webnovel

Spirit Hunt (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Malalim na ang gabi, at lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay nakaramdam na ng pagod. Lahat sila ay nanatili na lamang sa kani-kaniyang kalesa at kumain ng kaunti bago iginupo ng tulog ang pagod nilang mga katawan.

Padating ng madaling araw, unti-unting sumisilip ang sikat ng araw, bumangon na ang mga disipulo. Ang mga nakatatandang disipulo ay may kaunting pamngamba sa kanilang mga puso habang nakatingin sa malawak na kagubatan. Samantalang salungat ang nararamdaman ng mga bagong disipulo dahil ang mga ito ay hindi na makapaghintay sa pagpasok nila sa unang araw ng Spirit Hunt. Ang ibang bagong disipulo ay tahimik lamang na nag-aalala pero nabawasan ang kaba kapag iniisip nilang may nakatatandang disipulo na gagabay sa kanila habang nasa loob ng kagubatan.

Ang mga guro na siyang gumagabay sa paglalakbay na ito ay itinipon ang mga bagong disipulo at ipinaliwanag ang kanilang mga misyon sa loob ng Battle Spirits Forest.

Ang buong Spirit Hunt ay tatagal ng pitong araw at ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay dapat lamang na pumunta sa minarkahang lugar sa timog silangang kanto ng Battle Spirits Forest na kung saan mayroon sila ng detalyadong mapa. Hindi nila inaasahan na magkakaroon ng malaking problema ang mga disipulo habang nasa loob ng kagubatan at ang mga Spirit Beast sa minarkahang lugar ay hindi nabibilang sa mataas na antas.

Hindi kinalimutang ng mga guro na paalalahanan ang mga bagong disipulo na huwag lalagpas sa minarkahang lugar dahil maaring may makasalubong silang mas mataas na antas ng Spirit Beast. Ang daan ay medyo masukal at kung hindi sila maingat, maaaring mawala sila sa gitna ng kagubatan.

Ang bawat disipulo ay mayroong dalawang pailaw na maari nilang sindihan kung sakaling sila ay nasa panganib.Kapang sinindihan nila ito, malalaman ng kanilang mga guro ang lokasiyon nila at mabilis silang mapupuntahan para tulungan. Pero, kapag ginawa ito, mababang marka ang matatanggap niya sa Spirit Hunt.

Kani-kaniyang nagbaon ng pagkain at tubig ang mga disipulo.

Walang itinalagang bilang kung ilan lang ang pwedeng dalhin na pagkain at tubig. 

Ang mga bagong disipulo ng Zephyr ay ipinahintulutan bumuo ng pangkat bago pumasok sa loob ng kagubatan.

Dahil dito, ang mga disipulo galing sa Spirit Healer faculty ay ang paboritong pinipili ng karamihan. Hindi man magaling sa pakikipaglaban ang mga disipulo ng Spirit Healer faculty, hindi mapapalagpas ang pagkakataon na iyon na makakilala ng posibleng maging Spirit Healer sa hinaharap.

Kung kaya naman, isang araw bago ang Spirit Hunt, lahat ng disipulo ng Spirit Healer faculty ay may kani-kaniyang pangkat na.

Ang malalakas ay nakipagsanib sa malalakas, yan ang nakugaliang pagpapangkat sa Spirit Hunt.

Ang pinaka malakas na pangkat ay kinabibilangan ni Lu Wei Xie na pangalawa sa nakalipas na Spirit Hunt, Ning Xin na hinirang na pangatlo sa magagaling, at si Yin Yan na isang disipulo ng Spirit Healer faculty at iba pang magagaling na disipulo ng Zephyr Academy. Ang bilang ng buong pangkat ay may dalawampung miyembro.

Dahil dito, ang ibang pangkat ay hindi na mapili sa kanilang mga kinukuhang miyembro. Sa huli, kailangan lamang nilang maitawid ang pitong araw sa loob ng masukal na gubat at hindi ito madaling gawin. At kahit na hindi sila binubuo ng magagaling, angmalaking bilang ng kakampi ay may pabor sa mga disipulo.

Ngunit, mayroon pang dalawang tao ang hindi pa nakakasali sa kahit na anong pangkat.

Ang pang-apat sa nakarang Spirit Hunt na si Fan Jin at si Jun Xie…

Sa abilidad ni Fan Jin, madali sa kaniya ang makasali sa pangkat pero dahil kasama ni Fan Jin si Jun Xie, ang kinasusuklaman na si Jun Xie, ang mga pangkat ay ayaw silang kuhanin, kahit pa kasama si Fan Jin.

Ang kasikatan at abilidad ni Fan Jin ay hindi naging sapat para kuhanin sila ni Jun Xie na maging kabilang sa mga pangkat. Sa huli, nang natapos na ang pagpapangkat ng lahat ng mga disipulo, tanging si Fan Jin at Jun Xie na lamang ang walang nasalihang pangkat.

"Wala namang problema kung tayo lang Little Xie. Magtiwala ka sa akin. Poprotektahan kita." Saad ni Fan Jin para aluhin si Jun Xie habang tinitingnan niya ang ibang disipulo sa kanilang palibot.