webnovel

Stealing glances

Oisa just keep on looking where Patricia is at, as if, he's talking with the group but his eyes are always fixated on where she is. He wants to remember the way she smiles, she laughs, her gestures, her voice, how her hair flows with her head.

"Lintek na, magnet ka ba?"

"Ha?" si Dami. He thought it was only in his head.

"Ano, naalala ko may pinsan pa pala ako." Lumunok siya habang nakatingin sa katabi at saka kinuha ang telepono. "Excuse me guys," he showed his phone and run to the door.

Sinampal-sampal niya muna ang sarili bago bumaba. 'Mahibang ka naman!'

Oisa seated on the last step of the stairs and called Raquet.

{"Na-trap ka ba sa elevator at ang tagal mo makaakyat???"}

"Nanay ba kita, ha?"

{"Tao ka ba, ha?"}

"Gaga. Kumain ka na diyan. Bye."

Gawin lang makatotohanan ang ginawang excuse kanina kaya napilitan siyang tawagan ang pinsan... Napasinghap na lang siya.

"Ano..."

Pamilyar ang boses na 'to.

Tumaas ang balahibo niya sa batok nang may naramdaman siyang nakatayo sa kanyang likod.

Boses pa lang...

Napatayo si Oisa sa kinauupuan at mabilis liningon si Patricia. Nakita niya itong may dalang tray na may pitsel at iilang platito. Agad niya iminuwestro ang daan.

Nakadaan na ito nang maalala niya na baka nabibigatan si Pat sa dalahin. Tinakbo niya ang espasyo at aangkinin niya na sana ang tray, "Huwag na. Kaya ko naman."

Napaatras siya 'don, "Ayaw mo bang tulungan kita?"

"Ano naman maitutulong mo kung kaya ko naman?" ngumiti na naman siya bago tuluyang pumunta sa kusina. Babalik na sana si Oisa sa taas kaso naisip niyang lubusin na lang ang pagkakataon na sila lang mag-isa.

Naghintay siya sa may sofa habang iniikot sa mga daliri ang kanyang telepono. Nangangatog siya sa kaba habang pinapanood ang likuran ni Patricia na kumukuha ng mga alak sa refrigirator. Pagkatapos ay, bibitbitin na dapat ng dalaga ang mga ito pero sa sobrang dami ay namomoblema ito sa kung paano niya dadalhin ang mga iyon.

"Magaling ako magbuhat," biglang yaya ni Oisa sa babae. Naguluhan naman si Pat sa sinabi nito. Magbuhat ng...? "O kung gusto mo inumin na lang natin ang iba dito kung ayaw mo magpatulong sa akin." Dahil mababawasan ang magiging bitbitin and he thought that it'll be a nice offer, hindi na makakatanggi rito ang dalaga.

Ginantihan na naman siya ng ngiti nito at naglakad palabas ng kusina, "I'll ask Rome to help."

Agad na hinila pabalik ni Oisa ang kamay ni Patricia bago pa ito makatapak sa unang baitang ng hagdan. "Why not, Pat?" That rhymes.

"Because you are my student."

She wasn't smart on her reply. "Isn't Rome your student too? Bakit iwas na iwas ka sa akin?" Isa pa, wala na rin naman sila sa school pero ang turing sa kanya ay estudyante pa rin. 'Bakit si Rome, hindi?'

Parehas silang kinakabahan sa mga kaganapan pero 'ni isa'y walang nagpapahalata. "Look there's nothing wrong when you're just 22."

"H-how?"

"Syempre nag-compute ako, 19+3?"

Medyo umangat ang labi ni Patricia kaso ay maagap niya itong napigilan. Napansin ito ni Oisa kaso ay 'di na lang niya sinabi dahil baka masira pa ang sense na ngumiti siya.

Binitawan na lang ni Oisa ang pagkakapit sa kanya saka tumuloy sa kusina at simpleng binuhat ang mga alak. "If you need help, ask for it. Hindi yung iba pa tutulong sayo e nandito naman na ako."

Nauna na si Oisa sa itaas pero nandoon pa rin si Patricia. Ang bilis ng tibok ng puso niya, bakit ganito?

