webnovel

TBAB: 33

Now playing: Pretty's On The Inside -Chloe Adams

Nicole POV

Ilang araw nang hindi makausap ng maayos si Violet. Wala sa amin na malalapit sa kanya ang kinakausap niya ng maayos. Kung hindi ito tatango lang sa amin ay iiling lamang ito bilang sagot sa bawat katangan o sasabihin namin sa kanya.

Madalas naman, tulala lamang siya at bigla na lang tutulo ang mga luha sa mata niya.

Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan para sa kanya. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot sa sinapit ni Katie. At hindi ko siya masisisi.

Hindi ito ang araw na dapat akong magselos at pairalin ang mga bagay na hindi naman dapat maramdaman dahil unang-una wala akong karapatang gawin iyon. Minahal at mahalaga si Katie sa buhay ni Violet. Naging isang malaking parte ito ng kanyang buhay kaya hinahayaan ko na lang din muna na magluksa ito sa pagkawala ni Katie, hanggang sa unti-unti siyang maka-recover at matanggap niya ang nangyari.

Isa pa, utang ko kay Katie ang pangalawang buhay na meron ako ngayon. Iniligtas niya ako mula sa kamatayan para lang mabuhay at may makakasama si Violet. She chose to save me more than her own life maybe because she knew that I would do the same for Violet.

She is one of the most selfless people I have ever met just to protect what she loves. Kaya hindi ko rin mapigilan ang hindi lalong makonsensya dahil sa nagawa ko sa kanya, dahil sa nangyari sa amin ni Violet.

Pero isa naman iyon sa mga bagay na hindi ko kailan man pagsisisihan. Ang magkaroon ng isang Violet sa buhay ko. Marahil sobrang mali lang talaga ng paraan at pagkakataon na nagkakilala kami nito, pero hinding-hindi ko pagsisisihan na minahal at nakilala ko siya.

At paulit-ulit kong ipananalangin ang mga nagawa kong pagkakamali kay Katie dahil kinuha ko at nakihati ako sa taong mahal niya.

Alam naman nating lahat na ako talaga ang dahilan kung bakit namatay si Katie. Kasi kung hindi ako tumakbo noong mga oras na iyon, marahil buhay pa siya ngayon. Pero kahit na anong paliwanag ko kay Violet, hindi ko siya makumbinsi.

Naniniwala kasi siya, na siya ang dahilan at pinagmulan ng lahat kung bakit nagawa iyon ni Katie. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya. Kaya hanggang ngayon kahit konting patak ng tubig ay ayaw niyang uminom. Ayaw niyang kumain ng kahit na ano.

Kaya hinahayaan ko na lamang din muna siya. Hindi ko man gusto ang nangyayari na napapabayaan na niya ang kanyang sarili, pero wala akong magawa sa ngayon kundi ang irespeto ang kagustuhan n'ya.

Pero minsan...

Minsan hindi ko mapigilan ang makaramdam ng takot habang lihim siyang pinagmamasdan. Natatakot ako na baka biglang nauntog si Violet at nagising na hindi pala talaga ako ang mahal niya.

Na baka hanggang ngayon, si Katie pa rin ang mahal niya at baka nagsisisi na siyang nakilala niya ako at pinapasok sa buhay niya.

Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala at ang mag-isip ng paulit-ulit. Pero alam ko rin naman na nag-o-overthink lang ako. Marahil, natatakot lang ako sa mga posibleng mangyari pero sa ngayon ang kailangan kong gawin ay pagkatiwalaan si Violet ng buong-buo.

Hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon si Aisha at pati na rin ang mga kasamahan niya. Nai-report na silang lahat sa mga pulis at NBI. Napag-alaman din na ang ilan sa mga kasamahan niya ay most wanted pala sa buong Asia.

Ayun kay Skyler, isa pinagmulang grupo nila ang isa sa mga nakakabangga ni Aunt Billy noong nasa special mission pa siya. Kaya naman pala ganoon na lamang din ang lakas ng mga armas nila. Hays!

Natigil ang malalim kong pag-iisip noong biglang bumukas ang pintuan ng silid kung saan kasama ko ang nagsisilbi naming lawyer ngayon na si Tita Alice. Kapwa kami napatayo noong iniluwa sa pintuan ang nakapusas na si Chase habang mangiyak-ngiyak ang mga matang nakatingin ng diretso sa akin. Mayroong naka-assist na dalawang pulis sa sa likuran niya.

