webnovel

PAGPALIT NG PAMUMUNO (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Limang karayom ang diretsong isinaksak sa mga mata ng Emperor, isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng Emperor at napaluhod ito galing sa pagkakaupo nito sa kaniyang trono.

Walang reaksyon na tinignan lang siya ni Jun Wu Xie. Walang bahid ng awa ang mkikita sa mukha nito.

Hindi niya hahayaang mamatay ang Emperor na hindi nakakaranas ng matinding sakit. Matindi ang atraso nito sa Jun family kaya naman walang makakapigil sa kaniya. Pagbabayarin niya ito sa ginawa nito sa kaniyang pamilya.

"Itapon niyo ang tatlong iyan sa piitan." Utos niya sa malamig na tinig.

Bahagya namang nagulat ang mga sundalo ng Rui Lin army sa pinapakita ni Jun Wu Xie at nakalimutan na niya ang posisyon ng Emperor.

Paanong pagpapatalsik ito sa pwesto? Ito ay pagpatay sa hari!

Makalipas ang ilang sandali, ang Emperor, Second Prince at si Bai Yun Xian ay kinaladkad na patungo sa piitan. Parang kahapon lang ang tatlong ito ay maapagmataas at matatapang, ngayon ay para itong mga asong palaboy, walang awang dinurog ni Jun Wu Xie ang kayabangan at dignidad ng mga ito.

Nakatitig si Mo Qian Yuan sa bakanteng trono.

Ano ang nangyari?

Nakapag-isip na siya ng kaniyang talumpati, gayon man wala ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Nalutas lahat ni Jun Wu Xie…sa pinakasimple at pinakamagaspang na pamamaraan!

"Ang may sala ay nakalusot sa Palasyo at nilason ang Emperor at Second Prince. Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas ang Emperor sa lason at tuluyan na tayong iniwan. Hindi maaaring magpatuloy ang Kaharian na walang namumuno nito." Pinunasan ni Jun Wu Xie ang kaniyang malambot na kamay at walang reaksiyong tinignan si Mo Qian Yuan.

Hindi pa din makapaniwalang tinignan ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie. Hindi niya maitago ang kaniyang emosyon. Ang babaeng ito! Sa simpleng salita, nagawa niyang paniwalain ang lahat sa sinabi nito at nabigyan siya ng katanggap-tanggap na rason para umupo sa trono.

Ang mga sinabi nito ay madaling hanapan ng butas, gayon pa man ay hindi malayo ang pagkakatulad nito sa tunay na nangyari sa Imperial City.

Ang lason ay nababakas sa Yu Lin army, kaya naman kung ang Emperor at Second Prince ay nalason, hindi ito mahirap paniwalaan.

"Ano ang plano mo sa kanila?" Hindi napigilang magtanong ni Mo Qian Yuan.

Ang pamamaraang ginamit nito ay tuso at walang awa, ang hayaang mabuhay ang mga ito ay paniguradong maghihirap ang mga ito.

"Hindi magtatagal ay darating ang Qing Yun Clan sa Imperial City, kay naman hindi pwedeng mamatay si Bai Yun Xian---sa ngayon." Tumungo si Jun Wu Xie nang maalala niya ang banta ni Bai Yun Xian.

Hindi niya mawari kung paano nito nagawang tumawag sa Qing Yun Clan, sa ngayon, kailangan niya itong panatilihing buhay.

"Hahayaan mo siyang buhay? Pero paano kung magawa nitong makausap ang mga ito at sabihin nito ang katotohanan…" Hindi magawang maisip man lang ni Mo Qian Yuan ang magaganap kung sakaling mangyari ito. Hindi siya natatakot na malaman ng mga tao ang katotohanan, ang ikinakakatakot niya ay ang ganti ng Qing Yung Clan kapag nalaman nila. "Matindi ang pagpoprotekta ng Qing Yun Clan's Sovereign sa mga disciples nito, may isang insidente noon nang may isang grupo ng Qing Yun Clan disciples ay naglalakbay at sila ay pinagnakawan. Hindi lang ang grupo ng mga tulisan na nandoon sa pangyayari ang kanilang pinuksa, kundi pati ang mga opisyales at ang kanilang buong pamilya ang dinamay at pinarusahan. Si Bai Yun Xian ay isang Sovereign direct disciple kaya, kung malaman ng kaniyang master na siya ay pinahirapan dito, natatakot ako sa magiging kahihinatnan.."

Saglit na sinulyapan ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan. "Hindi nila malalaman."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi magsasalita si Bai Yun Xian kahit isang salita lang." Sagot naman ni Jun Wu Xie.

Naguguluhang tinignan siya ni Mo Qian Yuan, hindi niya alam ang mga kakayahan nito na hindi pa nito ipinapakita sa kaniya. Kahit na sinabihan siya ni Jun Wu Xie na mag-alala, hindi niya maiwasang hindi mag-isip.

"Sa ngayon, ang dapat mo lang alalahanin ay ag pagtanggap mo sa trono, hindi mo kialangan mag-isip ng ibang bagay." Saad ni Jun Wu Xie bago umalis.