webnovel

Paghabol sa Pagdurusa (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Little Xie, hindi mo ba nakikilala si Yin Yan? Siya ang kasama mo silid noong ikaw ay nasa dormitoryo." Pilit na ngumiti si Ning Xin. Maingat nitong inobserbahan ang reaksyon ni Jun Xie.

"Hindi." Sagot ni Jun Xie. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin.

Naramdaman ni Yin Yan na parang nag-iinit ang kaniyang tenga. Ikinukwento pa lang ni Ning Xin kanina kay Fan Zhuo kung gaano siya kalapit kay Jun Xie. Tapos ngayon, heto si Jun Xie at itinatangging kilala siya nito. Para itong sinampal dahil doon.

Sa oras na iyoon, hinihiling ni Yin Yan at Ning Xin na sana ay lamunin na lang sila ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Siguradong-sigurado sila na kaya ganon na lang ang pakikitungo sa kanila ni Jun Xie ay dahil kay Yin Yan. Ngunit ngayon, parang may iba pa talagang dahilan.

Pinipilit naman ni Yin Yan na kumbinsihin ang sarili na dapat niyang isumite ang kaniyang sarili sa kasalukuyang sitwasyon at yumukod kay Jun Xie.

Subalit hindi niya inaasahang hindi man lang siya makikilala ni Jun Xie.

Nabalot ng katahimikan ang kubo. Nakayuko ang ulo ni Yin Yan dahil sa labis na kahihiyan.

Para namang hindi napansin ni Fan Zhuo ang nakakailang na sitwasyon at ngayon ay Binasa ang katahimikan: "Hindi mo siya natatandaan? Hindi 'yan maaari, ikinukwento pa lang sakin ni Ning Xin kanina na kayo ay malapit ni Yin Yan. Kaya naman pumarito siya dahil ikaw daw ay kaniya nang na-mimiss. Alalahanin mong mabuti Little Xie."

Malumanay ang boses ni Fan Zhuo. Ang ekspresyon sa mukha nito ay puno ng pag-aalala.

Ngunit mas gugustuhin na lang ni Ning Xin at Yin Yan 'wag itong magsalita!

Kung hindi sinabi iyon ni Fan Zhuo, hindi malalaman ni Jun Xie ang kanilang tunay na intensyon. Ngunit dahil nasabi na iyon ni Fan Zhuo, napagtanto na ni Jun Xie na ang mga ito ay pinipilit na mapalapit sa kaniya.

Sa oras na iyon, nabura ang ngiti sa mga labi ni Ning Xin. Nakita niya si Jun Xie na nakatitig sa kaniya, kaya naman siya ay naasiwa. Pakiramdam niya, siya ay binabalatan ng titig na iyon.

Mas lalo siyang hindi naging komportable. Lahat ng salitang kaniyang inihanda ay naglaho. Ang malamig na "hindi" ni Jun Xie ay itinapon ang kaniyang mga plano.

Hindi niya alam kung paano magpapatuloy.

At para mas palalain pa ang sitwasyon, nagsalita pa si Fan Zhuo, dahilan para mas lalong mapahiya si Ning Xin.

Hindi na kaya pang magtagal doon ni Ning Xin. Nanigas ang kaniyang likod at agad na tumayo. Namumutla ang kaniyang mukha kasabay ng agad na nagpaalam saka mabilis na umalis.

Agad namang sumunod si Yin Yan nang walang pasabi.

Nang tuluyan nang makaalis ang dalawa, humagalpak ng tawa si Fan Zhuo. Hindi na nito kayang pigilin pa iyon.

"Malamang ay hindi na matiis ni Ning Xin kaya agad itong umalis. Mukhang nasagad siya ngayong araw." Pinaikot ni Fan Zhuo ang tsaa sa kaniyang tasa. Ang ngiti nito ay umabot sa kaniyang mata.

Sabay silang lumaki ni Ning Xin, kaya naman kilalang-kilala na niya ang tunay na pagkatao nito. Mukha lang itong mahinhin sa palabas ngunit sa loob nito ay masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. Ang sunod-sunod na sampal dito ni Jun Xie ay malamang nakapagpabaliw ng husto kay Ning Xin.

Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie. Hindi niya maalalang may sinabi siyang masama.

"Dahil naparito sila para manghingi ng pagdurusa, hindi ba't dapat lang na tuparin ko ang kanilang kahilingan?"

Hindi pa siya gumagawa ng kilos laban sa mga ito, tapos ay naparito si Ning Xin at kumakatok sa kanilang pintuan, hinihiling na magdusa. Bakit niya tatanggihan ang mga ito?

Marahang tumawa si Fan Zhuo at nagpangalumbaba habang nakatitig kay Jun Xie.

"Nabubuhayan ako ng kuryosidad kung ano talagang nangyari sa Battle Spirits Forest at ganon na lang ka gustong mapalapit sa'yo ng isang taong mapagmataas. Nararamdaman ko ang galit niya sa'yo ngunit itinatago niya ang kaniyang panggagalaiti sa likod ng matatamis na ngiti. Tingin ko ay may kailangan siya sa'yo?"