webnovel

Pambibintang (5)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nag-angat ng ulo si Jun Wu Xie at tumingin kay Hua Yao na nasa malalim na pag-iisip.

"Brother Hua, tapos na ba ang lahat ng laban mo?"

Tumango si Hua Yao bilang sagot. Maliban sa hindi inaasahang insidente sa first battle district ngayon, ang lahat ng battle districts ay nagpatuloy. Napagdesisyunan na rin ang mga nanalo sa siyam na laban. Silang lima ay nanalo at walang kahirap-hirap na nakapasok sa top ten.

"Gaano pa katagal para malaman ang top ten ranking?" Sunod na tanong ni Jun Wu Xie.

"Limang araw pa." Sagot ni Hua Yao.

"Limang araw..." Tumingin sa sahig si Jun Wu Xie at biglang tumayo. Lumapit siya sa pinto ng kulungan at may inilabas na karayom galing sa buhok nito. Inilabas niya ang kaniyang kamay at inabot ang kandado ng kulungan saka isinuksok doon ang karayom.

Narinig nila ang click ng kandado at nagbukas nag pinto.

Napanganga naman sina Qiao Chu dahil sa husay ni Jun Wu Xie na magbukas ng kandado.

"Little Xie...kailan mo pa iyan natutunan?" Namamanghang tanong ni Qiao Chu. Kalmadong nabuksan ni Jun Wu Xie ang kandado gamit lang ang isang karayom samantalang sila ay naisipang gumamit ng spirit power.

"Natutunan ko sa kaibigan ko." Sagot ni Jun Wu Xie habang itinatago ang karayom sa kaniyang buhok. Natutunan niya iyon sa isang tao. Hindi niya inakalang magagamit niya iyon sa kaniyang muling pagkabuhay.

"Ang galing!" Komento ni Qiao CHu.

Muling sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi ako ganon kagaling. Kung ang kaibigan kong nagturo ang gumawa non, hindi iyon aabot ng tatlong segundo..." Bahagyang nabasag ang boses ni Jun Wu Xie. Agad niyang binura ang namuong emosyon sa kaniyang puso at naglakad na palabas ng kulungan.

"Akala ko ba ay hindi ka muna aalis dito?" Pang-aasar na tanong ni Rong Ruo kay Jun Wu Xie.

"Hindi ako aalis." Sagot ni Jun Wu Xie. Naguluhan nanaman ang lahat. Tumingin siya kay Hua Yao. "Brother Hua, palitan mo muna ako."

"..." Walang lumabas na salita sa bibig ni Hua Yao. Ilang minuto muna nitong prinoseso ang sinabi ni Jun Wu Xie.

"Kailangan kong lumabas sa umaga at si Hua Yao ang papalit dito. Babalik ako sa gabi." Ayaw ni Jun Wu Xie na umalis ng ganun-ganon na lang. At dahil mayroong gustong makulong siya, hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito.

"Anong balak mo?" Tanong ni Qiao Chu.

"Tungkol sa totoong nangyari, si Qu Ling Yue lang ang nakakaalam. Sa oras na bumalik ang kaniyang malay, lalabas ang katotohanan at mawawalan sila ng rason para ikulong ako dito." Paglalahad ni Jun Wu Xie sa kaniyang plano. 

[Dahil gusto nilang maglaro, bibigyan niya ito ng magandang laro.]

Naintindihan naman agad ni Hua Yao ang gustong mangyari ni Jun Wu Xie. Hindi na ito nagtanong pa ulit at agad na nagpalit ng anyo. Ngayon ay gayang-gaya na nito ang itsura ni Jun Wu Xie.

Malamig din at mailap si Hua Yao katulad ni Jun Wu Xie. Ngayong magkatabi sila, halos hindi mo matukoy kung sino talaga sa kanila si Jun Wu Xie.

"Lalabas ka na ba ngayon o bukas?" Tanong ni Hua Yao na parehong-pareho sa boses ni Jun Wu Xie.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Ngayon."

Tumango naman si Hua Yao at agad nang pumasok sa kulungan. Dahil pareho naman silang nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy, hindi na nila kailangang magpalit ng damit.

Habang madilim at tahimik ang paligid, maingat na lumabas si Jun Wu Xie sa kulungan kasama sina Qiao Chu. Ang dalawang guwardiya sa main door ng kulungan ay mahimbing ang pagkakatulog. Hindi namalayan ng mga ito ang ginawa nina Jun Wu Xie.

Pagkalabas na pagkalabas ni Jun Wu Xie ay tinawag nito si Ye Sha.

"Magpunta ka sa Imperial Palace." Utos dito ni Jun Wu Xie.

Tumango naman si Ye Sha at agad na naglaho sa kadiliman ng gabi.