webnovel

Nakaupo sa lumang duyan sa likod ng lumang bahay.

Nakakabinging katahimikan kasabay ng mailap na hangin sa lugar na kung saan naka upo si Dolores.

"Naaalala pa din kita. Sabik na sabik na kitang makita, kahit na alam kong hindi na mangyayari" Malungkot nitong sabi.

(Sa kanyang alaala)

"Dolores! Dolores!" Biro nitong pagtawag ni Fernando sa kanya. "Ano ba!! pwede ba huwag mo nang tawagin ang pangalan ko ng buo!!" Pag kairita nitong sabi. "Eh! bakit naman. Kinakahiya mo ba na yan ang pangalan mo? Ang ganda kaya Dolores." Sabay tawa nitong sabi.

Pauwi na sila galing eskwelahan palagi syang inaasar nito kapag sila'y umuuwi na. "FERDI!!! TUMIGIL KANA!!" napahiyaw nitong sabi. "Fernando pangalan ko. Hindi Ferdi! Dolores Hahaha."

Binalibag ng aklat ni Dolores si Fernando at tumama ito sa kanyang dibdib. "Hindi lang aklat ibabalibag ko sayo FERNANDO! Kaya ayusin mo na ang tawag sakin!!" "Aray ko wa. kala mo ba manipis yang aklat na yan. Nako Dolores este Dolor este Loris sige na. Di na kita aasarin. Hahaha!" Sabay bigay nitong aklat kay Dolores.

Hindi tugma ang kanilang dadaanan sa kanilang mga bahay kaya sa isang kanto ay maghihiwalay na sila ng daan.

"Loris!" tawag ni Ferdi sa kanya. Lumingon si Loris nakasimangot nitong reaksyon. "Kita ulit tayo bukas sa school. hahaha!" Tinalikuran lang sya nito at nagtuloy na sa paglalakad.

Kinabukasan sa Paaralan.

"Loris, nakita mo ba si Nardo? Naiwan nya kasi tong aklat nya sa ilalalim ng lamesa ko. Pwede ba na ikaw na lang mag abot sa kanya?" -Clara

"Sige. Ilapag mo na lang sa lamesa ko." "Salamat ha." aniya Clara.

Pagkuha ni Loris ng aklat ni Nardo may nalalaglag itong kapirasong papel na kung saan nakita nya ang kanyang pangalan. Dali-dali nya itong pinulot at binasa ang nakasulat dito.

Bigla siyang natawa sa kanyang nabasa at hindi maalis ang ngiti nito sa kanyang labi. Agad nitong binalik sa loob ang kapirasong papel na nakatago sa loob ng aklat at agad nya itong binalik ky Nardo.