"Ayan na pala, e!" salubong nila Lei sa kakapasok lang na si Patricia. Pero unang tumambad sa kanya ang curious na mga mata ni Oisa. Agad siyang napaiwas.

Kung makaiwas naman kasi siya parang may nangyari. Pero saan ba nagsimula ang lahat ng 'to?

Hindi na bakante ang pwesto niya kanina dahil lumipat pala 'don si Rome upang makatabi si Lei. Ang bakante na lang ay ang tabi ni Oisa. Parang nanadya ang tadhana na kung saan ka mas naiilang ngayon ay 'don ka pa nilalapit.

"Umupo ka na!" yaya ni Yoie kaya sinenyasan niya itong umusog sa tabi ni Oisa kaso ay 'di siya nito maintindihan hanggang sa liningon muli siya ng binata. Tuloy, napilitan siyang umupo sa tabi ni Oisa kasi baka isipin na naman nito na iwas na iwas siya which is apparently right.

Lihim tuloy na napangiti si Oisa sa pagtabi sa kanya ng dalaga.

"Laro tayo!" si Lei na engganyong-engganyong uminom. Lahat ay napatingin sa kanya. "Ganito, ituturo lang natin yung taong sa tingin natin na ganon 'tas magsh-shot siya. Sisimulan ko, mmm. Sino ang may nunal sa pwet?"

"Syempre sino pa ba? Edi yung nagtanong!" asar ni Yoie kaya lahat ay napaturo kay Lei. Tawang-tawa naman si Rome habang inaabot ang shot sa kanya.

"Ako next! Sino ito na mukhang maraming ex?"

Nakaramdam ng inggit si Oisa nang lahat ay tinuro si Patricia, maliban syempre sa kanya na itinuro si Rome. 'Ang swerte naman ng mga naging boyfriend mo.'

"Wala pa naman ako 'non!" Patricia sounded defensive. Hindi niya napansin na napatingin siya sa gawi ni Oisa.

"Mukha nga lang, e. Sinabi bang totoo? Syempre si Hannah dapat 'yon. HAHAHAHA"

Tinanggap na lang niya ang inumin na inabot ni Dami.

"Okay! Sino ang good kisser? 1, 2, 3!"

"Teka! Good kisser o masarap halikan?" segunda muna ni Yoie habang tumatawa.

"Ano ba 'yan, syempre kahit ano naman wala ka 'don sa dalawang 'yon!" si Lei.

"Sige kung sino na lang ang masarap halikan, ah! 1, 2, 3!"

Tinuro ni Oisa ang sarili kasi minsan may confidence siya. Nagturuan naman si Rome at si Lei. Si Lei ang itinuro ni Yoie at si Patricia ang itinuro naman ni Camille. Itinuro ni Hannah at ni Abby si Oisa at si Yoie naman ang itinuro ni Dami.

Walang nakapansin sa itinuro ni Patricia dahil bago pa makita ng iba na si Oisa ang itinuro niya ay itinuro niya na 'yon sa sarili niya.

That's what she thought because Oisa waited for her answer. Pangiti-ngiti siya dahil tandang-tanda niya kung paano nagmadali ang dalaga bawiin ang pagturo sa kanya.

"Uy pantay sina Lei at Oisa! Dali couple shot!" sigaw ni Hanna.

"Oy Hanna!" warning sa kanya ni Rome. "Edi ako na lang iinom," sabay hatak ng shot glass kay Dami. Napasigaw naman silang lahat sa ginawa niya para kay Lei.

Mapupunit na ang labi ni Oisa sa lapad ng ngiti. Kung tutuusin dapat siya ang mananalo. Pero ano bang premyo ang makukuha niya sa alak kung panalo na siya sa pagpili pa lang sa kanya ni Patricia?

Nagkalakas loob tuloy siyang tumingin sa kanya and mouthed, masarap pa lang halikan, a?

Namula dito ang dalaga.

Hope you'll enjoy reading Sometimes as much as I enjoy writing it!

ahhellainecreators' thoughts