mo..."
"Uwaaahh!!!" Lumakas ang iyak nito. "MAMA KO!!! WAAAHH!!!"
Biglang pinagpawisan si Willow habang pilit na inaalis ang yakap sa kanya ng batang babae. Naramdaman niya na pinagtitinginan na siya ng mga tao.
"Tignan mo 'yon, ang bata bata pa pero may anak na."
"Iba na talaga ang panahon ngayon."
"Marami talagang mapupusok na kabataan. Tsk tsk. Kawawa naman ang mga magulang. Pinag-aaral pero iba ang inaatupag. Haay."
"Kaya ikaw Cynthia, hwag kang magpapabuntis kaagad ha."
"Mama naman, twelve years old palang ako! Bakit hindi si kuya ang pagsabihan ninyo, dami niyang naging girlfriend!"
"Tsk tsk. Lalaki ang kuya mo. Hindi siya mabubuntis."
"..."
"FERRAGAMO!" hindi napigilan na sigaw ni Willow nang marinig ang sinasabi ng mga tao. Isa siyang purong dalagang lumaki sa pangaral ng kanyang Lolo at Lola. Hindi niya deserve ang mahusgahan ng mga ito! AHH! Wala pa siyang first kiss, ah!
Habang tinitignan ni Willow ang batang umiiyak pakiramdam niya ay gusto niya itong sabayan. Nasaan ba ang mga pabayang magulang ng batang ito?! Gusto niyang pukpukin ng martilyo ang mga ito!
"Tahan na. Gusto mo ba ng ice cream, cotton candy, o chocolate?" Binuhat niya ang bata at humina ang iyak nito. Lumapit si Willow sa isang booth at binilhan ng cotton candy ang bata. "Hanapin na natin ang mga magulang mo. Alam mo ba ang pangalan nila?"
Naglakad si Willow papunta sa security dala ang batang babae. Nagpapasalamat siya dahil tumigil na ito sa pag-iyak.
At sa ganitong paraan, muli silang nagkalayo ni Tammy.
***
"HWAAAH!!! Si Banri! Sis, dali picture-an mo kami!!!" excited na sabi ni Ara saka tumabi kay Banri.
Napaayos naman ng tindig si Banri nang lumapit sa kanya ang babae. Hindi niya alam kung paano siya nakilala ng mga ito. Napilitan siyang ngumiti nang sabihin ng kumukuha ng larawan ang 'smile!'.
Alas synco ng hapon, kasalukuyan na break time niya. Suot ang sira sira niyang damit na may pekeng mantsa ng dugo, nagpahinga siya sa bench sa ilalim ng puno para kumain. Ang role niya sa booth nilang 'Maze of Death' ay isang Zombie. Siya, kasama ang ilan pang mga kaklase, ang humahabol sa mga tao na pumapasok sa maze.
Buong araw man siyang nagta-trabaho, natutuwa parin siya dahil sa dami ng kanilang kita. One hundred and fifty pesos ang entrance fee nila kada tao.
Makalipas ang ilang minuto matapos niyang kumain, may mga babae na lumapit sa kanya. Mukhang mga visitors ang mga ito. Nagulat pa siya dahil sa kislap ng mga mata ng apat na babae habang nakatingin sa kanya.
Ang akala niya ay gustong magpapicture ng mga ito dahil isa siyang 'zombie' pero nagulat siya nang sabihin ng mga ito ang pangalan niya.
Matapos magpapicture ang mga babae, saka lang niya napansin na kasama nito ang kanilang King.
"Tammy, halika rito dali. Kukunan din namin kayo ng picture!"
Nang makita ni Banri si Tammy, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nakasuot ito ng victorian dress na bumagay sa noble look nito. Ang dignified aura nito ay kapansin-pansin. Mukha talaga itong isang totoong royalty.
"KYAAAH! Isang Vampire Queen at isang Zombie! Gusto ko kayong gawan ng story!"
"Yung experiment ni Victor Frankenstein!"
"Pwede siyang si Mary Shelley kunyari!"
"No, no! Siya si Camilla, ang original female vampire!"
