webnovel

TP: 11

Now Playing: New West - Those Eyes

Felicia POV

Nandito kami ngayon ni Kezia sa mall.

Pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng klase niya kanina ay sa mansyon na siya dumiretso upang hindi raw sila magkaabutan ni Skyler.

Kapag daw kasi nandiyan na si Skyler ay hindi na niya ako masosolo.

Hindi ko maintindihan kanina kung bakit kailangan niya akong solohin at itakas pa mula kay Skyler at sa dalawang bodyguard na nagbabantay palagi sa akin.

Pero ngayon alam ko na.

Mukhang gusto lamang talaga niya ng makakasama. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall. Nanood na rin kami ng sine.

Ay grabe! First time kong makapasok sa loob ng sinehan ah. At grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong TV na ganoon kalaki. Atsaka bakit gano'n? Ang dilim sa loob. Pwede naman nilang buksan ang ilaw. Nakakatakot kasi minsan may naririnig akong mga kakaibang ungol.

Sa sobrang dilim siguro minsan may multo na sa loob.

Nakakatakot! Ayaw ko nang manood at pumasok muli doon sa loob.

"Feli girl. May kailangan akong sunduin sa airport. Can you please call Skyler?" Tanong ni Kezia sa akin. Katatapos lamang niyang makipag-usap sa kung sino mang kausap niya kanina sa kanyang telepono.

"Call?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ibig sabihin ng call eh tawagin o tawagan. Napatango ako ng maraming beses sa aking isipan.

"Yes please."

Kaya naman mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid hanggang sa mahanap ng dalawang mga mata ko ang isang mini stage sa may hindi kalayuan.

Agad na napatakbo ako rito. Pumwesto rin ako sa pinakagitna, iyong alam kong makikita at maririnig ako agad ni Skyler. Inilagay ko rin ang magkabilaang kamay ko sa may gilid ng bibig ko para mas malakas niyang maririnig ang boses ko.

"SKYLEEEEERRRRRRRRR!!! SKYLLLLEEEEEEERRRRRR!!!!"

Halos buong lakas ko na isinisigaw ang pangalan ni Skyler para marinig niya ako. Agad naman na pinagtinginan at pinagbulungan ako ng mga tao pero binalewala ko lamang ang mga ito at binigyan lamang sila ng malawak na ngiti.

Ngayon lang siguro sila nakakita ng taong sumisigaw.

Habang ako naman ay sanay na sanay na kasi ganito kami sa Isla. Kapag may importanteng tao na tatawagin o kapag sobrang nagmamadali na.

"SKYLEEEEEERRRRRR!" Muling nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

"SKY----"

"What are you doing?!" Tanong ni Kezia sa akin at may kasama pang paghila sa braso ko. Nahihimigan ko rin ang inis sa kanyang boses.

Hindi ko pa sana siya makikilala agad kung hindi dahil sa boses niya dahil nakabalot ang mukha nito. Nakasuot na kasi siya ngayon ng sombrero at may takip ang kanyang mukha, mata lamang niya ang nakikita.

Mabilis na hinila niya ako pababa ng stage at inilayo sa mataong lugar. Para siyang may pinagtataguan at hingal na hingal na nagkubli kasi sa medyo wala na masyadong mga tao bago niya tinanggal ang kanyang sombrero at takip sa kanyang mukha, na sa tingin kong tawag doon ay mask.

Napatampal ito sa kanyang noo at parang pinipigilan na mainis sa akin.

"Feli, please don't do that again lalo na kapag ako lang ang kasama mo." Wika nito. "Kukuyugin tayo ng mga tao. Mabuti na lang at walang nakakilala sa akin dahil nakahanap ako ng paraan para hindi nila makilala." Pagpapatuloy nito bago napahinga ng malalim.

Isang sikat na tao siguro si Kezia na kapag may nakapansin sa kanya ay pagkakaguluhan siya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapakamot sa batok ko.

"S-Sorry na, Kezia. Eh sabi mo kasi tawagin ko si Skyler." Pag dadahilan ko naman at pagtatanggol sa aking sarili.

Oo, nga! Pag sang-ayon naman ng aking isipan.

"Yes, I said call Skyler. Pero gamitin mo 'to." Sabay hawak nito sa kanang kamay ko kung saan ko hawak ang cellphone ko.

Nahihiya naman at namumula ang buong mukha ko na napatango.