Walang emosyon na napahinga na naman ako ng malalim.

Hinawakan ako ni Tita Alice sa aking braso kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kanya.

"I'll leave you two." Wika nito at binigyan ako ng assurance smile. "Perhaps this will be the only opportunity for the two of you to talk." Dagdag pa nito habang nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa akin at kay Chase.

"Because I won't let you get close or talk to my client ever again, understand?" Pagpapatuloy pa niya habang diretsong nakatingin lamang kay Chase.

Agad naman na napatango si Chase habang nakayuko.

"Y-Yes, ma'am!" Sagot ni Chase na animo'y nagpapakaamong aso.

Muli akong napahinga ng malalim lalo na noong sandaling tumalikod na si Tita Alice at tuluyan na kaming iniwan na dalawa. Habang iyong dalawang pulis naman ay nanatili lamang sa may labas ng pintuan ng silid kung nasaan kami.

Naupo na akong muli, ganoon din si Chase. May ilang minuto na binalot lamang kami ng katahimikan. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Diretso ang mga mata na nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko lang na animo'y nahihiya.

Dapat lang!

Dapat lang na mahiya siya. Dahil ang daming buhay ang nawala dahil sa kanila, iyong buhay ng mga tumulong sa amin na tauhan ni Tita Adriana at lalong-lalo na ang buhay ni Katie.

Napalunok ito kasabay ang isa-isang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ngunit nakayuko pa rin siya.

"I-I'm sorry..." Paghingi nito ng tawad. "I'm sorry, Nicole. Please, forgive me."

Napatawa ako ng pagak. "Sorry?" Napapanganga ako in disbelief. "Tingin mo ganun lang kadali 'yun? Sa tingin mo ba mahihilom mo 'yung trauma at sugat ng mga taong nasaktan niyo dahil lang sa isang sorry?" Tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya.

"Chase...HINDI!" Sabay mabilis na pinunasan ko ang butil ng luha na pumatak sa aking mga mata.

"Sa ginawa mong pagsuko, do you really think na mapapatawad kita?" Napailing ako. "Chase, kung mapapatawad man kita hindi 'yun ngayon." Dagdag ko pa at napiyok sa dulo.

At oo, siya mismo ang nag-turn over ng sarili niya sa mga pulis. Siya mismo ang pumunta sa Police Station para isuko ang sarili niya.

Noon naman ay dahan-dahan na iniangat nito ang kanyang ulo para salubungin ang mga tingin ko.

"I'm sorry I disappointed you." Tumutulo pa rin ang luha na paghingi niya muli ng tawad. "I'm sorry I failed you." Dagdag pa niya.

"Chase hindi lang ako disappointed. GALIT ako sa'yo! Galit ako sa mga ginawa mo." Sagot ko sa kanya. "I just never thought we would get to this point. You're a good person, Chase. That's what I thought. Pero nagkamali ako. Nagkamali ako kasi hinayaan mong manaig sa'yo ang galit at paghihinganti. At nandamay ka pa ng ibang tao!" Pagpapatuloy ko.

"I-I'm sorry. I couldn't bear the conscience in my chest anymore so I-I surrendered myself to the police. I-I'm so sorry....Nicole." Ngumangawa na paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.

"I'm sorry kasi hinayaan kong magpadala sa mga pang mamanipulya ni Aisha. I didn't use my own brain. My anger towards you and Violet too blinded me. Dahil sa ginawa ninyong pagtataksil. I'm sorry, Nic. T-Tao lang naman ako, 'di ba? Nagkakamali. Parang ikaw rin. I'm sorry, please patawarin mo na ako." Pagpapatuloy niya.

"Patawarin mo ako kung nagawa kitang saktan, napagbuhatan kita ng kamay at nabitiwan ng masasakit na salita. W-Wala lang ako sa sarili ko nung mga panahon na 'yun. Please, believe me. Hindi ko rin gustong saktan ka...Nic. Mahal na mahal lang kita...kaya ko nagawa 'yung mga 'yun. I'm sorry..."

"You know I would understand better if you just hurt me. I can take that. Pero 'yung magpagamit ka kay Aisha at mandamay ng ibang tao, Chase mali 'yun. Maling-mali." Lumuluhang sabi ko rin sa kanya bago napasinghot.