Abot sa langit ang kaba ni Banri nang maglapit sila ni Tammy. Hindi niya alam kung ano ang hitsura ng mukha niya habang kinukunan sila ng larawan.
"Thank you, Banri!"
"Puntahan na natin si Nino!"
"GO!!!"
"Hindi ko pa nakikita si Oppa. Huhu..."
Muling nahatak sa braso si Tammy. Dahil nawawala si Willow, hindi niya magawang iwan ang mga ka-eskwela nito. Hindi rin niya gusto na bumalik sa booth nila dahil ayaw niyang makulong ulit sa tower. Naisip niyang sumama nalang sa apat na babae habang hinahanap si Willow.
Pinanood ni Banri na umalis ang grupo ng mga babae. Unti unti narin nawala ang kanyang kaba. Gusto sana niyang pigilan ang babae na kumuha ng picture para humingi ng kopya pero nahiya siya bigla.
"Banri! Shift mo na!" tawag ng kaklase niya.
"Sige!"
Bumalik si Banri sa loob ng gym kung saan nandoon ang kanilang malaking booth. Hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isip niya kung paano siya nakilala ng apat na babae.
Kung malalaman lang niya na ang sagot sa kanyang tanong ay parang pagbubukas ng pandora's box, hindi na niya gugustuhin na malaman ito. Ang apat na babae ay dakilang tambay at espiya sa forum ng Pendleton High. Gumagamit sila ng ID ng isang kakilala upang makapasok. Ilang beses na rin silang na-block dahil dito. At dahil na-trace na ang kanilang IP address, palipat lipat sila sa mga computer shops para makapasok sa forum.
Kilala ng apat na babae si Banri bilang 'ang lalaki na tinalo ni Tammy Pendleton sa finals', 'ang lalaking nag-nosebleed' at 'ang lalaking gusto ng second chance'.
Hinintay ng grupo nina Lisa ang laban nina Banri at Tammy sa pangalawang pagkakataon, pero hindi ito nangyari dahil sa paghingi ng sorry ni Banri sa ginawa ng mga kaklase nito. Dahil sa ginawa ni Banri, nagustuhan siya ng apat na babae. Inilista siya ng mga ito sa 'mga taong dapat makita sa personal'.
***
"Bienvenue, what can I get you, Mademoselles?" tanong ni Nino na may kalakip na ngiti. Ang boses nito ay malumanay at malambing na humahagod sa puso ng sinomang makakarinig. Kaagad na nakuha ni Nino ang puso ng apat na babae. Ang mga mata nito ay tumigil sa direksyon ni Tammy na binabasa ang menu.
"Hwaa~ King Nino! Ang gwapo mo sa personal!"
"Pwede ba ikaw? Hihihi! Take out? Hihihi!"
"Yung special please, yung kasing special mo. Ahihihi!"
"Pwedeng magpapicture kasama ka? Magbabayad kami kahit magkano~"
"Isang strawberry crepe at isang milk tea please," sagot ni Tammy saka ibinaba ang menu.
Ang booth ng class 1-D ay butler cafe. Inookupa nito ang kalahati ng canteen. Ang isa pang kalahati ay booth ng isa pang class, isang korean and japanese mini restaurant ang ginawa ng mga ito. Sa gitna ng dalawang booth nakaharang ang mga plywood.
May tumutugtog na jazz music sa loob ng cafe. Karamihan sa mga customers ay mga babae. Karamihan sa mga ito ay nakatingin kay Nino. May ilan din naman na nakatingin sa beta na si Marko.
"Tammy, tabi ka kay King Nino dali~ Picture-an namin kayo!"
"Perfect! Isang royalty at isang butler! Kyaa!"
"Gusto ko kayong gawan ng story~"
Hindi maitago ni Nino ang matamis na ngiti nang marinig na kukunan sila ng larawan ng mga ito. Sangayon siya sa mga sinabi ng mga babae. Ang mga damit na suot nilang dalawa ni Tammy ay nasa iisang setting.
Walang nagawa si Tammy kung hindi ang sumunod sa mga ito. Pinaupo siya sa silya at si Nino naman ay tumayo sa kanyang likod.
"Nice shot! Perfect!"