"Ahhhh okay. Hindi mo naman kasi agad sinabi. Ang gulo mo rin kausap Kezia eh." Sabay kamot ko sa aking batok at napailing-iling.

Ini-unlock ko ang phone ko at agad na hinanap ang number ni Skyler noong marinig ko na muling magsalita si Kezia.

"Okay na. Ako na ang tumawag sa kanya." Paliwanag nito. "Hintayin na lang natin na dumating siya dahil may susunduin ako sa Airport." Dagdag pa niya.

Muling napatango ako at inilagay na lamang ang aking cellphone sa loob ng bag ko. Pag lingon ko sa may unahan. Awtomatikong gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi noong makita ko si Skyler na naglalakad mula sa may mataong lugar na pinanggalingan namin ni Kezia kanina.

Kasama nito si Autumn na nakabuntot din sa kanyang likuran.

Patakbo ko sanang lalapitan si Skyler nang matigilan ang dalawang paa ko at maging ako mismo noong sandaling may isang babae ang lumapit sa kanya at agad siyang hinalikan sa kanyang labi.

Para bang may kung anong gumuhit na mainit o kirot sa dibdib ko noong makita ko iyon. Mabilis na napaiwas na lamang din ako ng aking paningin mula sa kanilang dalawa bago napayuko.

Noon naman narinig ko na tinawag ni Autumn ang pangalan ko at ang pangalan ni Kezia bago sila tuluyang lumapit sa amin. Bukod sa kanila ni Skyler, may dalawa pa pala silang kasama na mga kaibigan din nila.

Si Tabitha at Sydney. Mga bagong mukha sa akin at ganoon pa rin, lahat sila magaganda. Dahil sa kanila, pansamantalang nawala sa isip ko ang namumuo kong sama ng loob dahil sa nakita kong lumapit na babae kay Skyler.

Mukhang masungit 'yung mukha ni Sydney na kapag tinignan mo pa lang mukhang aawayin ka na. Ngunit hindi iyon nakabawas sa taglay nitong kagandahan.

Habang si Tabitha naman ay hindi ko masyadong makita ang itsura dahil sa suot nitong sombrero at mask katulad sa suot ni Kezia kanina. Mata lamang niya ang tanging nakikita ko pero sa tindig at kulay pa lamang ng kutis niya, pati boses niya, alam kong sobrang ganda rin niya.

Hindi na kami nagtagal pa sa loob nang mall at sabay-sabay na umalis na rin.

Hindi na kami sumama pa kay Kezia para salubungin ang kung sino mang sinasabi nilang kaibigan nila na kababalik lang daw galing ng New York.

Kay Autumn ako sumama. Sa sasakyan niya ako sumakay at mariin akong tumanggi at pumayag na sumama kay Skyler. Hindi ko rin alam kung bakit.

Sa buong biyahe kahit na panay ang pangungulit at pagkausap ni Autumn sa akin ay hindi ako kumikibo.

Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Hindi ko mapigilan ang hindi magtanong sa sarili ko.

Kung sino ba talaga 'yung babaeng iyon?

Bakit niya hinalikan si Skyler sa labi?

Naalala ko tuloy noong sandaling pinatahimik ko si Skyler gamit ang bibig ko. Sa pagkakaalam ko kanina, hindi naman siya nagsasalita noon at abala pa nga sa paghahanap sa amin ni Kezia sa paligid noong dumating ang babae.

Pero bakit nagawa siyang halikan sa kanyang labi?!

Panay ang pagbusangot at pag kunot ng noo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero bago sa akin ang ganitong pakiramdam at hindi ko maintindihan kung bakit.

Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant upang doon maghapunan kasama pa rin sina Tabitha at Sydney.

Hindi pa rin ako masyaodng kumikibo. At kung magsasalita man ako ay si Autumn lamang ang kinakausap ko. Iniiwasan kong tignan o tapunan ng tingin si Skyler.

Ewan ko, sumasama ang loob ko sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawa sa akin.

---

Skyler POV

Halatang iniiwasan ako ni Kulot.

Kanina pa niya ako hindi pinapansin at mahahalatang iniiwasan din niyang tignan ako. Hindi niya ako kinikibo na animo'y may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Sinusubukan kong magkaroon ng conversation with her. I tried to talk to her at tinatanong siya kung anong mga natutunan niya sa lesson niya ngayong araw ngunit balewala ako.

