Idinikit ng Sacrificial Blood Rabbit ang kaniyang sarili kay Jun Wu Xie. Matapos maramdaman
na ang panganib ay unti-unti ng nawala, ang kulay pulang dugo na balahibo nito ay unti-unting
naglaho at bumalik sa dati nitong wangis na malambot at nakakaakit na kuneho. Tila naisip
nito na si Jun Wu Xie ay mas magiliw sa malambot at mahinang anyo niyang kuneho. Matapos
magbalik sa dating hitsura ng Sacrificial Blood Rabbit ay bigla itong napasalampak sa higaan at
nagmamakaawang tumingin kay Jun Wu Xie habang malungkot na umiyak, ang tunog ay
sobrang hina ngunit halos ang sakit pakinggan.
Wala na sanag balak si Jun Wu Xie na abalahin pa ang sarili tungkol doon ngunit nang makita
ang munting kuneho na ang katawan ay puno ng sugat, ang puso niya ay lumambot at
nagtungo ito sa kama upang buhatin ito. Marahan niyang sinipat ang mga sugat at ng
masigurong maayos ang mga ito ay nakahinga siya ng maluwag.
"Puu." Tila naramdaman nito na lumambot ang puso ni Jun Wu Xie, ang Sacrificial Blood Rabbit
ay marahang ibinaon ang sarili nito sa braso ni Jun Wu Xie, ang kilos ay mahiyain at makiri.
"Meh!"
[Mapanlinlang na kuneho!]
Ang pagkamuhi ng Lord Meh Meh ay abot hanggang sukdulan at nangangalit ang mga ngipin
nito.
Nais nito magprotesta kay Jun Wu Xie ngunit tinapunan siya nito ng malamig na titig kaya wala
siyang nagawa kungdi ang magmukmok sa isang sulok, sobrang nalungkot ito kaya paulit-ulit
niyang inuntog ang paikot niyang sungay sa paa ng upuan.
[Ang tagapagpakain ay nakahanap ng bagong mahal! Ang tagapagpakain ay hindi na mahal si
Lord Meh Meh! Sobrang lungkot ni Lord Meh Meh!]
Naaawang tinignan ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh habang patuloy ito sa pagmamaktol.
Bumuntong-hining siya at naglakad patungo dito upang buhatin rin sa kaniyang braso. Isang
mahiyain at makiring kuneho sa kaliwa at isang nagmamaktol na Lord Meh Meh sa kanan.
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Jun Wu Xie ay wala talaga siyang magawa.
Kumpara sa malungkot na si Lord Meh Meh, ang pusang itim ay mas kalmado.
Dahil kilala niya ang kaniyang Mistress na hindi nito mapipigilan ang sarili sa mga kaibig-ibig at
mabalahibong nilalang, nahulaan na niyang ito ay mangyayari ng mapagtanto na ang Sacrificial
Blood Rabbit ay isang Guardian Grade Spirit Beast.
Kung nagkaton na isa lamang iyong pangkaraniwang kuneho, maaaring mag-alala si Jun Wu Xie
sa napakaigsing buhay nito at magdesisyon na huwag na itong kunin. Ngunit dahil sa isa iyong
Guardian Grade Spirit Beast na may kakayahang protektahan ang sarili… lalo na at isa itong
mahiyain at makiring kuneho na mapanlinlang din ay paniguradong hindi tatanggihan ito ni Jun
Wu Xie.
Ang pusang itim ay kalmadong iwinasiwas ang kaniyang buntot sa hangin, biglang naisip na
ang trabaho nitong pagsasalin ay mas dumami.
Hindi magtatagal, ay magiging top scholar na siya bilang tagasalin para sa Beast Speech!
Bagama't ang mapanlinlang na kuneho ay nahuli, ito ay isang batang Spirit Beast na hindi pa
gumugulang at higit pa doon, ay naranasan nito ang mabinggit ang buhay sa kamatayan kaya
ito ay mahina pa at malipas ang ilang sandali ito ay nakatulog. Nakatulog ito ng matiwasay na
tila buo ang tiwala nito sa kaniyang bagong amo, ibinaba ang kniyang depensa.
Walang magawa si Jun Wu Xie kungdi dalhin ang dalawang hayop pati ang itim na pusa upang
mahiga sa higaan at maya-maya pa ay nakatulog na rin, hinihintay ang kaniyang hamon sa
nangungunang ranggo ng Spirit Beast Arena na magsisimula bukas.
…
Sa loob ng Icy Frost Clan Hall ay itinutulak ni Shangguan Miao ang isang tupa papasok sa isang
malaking kulungan na gawa sa bakal. Ang kaniyang ama ay ang Deputy Hall Chief ng Icy Frost
Clan. Bata pa ito at hindi pa opisyal na itinuturing na miyembro ng Icy Frost Clan.
Nang biglang pumasok ang mga tagapagsilbi ng mansyon dala ang balita.
Matapos marinig ni Shangguan Miao ang balita ay tumaas ang kilay nito.
"Mayroong nangahas na hamunin ang aking Six Armed Black Ape?" gulat si Shangguan Miao.
Bagama't ang kaniyang Spirit Beast ay isang mababang uri lamang ng Spirit Beast ngunit ang
kapangyarihan nito ay napakalakas at halos maikukumpara na sa isang mas mataas na uri ng
Spirit Beast. Matapos manalo ng sampung sunud-sunod na laban ay agad niyang hinamon ang
nangunguna sa Spirit Beast Arena at nagawang mahuka ang trono. Bagama't may ilang tao na
humamon sa kaniya ngunit lahat ng Spirit Beast ng mga iyon na tumapak sa entablado ay
naging pagkain ng kaniyang Six Armed Black Ape. Sa mga nagdaan na araw ay wala na ngang
nangahas na maghamon sa kaniya.
"Anong uri ng bulag ito ngayon?" lumabas si Lin Feng mula sa bahay. Nagtungo siya doon
upang makipag-usap sana kay Shangguan Miao at hindi inaasahan na narinig niya ang balita na
mayroon humahamon dito.