webnovel

GIVEN TIME

"Bakit mo ginawa yun?" Mahinahong saad ni Mark kay Nathan. "Bakit? Ano bang pake mo?" maangas na sagot niya kay Mark. "Siraulo ka ba!? Muntikan ng mamatay sila Ella panong mawawalan ako ng pake? Pakipaliwanag nga Nathaniel, bakit?" "Di niyo maiintindihan, wala kayong maiintindihan kase wala naman kayo sa sitwasyon ko! Di niyo alam nararanasan ko!" sigaw ni Nathan pabalik, napatakip ako sa bibig ko at pinigilang wag humikbi, ayoko ng ganto, hindi ko gusto to. "P-panong di namin maiintindihan kung kahit minsan di mo magawang magpaliwanag?" Sabat ni Hannah sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Mahinang tumawa si Nathan at tumingin isa isa samin. "Akala niyo masaya? Sa tuwing sinusubukan kong mag open up sa inyo? Anong nangyayare? Nathan pano yung seryoso? Di ba dyan lagi nauuwi?!" saad niya pa sabay tingin sakin. "Ikaw Aprielle? Nung sinabi mo bang naiinis ka kay Steph ginawa ko bang biro yun?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya at nanglalambot na tumingin isa isa sa kanila at saka napadako kay Steph. "Di ba sabi mo? Di mo makayang makita si Steph ng ilang oras dahil naiinis ka sa kaniya? Bakit? Kasi nasa kaniya na lahat? Ikaw Jamaica." Lahat sila ay napatingin kay Jamaica samantalang ako ay napaupo na lng sa upuang katabi ko. "Sinubukan mong lumayo dahil sa nangyari sayo, Akala mo di ko alam? Nanahimik lng ako." saad ni Nath habang matamang nakatingin kay Jam pero umiwas lng si Jam at ngumiti. "Atleast ako di kayo naargabyado, walang napahamak kahit isa sa inyo, mas pinili kong lumayo kaysa mapahamak kayo." unti unti yung harang na tinayo ni Jam para di bumigay, nawala at tuluyan ng tumulo yung mga luha niya. "A- alam niyo magsiuwian na lng muna tayo, magpalamig tayo ng ulo. Tsaka natin to pag usapan." saad ni Ate Quiin at saka umalis. "Bakit? Tatakbo ka ulit? Para ano? Matakasan mo lahat—" "Oo! Para matakasan ko ! Anong problema kung takasan ko? Anong problema? Ayaw kong masira pagkakaibigan nating lahat! Kaya heto sinusubukan kong pigilan!" pati si Ate Quiin ay bumigay na. "Sa ilang beses mong pagpigil na mangyare yung gantong bagay, mas lalong lumala, mas lalong nasira." saad ni Nath sabay tayo at iniwan kaming lahat. Lumapit sakin si Steph at hinawakan ang balikat ko pero umiling lng ako at umalis na din. . . . . . They say break up could shatter your whole life But For me, Watching my friends grow apart with each other already breaks my heart. Friend ship over is more heart breaking than break up. If ever If ever I don't want to know them if ever I'll go back time. . . . . I—no they are part of my life, if ever, If ever I could go back time I will fix everything, everything, every inch of it. . . . . .

Ju_Daeyang93 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
12 Chs

First Time

"Hi! I'm Aprielle." Pakilala ko sa buong klase.

"bb Aprielle dito ka sa tabi ko." Singit ng isang singkit na lalake kaya medyo napangiwi naman ako, Like what bb? tunog baboy yak dugyot.

"Wag ka diyan, Dito ka na!" sigaw naman ni Diosa kaya naman sa tabi na niya ako umupo since sya lng naman yung kakilala ko dito.

"Ang awkward." bulong ko kay Diosa pagkaupo ko

"Tae okay lng yan makisabay ka na lng." Saad niya at saka tumutok ulit sa paglalaro ng ML, adik ampotek.

Tinignan ko sila isa't isa pero sa iisang grupo lng umiikot yung atensyon ko.

"Diosa, pakilala mo naman sila sakin." saad ko kay Diosa habang kinukulbit siya.

"Tsk! ikaw lumapit." naiiritang saad niya kaya nman napairap na lng ako ng biglang may nagbato ng papel sakin, tinignan ko kung kanino galing yun.

"Chics! paglake manok!" saad nung lalake sabay tawa kaya napasimangot ako, gandang welcoming naman neto.

"Samantala kasi ikaw nung nilabas tandang agad." saad ko sabay irap, kaniya kaniya namang tawanan ang iba.

"Ulo mo." saad niya pero di ko na lng siya pinansin.

"Psst!" napalingon ako sa likudan ko at tumingin sa sumitsit ng may pagtatanong.

"Ako?" saad ko pa with matching turo sa sarili.

" Oo ikaw nga tara dito." saad pa niya na ikinatango ko at tumabi sa kaniya.

"Pagpasensyahan mona yun si Nath ha sadyang may sayad lng yun." saad pa niya kaya nginitian ko na lng siya.

"Ako nga pala si Queenie you can call me Quiin, pero tawag nila sakin Ate Quiin." saad niya sabay lahad ng kamay.

"Aprielle." saad ko at tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya.

"Hi, Aprielle, Ako si Hannah." masayang bati ng isa mula sa harap ng classroom.

"Ella here!!!!!!" masayang bigkas naman ng isa.

"Kenken! ang nagiisang baby niyo." saad pa nung singkit kaya medyo napangiti ako.

"Yak dugyot." komento pa nung katabi niya.

"To si Berta selos ka bb?" saad naman ni Ken na ikinairap niya sabay tingin sakin at ngiti.

"Ann " saad niya sabay saludo.