Hindi ko alam kung bakit parang ang distance niya sa akin ngayon. At parang bang...para bang ang lungkot ng mga mata niya. Hindi ako sanay na ganoon siya.

Kung pwede lang na mag-pout at magpapuppy eyes ako ngayon din para lamang pansinin niya gagawin ko eh. Pero hindi ko magawa dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Masisira ang record kong pagiging astig at cool. Haha.

Si Autumn lamang ang bukod tanging kinakausap at pinapansin niya. Lalo na noong dumating muli si Kezia mula sa airport dahil siya ang nautusan ni Tita Breeze na magsundo kay Nicole sa airport.

Hindi na muna sumama si Nicole sa dinner namin dahil pagod pa raw ito sa biyahe. Haaay! 'Yung babaeng iyon kahit kailan ang arte. Pero nakakamiss na siya ng sobra ha!

Muli akong napasulyap kay Kulot. Kanina si Autumn lang ang kinakausap niya, ngayon naman si Kezia na rin, tapos nginingitian pa niya habang ako deadma. :(

Napahinga ako ng malalim. Ngunit agad din namang napapangiti habang lihim na pinagmamasdan si Kulot. Paano kasi ang ingat na niyang kumilos ngayon. Marunong at halos bihasa na siyang gumamit ng kutsara at tinidor na dati-rati ay iniisantabi niya dahil mas gusto niya ang magkamay.

"Pfft!" Pag pigil ko sa aking tawa nang makita ang kumalat na sauce ng pasta sa gilid ng labi ni Kulot. Mabuti na lamang at hindi napansin ng mga kaibigan kong kanina ko pa pinagmamasdan si Kulot dahil siguradong aasarin na naman ako.

Lalo na ni Autumn.

Mabilis na kumuha ako ng tissue napkin at hindi nagdalawang isip na agad na pinunasan ang gilid ng labi ni Kulot. Nasa harapan ko lamang kasi siya kaya abot na abot ko.

Ngunit dahil doon ay biglang napatayo siya at nagpaalam na pupunta lamang sa CR. Napapalunok naman na sinundan ko siya ng tingin pero hindi na ito lumingon pa o tumingin sa akin.

Ano bang ginawa ko? May nagawa ba akong mali? Hindi ba nga dapat ako ang mainis dahil tinakasan niya ang dalawang bodyguard niya at sumama kay Kezia sa mall kanina nang hindi muna nagpapaalam sa akin?

Hayst!

At hanggang sa makauwi kami ng mansyon. Hindi pa rin ako nito kinikibo. Pero kahit na ganoon, kinakausap ko pa rin siya kahit na hindi naman siya nagsasalita.

Kahit para na akong tangang nagsasalita mag-isa. Haaay! Sa kanya lang ako dumadaldal ng ganito ha? Tapos binabalewala lang niya.

At kahit na ganoon, hinatid ko pa rin siya sa kwarto niya.

"Antok na ako Sky. P-Pwede na ba akong matulog?" Biglang tanong nito noong makarating na kami sa tapat ng kanyang kwarto.

"Oo naman." Napatango ako at papasok na rin sana sa kanyang kwarto nang...

"Sige!" Sabay sarado nito ng pintuan. Muntikan pa akong mauntog mabuti na lamang at mabilis na nakaatras ako agad.

Kakatukin ko pa sana ito para pagbuksan niyang muli noong lakas loob na pinigilan ko ang sarili ko.

Baka wala lang talaga siya sa mood. Sabi ko sa aking sarili.

Tumalikod na lamang din ako at nagsimula na sa paghakbang papalayo nang may marinig akong magsalita.

"Talagang hahayaan mo akong matulog na masama ang loob?" Mabilis ako na napalingon at nakita na nakatayong muli si Kulot sa may pintuan ng kanyang kwarto habang nakabusangot.

"Ha?" Hindi ko siya gets. "Ano bang ginawa ko, Kulot? Please, tell me." Malambing na tanong ko sa kanya.

Pero inirapan lamang ako nito. "Bahala ka nga riyan." Pagkatapos ay muling pumasok na sa kanyang kwarto at muling isinara ang pinto.

Napapailing na lamang ako sa aking sarili.

Baka meron lang siya. Tama! Kaya ganoon, right? Please, sabihin ninyong tama ako.