"Hehe! Ie-edit ko ito sa photoshop pag-uwi. Lalagyan ko ng magandang background at effects para magmukhang painting."
"Thank you, Nino~"
"Avec plaisir."
Dumating ang orders nilang lima at nagpatuloy sila sa pag-kain.
***
Nang gumabi na, ilang makukulay na fireworks ang lumipad sa langit. Sa grandstand nakalagay ang ilang malalaking speakers at mga musical instrumenst. Isang sikat na banda ang nagpe-perform doon.
Dahil maraming tao ang dumalo at walang problema na nangyari sa festival, naging successful ang event. Kumalat din sa internet ang positive reviews sa kanilang school na ikinagalak ng Principal.
Sa tapat ng grandstand, nakatayo at sumasabay sa kanta ang mga tao. Ang iba ay tahimik na nanonood at ang iba naman ay kumukuha ng video ng performance.
"Tammy, punta tayo roon!" sabi ni Willow habang hindi humihiwalay ng yakap sa braso ni Tammy.
Nakatayo sila sa gilid, hindi kalayuan sa grandstand. Nagkita sila isang oras na ang nakakaraan.
"Nakita ko si Oppa!" sabi ni Lisa. "Puntahan natin, ipapakilala ko kayo!"
"Sino ba yang Oppa mo, Lisa?"
"Oo nga, palagi mo nalang mine-mention..."
"Sama kayo Willow, Tammy~"
Kumunot ang noo ni Willow. Bakit kailangan silang sumama? Hindi siya interesado sa Oppa ni Lisa. Tatanggi na sana siya nang biglang naglakad si Tammy paalis kasama ang mga ito. At dahil nakakapit siya sa braso, nadala siya.
Dahil sumisikip na ang paligid sa dami ng nanonood sa banda, sumangayon na sumama si Tammy. Nauuhaw na rin siya at gustong bumili ng tubig.
Nakasuot na siya ngayon ng white pants at dark blue long-sleeves shirt.
Saglit silang naglakad at pumunta sa garden. Doon, nakita nila ang grupo ng mga third years. Naka-upo ang mga ito sa damuhan at tila may picnic. Sa gitna ay may mga clubhouse sandwiches at mga inumin.
"Oppa!" tawag ni Lisa.
Lumingon ang isang lalaki at tumingin kay Lisa. Sandali na nagulat si Tammy. Ang lalaking lumingon ay walang iba kundi ang third year King, si Gavino Ryu.
"...Ah... S-Siya pala ang Oppa mo, Lisa."
"H-Hello..."
"M-Magandang gabi po..."
Dahil sa suot na simpleng black shirt ni Gavin, nakita ng mga babae ang dalawang braso nito na puno ng tato. Kaagad silang na-intimadate. Hindi nila alam na may kakilala si Lisa na ganitong klase ng tao.
Tumango si Gavin sa mga babae. Hindi nakawala sa matalas niyang mga mata ang reaksyon ng mga ito nang makita siya. Saglit na huminto ang tingin niya kay Tammy.
"Hindi mo ba kasama ang kapatid mo?" tanong ni Gavin kay Lisa. Ang boses nito ay banayad na hindi karaniwan na maririnig mula rito.
Kaagad itong napansin ng mga lalaki.
"Nasa shop si Kuya."
"Sino'ng kuya?" tanong ni Djanggo.
"Kapatid ni Max."
"Oh, shit! Kapatid ka ni Max? Haha! Ang layo ng histura ninyo."
"May maganda palang kapatid si Max!"
"Upo kayo," sabi ng isa sa mga lalaki. "Kuha kayo ng sandwich."
"Hwag kayong mahihiya."
"Nandito pala si King Tammy."
Tumunog ang cellphone ni Gavin at sandali itong nagpaalam sa kanila.
Kahit na naiilang ang mga babae ay umupo na rin sila sa damuhan. Kanina pa sila nakatayo at ngayon ay pagod na ang kanilang mga binti.
"Ang ganda ng booth ninyo, Tammy. Gusto ko sanang sumali kaya lang wala ka na."
"Uwi! Poporma ka pa, ah!"
"Nauuhaw ba kayo?"
