webnovel

He

Lumakas ang ihip ng hangin nang matapatan nila Oisa ang lalaking binugbog niya kahapon kasama ang mga kasamahan nitong may dala-dalang sibat at pamalo.

"Excuse me, do we know you?" Alam naman na nila kung sino ang lalaking nasa harapan nila ngunit nanatili lang na nakapamulsa si Oisa. Alam naman niyang wala ng laban ang mga ito, dahil bukod sa puno ng benda ang mukha nung binata at nakasaklay pa ito ay mukhang nangangayayat pa ang mga kasamahan non.

"Y-you owe me a lot! Oisa!" the guy stuttered. "I'm just here to scare you, look, I brought the whole class!"

"Tapos na ba x-ray mo? Baka naman may appoinment ka pa sa doktor." Martin speaks. The five of them remain amused. Lakas loob pa itong dumalaw sa Saros U, e malayo pa sa katotohanan ang paghilom ng mga sugat nito.

"Ingat na lang kayo!" The guy warned. Saka sila isa-isang tumalikod at naglakad paalis.

"Lokong mga bata, nagsayang lang ng pamasahe!" tawang-tawang komento ni Jason.

"Gago, pre! Nagschool bus ata sila dito!" segunda ni Martin.

Nagsimula na silang maglakad. Maagang natapos ang klase nila Shane ngayon. Nang araw lang din nila nalaman na suspended pala si Oisa dahil sa nangyari kahapon, pero dahil tatlong subjects lang ang meron sila, pinili na lang hintayin ni Oisa ang mga ito.

"Totoo na bang sasayaw tayo ngayon?" kumpirma ni Shane. Huminto sila sa may tawiran at hinihintay na mag-red ang stoplight.

Tumango naman si Rome, "Pero sa amin na lang."

"Kako gusto mo lang makita yung nobya mo," may tunog pagtatampong sabi ni Jason.

"Bakit hindi ba?" balik sa kanya ng kausap.

Tumikhim si Martin, "Tanong lang, walang angasan."

"Ito kasi nagsimula," sabay akbay kay Jason. "Pero, nililigawan ko pa lang talaga si Lei."

"Ay weh? Akala ko kayo na? Nakita ko kayo naglampungan ah," biglang komento ni Oisa. Natawa siya sa sariling joke.

"Wehhh Oisa. Ba't di bagay sayo yung salitang 'yon?" nag-aalalang tanong ni Martin.

"Hindi kasi ako ganun humalik," napakagat siya ng labi para mapigilan ang pagtaas ng kanyang labi. Pangiti-ngiti niyang naaalala ang pagturo sa kanya ni Patricia sa laro nila n'ong isang araw. Gustong-gusto niya ng makausap ang dalaga para magkaayos na silang dalawa. Kahit hindi niya alam kung paano, he just hopes. "Kapag ako humalik, ibibigay ko lahat."

Nabatukan siya ni Shane dahil sa kilabot. They were treating Oisa as their younger brother and it sounded weird hearing those things from him.

Nag-red signal na't huminto ang mga sasakyan. Tahimik lang silang tumatawid nang may maingay na busina ang pumaparating. Lima silang napalingon sa kaliwa, tumigil ang oras at parang slow-mo na nasaksihan ang 'pag harurot ng Harley-Davidson Motorcycle patungo sa kanila.

Nasa pinakadulo si Shane, sumunod sina Martin, Oisa, Rome at Jason.

"Tangina!" hiyaw ni Martin at napakamot ng kilay.

"Nawalan ata ng break," dagdag ni Shane.

Nagkibit-balikat na lang si Shane nang may nakakairitang ingay na narinig sila ni Martin mula sa pwesto nila Jason. Napalingon ang mga ito sa kanan... Sumemplang ang motor sa 'di kalayuan. Dugo ang tumutulo galing sa katawan ni Oisa. May malay itong dinadaing ang sakit na nararamdaman mula sa paa. Salu-salo siya ni Rome habang dahan-dahan siyang binababa sa semento.

Maagap silang napatakbo sa pwesto nila.

The four of them can't believed what just happened. Nanginginig sa takot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Maraming mga tao ang pumaligid sa kanila upang maki-chismis.

"Malas!" naghuhumiyaw si Oisa habang namimilipit. He calmly responds to Jason, but how ironic it can be because his face shows too much pain and frustration. Nanlalaki ang mga mata nito habang sinisilayan ang kanyang mga paang pilit niyang ginagalaw. Mas lalo tuloy nagpa-panic ang apat.

Ilang saglit pa'y dumating na ang ambulansya.

Naiwan ang motor, pero nawala ang nagmamaneho. 'Ni isa'y walang nakapansin kung saan ito tumakbo.

.

Gustong-gusto sumigaw ni Oisa sa sakit. Mangiyak-ngiyak siya sa pamimilipit at sa pag-iisip kung ano ang maaaring kahihinatnan ng lahat. "AHHHHHHHHH!" Napabukas siya ng mata at napabangon. Habol-habol niya ang bawat paghinga habang nililibot ang kabuuan ng kwarto. Malamig ang kanyang pawis at nanginginig ang kanyang mga kamay.

