I'm 23years old now, tambay lang ako sa bahay at nag-aalaga ng two furkids(dogs). Mahilig rin ako mag-online sa facebook via chat at tamang scroll down. While I'm chatting the group of dogs nang biglang nagchat yung dati kong matagal na kaibigan na boy, actually he always chat me and I reply too. Sometimes he said wants to meet me but hindi lang natutuloy kasi busy siya at ako naman ay walang pamasahe.
One day, niyaya na naman niya ako na makipagmeet pero ang sabi niya bigyan ko lang siya ng direction at pupuntahan niya ko. Walang alinlangan na binigay ko sa kanya ang direction at nang sumapit ang araw na pagkikita namin. Tumambay kami sa Gerry's Grill, syempre kumain at nagkwentuhan pa kami, hanggang sa umamin siya.
"Hailey, can I court you?" Seryosong saad niya. Ako naman ay hindi makapagreact, matapos kasi nung nangyari sa past ko ay hindi na ko muling umibig pa. Nadala na kasi ko sa pagiging marupok at baka maloko na naman ako.
Sinasabi ko sa kanya na hindi pa ako handa na magmahal pa ulit. Ngunit ang tugon niya ay maghihintay daw siya kahit gaano pa katagal at hindi daw niya ako lolokohin tulad sa mga nangyari sa past ko. Sabi ko naman sa kanya na baka pwede hanggang friends muna kami. Inaalala ko lang kasi na kapag binigyan ko siya ng chance at nag-isip ako ng expectation ay baka masaktan na naman ako at lokohin.
Lesson: Pakiramdaman mo muna ang iyong sarili kung may nararamdaman ka para sa kanya. At h'wag kang mahiyang magtanong sa iyong sarili at sa iba, even sometimes the question are complicated and the answers are simple.