webnovel

Twelve Peaks (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Naghanda ang angkan ng Qing Yun ng tatlong panimulang pagsusulit para sa kanilang pagtanggap. Maliban sa una, kung saan nakita ni Jun Wu Xie ang dalawang mapang-api, madali lang para sa kanya ang dalawang sumunod.

Ang tatlong pagsusulit lamang na ito ay nagpababa sa bilang ng mga nagha-haing mula sa sampung-libo pababa sa daan-daan nalang.

Ang matao at masikip na grupo ay maluwag na.

Mas nakakagulat na ang gusgusing Qiao Chu ay nakapasa sa lahat ng pagsubok, at nakangiting sumusunod kay Jun Wu Xie, habang patuloy na nagkukwento sa daan.

Ang mga pumasa sa mga pagsusulit ay may pagkakataong mag-aral sa ilalim ng bandera ng angkan ng Qing Yun. Ang daan-daang mga naiwan ay dumating sa tuktok at nakita ang magandang pangunahing templo ng angkan ng Qing yun sa kanilang harapan. Natakot ang mga nagha-haing, ngunit nabighani sa kanilang nakita.

Kapag sila'y natanggap sa angkan ng Qing Yun, malaking pagbabago ang mangyayari sa kanilang mga buhay!

Ang disipulong nagdala sa kanila sa tuktok at tinaas ang kanyang kamay, senyas ng pagpapatahimik sa mga tao.

Isang matangkad na anyo na may maraming bantay ay dahan-dahang lumabas mula sa pangunahing templo ng angkan ng Qing Yun. Siya'y isang medyo matandang lalaki, mukhang nasa kaagahan ng pang-apat na dekada ng kanyang buhay, ngunit para sa mga nakakakilala sa kanya, nasa mahigit labing-apat na taong gulang na siya, at siya ang nangangasiwa sa kabuoan ng angkan ng Qing Yun, Qin Yue.

Ang nakasunod kay Qin Yue, ay sampung lalaking may magkakaibang edad. Ang iba ay may mga ulong puno ng uban, at ang ilan ay nasa tuktok ng kanilang kalakasan. Ngunit ang lahat sa kanila ay may dalang kakaibang hangin, at maayos ang pananamit, habang nakabuntot kay Qin Yue.

Tumayo si Qiao Chu sa tabi ni Jun Wu Xie, at nakatitig sa pasukan ng mga may hawak ng iba't ibang kapangyarihan sa angkan ng Qing Yun, at hindi napigilan ang sariling bumulong kay Jun Wu Xie: "Ang lalaki sa harap ang pinakamataas na puno ng angkan ng Qing Yun, Qin Yue. At ang mga nakasunod sa kanya ay ang mga Tanda ng labing-dalawang tuktok….. Hmm….. Nakapagtataka. Labing-dalawang Tanda ngunit sampu lang silang nandito? Nasaan na si Jiang Chen Qing ng Ash Cloud Peak?"

Nasaan na nga ba si Jiang Chen Qing?

Dinurog ng ring spirit ng nasa tabi mo.

Dinaan ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata lampas kay Qin Yue at sa mga nasa likod niya. Inilarawan ni Bai Yun Xian ang itsura ng Pinakamataas na Puno ng angkan ng Qing Yun at ang iba't ibang matatanda sa kanya at pinaglaanan niya ng pansin si Mu Chen ng Cloud Treading Peak at Ke Cang Ju ng Hidden Ck=loud Peak.

Si Mu Chen ang pinakabata sa mga Tanda ng Labing-isang tuktok, at madaling makilala. Agad siyang nakilala ni Jun Wu Xie nang siya'y nakatayo sa pinakamalayong pwesto mula sa mga matatanda. Guwapo si Mu Chen, at hindi nagpakita ng anumang katunggakan. May suot siyang mapusyal na asul na nakabrokeid na balabal at nakatayo sa dulo ng hilera. Walang pag-uusap sa gitna ng mga Tanda, ngunit ramdam niyang hindi magkasundo si Mu Chen at ang ibang mga Tanda.

Parang si Mu Chen, nakalayo rin si Ke Cang Ju sa ibang mga Tanda, ngunit ang kaibahan ay ang pangit ni Ke Cang Ju. Hindi siya matangkad, at ang agad na makikita ay ang kanyang nakakubang likod. May suot siyang madilim na muradong balabal na mukhang masama, na tila kalalabas lang niya mula sa libingan.Ayon kay Bai Yun Xian, hindi maganda ang relasyon ni Ke Cang Ju sa mga tao ng angkan ng Qing Yun. Maliban sa kanyang pag-uusap sa Puno, Qin Yue, hindi niya pinansin ang ibang Tanda.

Mayroon siyang madilim na personalidad at iniwasang makitungo sa ibang Tanda, at ang itsura niya ay hindi rin nagdala ng paglapit sa kanya.

Ngunit, sa katotohanan, si Ke Cang Ju ang pinaka-pinapahalagahang Tanda mula sa labing-isang Tanda, higit pa kay Jiang Chen Qing na laging kasama ni Qin Yue, na hindi nakaranas ng mga pribilehiyong binigay kay Ke Cang Ju.

Binigay ni Qin Yue ang pinakamagagandang pagaaring yaman kay Ke Cang Ju, at nagutos na walang pupunta sa Hidden Cloud Peak, hindi rin ang iba pang Tanda.