May kumatok sa kanyang pintuan, "Oisa?" boses ni Raquet. Hindi man siya sumagot ay pumasok pa rin ang kanyang pinsan. Napahiga na lang ulit siya sa kama at napatakip ng mata gamit ang kanang braso niya. Napangiwi siya kahit igalaw lang niya ang kamay.

"Nasundan ka na naman ata nila."

"Tanginaaaa!" impit na sigaw ng binata, "Kung kailan wala na akong dahilang umalis!" Nagpakawala siya nang malalim na paghinga.

Si Patricia.

Si Patricia ang una niyang naisip pagkatapos magsalita ni Raquet.

"Tukmol ka kasi."

"Minsan talaga ang laki ng tulong mo sa emotional growth ko." Muling huminga ng malalim si Oisa, "Tignan muna natin kung sila 'yon bago tayo umalis, please."

Tinapik ni Raquet ang noo nito, "Sorry."

Kumatok at pumasok ang doktor ni Oisa. Advice nito na pahilumin muna ang mga sugat niya at patuyuin ang semento sa kanyang tuhod bago nitong subukang magpa-therapy. Mga tatlong buwan pa bago iyon humilom ng tuluyan. Umalis na rin ito agad pagkatapos i-check ang kanyang BP.

"Ano pala, pangatlong araw mo na pala dito." Napakurap-kurap si Oisa. Ibig sabihin, ngayon lang siya nagising. "Kakaalis lang nila Shane."

"Sila lang?" Si Patricia?

"Espesyal ka ba para dalawin?" umandar na naman ang bibig ni Raquet.

"Edi special pala ako para sayo kaya ka nandito?" 'specialchild,' bulong nito

"Wala naman akong choice na pinsan kita?" sabay irap ni Raquet at lumabas na ng silid.

Sinubukan ni Oisa igalaw ang kanyang mga paa. "Tangina!" Kinabahan siya nang hindi man lang niya matupi ang kanyang mga tuhod. Marami siyang galos na natamo, ngunit ang pinakanapuruhan ay ang kanyang paa. Malalim at bukas na bukas ang sugat niya dito at nalinsad din ang kanyang kaliwang tuhod.

Maaaring gumaling at mawala ang sugat pero ang pagkapilay ay maaaring magkaroon ng kumplikasyon kahit akala mong ayos na...

"Boo!"

"Tangina!" Napaupo si Oisa. "Patricia!" Nagulat man ay agad niya itong niyakap. Hindi na niya pinansin ang kabang naramdaman niya o ang takot niya kanina.

Ang importante, nandito si Patricia na lumabas na lang nang biglaan mula sa ilalim ng kanyang kama.

Napatawa ito...

Sobrang saya niya na makita ang dalaga, pero kung anong sabik niya dito ay ang maagap na pagtulak naman nito sa kanya.

"Nandito lang ako para i-wish na gumaling ka na agad," saka ito tumungo papunta sa pintuan. Totoo naman, dahil kaya siya dumalaw ay upang makita lang ito. Ngunit, 'di niya inaasahan na magigising na pala siya ngayon at sakto pang pumasok si Raquet kaya naman ay napatago ito sa ilalim ng kama ng binata. Hindi siya handa na harapin si Oisa kaya gusto na lamang niyang umalis. She thought. He's awake and safe now. Kaya naman ay gumaan na ang pakiramdam nito.

"Bakit ganito na lang palagi, na sa t'wing tayong dalawa lang, pinaparamdam mo na may mali sa atin? You can just come in normally if that's what you only planned."

Napatigil si Patricia sa pagpihit ng door knob. "Hindi pa ba sapat 'yon na dahilan kaya ako nandito?" Nanatili itong nakatalikod.

"Kung nakakatayo lang ako, kayang-kaya kitang pigilan. Kayang-kaya kitang habulin at mayakap. Hindi mo naman na kailangang lumayo, kasi 'di na kita malapitan." His voice cracked.

Naramdaman niya ang lalim ng binata. Dulot sa kanya ay sakit, pagsisisi at awa sa nangyari kay Oisa. Napasinghap si Patricia at pumihit paharap.

Naglakad ito pabalik sa kanya at iniangat ang nakatungong mukha niya.

Itinigil niya ang pag-iisip kung ano ba talaga ang humahadlang sa kanya papunta kay Oisa.

Hininto niya ang pag-iintindi sa sasabihin ng iba.

It feels like dying not knowing how he was.

Nararamdaman niya na, eh. 'Pag naramdaman niya, ibig sabihin non ay totoo ito diba?

If her heart was already soft towards him, then now, it began melting.

"I miss you," she whispered, the only words she can say.

They looked at each others eyes and saw each others' reflection.

Oisa pulled her on him and hugged her so tight.

It was all silent and only their heartbeats can be heard.

Hope you'll enjoy reading Sometimes as much as I enjoy writing it!

ahhellainecreators' thoughts