webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
37 Chs

Chapter 24

Charl's POV

Tahimik ang lahat habang kumakain. Pagdating kasi namin nagsimula na sila. Something is off. Katabi ko si Erica sa kanan, si Angelique naman sa kaliwa. Something is really off here.

"Charl." Tawag sa akin ni Angelique sa mahinang boses. Katabi naman nya si Kuya Roy.

Pasimple ko naman syang nilingon. Pero hindi ko pinapahalata. Ewan ko kung bakit? Feel ko lang gawin. "What is it, Angelique?"

Huminga muna sya ng malalim. "Chris and Thirdy," Hindi pa man nya natatapos ang sasabihin nag-overeact na ako. Shucks!

"What!?" Sa lakas ng boses ko napalingon silang lahat sa akin. Agad akong napatakip sa bibig ko.

"May nangyayari ba?" Napatanong si Kuya Roy sa akin.

"Ah wala. Wala."  Habang kinakaway ko ang aking kamay at nakatingin kay kuya Roy. "Sorry."

"Are you sure, Charlotte?!" Nagulat ako sa biglang pagtanong ni Thirdy, siya naman nilingon ko.

"Y-Yes, I'm sure, Thirdy, Sorry everyone." Sabi ko pa. Paglingon ko kay Angelique natatawa sya sa akin.

"It's your fault." I whisper.

"What? Mine?" Natatawa pa rin sya.

"Yeah." Tapos sinubo ang pagkain sa kutsara ko. Naman oh! Nakakahiya!

Tignan mo 'tong si Angelique, pinagtatawanan ako, sobrang kaba ko na nga, akala ko kung ano nang nangyari siya naman tinutukso ako ng mga paningin nya. "So what really happened?!"

I can  see it in my  peripheral vision, tapos nang kumain si Brian, Enrique, at Chris but Thirdy, I can  see he is still chewing some food inside his mouth.  Did I just watched him eating? No way! He even glanced at me. Ano ba 'tong nangyayari? I feel awkward. Nagfocus na lang ako sa kinakain ko at hindi na ulit tinaas ang mga paningin kung saan-saan.

After the dinner, pasimpleng bumulong sa akin si Angelique. She said, hindi naman daw nag-away ang dalawa, nag-uusap lang naman daw. At ano naman kaya ang pinag-usapan nila? Hindi na ako napapalagay sa mga nangyayari. Nakakastress.

We gathered near the bay, alam naman ng tagapamahala na gagawa kami ng bonfire, nakapag-paalam na kami. Tuwing gabi pala mas madamimg tao dito sa Mariscal Beach resort. We also gathered some woods, sa tulong ni kuya Roy.

Now what!? Sinimulan na naming bumuo ng apoy. Naupo kami sa buhangin paikot sa bonfire. Ang buwan naman at mga bituin sa langit ay nagbibigay liwanag sa madilim na dagat. Low tide na din. Ganito sa Mariscal beach resort eh, pagkagabi, lumalayo ang tubig dagat sa baybayin. Iyong mga coral reefs na nasa ibabaw lang ay makikita mo, may mga isda na nagtatago, sea urchin, at iba pang mga sea creature na pwedeng makita sa mababaw ng tubig dagat.

"Woah! Sa wakas, may apoy na tayo." Masayang sabi ni Enrique. Ang bonfire ay malapit sa mga rock formation dito sa kanang bahagi ng beach. Malayo kami ng kaunti pero maliwanag parin naman sa bahagi ng kinauupuan namin.

We formed into a wide circle. Katabi ko si Erica sa kanan, si Angelique sa kaliwa. Katabi naman ni Angelique ay si Kuya Roy, katabi naman ni Kuya Roy ay si Chris. Ang katabi naman ni Chris ay si Brian. Ang katabi ni Brian ay si Thirdy. Ang katabi ni Thirdy ay Enrique. Ang katabi ni Enrique ay si Erica. Ay ganun na nga ang naging arrangement namin.

Dala naman ni Brian ang kanyang gitara.  Magkantahan daw kasi kami. Dahil bawal ang alak, softdrinks na lang ang dala namin na nasa loob ng cooler to stay cold, of course there's distilled drinking water and with some snacks on a big beach bag.

Habang minamasdan ko sila isa-isa, nahuli ko naman si Thirdy na nakatitig sa akin. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa o hindi sya makalapit? Hindi ako sigurado sa huli pero iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan nila ni Chris. Syempre nakita din ng paningin ko kung paano tumingin sa akin si Chris, he's observing us? Hindi ako magagalit kung nangingialam si Chris tungkol sa amin ni Thirdy, ang ayaw ko lang talaga ang mauwi sila sa away. Kanina ko pa hindi nakakausap ulit si Thirdy o si Chris. Thirdy never bothered me again, he is on his unusual self, maybe he realized something?

"Truth or dare tayo."  Angelique announced. I space out.

"That's too corny." Thirdy retorted.

"Heh! Then don't join!" Asik ni Angelique. Hawak nito ang bote na gagamitin.

"Fine. I'll join this corny game." Obviously, gusto lang nyang inisin si Angelique.

"How I wish nandito si Savannah."

"The same with our best friend, si Jeane." Sabat pa ni Erica.

"Right." Tugon ni Angelique. "Okay, let's start the game.

"Sandali, hindi ako kasali sa game nyo ah." Biglang sabi ni Kuya Roy.

"Kuya Roy, hindi pwedeng hindi ka kasali."

"Naku, pambatang laro lang iyan, graduate na ako dyan eh."

"Hindi pwede. Bata ka pa naman kuya, ah."  Bossy pa naman minsan itong si Angelique. Bawal tumanggi. Lol.

Walang nagawa si Kuya Roy kundi ang maupo ulit.

Hindi parin ako sanay na may bangs, sabi naman nila, bagay daw sa akin. May lalong lumiit ang mukha ko, nagiging mannerisms ko na ata kasi ang ayusin ang bangs ko.  I just noticed it myself lately.

"Erica, did you talk with Jeane?"

"Why?"

"I just missed her suddenly. And I'm a bit guilty kasi hindi ko pa sya ulit nakakamusta." I feel so awful.

"Me, too." She looks at me then she lean on me. Inakbayan ko naman sya.

"Tomorrow, i-video chat natin sya,ha?!"

"Of course, we will."

Nakita naman kami ni Angelique sa gano'ng posisyon. "Don't worry girls she'll understand." Nilingon ko naman sya.

Nahagip naman ng paningin ko Thirdy, there's a look in his eyes that I cannot understand. The next thing I knew, tumayo sya at naglakad sa gawi namin. My heart pounding so fast, he walks in a slow motion in my eyes.

"Can we talk? Please?!" I look at him, speechless. I've been staring at his eyes like ten seconds. Kung hindi pa gumalaw si Erica, hindi ako makakabalik sa ulirat ko.

To be continued..

📝 Jannmr