webnovel

Panahon na (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Determinado si Jun Wu Xie na lumahok sa nalalapit na Spirit Hunt at hindi siya nakumbinse ni Fan Zhuo na hindi ituloy ang pinaplano at kahit isama pa si Fan Jin sa pagkumbinse sa kaniya, hindi na magbabago ang kaniyang desisyon.

Mabuti at si Fan Jin ay makakasama ni Jun Xie sa Spirit Hunt at buo ang tiwala ni Fan Zhuo sa kakayahan ng kaniyang kapatid.

Pinaalis ni Fan Zhuo si Ah Jing nang gabing iyon. Umiyak si Ah Jing at maingay na tumatangis. Dahil sa inis ni Fan Jin kay Ah Jing, hindi niya na napigilang suntukin ito, dinala sa silid-aralan ng Headmaster at ibinagsak sa kay Fan Qi.

Sa araw ng Spirit Hunt ay matulin na papalapit at ang aktibidad ay magtatagal nang pitong araw. Iginagayak na ni Jun Wu Xie ang lahat ng gagamitin ni Fan Zhuo sa pagpapagaling habang si Jun Wu Xie ay wala. Iiwan nito ang maliit at itim na pusa sa bamboo grove.

Nang malaman ng magkapatid na Fan na iiwan ni Jun Xie ang pusa ay mabilis silang tumanggi.

Sa nakikita nila, ang maliit na itim na pusang ito ang ring spirit ni Jun Xie at mababa man ang antas ng maliit na pusa, magiging proteksiyon pa din ito sa maliit na pangangatawan ni Jun Xie.

Ang intensiyon sana ng pag-iwan ni Jun Xie sa maliit at itim na pusa ay ang m atukoy ang tunay na lumalason sa kay Fan Zhuo. Ngunit kahit iwan niya pa ang pusa, hindi rin makakapagpanggap si Fan Zhuo na may dinaramdam pa kaya inabandona na ni Jun Xie ang ideyang iyon.

Ilang araw bago ang Spirit Hunt, pinili ni Jun Xie na mapag-isa. Ang paggaling ng kaniyang Snow Lotus ay umaayos naman na at kailangan niya pa ang nalalabing mga araw para mapabilis ang paggaling ng kaniyang Snow Lotus at maibalik ang dati nitong kapangyarihan.

Ang pinagandang Soirit Healing technique ay dahan-dahang pinapaggaling ang kaniyang Snow Lotus hanggang sa maibalik nito ang elegante nitong anyo.

"Ano ang totoo mong pakay sa pagsali sa Spirit Hunt?" ang maliit na itim na pusa ay nakahiga sa mesa, ang buntot nito ay nahahaplos ang bulaklak ng kaniyang Snow Lotus.

Hindi nito pinapaniwalaan ang kaniyang amo na ang dahilan ng paglahok nito sa Spirit Hunt ay ang mapagbigyan ang hiling ng mga disipulong iyon na puno ng pagkamuhi sa kanilang mga puso.

Ang mga kamay ni Jun Wu Xie ay maingat na nakapatong sa itaas ng Snow Lotus, at ang kaniyang spirit power ay dumadaloy mula sa kaniyang palad papunta sa puting bulalak ng kaniyang Snow Lotus at sa kabuuan nito.

"Matagal na ako sa orange level." Marahang sagot ni Jun Xie.

Kumislap ang mga mata ng maliit na itim na pusa.

"Haha! Nakapili ka na ng malas na tao?"

Para umakyat mula sa orange level, kinakailangan niyang kuhanin ang ring spirit ng iba. May katagalan na rin siya sa orange level ngunit wala siyang mapiling naaangkop na ring spirit. Nang binanggit ni Jun Wu Xie iyon, mabilis na naintindihan ng maliit na itim na pusa kung ano ang gusting mangyari ng kaniyang amo.

"No." sagot ni Jun Wu Xie.

Kumisap ang mga mata ng maliit na itim na pusa habang nag-iisip. Base sa pagkakakilala niya sa kaniyang amo, nanghula ito "Hinihintay mo lamang kung sino ang kusang lalapit sa iyo at magpapakain sa iyo?"

Marahang tumango si Jun Xie. "May taong gusto akong lumahok sa Spirit Hunt, at ibig sabihin nito may nakahaing plano na para sa akin. Kahit sino pa iyon, kailangan kong magpasalamat sa kanila."

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na siya sa kung sino man ang makakapagbigay sa kaniya ng ring spirit.

"Oo nga pala, hua Yao at ang iba pa ay lalahok din sa Spirit Hunt, panahon na para kitain natin sila." Noong nakaraan sa Cloudy Peaks, ang Two Headed Bone Snake at ang Yin Yang Bear ay nakatamo ng malubhang sugat at dahil sa natutunan na ni Jun Xie ang Spirit Healing technique, natural na maiisip niya ang mga ito.

"Gagaling bas a mga susunod na araw ang hangal na namumukadkad na bulaklak na ito?" tanong ng maliit na itim na pusa habang nakatingin sa Snow Lotus.

"Oo." Ibinaba ni Jun Xie ang tingin, ang kaniyang mga mata ay puno ng determinasyon.

Sa paglipas ng mga araw, ang pinakahinihintay na araw ng Spirit Hunt ng Zephyr Academy ay dumating na.

Maaga pa lamang, ang lahat sa loob ng Zephyr Academy ay inihahanda na ang kani-kaniyang sarili para sa paglalakbay na gagawin sa Battle Spirits Forest.

Pagdating sa loob ng gubat, ang ilan sa kanila ay magtatangka nang mapataas ang antas na meron sila habang ang iba ay maaring mawalang ng buhay dahil sa mga pakalat kalat na hindi makilalang mga Spirit Beast sa loob ng kagubatan.

Daan-daang kalesa ang nakapila palabas ng Zephyr academy.