webnovel

Chapter 56

56

"WELCOME BACK, LOVERS!"

Natutop ko ang aking bibig nang salubungin kami ng mga hiyaw pagkapasok namin ni Felix ng mansiyon. Lahat sila ay abot-tenga ang ngiti habang nakatingin sa amin, kaya naman kahit medyo asar ako ay hinayaan ko si Felix na akbayan ako sa harap nila.

"Krisel, susmiyo, halos hindi na kita makilala, anak. Ang ganda mo na lalo," katulad ng una naming pagkikita, maluha-luhang lumapit sa akin si 'Nay Lourdes para yakapin ako nang napakahigpit.

Kaunting iyakan, usapan at kamustahan ang nangyari sa sala bago kami tumungo'ng lahat sa hapag para tikman ang mga niluto ni 'Nay Lourdes.

"Krisel, you sit here," pinaghila ako ng upuan ni kuya Fred. Si Andeng ay tumulong na sa mga katulong sa paglalatag ng mga naiwang ulam sa kusina. Si 'Nay Lourdes, halos hindi na rin magkandaugaga sa paglagay ng mga paborito kong ulam sa aking plato.

"Oops! Maupo ka lang diyan, kami na," suway ni kuya sa akin nang akmang tutulungan ko ang isang katulong sa pagsalin ng mga inumin.

Tiningnan ko si Felix na prenteng pinagsisilbihan na rin ng dalawa naming katulong na pawang mga bata pa at parehong maganda. Balugang 'to, halatang enjoy na enjoy.

"Felix, hijo, 'wag kang mahiya. Kumain ka ng marami. Sabi ni Krisel, paborito mo ang sinigang na baboy kaya pinagluto kita."

Pinasadahan ako ni Felix ng tingin nang dahil sa sinabing iyon ni 'Nay Lourdes. Kumibot ang mga labi nito saka kumindat pa ang loko. Feeling na naman ng isang 'yan, naku!

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil pihadong maaasar lang ako. Binaling ko na lang ang tingin ko kina 'Nay Lourdes na animo'y naghahanda para sa isang piyesta.

Napangiti ako habang pinapanood silang lahat. Nakakataba ng pusong makita silang ganito kagana ngayon.

This scenery is what I longed to see back in Virginia.

Sa apat na taong pamamalagi ko roon, marami-rami na rin akong napuntahang mga lugar na makapigil-hininga ang kagandahan. Mga enggrande, makukulay, at mga luhosong lugar na talagang mapapahanga ka. Pero sa kabila nun, saan man ako pumunta, libutin ko man ang buong Virginia, hindi ko mahanap-hanap ang sobrang kasiyahang umaapaw sa puso. Hindi ko mahanap-hanap ang kasiyahang dito ko nahanap sa Pinas, dito sa aming tahanan, dito kung nasaan ang mga taong totoong nagmamahal sa akin.

No place like home, indeed.

And this experience taught me that, it really is not the place that will give you the satisfaction and happiness in life, but the people you are with.

Nang lahat ay nakapwesto na sa hapag, masayang sumigaw si kuya Frederick na simulan na ang kainan. Kasalo namin sa mahabang lamesa ang mga katulong, katiwala at mga trabahador sa mansiyon. Napuno ng masayang usapan ang hapag kainan. Marami silang tanong sa amin ni Felix tungkol sa pamumuhay namin sa ibang bansa, sa pag-aaral namin, maging sa aming relasyon.

"What took you so long kanina sa kotse? May ginawa kayo, ano?" malisyosong untag ni Kuya Frederick pagkakuwan na ikinatawa ng lahat.

"Uy kuya, ang isip mo ah! Natagalan kami kasi itong si Felix ang hirap gisingin. Ang daming arte," busangot na apila ko. Ngunit sa kabila nun, hindi pa rin maalis ang mga malilisyosong tingin nila kaya hindi ako tumigil sa pagpapaliwanag.

"Hay naku, Krisel! 'Wag ka nang magpaliwanag pa. Natural lang naman 'yan dahil magjowa naman kayo," ani Andeng.

"Basta gumamit ng proteksyon, anak, ha? Mahirap na," singit ni 'Nay Lourdes na ikinapula ng mukha ko.

"Wala nga kasi. I'm still virgin, guys!" Napuno ulit ng tawanan ang hapag sa sinabi ko. Ang kukulit nila, e! Tiningnan ko si Felix saka inirapan. Bakit ba kasi hindi niya ako tinutulungang magpaliwanag?

Pagkatapos nila akong i-hotseat sa tanghalian, gumawi kami nina Andeng, Kuya Fred at 'Nay Lourdes sa sala. Si Felix ay umuwi sa kanilang bahay at ang mga kasalo naming katulong at trabahente ay bumalik na sa trabaho.

"Dad will be coming home tonight," pagkakuwa'y balita ni Kuya Fred na ikinatahimik naming apat. Batid ko ang mga nag-aalalang tingin nila sa akin kung kaya't sinikap kong pumakawala ng ngiti.

"T-that's great, kuya." Sinubukan kong itago ang kabang naghahari sa aking dibdib pero hindi ako nagtagumpay.

Everyone knows Tito Franco dislikes me. Unang tapak ko pa lamang sa mansiyong ito, pinaramdam na niya sa aking hindi ako welcome rito. He was brutal and outspoken. I remember how he scolded kuya Fred for letting us stay here.

Isa iyon sa mga rason kung bakit nagpasiya si kuya at si 'Nay Lourdes na ilipad ako sa ibang bansa para roon mag-aral. To get away with Tito Franco.

I was afraid of him. Before even until now. But unlike before, masasabi kong mas kaya ko na siyang harapin ngayon. I just hope, now, everything will be fine between us.