webnovel

Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (7)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ngunit si Qu Xin Rui ay walang balak na talikdan lahat ng uri ng pag-aalinlangan, at hindi rin

naabala kahit kaunti na parehong dugo ang nananalaytay sa kaniya at kay Qu Ling Yue!

Ang mukha ni Jun Wu Xie ay tila nanlamig ng sobra na animo'y may nakapatong na yelo, na sa

sobrang lamig ang hangin sa kaniyang paligid ay naging manipis.

Nasisiyahang ngumit si Qu Xin Rui, ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Jun Xie ay

nagbigay sa kaniya ng matinding pakiramdam ng paghihiganti.

"Little Young Master Jun. Hiniling mo mangyari lahat ng ito. Kung sumunod ka lamang at

nakipagtulungan sa akin, ay hindi ko na kailangan pa na gumawa ng matinding kaguluhan. Sa

huli, ikaw ang nagsangkot sa kanila sa lahat ng ito. Ngunit huwag kang mag-alala, buhay pa rin

ang munting bata bagama't siya ay isa ng nalantang bulaklak, ngunit… kahit paano ay mayroon

pa rin siyang hininga. Kung kusang-loob kang makikipagtulungan sa akin, ay malugod ko siyang

ibabalik pati na ang iyong Spirit Beast sa iyo." saad ni Qu Xin Rui, pakiramdam niya ay

gumagawa siya ng malaking alok.

Naningkita ang mata ni Jun Wu Xie.

Nailatag ni Qu Xin Rui ang lahat ng maganda, ngunit sa totoo, ay hindi mahalaga kung

pumayag si Jun Wu Xie na makatrabaho si Qu Xin Rui, sa huli ay pupuksain pa rin ang

Thousand Beast City. Ang iba't ibang kapangyarihan ng Lower Realm ay mga pawn lamang sa

Twelve Palaces na nasa kanilang kamay at ang gamit lamang nila ay makita ang lokasyon ng

himalayan ng Dark Emperor. Sa oras na makita na ito, maging sino man ang mga iyon ay

patatahimikin sila ng Twelve Palaces.

"Iniisip mo ba talaga na kasing bobo mo ako?" saad ni Jun Wu Xie, malamig na tumawa.

Ang ngiti sa mukha ni Qu Xin Rui ay nawasak.

"Wala akong interes na maging tuta ng Twelve Palaces." ngisi ni Jun Wu Xie.

Ang dalawang salita, Twelve Palaces, ay tuluyang dumurog sa kahinahunan ni Qu Xin Rui at

ang mata niya ang biglang nanlaki habang gulat na naktitig kay Jun Wu Xie.

"Anong sinasabi mo? Paano mo nalaman…?" hindi makapniwala si Qu Xin Rui na naririnig niya

ang salitang 'Twelve Palaces' na lumabas mula sa bibig ng isang tao mula sa Lower Realm!

Dapat malaman na bago niya nakamit ang Purple Spirit ay naging ignorante siya sa

katotohanan na sa ilalim ng Heavens ay mayroong lugar na hindi pa niya naririnig noon. At si

Jun Xie ay napakabata pa, paano niya nalaman na mayroong Twelve Palaces!

Malamig na tumitig si Jun Wu Xie kay Qu Xin Rui. "Ang tanga ay walang karapatang

magtanong."

Noon, ang intensyon ni Jun Wu Xie ay ipataw ang kaparusahan na kamatayan kay Qu Xin Rui.

Ngunit ngayon, ay nagbago ang kaniyang isip.

Ang ekspresyon sa mukha ni Qu Xin Rui ay padilim ng padilim. Naisip niya na ang pagpapakita

ni Jun Xie ay ayon sa kaniyang plano, dahil mayroon siyang kontrol kay Lord Meh Meh at hindi

tututol si Jun Xie. Ngunit lahat ng mga nangyayari dito ay ibang-iba sa kaniyang inaasahan.

Hindi nagpakita si Jun Xie ng kahit anong senyales, siya ay depensibo rin, ang ugali at asal nito

ay mas agresibo kaysa noon!

Ang lahat ng iyon lihis sa plano ni Qu Xin Rui!

Sa Thousand Beast City, matagal na rin na hindi nakakakita si Qu Xin Rui ng sinuman na

nangahas na salungatin ang kaniyang utos. Maaaring sabihin na naging isa siyang diktador sa

loob ng ilang taon sa Thousand Beast City ngunit ang pagpapakita ni Jun Xie ay tuluyang sinira

lahat ng iyon! Ito ang unang pagkakataon na hinangad ni Qu Xin Rui na makuha ang isang tao

at siya ay inignora. Ginawa niya ang lahat ng paraan sa pagtatangka na mapuwersa si Jun Xie

na mapasunod, ngunit ang mga bagay ay hindi umayon.

"Jun Xie, tatanggihan mo ba ang alok na alak at pipiliing inumin iyon bilang parusa? At dahil

alam mo ang tungkol sa Twelve Palaces, siguradong hindi maganda ang iyong katapusan. Hindi

mahalaga kung ikaw, o ang Fire Country na nasa likod mo, kung ihaharap sa Twelve Palaces

kayo ay maliit lamang at mga walang silbi. Hindi ko na kailangang ipaalala sa iyo, kailangan ko

ba?" Kahit gaano katanga ni Qu Xin Rui, halata naman na walang interes si Jun Xie na

makipagtulungan sa kaniya. Hindi alintana kung ang gamitin niya ay ang tungkod o ang karot,

hindi niya nagawang paggalawin kahit bahagya si Jun Xie.