"NathanPogi nga pala on your service." saad nung nagbato ng papel kaya napairap na lng ako.

"Aba,aba! nung sinabi ni Ken na baby siya ngumiti ka bat nung sinabi kong gwapo ako umirap ka! napaka bias mo!" saad niya pa.

"Pano maniwala?" tanong ko sa kaniya na ikinatawa pa ng iba.

"Yung tulog sa tabi mo ay si Yuri, pagpasensyahan mo na antukin yan ehh." singit naman ni Ate Quiin.

"Wala daw si Sir." saad ng lalakeng bagong dating kaya naman naghiyawan ang iba.

"Yan naman si Hyung, tawag namin sa kaniya yun pero name niya talaga Mark." paliwanag pa niya na ikinatango ko.

"I'm Stephanie." kikay na saad nung isa sakin sabay yakap na ikinagulat ko naman pero nginitian ko din after.

"Yung iba ayun busy may ginagawa, Si Blez ayun sya yung nakatulala malamang may naiisip na namang kaabnormalan yan, yung isa naman yung nagseselfie si Jamaica." paliwanag pa ni Ate Quiin na mas lalong ikinangiti ko di ko alam kung bakit, basta ang ganda ng vibes dito.

"Memey pinagpapalit mo na ba ako?" nakangusong saad ni Ken, na ikinasimangot ko.

"Bakit dedey? selos ka?" birong saad ni Ate Quiin na ikinatawa ko naman, bat ang weird pakinggan nung memey at dedey.

"Sino ka naman?" nagulantang ako sa nagsalita sa tabi ko at agad na napalingon dito.

"Si Yuri buhay na!" saad ni Nathan at binato to ng papel, ano bang trip sa buhay ng lalakeng to at nambabato ng papel?

"Ano na naman bang topak mo?" naiiritang saad ni Yuri at ibinato pabalik kay Nath yung papel.

Nakamasid lang ako sa kanila habang nagkukulitan, ang sarap nilang pagmasdan.

"Maki join ka, masaya silang kasama promise kahit na ganiyan ka abnormal yang mga yan masaya kasama ang mga yan." saad ni Ate Quiin kaya nginitian ko siya.

"Welcome sa Charlie." saad pa niya.

.

.

.

.

.

.

"Abril! hoy! tara na ." nabalik ako sa huwisyo ng hampasin ako ni Ellabi sa balikat.

"Uwi na tayo tara na natulala ka na naman, wag mong isipin yon may mahal na yung iba." saad pa niya na ikinangiwi ko naman.

"Ellabi kahit kaka discharge mo pa lng sarap mo pading tadyakan.". saad ko pero ang bruha tumawa lng.

"Kamusta pala si Manong?" saad niya bigla sa seryosong tono.

(Manong and Manang ang tawagan ni Ella at Nathan.)

Nginitian ko lng siya at saka bumuntong hininga.

"Di namin siya makausap, ilang araw na siyang hindi pumapasok, parati siyang nasa bar." saad ko kaya tumango na lng siya pero ngumiti din agad siya.

"Tara na uwi na tayo." saad niya at lumabas na ng kwarto.

Napabuntong hininga ako at saka sumunod sa kaniya.

*FLASHBACK.

"Nath alam mo namang pede ka saming mag open diba?" sabi ko pa sa kaniya.

"Para saan pa? para biru biruin niyo lng?" tanong niya pa at sabay gulo sa buhok niya.

"Manong, ano ba kasing problema?" saad ni Ellabi at hinawakan sa balikat si Nathan, inis na tinabig to ni Nathan at tinulak palayo si Ellabi.

"Wala na kayong pakealam dun, sawang sawa na ako, akala ko ba kilala niyo ako? Di sa lahat ng pagkakataon nagbibiro ako!" Saad ni Nathan habang nakatingin samin, puno ng hinanakit ang mata.

Kaming tatlo lang ang naguusap, andito kami sa side walk.

3 araw namin siyang di makontak di rin siya pumapasok, pero neto lng nakita namin siyang naglalakad dito na para bang wala siya sa sarili.

"Kaya nga nandito kami, kami na yung lumalapit para malaman kung anong problema, sorry kung may pagkakamali kami pero makipagusap ka naman." pakiusap ni Ellabi, hindi ako makaimik hindi ako makapag salita, para bang lahat ng mga gusto kong sabihin nawala.

"Sabing wala na nga kayong pake don!!" sigaw niya at malakas na tinabig ang kamay ni Ellabi na nakahawak sa braso niya.

Sa bilis ng pangyayari hindi agad ako nakahuma, nagkakagulo ang paligid, wala akong marinig kundi ang paghinga ko at ang lakas ng tibok ng puso ko di ko din maigalaw ang katawan ko tanging luha lang ang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko.

.

.

.

.

.

"Sino pong guardian ng pasyente?" saad ng kakalabas lng na doctor mula sa Emergency Room.

"Ako po" presenta ko, at saka tumingin saglit kay Nathan na nakaupo sa sahig habang nakasandal at nakatingala habang nakapikit ang mata.

"The patient experienced a Herniated Disc it

is a fragment of the disc nucleus that is pushed out of the annulus, into the spinal canal through a tear or rupture in the annulus which immediately need a surgery, And thank God the surgery is successful." paliwanag naman ng doctor na ikinaluha ko.

"Thank you po doc." naiyak na saad ko at lumingon kay Nathan pero

' Bat ka umalis, Nathan? Anong nangyare?' saad ko sa sarili ko.

*END

At that very moment, I knew everything will fall into pieces just like how a vase fell from a table.

Every memories will die just like a flower.

Every traumatic memories will be like a scar from an accident.