webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
100 Chs

Chapter 9: Teased

Kinaumagahan. Maaga akong pumasok ng school. Si ate Kiona ang naghatid sakin dahil may emergency raw sa office nila papa.

"Bat kasi, di ka pa turuan magmaneho eh.." kanina nya pa ito inaatungal sakin. Bat nya sakin sinasabi?. Dapat kay papa nya sabihin ah. Para solb problema nya. Tsaka. Ano lang naman ang bahay at school?. Mamayang tanghali pa naman pasok nya eh. Ang arte talaga!

"Hello, under age.." nguso ko. Kung humaba ang tulis ng aking nguso. Mas lalo naman ang kanya. Kulang nalang pagsabitan ng mga damit nyang di nya malabhan labhan.

"Tsk.. kung di lang ako nagpapagood shot kay papa.. naku.." ungot nya pa. Bumubulong na para bang bubuyog.

Alam ko na naman ang ibig nyang sabihin. May request na naman to na gadget o di kaya'y night life. Naku! Di ba sila napapagod kakasayaw pag hating gabi?. Mga walang magawa sa buhay nga naman!

"Huh!. finally.." pagod nyang sabi matapos pumarada sa kalsada kung saan ako bababa. Ang sabi ko. Ipasok na sa loob ng school. Para malapit lang ang dadaanan ko. Sa arte ba naman nya. Aksaya lang raw sa gasulina saka maganda raw maglakad sa umaga. Naku! Di nya lang masabi nang diretso ang matutulog pa ako. Baba na. I know her well at iyon ang gusto nyang ipunto sa akin.

Sinarado ko ang pintuan ng kotse nya kasabay ng malalim na buntong hininga. "Call or text me if magpasundo ka ha.. I have to go.. see yah!!." tapos nun pinaharurot na nya ang maingay nyang sasakyan. Di ko talaga mawari kung babae ba talaga sya o lalaki. Iba ang tipo nya sa lahat ng bagay eh. Gusto nya lagi ay astig, at hip-hop daw. Ibang iba naman kay ate Kendra na tahimik pero malupit.

Luminga ako bago nag-unat. "Ang aga ko yata ngayon." bulong ko saking sarili

Wala pang gaanong estudyanteng naglalakad. Paisa isa pa lamang.

Naglakad na ako't dumiretso ng room. "Ang aga mo yata Karen?.." di ko napansing nakatayo na pala si Jaden sa tabi ng bintana ng kanilang room. Sarado pa iyon gaya ng aming room. Inaayos nya ang kanyang buhok habang papalapit sa pwesto ko. Kung saan, nakasandal ako sa pintuan mismo.

"Ah.. napaaga lang nang gising.." pagdadahilan ko. Ang ingay kasi ng silid ni ate Kiona kanina kaya naalimpungatan ako't diretsong ligo na. Kaya ako napaaga talaga ng pasok.

Tinanguan nya ako nang makarating sa corridor ng room namin. Tumingin tingin sya sa halamang nasa tapat ng room saka tumayo sa sementong pinapalibutan ang isang walang buhay na fountain. Hinawakan nya ang strap ng bag nya't muling tumingin sa akin.

"Lagi ka bang maagang pumapasok?.." nabigla ako. Bakit kaya?.

Pinaloob ko ang ibabang labi. Di naman dapat ako kabahan dahil kaibigan ko sya simula pa. Pero iba itong kutob ko. Parang may gusto syang sabihin pero di ko malaman kung ano. Mukhang nagdadalawang isip pa sya kung isasatinig pa ba o hinde na.

"Hmp.. hinde.. nashambahan ko lang ngayon.." tugon ko. Kasabay ng sagot ko ay ang pagkamot nito ng kanyang ulo. "Bakit?.." di ko na napigilan pa. Nacurious ako sa kinikilos nya.

"Eh kasi.." nahihirapan syang sabihin ang nasa isip nya. Bakit kaya?. Hala! Di kaya?.

"Ano?.." ngiti ko. I have this feeling na may feelings din ito sa kaibigan ko. Ayieee! Bamblebie!

"Wala.. nakalimutan ko na.. hehehe.." pag-iwas nya ng tingin.

"Eh. ano ba talaga?.. parang di naman tayo magkaibigan neto eh..." ngisi ko. Nilapitan ko sya't tinabihan sa may fountain na wala pang tubig. Mamaya pa iyon lalagyan.

"Wala nga.." sa malayo ang kanyang tingin.

"Eh?. Di nga?. Sige.. gusto mo, hulaan ko nalang.." ngisi ko.

Nilingon nya ako. "Sige ba.. hulaan tayo.." sagot nya na para bang may sasabihin din.