"Ako naman ang nagkamali sa'yo eh. Hindi ibang tao. Sakin ka may galit, ako ang may atraso sa'yo." Sabay punas kong muli ng aking luha. "Suddenly you become a different person. You are very different from the Chase I loved and knew before. Hindi na kita kilala." Napapailing na dagdag ko pa habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

I can see the pain, loneliness, and sadness in his eyes. Ngunit alam ko na iyon ay resulta na lamang ng kanyang mga nagawang pagkakamali ngayon. Dahil alam niyang huli na ang lahat para sa kanya. Hindi na niya mababago pa ang pwedeng mangyari sa kanya, maging ang mga nagawa n'ya.

"Ang sakit lang kasi Nic. Ang sakit lang ng ginawa mo. Sana hiniwalayan mo na lang ako noon. Sana nagpakatotoo ka na lang. Sana hindi ka na nagsinungaling at naglihim. Baka kasi sakaling hindi tayo umabot sa ganto---"

"Don't blame me for the wrong things you did, Chase. Pwede kang mag desisyon ng tuwid noon at hindi mo na kailangang umabot sa gan'to." Putol ko sa kanya. "Nakikipaghiwalay na ako sa'yo no'n, 'di ba? Sinabi kong nag-cheat ako. Inamin ko lahat. But you didn't let me. You didn't let me go and you even threatened me." Dagdag ko pa.

"Alam ko namang nagkamali ako. Alam ko naman na hindi ako naging faithful sa'yo. Kaya kesa magkasala pa ako sa'yo lalo, kahit na masakit sa part ko, sinabi ko pa rin. Pero hindi mo ako hinayaan. 'Di ba?" Muling pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko at lakas loob na muling tinignan siya sa kanyang mga mata.

"You had a choice to let me go then, Chase. But you didn't do it, instead, you embraced the idea na baka pwede pa tayong maging okay. I'm sorry... nasaktan kita. I-I'm sorry, pero 'yung mga nangyayari ngayon ay resulta ng mga naging desisyon natin noon at kailangan nating pagbayaran 'yun at harapin." Pagpapatuloy ko.

Maya-maya lamang ay muling bumukas na ang pintuan at pumasok nang muli si Tita Alice kasama 'yung dalawang pulis.

"I believe you have said what you want and need to speak to each other." Wika nito habang nakatingin sa kayang suot na relo. "Nicole, we have to go." Dagdag pa niya.

Pero parang biglang nataranta si Chase at basta na lamang itong napatayo bago lumuhod sa harap ko. Mabilis na niyakap nito ang legs ko habang humahagulhol.

"Please, forgive me. I-I'm sorry. I'm sorry, Nic. I'm so sorry." Paulit-ulit na paghingi nito ng tawad na parang ayaw niya akong bitiwan.

Ngunit agad naman siyang inawat ng mga pulis at inilayo mula sa akin palabas ng silid. Hindi ko mapigilan ang muling mapaupo sa upuan habang ngumangawa. Hindi ko mapigilan ang maawa sa kanya, ngunit nagagalit at the same time dahil din sa mga nagawa niya.

Ewan ko. Hala-halong emosyon na ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito na hindi ko na maipaliwanag.

Lumapit sa akin si Tita Alice at muli akong itinayo. Hinawakan ako nito sa kabila kong pisngi habang pinupunasan ang mga luha roon.

She just smiled at me and said, "Sometimes love will hurt you to teach you a lesson. And sometimes, it will put you in the most difficult situation, to learn how to forgive someone who hurt you so much." Saad nito.

"It's okay, hija. Alam mo kung paano mas madaling magpatawad?" Tanong nito sa akin habang iginagaya ako palabas ng silid. "Wag mong tignan kung ano 'yung mga bagay na nagawa ng taong nakasakit sa'yo, tignan mo kung anong sinasabi at nilalaman nito." Sabay turo nito sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, kung nasaan ang puso ko.

"Yun ang tignan mo. Minsan kasi nabubulag tayo ng mga nagawang pagkakamali sa atin ng tao, kaya nakakalimutan natin na deserve nating magpatawad. At mapatawad ka, hindi para sa kanila o para sa iba. Palagi kang magpatawag para sa sarili mo. Kasi mahirap mabuhay na punong-puno ng sama ng loob. Okay?" Pagkatapos ay niyakap ako nito.

"T-Thanks, Tita." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Mabuti na lang at kasama ko siya ngayon dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay humahagulhol pa rin ako dahil sa pag-uusap namin ni Chase.