Isang lalaki ang nagbigay sa kanila ng juice na nasa plastic cup.
"Thank you po."
"Salamat po."
"Ang pormal naman nila."
"So f*cking cute."
Nagpatuloy sa pag-kwentuhan ang mga lalaki. At sina Ara, Lovely, Kristin at Willow ay naging panatag dahil maayos naman ang mga lalaki kahit na mukhang siga ang mga ito. Lalo na si Djanggo na may malaking katawan at mga tato.
Dumaan ang ilang minuto at nakaramdam ng pagkahilo si Tammy.
"Tammy, okay ka lang?" tanong ni Willow nang mapansin ang pagbabago kay Tammy.
Hindi sumagot si Tammy. Sakto naman ang pagbalik ni Gavin. Nang makita nito ang mga plastic cups na hawak ng mga babae, mabilis na dumilim ang mukha nito.
"Djanggo," malamig na tawag ni Gavin.
"B-Boss?"
"Did you give them alcohol?"
Natahimik silang lahat.
"SHIT!"
"Oo nga pala! Shit!"
"Sorry, girls!"
"May halong alcohol ang juice."
"Pero light lang naman."
"Oo nga. Hindi kayo malalasing dyan."
Hindi man sila apektado ng alcohol, bilang estudyante ng St Celestine High, isang big deal sa kanila ang pag-inom nito. Underage pa sila at bawal uminom ng alcholic drinks. Hindi man ito malalaman ng school pero nakasiksik na sa isip nila ang mahigpit na rules ng school. At nilabag nila ang isa sa mga sagradong patakaran ng kanilang eskwelahan.
Namutla ang mga mukha ng mga babae.
"Pupunta ako sa washroom."
"Sama ako."
"Ako rin."
Tumayo ang anim na babae at nagpaalam sa grupo ng mga third years. Naglakad na ang mga ito palayo at halatang walang balak na bumalik.
"Ay..."
"Kayo kasi, bakit ninyo binigyan?"
"Ganon ba sila kaapektado sa juice? Wala naman epekto e."
"Hindi ba ganon naman talaga ang mga babae kapag pumupunta sa CR? Laging magkakasama."
"Bakit nga ba sila palaging magkakasama?"
"Ano'ng meron sa CR nila?"
***
Saglit na dumaan sa washroom ang mga babae. Matapos non ay bumili sila ng mineral water sa isang booth. Umupo sila sa isang bench at tahimik na nagpahinga.
"Ano'ng oras na?"
"Alas siete na."
"Kailangan ko na palang umuwi."
"Tumawag ka na ba sa bahay ninyo?"
"Nag-text ako kay Kuya na sunduin niya ako."
"Ara, pasabay."
"Sige. Kayo ba, Lisa, Kristin?"
"Parating na yung driver ko."
"Ako rin."
"Kayo Willow?"
"Parating na rin ang driver ko. Ako na rin ang maghahatid kay Tammy."
Ilang minuto ang lumipas, isa isa nang nagpaalam sina Ara, Lisa, Kristin at Lovely. Naiwan na nakaupo sa bench sina Willow at Tammy.
Binabasa ni Willow ang text ng kanyang Lolo.
"Haay, si Lolo talaga... Tammy." Lumingon si Willow sa tabi. "Eh? Tammy?"
Tumayo siya at hinanap ang nawawala na naman niyang kaibigan.
"TAMMY!!!"
***
Ang 'nawawalang' si Tammy ay naglalakad papasok sa building ng mga seniors. Kung bakit ito papunta roon ay walang nakakaalam. Kahit na diretso ang lakad nito, ang mga mata nito ay walang focus at walang kislap. Katulad ng isang taong naglalakad habang natutulog.
Sa ganitong kondisyon siya inabutan ni Gavin na palabas ng building. Mabilis nitong napansin si Tammy.
"Where are you going?"
Huminto si Tammy sa tapat niya at nakita niyang may mali sa mga mata nito.
"...where are you going?" mahinang tanong ng dalaga.
"I'm going home. You shouldn't be here."
"...going home... shouldn't be...here..." ulit nito.
"..."
Kumunot ang noo ni Gavin habang nakatingin kay Tammy.