Nagtaka ako't biglang kinabahan. Ngunit sa kabila ng kaba ay pinilit kong ngumiti sa harapan nya. "Ako mauuna.. may gusto ka kay Bamblebie noh?.." diretso kong sabe. Walang preno. Di sya nakaimik. Hinintay ko ang isasagot nya pero di iyon dumating. Duon ko nga nakumpirma ang hinala ko. "Hahahaha.. Sabi na eh.. wag kang mag-alala.. safe ang sikreto mo sakin.." halakhak ko. Tinapik ko pa sya sa balikat nya. Unti unti na ring dumarami ang mga estyudante.

Tinaasan ko sya ng kilay. Tinutukso. Di sya gumalaw o nagsalita man lang. Nilapitan ko pa sya't muling tinapik sa balikat. "Don't worry, you guys are mutual.. hahaha.." di rin kasi lingid sa kaalaman ko ang pagkagusto ni Bamby sa kanya. Di lang yata gusto. Kundi, gustong gusto!

"Bro, good morning!.." nagulat nalang ako nang bigla nya nalang itaas ang kanan nyang kamay para sa taong binati nya. Di ko nakita ang taong kausap nya dahil nakatalikod ako sa room nila at pinapanood ko ang mga taong pumapasok sa gate. Magkasalungat kami ng kaharap na direksyon.

Walang sumagot sa kanya.

Hanggang ngayon, di pa bukas ang room namin. Wala pa ang taong humahawak ng susi.

Hinawakan ko ang strap ng aking bag. Hinihintay talaga ang pagdating nya. Ang pagpasok nya sa gate. Ngunit sa kumpulan ng mga kaklaseng dumating ay wala sya doon. Agad nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kahapon lang. Awtomatiko kong naramdaman ang hiya at pagkayamot sa sarili. Bakit ba kasi ang gwapo nya?. Nawawala tuloy ako sa tamang huwisyo.

"Good morning, welcome.. you look good today.." bigla ay nagsitayuan na lamang ang aking mga balahibo sa batok ng maramdaman ang presensya nya sa likod ko. Para akong tinamaan ng malakas na kidlat dahilan para bigla nalang akong maestatwa't di makagalaw.

"Morning bro.. hahaha.." ngayon nya lamang binati si Jaden. Ibig sabihin, sya yung tinutukoy nya kanina na bro?. Nakunaman!!! Bakit kasi di mo tinignan Karen?!. Ano ka ngayon?.

"Anong hula mo bro?.." bigla ay naging tanong ni Jaden sa kaibigan.

Tumayo si Kian sa pagitan naming dalawa ni Jaden. Palipat lipat ang tingin nya samin.

"What?.." nagtataka nitong tanong.

Wala akong mahanap na salita para pigilan ang kung anumang kalokohang gagawin ni Jaden. Napipi ako sa laki ng blangkong puwang sa aking isip.

Umawang ang aking labi subalit walang namutawing letra doon. Nahiya yata sa taong katabi. Kingina! Ang gwapo! Kahit side view!. Ang panga!. Perfecto!

"About her.." turo sakin ng lintik na lalaki. Pinandilatan ko sya ng mata. Di man lang natakot! Imbes nginisihan nya pa ako! Damn boys!

Lumipat ang nakakabaliw na mata ni Kian sakin. Naghumirinda na naman ang puso ko sa paraan ng pagtitig nya. Damn those chinky eyes!

"What about her?.." Kay ganda nya itong sinambit. Sa paraang parang sinasabi nyang maganda nga ako sa paningin nya. Nakunaman!!! Ate, may panalo na ba?!!

"Is she beautiful?.." kinuyom ko ang mga palad sa likod ng aking palda. Sige Jaden! Humanda ka. Makita ko lang si Bamby mamaya. Tignan natin!!

Nagkikiskisan ang mga ipin ko sa takot at kaba na may kasamang kilig. Kingina oh!!

"She's good today.." ani Kian na di maalis ang malapusa nyang mata sa mukha ko. Dahil sa pagkailang, nag-iwas ako ng tingin at eksaktong papasok na rin si Bamby sa may gate.

Anong she's good today?. Di iyon sagot sa tanong chinito! Nakikinig ka ba?. O nabubulag na aa kagandahan ko!?. Grrr! Awit gurl! Asa!

Kagat labi kong ininda ang di maipaliwanag na pakiramdam. Para akong nakasakay sa ulap na di alam saan kung saan patungo. Nakikisabay lamang sa ihip ng hangin.

Kahit naninigas at nanlalamig ang aking palad. Kinaya kong itaas iyon.

"Hey Bamblebie! Good morning.." napapaos kong kaway sa kaibigang nagtatakang tumingin sa akin. Ay di pala. Sa mga kasama ko. At syempre, sa taong crush nya. Ayie!

Doon ko rin napansin ang pagbabago sa emosyon ni Jaden. Napalitan ng kaba ang dating panunukso nya. Namutla sya't biglang nagpaalam na, na babalik na nang kanilang room, hila hila si Kian na hanggang sa pagpasok sa nabuksan nang room nila ay sa akin pa rin ang paningin.

Damn!.. Ngayon mo sabihin sakin na di ako maganda?. Grrr.. Awit!