"Tammy."
"...Tammy..."
"Hah... Seriously." Bumuntong hininga si Gavin. Lumingon siya sa paligid at nakitang wala ang mga babaeng kasama nito.
"...seriously..."
Natuklasan ni Gavin na si Tammy Pendleton ay wala sa sarili. Lasing ba ito? Dahil ba sa juice? Mukhang nagiging ganito ito sa tuwing nakakainom ng alak. Inuulit ang mga salita na naririnig.
"So cute."
"...so cute..."
Isang mailap na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Gavin.
"You're so cool."
"...you're so... cool..."
"You're handsome."
"...you're handsome..."
"I want to marry you."
"...want to marry...you..."
Nakaramdam ng kakaibang tuwa si Gavin habang naririnig ang mga papuri mula sa bibig ng dalaga. Kahit na alam niyang hindi ito nanggaling sa puso nito at dahil lang sa wala ito sa sarili kaya sinasabi ang mga salita.
Kumislap ang mga mata ni Gavin.
"You're mine."
"...you're mine..."
"I like you."
"...I like...y—"
Isang kamay ang tumakip sa bibig ni Tammy. Isang lalaki ang nasa likod nito. Matalas ang mga mata nito na nakatingin kay Gavin at tila nagbabanta.
Saglit na nawala ang ngiti ni Gavin nang makita ang lalaking naka-suot ng facemask. Diretso niyang tinignan ang lalaki sa mga mata.
"If it isn't the fourth year King. Coming to ruin my fun."
Bumagsak bigla ang katawan ni Tammy. Mukhang nawalan ito ng malay. Mabilis na isinandal ni Blue ang katawan ni Tammy sa kanyang dibdib. Inayos nito ang posisyon ni Tammy saka maingat na binuhat na parang prinsesa.
"Hmm." Tahimik na pinagmasdan ni Gavin ang proseso. "Pity. I want to hold her, too."
Hindi pinansin ni Blue si Gavin at naglakad papunta sa kabilang direksyon. Nanatili ang mga mata ni Gavin sa dalawa hanggang sa mawala ang mga ito. Naglakad siya paalis nang may ngiti sa mga labi.
***
"Cup noodles~ Masayang kumain ng cup noodles~" kumakantang sabi ni Nix habang inaalis ang takip ng kanyang mainit na cup noodles.
Naiwan siya mag-isa sa loob ng security room. Umalis si Seb para bumili ng pagkain nila pero dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa ito bumabalik. Malamang ay nagsasaya na ito ngayon sa event. Ang traydor!
BAM!!!
Nabitawan ni Nix ang kutsara dahil sa gulat. Bumukas ang pinto ng security room at pumasok ang isang matangkad na lalaki na may buhat na babae.
"Ah?" sandaling natigilan si Nix. Bumalik siya sa sarili nang makita ang mukha ni Tammy. "Tammy?! Ano'ng nangyari sa kanya?!"
Ibinigay sa kanya ni Blue si Tammy saka naglakad paalis. Inayos ni Nix ang pagkakabuhat sa dalaga saka tumingin kay Blue.
"Oi. Blue! Saan ka pupunta? Hindi mo ba sasabihin kung ano ang nangyari?" usisa ni Nix.
Naglakad lang ito na parang walang naririnig hanggang sa tuluyang makalabas.
"Damn it! Ano'ng sasabihin ko kay Tita?" problemadong tanong ni Nix sa sarili. "Ano ba ang problema ni Blue? Ano ba ang nangyari?"
BAM!!!
Muling bumukas ang pinto ng security room. Pumasok ang isang humahangos na babae.
"NAWAWALA SI TAMMY!!!" sigaw ni Willow na nagpapanic. "Eh?! TAMMY?! WALANG HIYA KA, ANO'NG GINAWA MO KAY TAMMY?!"
"..."
"Sumagot ka!!! Bakit walang malay si Tammy?!"
Gustong sumigaw pabalik ni Nix sa nagpapanic na babae. 'Iyan din ang tanong ko!'
Avec plaisir - It was my pleasure. // Bienvenue - Welcome
Pls rate and vote! Danke!
∠( ᐛ 」∠)_